Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

@/n: dahil nga sa nangyari, mag fafast forward tayo kung saan doctor na ang ating Mia Jasmin Sandoval. Mia on the Multimedia hihi



Mia Jasmin's POV.

5 years past..

"What? Ipupunta niyo ako sa Ospital malayo sa city? I can't believe this!" inis na sabi ko sa President nang Hospital, hindi ko lang matanggap Top Notcher ako nang Medical Students, tapos ngayon tsk.

"Wala kang magagawa Doc Mia." sagot pa nito.

"Pano pag hindi ako pumunta?" tanong ko.

"Tatlong taon kang hindi makakapagtrabaho as doctor." natawa ako.

"Really? Dahil lang sa Niligtas ko yung Pasyente dahil lahat nang doctor rito na lisensyado wala?." sarkastika kong sabi.

"Rules are rules Doc Mia." nakagat ko ang labi, Hindi ako makapaniwalang dahil sa pagligtas ko sa Isang Patient nang walang tugon o permission mapupunta ako sa Ospital na hindi sikat, at malayo sa city.

"It looks like you're telling me to let that patient die in our hospital bed President." mahinang sabi ko.

"If something bad happens to that patient, this hospital will be dead on DOH." naligtas ko nga tsh, napairap ako.

"Fine, Tatanggapin ko yan. Pero babalik pa rin ako sa Ospital na to." mariing sabi ko.

"I'll be Packing, Thank you President." napasinghal ako at padabog na tumayo.

"Magaling kang doctor, hija. Pero sumusunod lang ako." natigilan ako at hindi siya pinansin, nandito ako sa Ospital kung saan nagtrabaho si Doc Lucille pero wala rin siya rito ngayon.

Nang makababa ay agad naman akong sinalubong nang Co-Doctors ko. "Saan ka naman nila ipupunta Doc Mia?" tanong saakin.

"Saan pa ba, doon sa Ospital kung saan hindi naman kilala." walang gana kong sagot, ngumuso ito tapos iniwan na ako.

Lahat naman mang senior doctors rito ayaw saakin, lalo na sa mga babae. Normal lang naman na magalit sila dahil sino nga ba naman ang hindi mapapahiya kung yung junior mo mas magaling pa sayo.

Ayos na rin siguro kung doon ako, atleast hindi ako matatakot na pag initan nang dugo. Umuwi ako nang bahay tapos sinabi ko ang balita sa Parents ko.

"What? Is that even fair?" hindi makapaniwalang tanong ni Mommy

"Ayos na rin siguro mommy, para walang naninira saakin." dumating naman si Kent tapos Humalik sa Pisngi ko.

"How's your day noona?" ngumiwi ako.

"Malalayo ako sainyo, ililipat ako nang hospital eh." nangunot ang noo ni kent, ang laki na rin ni kent kailan lang ay elementary palang siya.

"Why is that?" tanong ni kent.

"Lumabag ako sa Rules nang hospital, by saving a patient. Hindi naman matatawag na Malpractice yon." explain ko pa sakanila.

"Buhay naman diba?" tumango ako sa tanong ni daddy.

"I don't understand them dad, but i need to go.. Ayoko masuspend for 3 years." ngumiti si dad.

"Pag nawala ako sa Larangang ito nang tatlong taon baka tuluyan na akong mapariwara." dagdag ko na ikinatawa ni Kent.

"OA noona, as if naman ikamamatay mo."

"Oo kaya, Simula pagkabata gusto ko nang maging doctor." sagot ko sakanya pero napailing nalang siya.

"Dadalaw dalawin ka nalang namin." aniya pa niya kaya naman ngumiti ako.

"Thanks daddy, mommy bukas na ako aalis. Hindi dapat ako magpahinga dahil baka matuluyan at maudlot ang license ko." Niyakap ako ni Mommy

"Mamimiss kita baby." napangiti ako at niyakap siya pabalik.

"Tawagan niyo nalang po ako kada namimiss niyo ako." nakangiting sabi ko sakanila.

"Mabuti yan, We'll cheer for you." nakangiting sabi nila.

"Noonaaa, i'll miss you." nakangiti ko ring niyakap si kent nang tawagin ako nito para yakapin rin siya.

"Sige na Noona, mag ayos ka na nang gamit mo." aniya ni kent kaya naman pinisil ko ang pisngi niya at kay dad yumakap.

"I love you Mom, dad." bulong ko.

"We love you too anak." aniya nila kaya naman nang matapos mag paalam ay tinext ko kaagad ang mga kaibigan.


•••


Nandito ako sa Airport ngayon kasama ang mga kaibigan ko. "Grabe, grabe talaga yang ospital na yan!" nginitian ko si ate brianna.

"Ayos na rin to, ate. Para makapag relax ako." ngumiwi si ate brianna at niyakap ako.

"I'll miss youu!" ngumiti ako at tinapik siya sa likod.

"Ganun rin ako ate." aniya ko pa.

"Insan malalayo ka na saamin huhuhuhu." binatukan ko si Loki at niyakap nalang rin.

"Wala nang manlilibre sayo nang food." asar ko sakanya natawa ito at naramdaman ko rin na niyakap niya ako.

"I'll miss you Mia." nginitian ko si Loki tapos tinignan ko na si Zane.

"Ihhh zaneeee! I'm happy for you." nakangiting sabi ko tapos Niyakap rin siya, yumakap naman ito pabalik tapos Hinagod pa ang likod ko.

"Alam kong mamimiss mo ko, lalo na ang pogi kong mukha." natawa ako at hinampas nalang si zane napalinga naman ako sa paligid.

Wala pa rin si Gray, wala kasi si kuya elijah. Sa ibang bansa siya nagtatrabaho ngayon, lumingon lingon pa ako.

"Hmm hinahanap mo ko?" napalingon naman ako sa Likod ko tapos nginitian si Gray.

"Mm, aalis na ako late ka pa rin. Lawyer Gray." ngumiti siya tapos Lumapit saakin at Yumakap.

"Bakit ba kasi hindi nalang kayo? Parehas kayong single." natawa nalang ako sa Suggestion ni Loki.

"Kaya nga naman mia, Don't you imagine me being your boyfriend. Ipagtatanggol ka sa korte kahit na pusher ka talaga nang drugs." lumayo ako kay Gray at sinimangutan siya.

"Do you want to die?" ngumiti siya tapos niyakap ako.

"I'll miss you." aniya niya, nakagat ko naman ang labi nang mas higpitan nito ang pagyakap saakin, hindi ko alam hindi ko lang talaga maimagine na siya ang makakatuluyan ko.

Gwapo naman siya, matangkad, mabait kahit na tahimik pa rin. "Goodluck Doctor, dadalawin ka nalang namin sa lugar mo." humiwalay ako kay Gray tapos Tinapik siya sa Braso.

"Kahit na wala ako dapat lampas sa 20 words parati ang sinasabi mo ah, Bibisitahin niyo talaga ako." nakangiting sabi ko pa natawa naman sila.

"Bye byee." paalam ko.

"Goodbye mia, See you soon." nakangiting sabi ni Gray saakin.

"Bye bye, Ingat ah." kumaway pa ako dala dala ang maleta ko pero nagulat ako nang may nakita ako sa gilid at nakanguso ito.

"Nakakapagtampo, Hindi man lang mag papaalam saakin." alam kasi nila ang nangyari saamin ni luke.

"Psh tatakasan na sana kita bon." pagbibiro ko pa pero Yumakap rin ito saakin.

"Goodbye My first love." natawa ako at tinapik siya sa balikat.

"Late ka dumating, malapit na ang flight ko oh." aniya ko pa humiwalay ito tapos kumaway saakin.

"Loki ah! Baka makabuntis ka niyan!" paalam ko pa na ikinatawa nilang lahat kaya naman nang talikuran ko sila ay nakaramdam na ako nang lungkot.


•••


Nandito pa rin naman ako sa Pinas pero bakit sobrang lamig rito? Jeez hindi ko inaasahan na magiging ganito kalamig buti nalang akma sa Damit ko, sumakay ako nang taxi para makapunta na sa Ospital na pagtatrabahuan ko.

"Bago ka lang ba rito Hija?" nakangiti naman akong tumango.

"Mabuti naman at madadagdagan na ang Doctor sa GRS Hospital, kulang kasi ang doctor pero magagaling naman ang doctor doon." ngumiti ako.

"Papaano niyo po nalaman na Doctor ako?" tanong ko.

"Ah eh, pagkapasok na pagkapasok mo palang Hija, ramdam ko na." ngumiti ako tapos tahimik nalang na Tumingin sa paligid maraming matataas na Puno.

Nang makarating ay Nagbayad ako at Ibinaba ang Maleta ko, Isang malaking maleta at isang Travel bag plus isang Hand bag hawak ko pa ang kulungan nang alaga kong Rabbit, matanda na siya 5 years old na eh

Nang tignan ko ang Ospital ay napalunok ako, sure ba si kuya na magagaling ang doctor rito? Ang ospital ay parang lumang luma na at maliit hanggang 3rd floor lang siya.

May mga Halaman pa sa harapan at nakadikit sa mga pader ang ibang halaman yung umaakyat, Napalunok ako tapos tumingin pa sa Paligid.

Hirap na hirap akong naglakad dala dala ang gamit ko not until may lumabas na Nurse mukhang nagpahangin. Pero natigilan siya nang mapatingin saakin tapos ngumiti at lumapit saakin.

"Doctor ka po rito?" tanong niya kaya naman ngumiti ako at tumango.

"Ang ganda niyo poo." babae siya at nakita ko naman ang ID niya, Jill.

"Nurse Jill, Nice meeting you po." nakangiting sabi ko pa.

"Nice meeting you rin, Hihi ang ganda mo. S-sobrang puti pa." tinulungan niya ako sa paghila nang maleta kaya naman bags nalang ang hawak ko at ang rabbit ko na nasa Kulungan.

Pagkapasok nang ospital ay sobrang tahimik wala man lang akong nakitang naglalakad na Pasyente dinala niya naman ako sa Staff room or doctor room kung tawagin.

"Madalas ay dito kami natutulog Docto— ano pong name niyo?" tanong niya.

"Mia, Nurse jill." nakangiting aniya ko, Nang makarating ay Ibinaba ko ang mga gamit ko sa gilid dahil malaki naman ang staff room or doctor may mga Double decks at mga sofang mahahaba may mga Tables at swivel chair ibang iba siya sa City hospital.

"Ang lamig." aniya ko.

"Malamig po talaga rito Doc." aniya niya tapos ngumiti pa, kaya naman ibinaba ko ang Rabbit ko at Tinakpan siya nang manipis na Tela.

"Pumunta na po muna kayo sa Presidents office, para makuha po ag I.D niyo Doc." ngumiti ako.

"Thank you for Accompanying me, nurse jill." ngumiti ito at kumaway na kaya naman Kumuha ako nang pagkain ni jae jae at nilagyan siya pati bagong tubig tapos nag stretch na.

Luke's POV.


nakaupo ako sa Emergency room dahil wala pang pasyente, Sumandal ako at pipikit na sana nang biglang bumukas ang Pinto nang E.R kaya napabangon ako.

"Omg! Omg! May artista ata tayong doctor! Ang ganda ganda niya!" masayang sabi ni Nurse Jill kaya napangiwi ako.

"Ohh! nasaan siya?!" agad na tanong ni Nurse Chi tapos luminga linga, seryoso nga siya at sinamahan niya na ako sa Ospital na ito.

"Pumunta sa President's office." nakangiting sabi ni Nurse jill na halatang Iniimagine pa ang mukha nang bagong doctor.

"I'm sure she'll hate here." walang gana kong sabi.

"Napaka Negative naman ni Doc L! Maganda siya i'm sure sakanya ka na magkakagusto!" nginitian ko nalang si Nurse Jill.

"Anong name? Liligawan ko yan pag hindi liligawan ni Doc L." ngumiwi ako kay Doc Monter.

"Ligawan mo lang." sagot ko pa.

"Ano mang pangalan niya, Sa sobrang ganda niya nakalimutan ko kaagaadddd huhu! Ah oo! Doctor Maya!" natawa nalang ako sa sinabi ni Nurse jill.

"Ano yun Ibon?" singit ko, lumapit naman siya saakin at Hinampas ako.

"Maganda nga siya Doc L, Promise. Feel ko magiging bagay kayo pero dahil wala ka pang naging Jowa ewan ko nalang." ngumiwi ako at Nahiga nalang sa Hospital Bed, or E.R bed.

"Doc L, favoritism tong si Nurse Jill noh." tinapik ko si Doc Monter sa Balikat.

"Matutulog muna ako." sambit ko pa at pumikit.

Ngunit habang nakapikit ay narinig ko nanaman ang E.R door, mukhang nandito na rin si Doctor Romeo upang ipakilala ang bagong Doctor.

"Ay gagi ang ganda nga." aniya ni Doc Monter.

Buti nalang umalis si Nurse chi dahil inutusan ni Nurse Roma. "Hello." bati nila kaya naman pumikit lang ako.

"A-artista ka ba Doc?" mahina akong natawa sa tanong nila na yun, ganun ba talaga kaganda yung new doctor para mabaliw sila nang ganito.

"Ah hindi, ordinary doctor lang ako." tsk tama nga sila pati boses maganda pero psh not interested.

"General Surgeon ka pala Doc, kailangan na kailangan ka namin." kaya naman bumangon na ako dahil lahat ay nagkumpulan doon.

Magulo ang buhok at inaantok pa akong tumayo tapos nagstretch. Pinagpag ko rin ang Hospital Uniform ko at saka naglakad na papalapit doon habang hawak hawak ko ang Stethoscope ay isinabit ko yon sa Batok ko.

"Halika rito Doc! Para makita mo kung gaano siya kaganda!" hinila ako ni Nurse Jill papunta doon kaya naman natatawa ko akong nagpahila.

Nang makarating ay Gumilid sila, pero kausap ata ni Doc Romeo ang New Comers. Nang makarating ay nakatalikod sila saamin dahil may pinag uusapan ata na Importante.

"Doc, Ito po yung pinakagwapo naming doctor!" tawag ni Nurse Jill kaya naman inantay kong humarap ang Bagong doctor pero pagkaharap niya ay parehas kaming natigilan.

Napalunok akong nakatitig sakanya. S-she change a lot.. "Sabi sayo Doc L, ang ganda niya!" bulong pa ni Nurse Jill, nanlaki ang mga mata niyang nakatitig saakin parang hindi makapaniwala.

"D-doc L, a-ayos ka lang?" tanong saakin ni Nurse Roma.

"Doc Mia, namumutla ka." aniya rin ni Doctor Romeo kay Mia, hindi ko magawang ialis sakanya ang tingin ko dahil tumangkad siya.

Tumangkad at mas gumanda. "Y-you're h-here?" nauutal na sabi niya.

"Mm." sagot ko sakanya.

"E-excuse me." pinanood ko kung papaano niya ipinaalam ang sarili at lumabas nang E.R

"Magkakilala kayo Doc L?" tanong ni Nurse Jill saakin.

"I think so?" sagot ko, tapos Napailing ako nang maramdaman ang bilis nang tibok nang puso ko.

"I-i'm sleepy." mahinang sabi ko pero ang tunay ay hindi ko siya maalis sa isipan ko..



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro