Chapter 47
Luke's POV.
It's Already 10 A.M at nababawasan naman na ang dumadating na pasyente sobrang naging busy rin ako lalo na nitong mga umaga, ngunit agad na hinanap nang mata ko si Mia.
Hindi ko kasi naririnig ang boses niyang maingay, Simula kagabi Dalawa sila ni doctor romeo ang naging parang duty. Nang mapatingin sa Nurse station ay nakita ko si Mia na parang antok na antok katabi pa nito si Doctor Kiro, kaharap si Nurse Jill at Nurse Jessa.
"About the CT scan?" nagmasid ako habang tinitignan si Mia na parang antok na antok.
"The patient is under the process in the CT room right now, Doc." sagot ni Nurse Jessa rito.
"How long does it take?" tanong pa ni Mia.
"It might take 10 to 20 more minutes to be done, Doc." sagot naman ni nurse Jill.
Ngunit matapos sagutin yon ay mas nagtaka akong tinitigan si Mia na unti unti nang napapayuko.. Nakita ko naman kung papaano nila tignan si Mia na papikit na.
Naglakad ako papalapit at nakita ko si Doctor Althea na pinanonood rin si Mia nang may pagtataka, ngunit
pagkaharap ni doctor althea ay tumama siya saakin kaya naman tinignan ko siya.
"Doctor L." sambit niya at ngumiti pa.
"What's wrong with Dr.Mia?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay Mia.
"About that Doc, nakatulog kasi halos lahat tayo kagabi.. Silang dalawa lang ni Doctor Romeo ang nag assist at nag revive sa Cardiac patient." tumikhim pa si Doctor Althea.
"Nag assist rin po siya sa Operation, dalawa po yun kaya ganyan nalang siya kapagod. at hindi po siya inaallow ni Doctor Yasmine matulog pa.." napamaang ako tapos tinignan si Mia na muntik nang matumba sa pagkakayuko dahil nakadantay lang naman ang nga kamay niya.
Buti nalang nahawakan siya ni Doctor Kiro ngunit nang mapaharap siya saakin ay naningkit ang mga mata niya tapos tinuro ako. "Ya!" sigaw niya kaya naman napalingon ako sa Paligid.
Umalis naman na si Doctor Althea kaya naman pinanood ko nalang siyang humakbang ngunit pagewang gewang siya, pag antok na antok ka talaga hindi mo na alam ang ginagawa mo.
"Gosh! Stop moving." napamaang ako siya nga yung gegewang gewang hindi ako.
Nang makalapit siya ay Hinawakan niya ang Kwelyo nang Hospital Coat ko.. "You jerk!" napamaang ako dahil habang sinasabi niya yon ay galit siya ngunit halatang antok na antok.
"Wae?" mahinang sabi ko.
"Y-ya." napatitig ako sakanya ngunit agad akong natigilan nang unti unti siyang mapayuko at agad na naisandal ang Ulo niya sa Dibdib ko.
Napatingin ako sa nga kasama at saka napalunok nalang. "Mia." tawag ko pa sakanya pero mukhang nakatulog na ata.
Unti unti namang nahulog ang pagkakahawak niya sa sa kwelyo ko at tuluyan na nga siyang hindi gumalaw sa pagkakasandal sa dibdib ko.
Napabuntong hininga ako tapos hinawakan ang kamay at saka Doon siya nagising nang hilain ko siya, nang mahila ko siya ay Binuksan ko ang Pintuan nang Banyo tapos ay Ihinarap ko siya sa Sink.
"Wake up Sleepy head." seryosong sabi ko, ngumuso siya.
"You betrayed me, Tinanong kita about that Potassium hindi para sabihin mo sa iba!" napamaang ako nang isigaw niya yon.
"I hate you.. I hate you so much!" napatitig ako sakanya tapos tumawa.
"Then hate me, what's the point?" mariing sabi ko tapos tinignan siya sa mata at saka ako naglakad papaalis sa harap niya.
"I can't believe her." mahinang sabi ko sa sarili, She's hating me because of that while i can't hate her at any cost!
Mia Jasmin's POV.
Naghilamos na ako tapos napabuntong hininga, Nagising ako sa malamig na tubig na galing a Faucet.. Kinuha ko ag Cellphone at tinawagan si Gray, hindi pa nagtatagal ay sinagot niya na ito.
"Are you brokenhearted again?"
"I hate him."
"Why is that?"
"I need you, i want out of here for a minute.."
"Mm, Wait me then."
"Thank you."
Pinatay ko na ang tawag tapos dumeretso ako sa doctors room at nag alis nang Coat at saka ako huminga nang malalim, lumabas na ako matapos icheck si Jaejae at saka dumeretso sa Parking lot nang GRS.
Maya maya lang ay may dumating na taxi at nang makita ko si gray ay Sumakay ako kaagad doon nang makapasok ay narinig ko kaagad ang malakas na pag buntong hininga niya.
"You look pale, did you get any sleep?" umiling ako sakanya bilang sagot.
"Doon tayo sa Hotel ko kung ganun, I'll let you sleep." tumango ako at tumulala sa bintana.
Nang makarating ay tumungo kaagad ako sa Bed niya at saka nagtakip nang Kumot. "Matulog ka muna, Magtatrabaho lang ako." aniya ni Gray kaya naman di na ako nagsalita.
Through laptop siya kung magsend nang files kaya naman hindi siya apektado kahit saang lugar siya depende nalang kung Trial.
***
Nagising ako dahil nakarinig ako nang nag uusap mag isa lang naman si Gray bakit tatlong boses ang naririnig ko?
Dahan dahan akong uminat at nagmulat tapos nanlaki ang mata ko nang makitang nakatitig saakin si Luke, Gray at si Doctor Romeo.
"Are you good?" napabangon ako tapos mabilis na tumayo nang deretso at nag bigay galang kay Doctor Romeo.
"Yes doc, babalik na rin po ako sa Ospital." aniya ko tapos makahulugang tinignan si Gray na nagkibit balikat saakin.
"Sumabay ka na saamin kung ganun." tinignan ko si Luke tapos Napanguso nalang sakanya at saka bahagyang yumuko ulit.
"Wait lang Doc, I'll just talk to him." turo ko pa kay Gray nakangiti namang tumango si Doctor Romeo tapos naupo sila sa Sofa kaya hinila ko si Gray.
"What happend?" tanong ko.
"I didn't know, Basta nalang silang kumatok at ayan na." sagot ni Gray.
"Kanina pa ba sila?" mahinang tanong ko.
"30 minutes I guess, pinag coffee ko lang sila." sagot ni Gray.
"Nakakahiya, Panget ba ako matulog?" tanong ko kay Gray pero tinawanan niya ako nang mahina.
"You're pretty." sagot niya saakin.
"Wala ka namang kailangang pagandahan diba? Co-Doctors mo naman sila." aniya ni Gray kaya tumango ako.
"Can i barrow some clothes?" mahinang tanong ko sakanya tapos pinakita ang suot ko sakanya, natawa siya pero nagulat ako nang may damit na sumampay sa Balikat ko.
"Why bother, May dala ako." napatingala ako kay luke na seryosong seryoso at saka ko naamoy ang pabango niya sa Damit na nasa balikat ko.
"No need doctor L ako na magpapa—"
"Hawak niya na, Hindi ko na tatanggapin yan pabalik." aniya ni luke tapos bumalik na sa pagkakaupo kaya naman pumasok na ako nang Banyo pero pagkapasok ay Tinignan ko pa ang damit at pagkabuklat ko nito mas kumalat ang amoy.
Yung Fabric Conditioner niya ba is yung pabango niya? Hays hindi pwede tong ginagawa ko para akong manyakis amp nang masuot ito ay tinuck in ko tapos tinupi ang Sleeves niya dahil sobrang haba.
Matangkad siya eh.. Nang makalabas ay syempre nag mouthwash na rin ako. "Aalis ka na ba?" tanong ni gray saakin kaya naman tumango na ako.
Nakatayo naman na sila Luke at doctor romeo kaya naman nginitian ko si Doctor Romeo. "I'll see you next time, Bye." paalam ko kay Gray at nang lumapit siya saakin para humalik sana sa Pisngi ko nang bigla akong hilain papalayo kaya naman napamaang ako.
"W-what the hell." sambit ko pero dineretso na ako nito sa labas nang Hotel room napairap ako tapos inalis ang pagkakahawak niya saakin.
"Kanina pa ko napipikon, Duty tayo nang ospital tapos umalis ka." umirap naman ako tapo ngumuso na at kay doctor romeo sumabay.
5 P.M na rin pala para pa akong inaantok pero unti unting nag sink in sa isip ko ang ginawa sa Emergency room. "Ya." dahan dahan akong lumapit kay Luke tinignan niya naman ako tapos pinindot na ang button sa Elevator.
"Nakakahiya ba yung ginawa ko kanina?" mahinang tanong ko.
"Ye." tipid na sagot niya kaya naman napamaang ako.
"Aish.." nakagat ko ang labi tapos yumuko na.
Nang makabalik sa Ospital ay agad akong nilapitan ni Doctor Althea. "Nakakahiya ka kanina Doc, sumandal ka lang naman sa dibdib ni Doc L at nakatulog." Napanguso ako nang sabihin niya ito saakin.
"Kaya ayokong hindi natutulog nang mahigit isang araw." mahinang sabi ko.
"Tsk Doctor Mia, Matigas ba?" agad na sumeryoso ang mukha kong tinignan si Doctor Althea.
"Ang alin?" gulat na tanong ko.
"Yung dibdib ni Doctor L, tumama rin kasi ako pero hindi mo naman ako kasing tangkad." ngumuso ako sakanya.
"Hindi ako manyak Doc, Tantanan mo ko nakakahiya na nga e." mahinang sabi ko pero tinawanan niya ako tapos nginisian.
"Ikaw ha."
"Doctor Altheaaa." sita ko pero humagikgik nalang siya at Nag lollipop na.
Nang makarating sa E.R ay agad akong nilapitan ni Doctor Kiro. "Okay ka na Doc?" tumango ako at ngumiti sakanya.
"Akala namin napano ka na." aniya pa niya kaya tipid akong ngumiti.
Pagsapit nang 12 A.M ay hindi na kami nagkaroon pa nang pasyente kaya naman pinagpahinga na kami dumeretso ako sa Doctors Room tapos agad na nahiga sa Kama at saka nag inat ako ang kauna unahang pumunta rito.
Pipikit na sana ako nang makarinig ako nang ingay sa labas nang Doctors room kaya naman nagtataka akong bumangon at saka Lumabas. Ngunit nakita ko si Luke na may Kaaway.
"Gusto mo bang malaman nang lahat kung saan ka nagtatago?! Walang maibubuga yung katapangan mo saamin! Sumama ka saamin!" tatlong lalake lang naman yon kayang kayang patumbahin ni Luke kahit di gamit ang kamao.
"Easy man, Sasama ako. Relax wag lang kayo dito gumawa nang gulo." kalmadong sabi ni luke kahit na may sugat ang gilid nang mukha niya.
Inakay nila si Luke kaya naman dahan dahan akong naglakad papasunod sakanila, wala na kasing katao tao pag ganitong oras. Tama sinabi saakin ni kent na ang Katana ko ay nasa Likod nang sasakyan ko.
Nakita ko kung papaano nila pilit na isinakay si Luke sa kanilang sasakyan kaya tumakbo ako papunta sa sasakyan ko at mabilis na Sinundan ang sasakyan nila.
Habang nagmamaneho ay nag susuot ako mang seatbelt, tapos sinundan ko sila nagtataka akong nag slow down nang lumiko sila sa isang papasok.
Napakagat ako sa labi at saka ipinarke ang sasakyan ko sa bungad at saka ako mabilis na pumunta sa Labas at tumungo sa likod nang sasakyan ko nang buksak ay nakita ko kaagad ang Isang Itim na lagayan.
Kinuha ko yon at isinabit sa balikat ko tapos sinundan sila, nang sa parteng pader at may isang ilaw nalang ay nakita ko kung papaano nila Inabuso si Luke. "Pare alam naming mapera ka, ano ba naman at hindi mo kami mabigyan nang 10 thousand dollars." nakita ko naman ang pag ngiti ni Luke.
"Mahigit isang daang libong dolyar na ang naiambag ko, hanggang ngayon binabantaan niyo pa rin ako kada nangangailangan kayo nang pera." sagot ni Luke pero dahil sa sinabi niya ay sinapak siya pero di siya nanlaban.
"Ibibigay mo ba o mandadamay kami nang kasamahan mo sa ospital?!" sigaw nang lalakeng yon kaya naman napamaang ako nang makita kong naglabas nang pera si Luke.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan niyo ito balak gawin pero hindi na ako natutuwa, tigilan niyo na ako." maayos na pakiusap ni luke bakit ba natatakot siya!
Kaya naman dala dala ang Katana ko na ansa loob nang lagayan niya ay lumabas ako sa Pinagtataguan. "Talaga bang yan nalang ang alam niyong gawin? Manghuthot at mang blackmail?" malakas na sabi ko nang lingunin nila ako ay tumawa sila nang malakas.
"At sino naman to? Savior mo?!" nang iinsulto nilang sabi saakin.
"Gusto mo malaman?" tanong ko tapos tumapat sa mismong ilaw.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Luke saakin, gulat na gulat.
"Wala ka na don, Akin ka. May kasalanan ka saakin nakakalimutan mo na ba?" sumbat ko.
"A-ano?" gulat na sabi ni Luke.
"Ako ang tatapos sayo, maniningil ako. Hindi ko kilala kung sino tong mga singit na mukhang singit." mariing sabi ko dahilan para magalit ang mga lalakeng huthutero.
"Ipapaubaya niyo ba saakin ang isang to o gusto niyong magsimula kayo nang panibagong kaaway?" seryosong tanong ko.
"Sinong tinatakot mo babae? HAHAHAHA tara tangina pag natalo ka Ikakama ka namin!" sigaw nang isa at proud na proud pa sa sarili niya.
"Excuse me lang, kuyang manyak na mukhang butete. Baka makalimutan mong babae ako pag nakaaway mo na ako?" sumbat ko nagalit ang mga mata niya.
"Manyak na butete?! Aba! Hinahamon kita!" sigaw nito saakin kaya ngumisi ako, Naglakad ako papalapit konti tapos ay Inalis ko ang paglakasabit nang bag sa balikat ko.
"Bawal akong manapak kasi Doctor ako, Kaya ito nalang." nakangising sabi ko sakanila at dahan dahan na binuksan ang Bag sa harap nila, nagulat sila nang mapatingin sa Makinang kong katana.
"Minsan ko lang to nagamit, uhm daliri palang naman ang nasubukan kong putulin. Try naten?" nakangising tanong ko tapos Sinubukang Ibwelo ang espada at naging matunog ito dahil sa hangin.
"Panakot mo lang yan, Halika at kalabanin mo ako." hamon nito kaya naman lumapit ako sakanila.
"M-mia." ngumisi ako nang marinig ang tinig ni Luke.
"Tama na rin sigurong may mapagbuntungan ako nang galit." aniya ko pa tapos mabilis na lumapit sakanila.
Hindi pa man nakakagalaw ay naitutok ko na kaagad ito sa leeg niya. "Ibalik mo lahat nang perang kinuha niyo sa loob nang isang linggo kung ayaw niyong ipahagilap ko sa buong mundo ang angkan niyo at isa isahin nila nauunawaan niyo?" banta ko.
"Tatandaan mo ang pangalan nang Ama at Iba ko, Jaradia at aurturia. Sa oras na lumabas man ang sikretong hawak niyo na pag aari nang lalakeng yon ipapaubos ko kayo." banta ko tapos kinuha ko ang katana at kinuha ang kamay nang lalake.
"Walang biro sa sinabi ko, Hindi porket doctor ako mahalaga saakin ang buhay nang isang tao. Pasyente ko lang ang mahalaga hindi ang tulad niyo." banta ko tapos inilahad ang kamay ko matapos markahan ang kamay niya.
"Pera." aniya ko.
Agad naman nilang inabot ang 20 thousand dollars hindi ko alam kung papaanong may dollars si luke pero hindi na mahalaga yon. Umatras ako tapos Binantaan sila.
"Sumama ka saakin." utos ko kay luke at saka Pinulot ang bag nang katana ko at nang makabalik sa sasakyan ay nilagay ko yon sa likod nang sasakyan at skaa Sumakay na sa Loob.
Ako ang driver ngayon. "Sino ang mga yon?" tanong ko.
"Hindi ka na dapat nakialam pa." sagot niya.
"Hindi ko kayang pabayaan ang isang Kababata." mahinang sagot ko at nagmaneho na.
"May atraso ka sakanila at binabantaan ka nila?" tanong ko.
"Wala ka na don, Mia." walang ganang sagot niya kaya naman napairap ako.
"Tsk, lahat nang problema mo sinosolo mo." sagot ko at saka binilisan ang pagmamaneho.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro