Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

@/n: Luke on the multimedia. May babala ang chapter na to 😂 walang sisihan ah

Mia Jasmin's POV.



It's already night, Nandito kami sa Bahay sa Sala may Inuman ang hindi lang kasama ay si Doctor Romeo, doctor Medina, doctor Monter at Nurse Roma pati na din si Nurse Jessa.

Binilhan lang kami ni doctor medina nang isang kahon na soju dahil ilang araw siyang nawala at kami ang umasikaso sa Pasyente niya.

"Is there anything or anyone you fear the most Doctor Mia? Pakiramdam ko kasi sobrang lakas mo." hindi ko alam kung may tama na ba si Doctor Kiro o wala pa nakakailang shots palang naman siya.

Pero malakas talaga ang soju, may soju bomb pa silang ginawa. "I do.. 3 years ago i met this guy i don't even know.." mahinang sabi ko at naalala ang mga kinakatakutan kong araw.

"I'm so scared, He's different.." mahinang sabi ko at nang maalala ang pangyayaring iyon ay hindi ko maiwasang matulala.

"S-sino?" tinignan ko si luke.

"He's unknown.. He's a stranger pero hinding hindi ko siya makalimutan." mahinang sabi ko.

"I was once his hostage." lumunok ako.

"Let's change the topic, mukhang hindi makabubuti sayong maalala pa doc." nag aalalang sabi ni Doctor Kiro kaya tipid akong ngumiti.

"Dahil ikaw yung bago, ikaw yung kikilalanin namin okay lang ba yun?" tanong ni Doctor Kiro kaya nakangiti akong tumango.

"Are you in a relationship?" huminga ako nang malalim sa tanong niya.

"I'm not Doc." sagot ko.

"Nice, kayo rin magtanong." aniya pa ni doctor kiro sakanila.

"Dahil friend naman kita Doctor Mia, Nakailang Ex ka na?" tanong ni Doctor Althea.

"I have none." sagot ko.

"Weh?"

"Di nga doc Mia?" natatawa kong tinignan si nurse chi tapos Kinuha ko ang shot ko at ininom yon.

"Papaano ako mag kaka Ex?, kung ni isa sa mga nagsubok manligaw saakin hindi ko siya makita." sa sagot ko ay agad akong natigilan, kinabahan.

"Wooaaah sino yan Doc?" tanong ni Nurse Jill.

"I-i mean.. I-i i need to pee." mabilis na paalam ko at saka tumayo at mabilis na tumungo sa Banyo.

Nang makapasok ay agad akong napakapa sa Dibdib. Shems! Tama ba yung sinabi ko? Dapat ba sinabi ko yon? Diba hindi dapat? May tinukoy ako eh huhuhu.

Huminga ako nang malalim at bumalik na, Kinuha ko na ang shot ko at ininom yon. "So Doc, Sino yung hindi mo makita?" tanong saakin ni Doctor Kiro.

"Yung Standard ko." sagot ko.

"Do you like someone in here?" napatingin ako kay Doctor Yasmine.

"You mean here? Inside this circle?" tanong ko, naglilinaw.

"Yes." sagot niya.

"Yung totoo, Pag nagsinungaling ka that's bad.." huminga ako nang malalim.

"W-wala." mariing sagot ko.

"Sure? Bakit parang nagsisinungaling ka?" tanong ni Doctor Yasmine kaya naman inabot ko ang bote at sinalinan ang Baso ko tapos Uminom.

"Wala akong gusto." sagot ko pa.

"Si Doctor Kiro?" tinitigan ko naman si Doctor Yasmine.

"He's my friend." sagot ko.

"What about nurse Chi?" tanong pa niya.

"Wala." sagot ko.

"How about doctor luke?" tanong niya dahilan para hindi ako makasagot.

"I-i don't like him." pinilit kong wag mautal, tapos nilingon ko siya napamaang ako nang makitang tinutungga niya ang bote nang soju.

"Baka malasing ka diyan.." aniya ko pa pero tinitigan niya lang ako.

"Wag ka mag alala sakanya, Malakas siyang uminom." aniya ni nurse Chi.

"Hindi nga? Ang bilis bilis nga niyang malasing sa Beer noon—"

"Kayo ba noon?" lumunok ako sa tanong ni doctor Yasmine.

"Wala nga akong Ex diba?" naiiritang sabi ko pa.

"Gusto mo siya noon?" tanong niya kaya napairap ako.

"Yes." deretsong sagot ko dahilan para masamid ang mga umiinom kong kasama.

"Oh.. That was a revelation i guess." aniya ni Doctor althea.

"Doctor L gusto ka naman pala ni mia noon, Bakit hindi mo siya niligawan?" tanong ni Doctor Kiro.

"Kasi nga baka hindi niya gusto ang bata?" napamaang ako kay Doctor Yasmine.

"She doesn't like to be courted at that age before.. I liked her first." sagot ni luke.

"Lasing ka na ba?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"I'm not." sagot niya kaya naman napamaang nanaman ako shet parati nalang.

Kaya naman Uminom ako tapos naglagay ulit sa baso at uminom pa. "Hinay hinay Doctor Mia." sita saakin ni Doctor althea.

"It's my second time tasting alcohol, it's not delicious but it feels so good." sagot ko pa tapos itinaas ang baso.

"Bottoms uppp." asik ko at saka ngumiti nang magdikit ang nga baso namin.

"I wonder why you look so fine doctor Yasmine." natigilan ako sa sinabi, may tama na ba ako?



Luke's POV.




"What?" tanong ni Doctor Yasmine kay Mia na halatang may tama na dahil dinerederetso niya ang pag inom.

"You look okay, while your boyfriend is not." huminga ako nang malalim.

"I-its because i'm his strength." sagor ni Doctor Yasmine.

"Why do you always get mad at me after talking to Doctor L?" doon ay nagkatinginan kami ni Nurse chi sinasabing awatin ko na ang lasing na dila ni Mia..

"Mia." sambit ko.

"I always hate people who are faking their sadness over a person.." huminga ako nang malalim at saa Hinawakan si Mia sa Braso.

"Let go of me." nakanguso niyang sabi.

"Nagagalit ka saakin, Wala pa akong ginagawang mali. Wala pa akong sinasabi mali na ako, parati mo akong sinisigawan.. Do you want to know how much i wanted to hurt you?"  matapos sabihin yon ni mia ay uminom pa siya hindi siya nakuntento at Tinungga niya ang bote

"Doc." kukunin na sana ni Doctor Kiro ang bote nang umiwas sakanya ni Mia at saka nang maubos ay dumighay pa ito.

"Ang init init." aniya niya tapos sumandal sa Sofa nasa carpet kasi kami.

Ang ulo niya ay nasa seat nang Sofa. "I hate you so much.." napailing nalang ako sa sinabi niya habang nakapikit at yakap yakap pa ang bote nang soju.

"What the hell is she saying." inis na sabi ni doctor yasmine at uminom ren..

"Yah!" agad akong napalingon kay mia nang sumigaw siya.

"You like him don't you?" napamaang ako nang ituro niya si doctor yasmine gamit ang Bote nang soju na wala nang laman.

"What?!" sinenyasan ko naman si nurse Chi na awatin si Doctor yasmine pag nagkagulo na.

"Si luke gusto mo siyaaaa!" napamaang ako tapos napabuntong hininga nalang.

"Dalawang oras palang tayong umiinom lasing na." aniya ni doctor kiro.

Lumipas ang trenta minuto at may tama na ang halos lahat sa mga kasama ko kaya naman tinignan ko si doctor yasmine na nakayuko na sa mesa si mia na nakatulala at si Doctor althea na nakahiga na.

"I can't believe this." bulong ko tapos inabot pa ang natitirang alak at ininom.

"Kami nang bahala sa dalawang babae Doctor L, Ikaw na kay Mia." aniya ni Doctor Kiro tapos Inalalayan si Doctor althea dalawa sila ni Nurse chi.

Kaya naman pinanood ko lang sila. "Anoooo baaaaaaaaaa." nagrereklamong sabi ni doctor althea at saka naupo, napailing naman yung dalawa.

"Mia." pag gising ko pa sa nakatulog nang si Mia, Bumangon siya sa pagkakasandal tapos tinignan ako.

"Ya!" napalunok ako nang bulyawan ako nito.

"B-bakit?" nakatitig lang ito saakin kaya naman nailang ako.

"Ang pogi mo." napamaang ako nang nakakaloko siyang ngumiti tapos tumawa saka tumayo pero muntik na siyang matumba kaya naman inalalayan ko siya.

"Matulog ka na." aniya ko pa tapos Inakay siya pero nawalan lang siya nang balanse.

"Di ako laseeeng, wag mo ko alalayan." nakangusong sabi niya at idinederetso pa ang kanyang kamay kaya naman napakamot ako sa batok.

Kaya naman lumapit ako sakanya at saka ko siya binuhat nang pang kasal kaya naman pumalag siya pero hindi ako nagpatinag at saka ko binuksan ang kwarto naming dalawa.

Nang makapasok ay sinara ko yon gamit ang paa, tapos ihiniga si Mia pero ayaw niya bitawan ang leeg ko kaya naman huminga ako nang malalim.

"Let go of me before you regret it." mahinang sabi ko pero nakanguso niyang tinitigan ang mukha ko.

"Mas gumwapo ka talaga noh." napailag ako kaagad nang hawakan niya ang pisngi ko.

"Sleep. Bitawan mo na ako." asik ko pa tapos iniwasan ang mga titig niya saakin.

"Mia, let go." napabuntong hininga pa ako pero nang nagsimula siyang lumabi ay kinabahan ako dahil para siyang iiyak.

"Pag niyayakap ka nang iba hindi ka nagagalit, pero pag saakin pinapabitaw mo ko. You're so unfair." napalunok ako sa nanunumbat niyang sabi.

"You're a married man, be faithful to your wife. Noin." napasinghap ako, kasal? Kailan ba ako kinasal?

"Kinasal ako?" sambit ko.

"Yeah, Where is that woman now? That girl named Katrina Lastimosa." alam ko namang lasing siya pero saan niya napulot ang balitang ito?

"Nang iniwan mo ko noon, i hated you so much.. Pero baka mistake lang sabi ko pa, kaya tinawagan at nag message ako sayo pero wala kang reply. Kaya sa isip ko baka happy ka sa Married life mo." naiiwas ko ang tingin nang nagsimulang kumislap ang mata niya.

Nagbabadyang naluluha na siya. "I'm so broken hearted.. Alam kong nasaktan kita nang oras na yon pero hindi ko naman ginusto yon. Si booon? Tch." ngumuso siya.

"Mas naalala ko pa rin yung halik mo noon kahit lumipas na ang limang taon. Ganun ka pa rin kaya humalik?" napalunok ako at naramdaman ang pagpawis ko sa Noo malamig naman..

"Kada iniisip kong iba na ang hinahalikan mo, nasasaktan ako. Hahahahahaha alam mo yon nakarma ako." bumuntong hininga ako sa sinabi niya.

"I didn't marry anyone." sagot ko tinitigan niya ako sa mukha.

"You did.. The day you left me two weeks bago ko nalaman kaya pumunta ako sa bahay niyo and they said that." napamaang ako.

Sino sakanila? My mom? Dad? Or my grandfather? Pero agad na nawala yun sa isip ko nang hawakan niya ang mukha ko at ang hinlalaki niya ay dumampi sa labi ko.

"How does it feel to be kissed by this lips?.." matinding self control ang pinakawalan ko sa buong katawan nang titigan niya iyon tapos ay tignan niya ako sa mata.

"I miss you too luke.. I missed you so much." nang sabihin niya yon ay napaupo ako sa tabi niya at saka Suminghap nang hangin dahil nanlalabo ang mata ko dahil nalulungkot akong iniwan ko siya.

"The day you kissed me wanting me to tell you how much I love you.." nang sabihin niya yon ay napakurap ako nang mata at nilingon siyang nakahilata sa kama niya.

"You're drunk." mahinang sabi ko.

"Yes I am.."

"I wanted to kiss you badl—" tila may sariling utak ang bawat parte nang katawan ko at pinagtaksilan ako.. Basta basta ko nalang pinutol ang sasabihin ni Mia nang harapin ko siya sa pagkakahiga at halikan sa labi.


Nagmulat ako at sinilip siya ngunit nakapikit siya kung kaya't pumikit ako at saka ko pinaramdam sakanya ang pangungulila. Siniil ko ang ibabang labi niya habang Inaayos ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"I-im sorry.." mahinang sabi ko at muling pinaglapat ang mga labi namin, Ngunit kakaiba na ang naramdaman ko nag Tumugon siya at mariin akong halikan ang mga kamay niya ay umabot sa dibdib ko.

I touched her cheeks, down to her jawline.. I kissed her lips and locked it, dahil nakatagilid ako ay nagkaroob siya nang pagkakataong bumangon at halos magpigil hininga ako nang pumatong siya sa ibabaw ko.

'No.. Stop..'

"Mia.." namaos ako nang mga sandaling iyon, nang hahalikan na sana niya ako ay mabilis ko siyang kinabig at saka kinumutan.

"Goodnight." tapos mabilis akong tumayo at lumayo sakanya lumabas ako nang Kwarto namin at inayos ang suot kong damit.

'Damn it!'

"Doctor L ayos ka lang?" nagulat ako nang bigla ay may magtanong saakin at si Nurse Chi lang pala.

"Yeah, Inaantok na rin ako." aniya ko pa sakanya.

"Matulog ka na doc." aniya ni Nurse Chi tapos tinapik ako sa balikat.

"Sige, maghihilamos muna ako at sepilyo." aniya ko pa at saka dumeretso sa banyo.

Mia Jasmin's POV

Nang magmulat ay agad akong napahawak sa Ulo ko dahil sobrang sakit nito, masyado ata akong Naparami nang alak kagabi. Huminga ako nang malalim at saka inisip ang mga nangyari kagabi pero kinabahan lang ako nang walang maalala.

Kaya naman tumayo ako, kailangan ko nang pumasok kaya naman kahit gaano kasakit ang ulo ko ay kumuha ako nang gamit ko at dumeretso sa Banyo dito sa bahay dahil hindi ko alam kung may kasama pa ba ako rito o wala na.

Kaya naman mabilis akong naligo at saka ako nag sepilyo nang maigi dahil hindi ako nakapagsepilyo bago matulog.. Nang matapos ay nag bihis ako nang maayos at saka lumabas na habang pinatutuyo ang buhok.

Dumeretso ako sa kwarto pero pagkabukas ko non ay nakita ko si luke na nilalaro ang susi sa daliri. "Nandito ka pala, saan ka natulog kagabi?" nagtataka kong tanong pero nagulat siya.

"A-are you done? P-pumunta lang ako rito para sunduin ka pabalik hospital." aniya niya pa kaya napatango ako.

"Wala naman ba akong ibang ginawa kagabi? Like sumayaw? Kumanta? Nag ingay o humilik?" tanong ko pa pero nagulat siya sa paglapit ko hindi naman siya ganito ah bat parang takot na takot siya.

"W-wala ka bang naalala?" tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Minanyak mo ko noh?!" nanlaki ang mata niya tapos Naiinis na tumayo.

"Grabe ka naman!" bulyaw niya saakin kaya napabusangot ako.

"Joke lang, Tara na nga! Malelate na tayo sa trabaho galaw galaw Doctor L!" bulyaw ko pa tapos naglagay nang Lip moisturizer at saka nagsuklay nang buhok.

"Tara na Doctor L." aniya ko.


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro