Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

@/n: please look at the clips or GIF i put here hehe para po mas may idea kayo Thank you

Mia Jasmin's POV

Pagkarating sa ospital ay agad akong binati nang mga kasama namin dito naglalakad palang sana ako papunta sa Doctor Room dahil dumeretso sa E.R si luke ako naman ay kukunin ang Hospital Coat ko.

"Mia.." natigilan ako at gulat na tinignan kung sino ang nandito.

"G-gray?" gulat na sabi ko.

"I know you like him, I know you still like hin that's why i'm doing this." napatitig ako kay Gray tapos Hinila ko siya papasok sa doctor's room.

"Anong meron?" nag aalalang tanong ko, hinawakan ni Gray ang kamay ko tapos may kinuha sa Bag niya at inilagay yon doon, nangunot ang noo ko nang makitang Newspaper ito, at isang Cellphone.

"Look at it." aniya ni Gray.

"Hindi ko alam kung anong plano nang Katrina Lastimosa na yan pero gusto kong Maging handa kayong dalawa." nang sabihin yon ni Gray ay napaupo ako tapos Yumuko at tinignan ang Binigay niya.

"This is Useless.." aniya ko at nilapag yon sa Ibabaw nang table namin.

"What?" gulat at nagtataka niyang tanong.

"Hind porket nagkita na kami ayos na kami Gray.. We're still friends, pero hindi na namin maibabalik kung ano yung noon kahit gusto ko pa siya papaano naman ang nararamdaman niya?" hindi makapaniwalang sabi ko at nadidismaya.

"H-hindi ka na ba niya gusto?" tinignan ko si Gray tapos napayuko nalang ako.

"He's married Gray, Kaya nga ito ginagawa ni katrina. Hindi maglalakas loob ang babaeng yan kung walang namamagitan sakanila." napahilot ako sa Sintido ko.

"M-mia.." pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata.

"I can't believe myself thinking to be his mistress." nakagat ko ang labi.

"I just don't like that man gray, dahil kung gusto lang ang nararamdaman ko sana after five years wala na to, sana nagawa ko na siyang alisin sa isip ko." mariing sabi ko pa, pinantayan ni gray ang mata ko.

"I'm sorry m-mia.. I really tried-"

"It's alright.." nakangiting sabi ko pa at tinapik siya sa balikat.

"Kung mag asawa sila hindi dapat ako sumawsaw, you know the law gray.." sambit ko.

"I don't care about the law as long as i know you're happy mia, hindi ako makakawala sa nararamdaman ko lalo na't alam kong hindi ka pa masaya." tinitigan ko si Gray.

"Sana nga ikaw nalang gray.." mahinang sabi ko at yumuko.

"Sana una palang ikaw na." pagkapikit ko ay tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko naman ang pagpunas ni Gray nang luha sa mga pisngi ko. "Let's try this then." sambit niya kaya naman gulat ko siyang tinitigan.

"No gray, Let's save your heart. I can't hurt you." aniya ko tapos hinawakan ang pisngi niya.

"I'm okay, I'll be fine. I know it's risky but if this is the only way i want to try it." ngumiti siya pero napayuko ako at umiling.

"No, gray.. Please wag, hindi ko kayang saktan ka." nang marinig ko ang tawa ni gray ay napalabi ako.

"Nasasaktan na ako Mia, Ano pang ikakatakot ko?" napatitig ako nang tumulo ang luha sa mata niya.

"I can risk everything for you, Even if the cost is my heart." lumunok ako at umiling.

"Gray, Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nasa-"

"Then i will forgive you." aniya ni Gray.

"I won't pressure you, so think about this.. Aalis na muna ako para makapag isip isip ka, choose me and i'll try my best to protect your heart, not just your heart." ngumiti pa si Gray at saka Niyakap ako kaya naman nakaramdam ako nang matinding kalungkutan.

I'm so Insensitive, aware akong gusto niya ako pero nagiging bestfriend ko siya kada nasasaktan ako sinasabi ko sakanya ang lahat.. I'm so unfair.

'Why can't i like him back? Bakit si luke pa rin? He's freaking married.'

***

Buong duty ko ay tulala ako, pinag iisipan ang offer ni gray saakin.. "Doctor Mia, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala." napatingin ako kay Doctor althea tapos nginitian siya.

"Ayos lang doc, pagod lang siguro. Andami rin nating pasyente ngayon eh." aniya ko tapos tinignan ang buong E.R

"Ugh d-doc ang sakit po nang tyan ko.." agad naming nilapitan ni Doctor althea ang babaeng pasyente na mukhang sobrang sakit nang tyan kaya naman inalalayan namin ito sa bed niya.

"Ma'am relax lang po kayo ha, Sabihin niyo po saakin kung anong nararandaman niyo." aniya ko pa at saka gumawa ako nang test.

"Saan po ang masakit sainyo ma'am?" tanong ko tapos ipinatong ko ang dalawang daliri sa iba't ibang parte nang tyan niya.

Pero lahat para sakanya ay pareparehas ang sakit kaya naman huminga ako nang malalim tapos dahil sarado naman ang Kurtina sa lugar namin ay itinaas ko ang damit niya at tinignan ang tyan niya.

"Pain, Bloated.. I need more symptoms, doctor Althea ipapaubaya ko sayo yung Laboratory test labs niya." tumikhim ako.

"Ma'am can you answer my question clearly." ngumit pa ako tapos Kinapa ang upper right abdomen niya at bahagyang diinan yon at doon ay Napa aray siya nang malakas.

"Nurse Jill how about her vital signs?" mahinang tanong ko pa.

"39.05c doc." sagor niya kaya tumango akong muli.

Sunod ay Tinignan ko ang mata niya at ang Balat niya, Medyo yellowish ito at doon ay nagkaroon ako nang kutob na Gallstones ito.

"Nagsuka po ba kayo bago kayo pumunta rito?" tumango ito bilang sagot.

"Mga ilang beses ho?" tanong ko.

"Hindi ko na mabilang sa rami hija." bumuntong hininga ako.

"Bibigyan ko po muna kayo nang pampababa nang lagnat at pang bawas po nang sakit nang tyan niyo, kailangan po kasi natin gumawa nang Laboratory test at iba pa."

"Seryoso po ba ang Case ko? Nakakamatay po ba?" tipid ko siyang nginitian.

"I'll do my best to cure you ma'am, Isa po ang Gallstones sa mga Symptoms na nakikita ko ngayon kung kaya't kailangan nang laboratory test.. Pag nababanyo po kayo kailangan po namin nang Urine test." tumango ito habang nakapikit.

"Salamat Doc." aniya pa niya kaya naman tumango ako tapos tinanguhan rin si Doctor Althea.

"Doctor Althea, Yung sa medications alamin mo kung saan nay allergy ba siya sa gamot na ibibigay ko pag walang idea itest niyo nalang muna." ngumiti pa ako.

"Yes doctor mia, Nabibilib talaga ako sayo." ngumiti ako.

Kaya naman matapos ko siyang iexamine ay agad kong nakita ang papasok at ayon ako ang agad nilang nilapitan. "Kapatid po namin yung sumugod mag isa rito, Doc. Kamusta po siya?" bumuntong hininga ako.

"Kung 1 out of 10 po sa symptoms nang Gallstones, nasa 8 po tayo ma'am. Kaya antayin po natin yung resulta nang laboratory test niya. It will not last long naman po." nagkatinginan naman sila.

"Ang gallbladder po natin ay ang storage nang mga Fatty foods na kinakain ho natin, pag nagkaroon po nang Infections o complications maari pong bumuo o mag form ang Stones natin doon dahilan para kailanganin nang Operasyon para alisin ang bato." nang iexplain ko yon ay napatango sila.

"Gawin niyo po ang lahat doc." ngumiti ako.

"Yes ma'am.." ngumiti pa ako at bahagyang yumuko.

"Ichecheck ko pa po ang ibang pasyente." paalam ko sakanila.

"Babalik po ako mamaya para tignan ang results niya."

"Salamat Doc." Paalam nila kaya namam napabuntong hininga akong naglakad pero nakita ko kaagad na pasalubong si Doctor Yasmine akmang iiwas na ako nang tawagin niya ako.

"Doctor Mia, Anong case nang bagong dating na pasyente?" lumunok ako at hinarap siya.

"We're still waiting for the result of laboratory test doc. Pero may batid na ho ako kung ano yon, tingin ko po ay isa itong Gallstones.." aniya ko pa sa maayos na pamamaraan.

"Ah, Gallstones, what are the symptoms?" tanong niya.

"H-hindi niyo po alam?" gulat na tanong ko.

"Alam ko." sagot niya.

"A-ah yung symptoms po nang pasyente ay akmang akma sa Symptoms nang Gallstones. Pagsakit po nang tyan sa Upper right nang abdomen niya, Lagnat, pagsusuka at paninilaw nang balat at mata niya." tumango ito sa sagot ko.

"Mabuti, Tawagin mo ako pag kakailanganin nang operasyon. Hindi sila papayag na isang Tulad mong intern ang gagawa nang operasyon." napalunok ako.

"Yes doc, I'll ve the first assistant then." sagot ko tapos bahagyang yumuko at saka naglakad na at nilanpasan siya ishinoot ko ang dalawang kamay sa kung saan nandoon ang cellphone ko malamig sa ospital na ito balakin ko mang mag hoodie ay di ko magawa lalo na pag Duty ko ay Emergency room.

"Doctor Mia, Pwede mo bang itake over ang patient ko sandali? Kaninapa ako nababanyo." natatawa kong tinanguan si Doctor Lucille.

Nabatid ko kasing ayos naman pala siya, naging magkaibigan sila ni luke nang magkasama rito.. Bakit ko pa nga ba iniisip si luke? He's married i can't like him anymore.

"Doctor Mia, Pepwede ho bang kayo ang magtahi nito?" agad kong tinignan ang kamay ni nurse jessa na nanginginig.

"Yes sure nurse jessa." kinuha ko yung needle holder pero ang pinagtataka ko may trauma or stress ba si Nurse jessa para mangatog ang kamay niya?

Sa pagkakaalam ko pwedeng Addiction o di kaya utak ang problema nang Ganun. "Doctor Mia." agad ay bumalik ako sa Reyalidad kaya naman Naupo ako at saka ko sinimulang tahiin ang malaking sugat nang lalakeng pasyente sa Braso kita rin ang loob kaya naman di ko maiwasang mapalunok.

Nang matapos ay naka 8 stitches ako bago ko Kinuha ang Pantapal doon at saka inilagay. "Doctor Mia, After mo diyan pumunta ka daw po sa Doctor's room sabi ni doctor L byeee." napamaang ako nang nagmamadaling umalis si Nurse Chi kaya naman napailing nalang ako.

Iniiwasan ko siya manhid ba siya? Ano naman kayang sasabihin niya? Sure naman ata akong wala akong ginawa kagabi na kalokohan o ikakapahamak niya?

Pero wala pa rin akong maalala sa naganap at yon ang kinaiinis ko minsan talaha ang temporary amnesia ay nakakainis. It takes tine to remember what happened that day.

Kaya naman after non ay naghugas muna ako nang kamay bago pumunta sa Doctors Room at bago pa man ay Nag vibrate nang mabilis ang Cellphone ko kaya chineck ko iyon.

It was gray..

From Gray:

Just tell me if you decided already, hindi naman ako papayag na hindi ang sagot mo unless okay na kayo ni Doctor L. Take care Mia.

Bumuntong hininga ako at itinago na yon sa Bulsa ko tapos pumasok na ako nang doctors office pagkapasok ko ay nakaupo si Luke at magkakrus ang braso sa tapat nang dibdib.

"Why do you want me here?" tanong ko tapos naupo sa isang swivel chair.

"Sa labas tayo mag usap, I feel suffocated here." aniya niya natigilan at napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at saka ako hinila papalabas dito.

Edi sana sinabi nalang niya na sa labas kami nang ospital magkita? Aish talaga tong abnormal na to. Nang makarating sa labas ay naupo ako sa malayo layo sakanya at kasabay non ang pagsalubong ang malamig na hangin sa mukha ko.

Nakasuot lamang siya nang T-shirt dahil iniwan niya ang Hospital coat sa mesa kanina. "What do you want?" tanong ko.

"Iniiwasan mo ako?" tanong niya kaya naman natawa ako.

"Nope." sagot ko.

"Busy lang talaga ako." aniya ko pa sakanya.

"Mia, Can we restart this all?" kinabahan ako sa tanong niya kaya naman gulat ko siyang nilingon.

"W-what do you mean?" tanong ko sakanya.

"Let me teach you this, i called this reboot and it only works on us." halos masinghap ko Ang hangin nang bigla siyang lumapit pagilid at saka inilapit ang mukha saakin.


"Should i continue?" mahinang tanong niya habang ganun kalapit ang mukha namin, Kinabahan ako nang sobra ngunit nang maalala ang pinakita saakin ni Gray ay natakot ako.

I've never wish to be a mistress, i always want to be the first.. Pumikit ako tapos tinulak siya at tumayo.

"Stop playing games with me." mariing sabi ko.

"Stop making my heart flutter. I hate it, We're friends hanggang doon nalang yon!" masama ang loob kong sabi dahilan para ikagulat niya.

"A-are you still mad?" mahinang tanong niya saakin.

"I'm starting to be mad at you dahil sa ginagawa mo, So stop it!" galit na sigaw ko pero natigilan ako nang dampian niya ako nang halik sa labi dahilan para manlaki ang mata ko.

Hindi ko napigilan ang palad at saka ko siya nasampal, halos mapamaang ako dahil malakas yon! Kahit pa matangkad siya ay abot na abot ko ang mukha niya..


"Are you crazy?! I already have a boyfriend!" sigaw ko, na ikinagulat niya.

"W-what?" mahinang sabi niya, hindi niya man lang hinawakan ang namumula niyang mukha dahil sa sampal ko.

"I already have gray, Doctor L. Stop doing this! You're a married man!" nakita ko kung papaano nagtiim ang mga panga niya tapos doon ay hinawakan niya ang pisngi at mahinang tumawa.

"I thought you were single, ako ba ang pinaglalaruan mo ngayon?" napamaang ako sa nakakaloko niyang tanong.

"and you are married Doctor L, i've never wish to be a mistess." mariing sabi ko.

"And where the hell did you get that info-"

"I already have a boyfriend Doctor L, if you can't respect that, respect me. Sinagot ko na si gray kaya may boyfriend na ako." mariing sabi ko pero seryoso niya akong tinignan.

"Kaya ba kayo magkausap kanina?, Fine. I'm sorry." mariing sabi niya tapos tinignan ako tapos basta basta nalang siyang umalis sa harapan ko.

Nang umalis siya ay napaupo ako sa pwesto kanina tapos tumingala dahil napakaiyakin ko! Nakagat ko ang labi tapos pinigilan ang paghikbi ngunit huli na.

"Mas pursigido tuloy akong protektahan ka." napaangat ang tingin ko tapos nakita ko si Gray na nakapantalon, At simpleng polo shirt.

"G-gray.." sambit ko sa pangalan niya, tipid itong ngumiti at niyakap ako nang makaupo siya sa tabi ko.

"Tahan na."

√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro