Chapter 36
Mia Jasmin's POV.
Nang bumukas ang pinto doctors Room ay agad kong itinulak si Luke papalayo saakin pero narinig ko lang ang mahinang tawa niya. "Did i just saw something bad? Oh my Innocent eye—"
"Shut up, Doctor Monter. Innocent eyes, innocent eyes i just saw your laptop." naparingin ako kay Luke at kay Doctor Monter na sobrang nanlaki ang mga mata.
"Bakit mo Binuksan!" mabilis na sabi ni Doctor Monter at saka Hinablot ang Laptop niya at saka niyakap, Nakangisi naman si Luke na tumango tango.
"Innocent your eyes.." sarkastikong sabi ni Luke kaya naman napalo siya ni Doctor Monter.
"Pinanood mo rin noh?!" doon ay ako na ang natawa nang mawala ang pagkakangisi ni Luke.
"I didn't." mabilis na sagot ni Luke tapos nilingon pa ako habang umiiling iling.
"Weh? You did. Namumula tenga mo oh! HAHAHAHAHAHA isa ka rin." asar ni Doctor monter kaya naman natawa nalang akong umalis sa Harapan nila bago pa saan mapunta ang usapan nila.
Pumunta ako kay Jaejae tapos Pinakain siya nang Carrot. "You should pet her." tiningala ko si luke kaya naman Kinuha ko si Jaejae at saka ibinaba at hinaplos sa ulo.
"She's already Five years old right?" tanong ni Luke.
"Yeah, Nagulat nga ako nang makita ko siya sa Room ko. Nang araw na umalis ka diba?" naupo naman siya sa Bed sa Tabi nang kulungan.
"Yeah." sagot niya.
"Una na muna ako, Kung gusto mo siyang hawakan nandiyan lang siya. Pag aari mo naman siya." mahinang sabi ko tapos tumayo nang maayos at bahagyang yumuko tapos umalis na.
Nang makalabas nang staff room ay binalot na ako nang kalungkutan Knowing that i still like him.
It makes me feel sad knowing that i'm inlove with a Married Man, gusto kong kasuklaman ang pamilya niya pero choice niya rin naman ito..
"Doctor Mia, May problema ba?" tanong ni Doctor althea habang nakangiti.
"Wala Doc, parang nagutom lang ako." sagot ko, Kumapit naman ito sa Braso ko at sinabayan akong maglakad.
"Alam ko kung anong meron kayo ni Doctor L, wag ka sanang magalit.." nginitian ko si Doctor Althea.
"Doc, ayos lang. Kahit naman malaman pa nang lahat sa Ospital wala nang magbabago, limang taon na ang nakalipas." sagot ko pa.
"Bagay talaga kayo ni Doctor L.." tinignan ko si Doctor Althea na halatang seryoso sa sinasabi niya.
"Parehas kayong magaling na Doctor, Bukod pa don nararamdaman ko ang Chemistry niyong dalawa kada nagkakaroon kayo nang Contact sa isa't isa." nakagat ko ang ibabang labi.
"Kahit pa man bagay kami Doctor Althea, Kung iba na yung pakiramdam sa Noon at ngayon wala nang mangyayari." sambit ko.
"Sayang naman, ang ganda pa man din nang Age gap niyo, 5 years." ngumiti nalang rin ako at mahinang tumawa.
"Ikaw Doc? Wala ka bang nagugustuhan?" mahinang tanong ko, tinignan ako ni Doctor althea tapoa ngumiti..
"Meron hihi." natawa ako tapos lumingon pa sa paligid.
"Sino Doc?" mahinang bulong ko, Inilapit niya naman ang Bibig sa tenga ko.
"Si Nurse Chi.." nang sabihin niya yon ay nanlaki ang mata ko tapos napatakip nang bibig
"OMG" doon ay natawa kaming dalawa ni nurse althea tapos Dumeretso sa E.R nang makapasok sa E.R ay may chinicheck silang patient tapos nakita ko si Doctor Romeo.
"Doc Ayos lang ba kayo?" lumapit ako at agad siyang tinignan..
"A-ayos lang.. lumayo ka muna baka madamay ka.." mahinang sabi ni Doc Romeo tapos Hinawakan ang kanyang Labi na Nasuntok nang Isang I don't think if this is a Gangster leader o isang Leader nang Loan sharks.
"Wow, May superhero tayong babae. That's new. Ngayon ko lang nakita ang mukha mo Doctor." sarkastikong sabi nito kaya naman tinignan ko ang malaki niyang tyan.
"Emergency Room ito, Hindi ka dapat gumagawa nang Eksena rito—"
"Tumahimik ka!" sigaw nang malaking tyan na panget.
"Sa labas ka gumawa nang Gulo!" sigaw ni Doctor Monter.
"Hoy payatot! Kung sasali ka rito siguraduhin mong lalaban ka!" hamon nang Lalakeng malaki ang tyan.
"Doctor Mia, Umalis ka na rito." sabi ni Doctor Romeo kaya naman umiling ako.
"Natatakot ang ibang pasyente." aniya ko.
"Wala ba si Mr.Big?" mahinang bulong ko.
"Wala, Wala silang dalawa dahil Death Anniversary nang Mama nila." sagot saakin ni Doctor Monter.
"Doc, Umalis ka na. Pumunta ka kila Doc althea." sabi ni Doctor Kiro saakin tapos Hinawakan ako sa Braso at Inilayo pero nagulat ako nang Marahas akong Hablutin nang Loan shark leader.
Nang mahawakan niya na ako ay napairap ako. "Bitawan mo siya!" rinig kong sigaw nila Doctor Monter.
"OMG! Si doctor Mia!"
"Tawagin niyo si doc L!"
"Baka mapano siya!"
"Aren't you done yet Mister?" nakangising tanong ko sakanya tapos nang tawanan niya ako ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Bitawan mo siya!" Halos magulat ako nang tumalsik si Doctor Romeo dahil sinipa siya nang Loan shark, hindi ako pwedeng maglabas nang kung ano anong nalalaman rito..
Kekwestyunin nila ang pagkatao ko, nakagat ko ang labi tapos pumikit nang mariin. "Tama na.." binago ko ang tono parang nakikiusap.
"Papayag lang ako, Kung sasama ka saakin. I want you in Bed." napamaang ako at mabilis na sinampal siya.
Galit niya akong tinignan. "Nahihibag ka na ba?!" sigaw niya.
"At nababaliw ka na ba kung sa tingin mong nagpapakama ako sayo! Asshole!" sigaw ko at mabilis na Sinipa siya sa tyan at saka ko siya Sinapak sa mukha nang muli niya sana akong hahablutin.
"Tantanan mo ko taba! Hindi mo ako kilala! Bastos na manyak!" sigaw ko tapos Saka ko sinipa ang mukha niya, Boom High kick!
Nang nasa sahig na siya ay sinamaan ko siya nang tingin. "You may not know my name, But i'm sure you know who's my parents." banta kong sabi sakanya.
"W-who are you?" galit na tanong niya.
"I'm the First Child of Sandoval and Binez." mahinang sabi ko na ikinalaki nang mga mata niya.
"You wanna know what happens if My parents saw what you did?" naiwang nakaawang ang bibig niya.
"W-what?" tanong niya.
"Curiosity Killed the Cat, Get lost." mariing sabi ko agad naman siyang tumayo tapos Masama akong tinitigan.
"Hindi pa ako tapos sayo.." banta niya tapos Umalis na nang Emergency room nang mawala siya ay huminga ako nang malalim at saka Sumandal sa Hospital Bed.
"Kumuha kayo nang tubig!" utos nila kaya naman agad kong hinanap si Doctor Romeo.
"Doc ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nabalian oh ano?" tanong ko sakanya.
"Ayos lang ako, Ikaw?" tanong niya.
"I'm fine doc, Ngayon lang kasi ako napasabak sa ganun." mahinang sabi ko.
"Ang astig mo kanina Doctor Mia, Pero natakot kami para sayo." aniya ni Doctor Monter.
"Hindi ko nga alam ang gagawin nang hinablot ka niya." nginitian ko si Doctor Kiro.
"Walang problema doc." sagot ko, Maya maya ay malakas na bumukas ang E.R entrance nakita ko naman si Luke na kasama ang isang Nurse, si Nurse jill
"Anong nangyari?" tanong niya tapos agad na lumapit na Bed ko..
"Wala, Wala naman." sagot ko pa.
"Don't tell me nakipag away ka nanaman?" tanong ni luke saakin kaya napairap ako.
"So?"
"Yah! dangsin michyeoss-eo?!" napamaang ang Bibig ko nang Bulyawan niya ako. Sabi niya are you out of your mind?!
"wae soli chineungeoya?!" bulyaw ko pabalik, sabi ko bakit niya ako sinisigawan nginiwian niya ako tapos nagulat ako nang Samaan niya ako nang tingin.
"Hindi ko kayo maintindihan, babye na." natawa ako sa sinabi ni Doc althea tapos nang kaming dalawa nalang ni Luke ang naiwan ay inirapan ko siya.
"Noin." mariing sabi ko dahilan para mapaamang siya na para bang hindi makapaniwala.
"Michin Yeoga." halos Kunin ko ang Ibang Gamit rito sa Er para ibato sakanya nang tawagin niya akong Mad woman.
"Napakasama mo talaga, Noin!" inis na sabi ko tapos nag walk out na, narinig ko naman ang tawanan nang ibang kasamahan namin na doctor.
Nginiwian ko si Nurse Chi ng tignan niya ako nang may pang aasar, aish pumunta muna ako sa Doctors Room tapos nahiga sa Double Deck habang hawak ang Cellphone.
Pero pagkaopen ko ay Tumatawag kaagad si Gray kaya naman natatawa ko itong sinagot Videocall parati ang Gusto niya eh.
"Yow Mia.."
"Sup?"
"Baka naman gusto mo akong labasin nang Ospital na yan.."
"Ano?! Nasaan ka?!"
Napamaang ako nang pinakita niya ang View kasama ang mukha niya nanlaki ang mata ko nang makita ang labas nang Ospital.
"Ang lamig rito, labasin mo na ako."
Nagmamadali akong tumayo nang kama tapos Pinatay ang tawag at saka lalabas na sana nang pagbukas ko ay tumama agad ako sa Dibdib nang isang doctor, amoy palang alam na.
"Tabi!" aniya ko at pilit na hindi pinansin ang matigas niyang dibdib tapos nang makalampas ay namumula ang mukha akong tumakbo papalabas nang Ospital.
Nakita ko naman si Doctor Althea at Nurse Chi na magkasama. "Nagmamadali ka? May emergency Patient ka ba?" tanong ni Nurse Chi.
"Wala wala! May nag aantay sakin sa labas." turo ko pa tapos mabilis na Naglakad naramdaman ko naman na sumunod yung dalawa, nang makalabas ay napalinga agad ako.
Nang wala akong makita ay napairap ako tapos Inilabas ang cellphone ko para tawagan siya. "Wala naman Doctor mia?" tanong ni Nurse Chi kaya ngumuso ako habang niriring ang cellphone ni Gray.
"Boo!" napatalon ako nang may Humawak sa dalawa kong balikat kaya naman nilingon ko siya.
"Akala ko niloloko mo na ako, gago ka talaga." aniya ko, Ngumiti naman siya tapos Inibulsa ang Cellphone.
"How are you?" tanong ni gray habang nakangiti kaya naman natawa ako.
"Ayos lang po, Lawyer Gray." sagot ko tapos Tatapikin na sana siya sa balikat nang Yumakap ito, nang makita ko sa Entrance sila Nurse Chi at Doctor Althea ay pinilit kong ngumiti sakanila tapos tinapik tapik si Gray sa Likod.
"Papasukin mo kaya siya Doctor Mia." aniya ni Doctor althea kaya naman ngumiti ako tapos Tinignan si Gray
"Tara sa Loob." aya ko pa, nang makapasok ay sabay kaming naglalakad.
"Ilang araw palang nandito ka na kaagad." aniya ko kay Gray mahina naman siyang natawa.
"Malapit lang kasi yung New Case na hawak ko rito sa Area niyo, kaya naman dinalaw na kita." nakangiting sabi niya kaya naman nginitian ko siya.
"Ah By the way.. Si Doctor Althea pala." pakilala ko sakanya sa mga kasama ko habang naglalakad kami.
"Hi Doctor Althea, ang cute mo naman." agad na namula ang mukha ni Doc althea tapos nakipag kamay.
"I'm Gray." tapos ay nag kamay silang dalawa.
"Tapos itong isa—"
"Nice to See you again, Nurse chi." napamaang ako nang malaman na naalala pa niya si Nurse Chi tapos nakipag kamay.
"Nakakabiglang kilala mo pa ako, Lawyer." nakangiting sabi ni Nurse Chi.
"Girlfriend mo Nurse chi?" sabay kaming nagkatinginan ni Doctor althea sa tanong ni Gray agad naman na umiling si nurse Chi.
"My friend." aniya niya.
Nang malaman ko na dadalhin kami sa Doctors Room ay mabilis kong hinawakan si Gray sa Braso niya nang buksan ay nakita ko si Luke na Nakaearphones at busy sa Laptop niya habang may Libro pang hawak.
"Oh, Nandito pala si Doc L." aniya ni Gray.
"So magkakakilala talaga kayo noon?" tanong ni Doctor Althea.
"Naging representative kasi kami nang hospital noon para maging Medical nila nang Camp." explain ni Nurse Chi tapos tumabi kay Luke at Inalis ang earphone nito.
"What?" seryosong tanong ni Luke.
"May bisitaaaa." nang tignan kami ni luke ay nangunot lang ang Noo niya.
"Ano naman? Hindi ko naman bisita yan." sagot ni Luke tapos Tumingin na sa Laptop niya at sinalpakan ang tenga kaya naman napairap ako.
"Maupo ka muna doon." aniya ko naman tapos kinuha ang swivel chair at pinaupo ko siya.
"Ang lamig pala talaga sa Lugar na to noh, It's my first time here." inilibot pa ni Gray ang mga mata sa bawat sulok.
"Magkakasama kayo natutulog rito?" tanong niya.
"Yup." sagot ko pa.
"Nurse chi, bagay talaga kayo ni Doctor Althea." nang sabihin yun ni Gray ay palihim na ngumiti si Doctor althea kaya naman natawa ako.
"A-ah ganun ba." sagot ni nurse chi at napakamot sa Ulo.
"Ikaw naman mas bagay kay—"
Sabay sabay kaming nagulat nang hampasin ni Luke ang mesa tapos tumayo. "Ang iingay niyo, inikutan niyo pa talaga ako." walang gana niyang sabi tapos Kinuha ang Libro at isinara ang Laptop tapos Lumabas na nang Doctors Room.
"Woah, He changed a lot." aniya ni Gray.
"Talaga?" tanong ko.
"Yup, Madalas niya akong ngitian dati pero ngayon hindi man lang. Nakikilala niya pa ba ako?" tanong ni Gray.
"Parang nagkapalit nga kayo nang ugali eh." mahinang sabi ni Nurse chi kaya naman natawa ako.
"Talaga ba? Parati niya pa nga rin akong inaasar, Ayaw pa niyang ibigay yung Card ko." nakangusong sabi ko, Hinila naman ako ni Gray papaupo sa Tabi niya.
Parang nakiliti ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. "You still like him?" bulong ni Gray saakin kaya naman nahampas ko siya.
"Ano ka ba, wag dito." aniya ko tapos nahihiyang tumingin kila Nurse Chi.
"M-maiwan na muna namin kayo, Babye!" napatingin ako kay Doctor althea na Hinila na si Nurse Chi papaalis sa harapan namin nang makalabas ay tinignan ako ni Gray.
"Mali, Hindi ko na dapat tinatanong yon. You still do like him." lumabi ako tapos Umiling.
"Naiilang lang ako, kasi hindi pa kami nakakapag usap nang maayos." dahilan ko.
"Kaibigan kita pero sige sabi mo yan eh." aniya ni Gray tapos Sumandal at pumikit.
"Inaantok ako, Haba rin nang byahe." asik ni gray kaya naman natawa ako.
"Mamaya, Libre kita Coffee? Ramen?"
"Both!" sagot niya kaya natawa ako.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro