Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

@/n: luke garcia on the multimedia 💓



Luke's POV.


"I'm good already, Salamat sa Hot pack." sagot ko at saka Kukunin na sana ang Hot pack nang itulak niya ako pabalik.

"Ganito na muna, Wag ka na magreklamo. Doctor ako." napamaang ako sa Sobrang bossy niya.

"Doctor rin ako." aniya ko pa.

"Kahit na, Dumapa ka lang." kaya naman dumapa ako pero itinagilid ang ulo sa Harapan niya para makita ko siya.

"Okay Doctor." sagot ko at Pumikit.

"Bawas bawasan pagiging sadista ha, Harot mo eh." napamaang ako nang paluin niya ako sa bandang lowerback.

"kasasabi ko l—"

"Hehehe sorry, Doctor." parang sarkastiko niyang sabi kaya naman ngumiwi ako.

"Gusto ko ulit nang Ramen." mahinang sabi ko.

"Pake ko." nagmulat ako dahil sa sagot niya.

"Ya!, because of you my back is Injured." inirapan niya ako.

"Sabi mo kanina okay na." sumbat niya pa saakin habang tinitignan ako.

"Sabi mo hindi pa." sumbat ko rin kaya naman Inirapan niya ako.

"Fine, Fine, sasamahan kita mamaya okay na? Nakakainis na Pasyente." mahina akong natawa sa sinabi niya kaya naman muli na akong pumikit.

"Aish, Nakakainis na nilalang akala mo ang gwapo gwapo, akala mo astig, akala mo malakas ang dating." nagmulat ako at tinitigan siya hindi halatang bumubulong ang isang to eh.

Nang tignan niya ako ay nagulat siya ay napalunok. "Sinong gwapo kung ganun? Sinong astig? Sinong malakas ang dating kung hindi ako?" nakangisi kong tanong.

"S-si a-ano.."

"Sino?"

"Si daddy!" sagot niya kaagad kaya naman suminghal ako tapos pumikit nalang.

"Wowww ang sweet namaaan!" ngumiwi ako nang marinig ang tinig ni Doctor Althea, Doctor Lucille kasama sila Nurse Jill at Nurse Jessa.

"Sweet to?" nakangusong tanong ni Mia.

"Sort of?"

"Aigoo Nurse Jill hindi ko alam sayo." ngiwing sabi ni Mia tapos inalis na ang Hot pack sa likod ko kaya naman bumangon na ako.

"Okay ka na ba Doc L?" tanong saakin ni Nurse Roma.

"Yes naman po." sagot ko.

"Ata." natawa sila sa pahabol kong sagot

"Kung wala lang talaga si Lawyer Gray, Iisipin kong may kayo eh." hindi ako sumagot sa sinabi ni Doctor althea tapos tumikhim nalang.

"Anong past participle nang Throw?" tanong ni Nurse Chi tapos busy sa Cellphone niya.

"Thrown." sagot ni Mia.

"Thrown, diba yun yung sinusuot nang Hari?" agad akong napangiwi nang sumingit si Doctor Monter.

"Crown yon, bano." muntik nang mabatukan ni Doctor kiro si Doctor monter dahil sa sinabi niya.

"Korni as always Doctor Monter." aniya ni Nurse Jill tapos umirap pa, Tumikhim ako tapos tumayo na at mag iistretch na sana nang bigla akong mahiya.

"Ang tangkad mo talaga Doc L, Nasa 6footer ka pataas noh?" ngumiti nalang ako kay Nurse Roma.

"Not sure Nurse Roma." sagot ko pa.

"Mag Ex ba kayo?" napalunok ako sa tanong ni Nurse Roma saamin.

"Hindi po." nilingon ko si mia sa sagot niya.

"Parang may something kasi sainyo." aniya pa ni Nurse roma kaya naman tumikhim ako at saka inabot ang tumbler sa mesa sa gilid nang Sofa.

Uminom ako nang maraming tubig. "I think i still need to do something." aniya ko tapos inayos ang suot kong Coat ewan ko Hospital coat, suit uniform whatsoever.

"Hep hep! Walang aalis. Magpahinga kayo diyan tandaan mo kayo ang duty sa Tuesday." napakamot ako sa Sentido tapos Dumeretso sa Ibabang bed nang double deck.

"Let's sleep." aniya ko kay Mia na ikinatili nang ibang doctors.

"Ommo! Ommo!"

"Para paraaaaaan!"

"HAHAHAHAA TABIHAN MO NA MIA."

Pumikit na ako pero nagulat ako nang may naupo sa mismong bed ko dahil naramdaman ko ang likod nito sa Gilid nang tyan ko nagmulat ako si Mia sobrang sama nang tingin saakin.

"Do you want to die?" napalunok ako tapos tinalikuran siya at pumikit na humarap ako sa mismong pader nang kwartong ito.

Pero hindi ako inaantok kaya naman bumangon na ako. "Wala ba kayong mga pasyente?" naiiritang tanong ko nang malaman na nandito pa rin sila.

"Ahh yon, meron kaya babye!" paalam ni Doctor althea at hinila si Doctor Lucille.

"Parang magkakaroon palang." sagot naman ni Doctor Kiro tapos sumunod kila Doc lucille hindi na nagdahilan sila Nurse Roma, Nurse Jill lumabas na sila kasama si Nurse Chi.

•••


"Why does it have to be like this mommyyy." nandito ako sa Locker room at sa kabila nito ay ang girls locker and changing room.

Naririnig ko si Mia ngayon na mukhang kausap si tita miyu. "Are you sure about that?" so nasa Videocall sila.

"Yes mommy, I'm going to hold tight. Hindi dapat ako gumawa nang mali because of this useless feeling." huminga ako nang malalim at saka umalis na nang locker room.

"Doctor L, pinapatawag ka po ni Doctor Romeo with the president." nagtataka ko namang tinignan si Doctor Kiro.

"What for? Did i do something against the law?" tanong ko.

"Hindi ko rin talaga alam Doc." kaya naamn tumango ako at tinapik si Doctor kiro sa balikat tapos naglakad na papalabas nang doctors room at saka ako dumeretso sa Elevator.

Nang makarating sa Presidents office ay nginitian ako ni President, mabait ang president nang hospital na to pakiramdam nga namin Co doctors lang din namin siya.

"Good Evening Doctor Romeo, President." bahagya pa akong yumuko bago naupo sa harapan nila.

"I'm just going to ask something about the new doctor, Si Doctor Mia." napatingin ako kay President nang may pagtataka.

"About saan po?" tanong ko.

"Her Identity?" napalunok ako.

"I think it's better if she's the one to answer that President." sagot ko.

"I mean, is she a celebrity?" sa tanong na yon ay natawa ako.

"Akala ko naman po iba na, Hindi po siya Celebrity. Pero 5 years rin po kaming hindi nagkita kaya i have no idea." sagot ko.

"Ahh naririnig ko kasi sa area nang Hospital na yung new doctor nang GRS celebrity." sagot ni President.

"Maganda po talaga siya, bata palang." sagot ko.

"Magkakilala na kayo mga bata palang?" tanong pa ni President kaya tumango ako bilang sagot.

"Baby palang po siya kilala ko na siya." sagot ko pa, Ngumisi naman si Doctor Romeo.

"What's your relation with her?" napalunok ako.

"A-ah." hindi ko alam ang isasagot.

"We're friends i guess?" tanong ko natawa sila tapos tumango nalang.

"Sige na, You may go. Thank you for coming." tumayo na ako at saka yumuko tapos lumabas na rin.


Mia Jasmin's POV


mahihiga palang sana ako nang bigla akong Ipage nang E.R it's already 12 A.M kaya naman nagmamadali kong sinuot ang Coat nang hospital at saka lumabas nang Doctors Room at nagmamadaling tumakbo papunta sa E.R

"Glad you're awake." aniya ni Nurse Roma.

"Anong meron Nurse Roma?" tanong ko sakanya.

"May tatlong motor Accident na paparating, They're critical. They loss a lot of blood." huminga ako nang malalim at saka Pumunta ako kay Nurse Jill.

"Nurse Jill, pagkarating nang patients pakikuha kaagad yung Blood Type nila at mag ready kayo nang Packs of blood, thank you." aniya ko ngumiti ito at tumango kaya naman lumapit ako kay Nurse chi.

"Nurse Chi, pagkarating po nang patients mamaya Pakiready yung Sterilize room.." ngumiti ito.

"Yes doc." sagot niya kaya naman hinanap ko si Luke pero biglang bumukas ang E.R entrance kaya naman nilingon ko at nandoon na si Luke nakatingin siya kaagad saakin kaya lumapit ako sakanya.

"Mag ready ka na Mia, Tuesday ngayon." napalunok ako, ito ba yung ibig nilang sabihin? Magtatanong pa sana ako pero biglang dumating na ang mga Pasyente.

Kaya nagmamadali kaming lumapit doon. "Sa Bed 3 po." aniya ko tapos nagsuot ako nang Gloves at saka dumeretso sa Bed Three.

Chineck ko kaagad ang mata nito responsive naman.. Responsive siya pero Unconscious kinuha ko ang gunting at ginupit ang Damit niya sa pang itaas. "Doc, The patient in conscious." mabilis kong binalikan ang mata nang pasyente at gumagalaw yon.

"M-masakit.." huminga ako nang malalim at saka ko chineck ang kanyang katawan, Broken ribs? Wala naman.

"Doc.." tinignan ko kaagad ang itinuro ni Nurse Jill saakin tinignan ko naman ang sa bandang Dibdib nito.

"Give me the Needle." aniya ko tapos Inilahad ang Kamay ko, Huminga ako nang malalim trying to focus.

This is not my first time but i don't want to fail.. Nang maitusok ko yun ay naging intense para sa lahat nagsimula kasing mahirapan himinga ang pasyente kaya kinailangan ko itong tusukan. "The Tube." aniya ko inabo naman nila saakin yon kaya naman nang mailagay ay nakahinga na ulit nang maayos ang Pasyente.

"Let's proceed on his scrapes and cuts." mahinang sabi ko tapos Inalis ang benda niya sa bandang legs tumikhim ako nang tumalsik kaagad ang dugo mula rito.

"Sterilize." sambit ko, sinunod naman ako ni Nurse Jill.

"A lot of Gauze please." request ko pa.

"2 packs of Blood." aniya ko, tinignan ko pa kung papaano nila inilagay ang dugo kaya naman ginamot namin ang sugat niya pati na ang Sugat niya sa Ulo.

Nang maayos ay huminga ako nang malalim. "Do a CT scan, and Xray." utos ko pa tapos pumunta sa ibang patient, agad kong nilapitan si Luke nang makita ko kung papaano sila mag struggle.

"Recharge to 150 joules!" lumapit ako sakanila tapos inabot ang mismong Ishoshock sa Dibdib nang pasyente.

"Layo." aniya ko tapos idinikit sa katawan nang lalake.

"Shock!" nang matapos ay Pumalit ako kay Luke at saka ako nagpatuloy sa CPR.

pumatong ako sa Hospital bed habang nag Ccpr tapos nilingon ko ang Machine ngunit wala pa rin. "Charge to 200 joules!" aniya ko tapos nag ccpr pa rin.

"Charged Doc." aniya ni Nurse chi, Inabot ko ang Defibrillator tapos idinikit sa katawan nang lalake.

"Shock!" aniya ko nang matapos ay inabot ko ulit yon kay Nurse chi.

"Checking Heart Rhythm." aniya ko tapos idinikit ang dalawang daliri sa Leeg niya.

Nakahinga ako nang maluwag. "He's back." napapunas ako nang pawis sa noo tapos umatras.

"Oh god.." rinig kong bulong nila.

Nang umatras ako ay inayos na nila ang pasyente. Okay naman siya kanina pero nagkaroon nang Sudden Cardiac Arrest dahilan para maging fatal ang lagay niya.

He's 40 years old driver siya nang isang Motor Vehicle. Nang matapos si Luke ay kita ko kung gaano siya kapagod pawisan rin siya kahit na gaano kalamig rito sa E.R

"Do the test I've told you." rinig kong sabi ni luke nang pagkaharap niya sa gawi ko ay nagtama ang paningin namin halatang pagod na pagod siya.

Kaya naman tinalikuran ko na siya at pinuntahan ang ibang pasyente. Ngunit nakita ko ang Handle nila Doctor Monter kaya lumapit ako doon. "Doc, I think she's having PTSD." nangunot ang noo ko.

"You mean Post Traumatic Stress Disorder?" tanong ko sakanya.

"Yes Doc, Kilala namin siya.. Dati siyang doctor rito, siya yung pinalitan ni Doctor L." nagulat ako sa Sinabi niya.

"Kasama siya sa Accident?" tanong ko.

"Yes doc, Boyfriend niya yung isa doon sa Bed 16." aniya ni Doctor Monter.

"Let me see." mahinang sabi ko at sinubukan siyang lapitan, Scrapes and Cuts ang meron siya even bruises.

Nang tignan ko ang mukha niya ay Maganda siya, Maputi at Kulot ang buhok. "Ma'am.." sambit ko.

"Wag mo kong lapitan!" sigaw niya at nagtakip nang tenga kaya naman hininga ako nang malalim.

"Ma'am please Pull yourself Together. You need to be treated right away para makita niyo na ang Boyfriend niyo." mahinang sabi ko umiiyak niya akong tinitigan.

"This is all my fault.. Kung hindi ko sana siya inayang mag rides sana hindi nangyari ito!" sigaw niya pa kaya naman bumuntong hininga ako.

"Then heal fast, so you can treat him. Doctor." mariing sabi ko dahilan para matigilan siya sa pag iyak tapos nakagat ang labi.

"If you want to save him, Save yourself first." iniiwas niya ang tingin saakin kaya naman dahan dahan akong lumapit.

Pero halos mahigit ko ang Hininga nang abutin niya ang Scapel at itutok saakin tumama na sana saakin yon ngunit may humila saakin pabalik.

"Are you crazy?!" agad kong inawat si luke nang sigawan niya ang pasyente.

"Stop, She's a patient." mahinang sabi ko.

"Hindi ka pa ba kuntento sa nangyari sa Boyfriend mo at gusto mo pang dagdagan?!" nakagat ko ang labi at Hinigpitan ang hawak sa Bantang braso ni luke.

"Let me treat you so you can't harm her." aniya ni Luke tapos Iginilid ako, Inabot niya ang Rolley na may pang gamot sa taas tapos Lumapit doon sa Pasyente.

"Doctor Yasmine right?" pinanood ko kung papaano Kinuha ni Luke ang Scapel sa kamay nito at saka Ihiniga si Doctor Yasmine at saka Nilinis ni Luke ang sugat niya.

"Jeez, He's so bossy." nilingon ko si Doctor Monter.

"Yan ang gusto ko sakanya, Kahit pasyente napapasunod." tipid kong nginitian si Doctor Monter at tinignan kung papaano ginamot ni Luke ito.

"Are you the Famous Doctor L?" nangunot ang noo ko nang itanong yon ni Doctor Yasmine sakanya.

"I'm doctor L.. Not the famous one." sagot ni Luke kaya naman natigilan ako at muntik nang mabitawan ang hawak nang bigla nalang Yumakap si Doctor Yasmine kay Luke.

Huminga ako nang malalim.. "Magpagaling ka muna bago mo gamutin ang Boyfriend mo." aniya ni luke tapos tinapik si Doctor Yasmine sa Likod at saka Humiwalay na.

Pinanood ko naman kung paano tigna ni Doctor Yasmine si Luke ay napalunok ako.

'I thought she's taken already... What's with the Look?'



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro