Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Mia Jasmin's POV.

Inside the operation room.. Sa loob nang isang oras o dalawa ay dapat magawa na namin ang dapat naming gawin ngunit dahil isa lang akong assistant wala akong kapangyarihan upang pakinggan nila.

Laparoscopic Cholecystectomy kung tawagin ang operasyong ito, aalisin namin ang gallbladder nang pasyente, ang gallbladder ay ang responsable sa mga Fats or cholesterol ang laparoscopic ay para siyang tube na gagamitan nang maliit na Camera in short hindi namin hahawakan ang ibang laman loob niya gamit ang Kamay.

"Clip the Tube Connector of Main Bile Duct." bago pa man niya alisin ang Gallbladder nang pasyente ay Maayos ko itong Naclip, inantay namin yon at nang maalis niya ay inayos namin ito agad.

Maliit lang ang Gallbladder ngunit dahil sa Gallstones ay nahaharangan ito na nagbibigay Infections at Failure sa ibang Organs.

Habang tinitignan ko ito ay agad kong napansin ang Leakage mula sa Bile Duct nang patient. "Doc, I think there is something wrong.." aniya ko tapos sinuri itong mabuti.

"Hindi ako nagkakamali Intern." napamaang ako.

"I think She's suffering Bile Duct Injury.. You have to fi—"

"Hindi ako nagkakamali Intern. Tapos na ang operasyon, I'll stitch her up." nang sabihin niya yon ay nanghingi ako nang tulong kay Nurse roma gamit ang mga mata.

"Are you sure Doc?" tanong ni Nurse Roma.

"I'm sure, I'm the surgeon of this operation. Intern Get out." bumuntong hininga ako.

"Doc, Just check please.." maayos na sabi ko pa.

"Bile Duct Injury happends after Gallbladder removal." maayos na sabi ko.

"Nacheck ko na, Makakaalis ka na intern. Ayoko sa lahat ay yung sinasabi mong nagkamali ako anong sinasabi mo mas maalam ka pang intern ka?" nang sabihin niya yon ay alam kong nasaktan ako.

"No doc, i'm sorry. Pero kasi may Leakage yung Bile duct niya, tingin ko may nasagi tay—"

"Leave, bago pa kita Iban sa Operation room." tinignan ko si Nurse Roma, Tumango siya kaya naman napayuko ako at saka nagstep back na at saka naglakad papaalis sa harapan niya.

Inuuna pa niya yung pride niya kesa sa pasyente hindi na ito ang unang beses kong nag alis nang Gallbladder para hindi malaman yon. Nang makalabas nang Operation room ay padabog kong inalis ang mask at nasa ulo ko tapos tinapon sa Basurahan.

Nang makalabas sa Main door ay napaupo ako sa Bench doon tapos pumikit at napahilamos nang mukha. That patient trust her, ano bang hind niya maintindihan sa sinabi ko.

"Is Everything alright Doc?" agad akong tumayo at bahagyang yumuko nang dumating si Doctor Romeo.

"Is the Operation successful?"

"Yes doc, pero pinaalis ako sa loob nang Operation Room dahil sinabi kong may mali sa ginawa niya." sagot ko, nagtataka akong tinignan ni Doctor Romeo.

"What is it?" tanong niyang muli.

"May Leakage po kasi ang Bile duct niya kaya naisip ko pong baka Bile duct injury ang nangyari na kailangang aksyunan para hindi na ulit maulit ang operasyon." aniya ko sakanya.

"Sigurado ka ba don Doc?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot.

"Yes doc." tumango siya.

"Then we'll look forward on that.. Magpahinga ka na habang may oras pa mamaya Tuesday na." aniya niya siya ang kinakatakutan kong doctor rito.

Nalaman ko na Cardiologist siya, GS rin tulad ko at Hindi lang marami siyang specialty. "Yes doc, Thank you." aniya ko pa at saka naglakad na papaalis sa harapan niya.

Dumeretso ako papunta sa Doctors room at nang malaman na walang tao ay kinuha ko ang cellphone ko tapos tinawagan si Mommy..

Nang sagutin niya ay agad akong nalungkot..

"Mommy ang hirap palang mas maging mababa sa isang tao noh.."

"Oh anak, may nangyari ba?"

"I hated myself being an intern and not being able to decide what should i do, hindi ako pinaniniwalaan nang senior ko sa sinabi ko dahil mas magaling at mas mataas siya saakin mommy."

"Is that so? Kung tama ka nga naman at hindi ka niya pinakinggan anak dadating ang oras na malalaman niya kung sino ang tama."

"I'm a Doctor Mommy, i want to save that person.. Because she gives her trust, mahal rin ang operasyon na yon at kung magkakaroon pa nang second operation mas malaki na."

"Anak, don't be too soft hearted, i'm not telling you to be rough but if you're going to keep on that it will be hard for you to move on."

"Mom, I'm a terrible person.."

"I know you have a reason.. I believe in that, hindi ako nagpalaki nang batang hindi nag iisip anak, may tiwala ako sayo. Just do your best and save people okay?"

"Yes mommy, n-nandito pala si gray."

"Mm may ginawa kang iba kaya mo natatawag ang sarili mong terrible at involve siya?"

"Yes mommy, I'll explain everything in personal pag nagkita tayo. I need to rest mommy mamaya buong magdamag akong magtatrabaho."

"Sure baby, Good job."

Nang patayin yon ni mommy ay nag alcohol ako at dumeretso sa Locker room upang makapag bihis. Nang makapagpalit ay chineck ko muna kung kamusta si Jaejae pero nakita ko ay may pagkain siya. Binigyan siguro siya ni luke.

After non ay Nahiga muna ako sa kama at nagkumot dahil malamig..

Nagising ako nang may tumunog na cellphone kaya naman bumangon ako at hinanap kung nasaan yon, napatingin ako kaagad sa nasa Sofa at magkakrus ang braso kaya naman tumayo ako at Kumuha nang Candy tapos lumapit sakanya.

"Doctor L." gising ko pa sakanya at tinapik siya sa Braso, nang makita kong ngumuso siya at parang magrereklamo ay tinignan ko ang orasan sa Relos.

11:00 sakto, nag alarm kasi si Luke. "Doctor L wake up, your alarm." aniya ko pa, nagmulat naman siya nang isang mata tapos kinuha ang cellphone at pinatay yon.

"Tayo ang duty, ipapaalala ko lang." aniya niya tapos nag stretch kaya naman tumango ako at naglakad na papaalis don then bigla kong naalala yung Boyfriend ni Doctor Yasmine.

Mabilis akong lumabas tapos pumunta sa ICU pero nakita ko siyang, ginagawa nanaman niya yon?! Nagmamadali akong naglakad tapos binuksan ang ICU sliding door di pindot siya at automatic kung bumukas.

"Doctor Yasmine." tawag ko sakanya dahilan para maalerto siya at agad na ishoot sa Bulsa ang nga kamay. Halatado naman to.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Mukhang alam mo naman na, Bakit nag mamaang maangan ka pa?" kinabahan ako sa sinabi niya at tinitigan siya.

"Huh?"

"Alam mo naman kung anong ginagawa ko, nakita mo rin. Diba? Kung hindi ko malalaman kay Luke Ewan ko nalang." napatitig ako sakanya.

"Kung ganung alam mo na, bakit mo to ginagawa?" seryosong tanong ko.

"Low potassium siya." sagot niya, tumawa naman ako at tumango.

"Kunyare ay maniniwala ako sa sasabihin mo Doc." tinitigan niya ako.

"Gaano mo na katagal sinasaksakan nang Potassium ang pasyenteng ito? Hindi ko na kasi kayang sabihin na boyfriend mo siya." nakagat niya ang labi at masama akong tinignan.

"N-ngay—"

"Shut up." aniya ko, kasinungalingan nanaman gagawin niya.

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Pumapatay ka nang pasyente doctor ka, at higit sa lahat Boyfriend mo pa." sumbat ko.

"Wala kang Pakialam Intern." ngumisi ako tapos Hinawakan ang kamay niya pero agad niya itong iniiwas.

"Hindi kita papakialaman, pero sinasabi kong magsasali—"

Napamaang ako nang lampasan niya ako at banggain sa braso kaya naman nilapitan ko ang boyfriend niya at tinignan ang Swero nito, sinisigurado kung walang nakapasok na kung ano tapos bumuntong hininga ako at saka napalabi nang makita kong humihilom na ang sugat nito pero hindi pa rin siya nagigising.

Kinuha ko ang isang bagay upang itry kung nasasaktan ba siya sa gagawin ko, pero no response pa rin kaya naman bumuntong hininga ako tapos hinawakan ang Noo niya at saka ako Umalis na.

Bumuntong hininga ako tapos nakarandam nang lungkot, may family naman siya diba? Hindi lang si doctor Yasmine.. Pag nagising siya at nalaman ito tiyak kong masasaktan siya..

"Problemado ka?" napatingala ako dahil matangkad ang nasa harapan ko.

"Doctor L, ikaw pala." mahinang sabi ko.

"Mm." tugon niya.

"If you're hungry there's a food inside, may oras ka pa naman." malamig mang tugon niya ay napagaan nito ang nararamdaman ko dahil kahit na sa ginawa ko ay may pakialam oa rin siya.

"Thank you Doc." mahinang sabi ko at bahagyang yumuko sa harapan niya.

"Mm." tugon niya lang tapos naglakad na papaalis doon kaya naman dumeretso ako sa Doctors room para hanapin ang pagkain na sinasabi niya.

Never pa pala ako nanlibre sakanila kaya naman baka next week nalang or sa Friday. "Doctor Mia, ikekwento mo na ba saakin?" tanong ni doctor Althea kaya naman ngumiti ako.

Nang makapasok kami sa loob ay kumuha kami nang food at saka naupo nang magkaharap. "Hindi naman talaga kami totally ni gray, he's just trying to save me from a heart ache." ngumiti si Doctor Althea.

"You like Doctor L right?" napatitig ako sakanya.

"Hindi mo naman kailangang ipagkaila, nalaman ko na ang lahat kay nurse chi pero sinabi niyang itago ko ito dahil ayaw ni doctor luke na kumalat nang walang permisyon mo." napayuko ako tapos huminga nang malalim.

"I like him a lot.. Pero kasi iba na ang lagay ngayon.." ngumiti si doctor althea tapos hinaplos ako sa Braso.

"Everything happens for a reason Doctor Mia, Just trust what to happen next. Let your will go." ngumiti ako tapos tumango.

"Hindi kita pinagbabawalan sa gagawin mo kasi hindi rin mali dahil aware si Lawyer gray.. Nasaktan ka lang." bumuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Let me tell you a secret too.." napangiti ako nang makita ang pamumula ni Doctor Althea.

"Kayo na ni nurse chi noh?" asar ko sakanya pero umiling siya.

"Hinalikan niya ako nang lasing siya, I remembered it clearly pero di niya maalala." nanlaki ang mga mata ko tapos napangiti.

"Ommo!"

"Doctor Mia, shh." kinilig ako sakanila kaya naman napalo ko siya sa Braso.

"Wow naman!"

"Ikaw anong nangyari nang nalasing ka?" doon ay napanguso ako.

"Wala akong maalala." sagot ko.

"Sure ka bang di ka gumawa nang kalokohan?" tanong ni Doctor althea kaya kinabahan ako.

"Doctor althea papaano kung meron nga?!"

"Patay ka diyan, Stress na stress sayo si doctor L, siya kaya taga awat sa mga sinasabi mong kung ano ano." namula ang mukha ko sa sinabi niya.

"Seryoso ka Doctor Althea?" tumango siya kaya naman napakain ako nang wala sa oras habang kinakabahan.

"Andwae.." aniya ko.

"Ha?"

"Anong sundae doc? Gusto mo ba nang ice cream?" napalunok ako.

"Hindi doc althea, tara na ubusin na natin to at tumungo nang Emergency Room." natawa siya tapos kumain nalang rin.

"Sino bumili nito Doctor Althea?" tanong ko sakanya.

"Si doctor l." sagot niya naman kaua napatango nalang ako tapos ngumiti.

"Bagay talaga kayo." ngumiti nalang ako.

"Wag na natin pag usapan yan doc, ayokong iba ang isipin niya." aniya ko pa sakanya kaya naman tumawa si doctor althea.

"tama naman yung iisipin niya kung sakali." sagot pa niya.

"Sinaktan niya ako at nasaktan ko rin siya. Patas na siguro kami, tama na ang sakitan." aniya ko sakanya.

"Sabagay." sagot niya kaya naman nang matapos ay dumeretso kami sa Emergency Room.

Ngunit naalala ko na alam na ni Doctor Yasmine, kung ganun sinabi ni Luke sakanya? Tinraydor niya ba ako? Kaya ko nga sakanya tinanong..

Nevermind hays..


It's already 3 A.M at ako nalang ang gising sa mga kasama ko, matapos naming gamutin ang lahat pasyente ay nakaidlip sila sa mga post nila ang kasama kong gising ay si Luke at Doctor Romeo.

Kami kasi ni luke at doctor romeo ang natulog kanina at ngayon kami naman ang mulat. "I can't believe this, andaming pasyente sana wala munang dumating." aniya ni Doctoe Romeo tapos naupo na.

"Doc.." agad kong nilapitan ang isang teenager naming pasyente babae siya kaya naman ako na ang nag approach.

"M-may tubig po kayo?" nang sabihin niya yon ay agad akong umaksyon tapos bumalik sakanya.

"Masakit pa ba ang tyan mo? Nasusuka ka pa ba?" tanong ko sakanya.

"Okay naman na Doc, Hindi pa po ba kayo pagod?" nginitian ko siya.

"Patients need me." sagot ko.

"Nakaidlip na po kasi mga kasama mo." aniya pa niya.

"Napagod kasi sila." sagot ko naman dito.

"Magpapahinga na po ako." inaantay kasi namin ang test results niya kaya dito na muna siya nag stay, wala pa ang parents niya kaya naman dito muna talaga siya.

Naupo naman ako sa tapat nang nurse station tapos Yumuko sandali, papikit palang sana ako nang tumunog ang Telepono kaya naman agad kong inabot yon at itinapat sa tenga ko.

"Hello? GRS hospital speaking." nakapikit kong sabi.

"One patient who has cardiac arrest, in three minutes!"

Nang sabihin niya yon ay agad akong nagising pero napatingin ako kay Luke na nakasandal at nakapikit habang magkakrus ang mga braso.

"Doctor Romeo, Patient who's in cardiac arrest." nangunot ang noo nito at tumango.

Maya maya ay dumating na ang pasyente ay ang nagising lang ay si Nurse roma kaya naman tinulunga niya kami ngunit no pulse ang pasyente biglaang wala kaya naman mabilis akong pumatong sa kama.

"I'll be performing CPR." aniya ko tapos Nagbigay mang buong lakas sa pag Press sa dibdib niya at saka nagising ang diwa ko dahil wala pa rin.

"Checking Pulse." aniya ko tapos Chineck ito, ngunit wala.

"Nurse roma, Defibrillator." utos ni Doctor Romeo kaya naman patuloy lang ako sa CPR habang inaantay ang Defibrillator. Nang dumating ay tinapos ko ang 15 counts tapos Charged to 150 joules then shock.

"Checking heartbeat." aniya ko tapos nang malaman na nakabalik na siya ay nakahinga ako nang maluwag.

"ROSC.." sambit ko. It means Return of Spontaneous Circulation.. Pag cardiac arrest kasi hindi nagflow nang tama yung dugo niya..

"Good Job, doctor Mia." ngumiti ako nang batiin ako ni doctor romeo tapos nakahinga nang maluwag at sinimulang ayusin ang pasyente.


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro