Chapter 29
@/n: Hetoooo naaa hettooooo naaaa ingat po sa pagbabasa enjoy lovelots!
Luke's POV.
Isang buwan na ang nakalipas ngunit nanatiling tago ang naglabas nang Pictures na iyon kaya naman kahit tignan namin sa CCTV sa Condominium ay wala kaming makita na mukha kung meron man ay hindi siya makilala.
"Doc L, pinapatawag nanaman po kayo ni President." bumuntong hininga ako tapos tumayo, katatapos ko lang mag rounds at magcheck may E.R patient pa kanina.
Ano nanaman kaya ipapagawa saakin. Naglakad na ako papunta sa Pinakataas nang ospital dahil doon ang Opisina niya pagbukas nang elevator ay nakita ko si Doc Lucille.
Pero dineadma ko siya at pumasok nalang. "H-how have you been?" huminga ako nang malalim.
"Not good." sagot ko nalang, nang bumukas ang Elevator ay lumabas rin siya ibig sabihin lang non dalawa kaming pinatawag.
Nang makarating sa Office nang President ay Pinaupo kami sa harapan niya. "Doc L, Doc Lucille mabuti naman natugunan niyo ang—"
"Pwede ka nang magsalita kung anong kailangan mo President." maayos at kalmado kong sabi tapos tinignan ang record nang isang Pasyente ko.
"I'll be sending you to other hospital for a Month. Both of you." dahil sa sinabi niya ay natigilan ako at saka tinignan si President.
"Para saan President?" tanong ko.
"Nangangailangan sila nang doctor doon at kayo ang Kailangan ko, naaksidente kasi ang dalawang doctor nila doon." napamaang ako.
"Bakit kami pa President? Papayag naman ako pero bakit siya pa ang kasama? Hindi ba pwedeng lalake nalang." nagrereklamong sabi ko.
"What's wrong with Doc Lucille, para mas matuto pa siya sa—"
"I can't." aniya ko at saka Tumayo na tapos aalis na sana nag nagsalita si President.
"Mas mabilis mo makukuha ang residential mo, plus 10% dagdag sa salary mo." nakagat ko ang labi.
"I'll think about it." sagot ko at lumabas na.
Napabuntong hininga ako nang makababa ay Lumapit ako sa Head Nang hospital na ito. "Doc, I think i can't duty Right now." ngumiti ito.
"Sige, Magpahinga ka na muna ikang araw ka na ring derederetsong nag night duty." ngumiti ako tapos bahagyang yumuko tapos Pumunta ako sa Doctor room at pumunta ako sa locker at inilagay don ang hospital gown ko.
Ngayon ay nakasuot nalang ako nang Polo at Pantalon dahil naka tuck in ako ay Lumabas ako dala dala ang Bag ko kinuha ko naman ang susi at saka lumabas na nang hospital.
Nang makasakay nang sasakyan ko ay Pinaandar ko agad ito papunta sa condo ko, 4:30 p.m palang naman nang makarating sa Condo ko ay napatingin ako nang lumabas si Bon sa isang Taxi at napatingin ako kung sino ang kasama niya.
'Mia?'
Nagtaka naman ako at mabilis na nagpark tapos naglakad na papunta sakanila pero parang sinabi nang isip ko na wag munang magpakita sakanila.
Nang makasakay sila nang elevator ay tinignan ko kung anong floor sila kaya naman huminga ako nang malalim tapos ginamit ko ang Emergency Exit kaya naman binilisan ko ang pag akyat.
Nang makarating sa Floor na yun ay nauna ako sakanila kaya naman inantay ko silang lumabas nang Elevator at ayun nang lumabas sila ay kinapa ko ang dibdib.
'Ano namang gagawin ni Mia sa Condominium ni Bon?'
Wala namang nangyayari pero iba ang pakiramdam ko. Sinilip ko kung saan sila pero tinitigan ko kung ano yung gagawin ni Bon. Mukhang wala ata siyang Card kaya hindi niya mabuksan ang Unit niya.
Kumuyom ang kamao ko nang Itulak ni Bon si Mia sa Pinto nang unit niya. Lalapit na sana ako pero agad kong nabitawan ang bag ko nang may sunod na gawin itong si Bon.
'F*ck you bon..'
Umakyat ang galit sa Ulo ko, suminghap ako nang hangin tapos Pinulot ang bag ko tapos tumakbo ako papalapit sakanila nang makalapit ay agad kong Hinablot si Bon papalayo kay Mia at saka ko siya Sinapak.
"Ano tong ginagawa niyo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"A-andwae.." kinagat ko ang labi tapos tinitigan si Mia na nakahawak sa labi niya, Yumuko ako at hinabol ang paghinga ako, pumikit ako sandali tapos doon ay narealize ko kung gaano kasakit.
Yung sakit na para kang pinanghihina at ninanakawan nang lakas. Pakirandam ko nang mga sabdaling ito ay nagkaroon ako nang sakit sa puso..
"Gago ka ba talaga?" aniya ko kay Bon tapos mabilis kong Hinablot ang kwelyo niya pero naramdaman ko ang paghawak ni Mia.
"T-tama na." aniya ni Mia kaya naman naiyak ako tapos Inalis ko ang pagkakahawak niya saakin.
"Anong gagawin mo sakanya? Anong gagawin mo kaya mo siya dinala rito!" sigaw ko tapos sinapak nanaman si Bon, napalayo ako sakanya tapos Tinignan kung gaano nanginginig ang mga kamay ko.
"Nakita mo naman diba?" aniya ni bon kaya tinitigan ko siya.
"I-iba yung iniisip mo L—"
"Do you want to die?" mahinang sabi ko habang nakatingin kay mia na ikinagulat niya pero tinignan ko na si Bon.
"Do you want to die?" tinitigan ko siyang nasa sahig at dumudugo ang mukha.
"I knew it.. You like her don't you?" mahinang tanong ko kay Bon.
"Yeah, I do." sagot ni Bon kaya naman lumapit ako sakanya at hihiklatin na sana siya nang May humarang sa harapan ko na mas nakadagdag nang sakit na nararamdaman ako.
"dangsin michyeoss-eo?!" Galit kong tanong sakanya, Yumuko siya umiiyak siya ngayon pero sadyang sobrang sama nang loob ko.
(Are you out of your mind?!)
"Ako yung matagal na nandito mia, Ako yung nag hintay.." napatingala ako upang pigilan nanaman ang luha sa mga mata ko pero mali ako nang akala kong mapipigilan ko yon.
"N-nirespeto kita, hindi ko matanggap na b-bakit bakit siya pa yung humalik sayo nang ganun!" sigaw ko tapos napatango ako nang napatango.
"Dahil ba para akong aso na habol nang habol sayo? Pinapakitang gustong gusto ka?" tanong ko.
"L-luke hindi, h-hindi mo naiin—"
"Ano pa bang dapat kong intindihin don?! Hinalikan ka niya! Sa paraang hindi ko pa matanggap!" sigaw ko tapos Hinampas ang pader.
"L-luke liste—"
"Junggi." mahinang sabi ko na ang ibig sabihin ag stop.
"Alam mo bang gusto ka niya?" tanong ko ulit.
"K-kakasa—"
"Naiintindihan ko na, Gaja." kinuha ko ang kamay ni Mia kasama na ang kamay niya.
(*Pagkakabasa po nang Gaja siya Kaja thank you and it means lets go*)
Pero tumigil ako sandali. Hinarap ko si Bon. "Wag na wag kang magpapakita saakin, wag na wag ka ring lalapit sakanya naiintindihan mo?" banta ko tapos Kinuha na si Mia at naglakad papunta sa Elevator.
Hindi pa rin tumigil ang pagtulo nang luha ko, dinadamdam ang nakita hindi ko binitiwan ang kamay niya. Napatitig ako sa repleksyon ko sa harap sa pinto nang elevator, what a mess.
Nang makarating sa Floor ko ay Binuksan ko iyon tapos Pinapasok siya sa Loob, dumeretso ako sa Banyo at naghilamos, nag brush para magising ang diwa ko.
Kumuha naman ako nang Bagong toothbrush tapos Inabot ko kay Mia. "Fix yourself." mahinang sabi ko tapos Hindi siya tinignan nang malampasan siya ay pumunta ako sa Kusina at binuksan ang ref.
Kinuha ko ang Beer tapos dumeretso ako sa Kwarto tapos naupo sa Couch at binuksan ang In can beer at saka uminom. Napatulala ako matapos lumagok.
Mabilis kong naubos ang isang lata kaya naman binuksan ko nanaman ang isa, pero biglang bumalik ang ala ala nang pangyayari kanina pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.
Third Person's POV.
Nasa kwarto si Luke at si mia naman ay nagtagal muna sa CR, Nakatatlo nang beer si Luke pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag inom.
"I've never done anything wrong." mahinang bulong niya sa sarili at nagsimula nanamang humikbi kaya naman napayuko siya at doon umiyak nang umiyak.
Kahit na ganun ang nakita niya ay hindi pa rin niya magawang pabayaan si Mia na kasama ang lalakeng yun, Ang pang apat na beer ay binuksan niya at deretsuhang ininom yon.
Inabot niya ang Cellphone upang tawagan ang butler nang pamilyang Garcia. Nang matawagan ay inutusan niya ito.
"Bumili ka nang Beer, Damihan mo. Dalhin mo mamaya sa Unit ko."
"Yes master."
"Listen to me, Wag na wag mong sasabihin to sa kahit na sino."
"Yes master."
Nang patayin niya ang tawag ay inabot niya ang pang limang beer at paranv ginawang tubig nang inumin niya tapos isinunod agad ang pang anim. "Pano niya nagawang ipagtanggol ang isang yon?" mahinang tanong ni luke sa sarili.
"Dahil ba hinalikan rin ako ni Lucille kaya gumaganti siya? Ginusto niya ba yon? Mas gusto niya ba yon?" natawa si Luke tapos Ibinato ang Lata sa kung saan.
Maya maya ay may kumatok mula sa Pinto kaya naman mabilis na itinago ni luke ang wala nang laman na lata sa ilalim nang mesa sa harap nang couch. "M-mia." aniya ni Luke tapos pinilit ngumiti.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" sa tanong niyang iyon ay ramdam na ramdam niya ang awa at sakit sa dibdib.
Parang pinasakit non ang lalamunan niya dahil pinipigilan niya nanamang maiyak. "I'm sorry." nang sabihin yon ni Mia ay huminga nang malalim si Luke.
Nag iwas tingin si luke nang maupo sa harap niya ang binibini. "L-luke, h-hindi ko naman alam na gagawin niya yon." bumuntong hininga si Luke.
"Mm." tugon niya ngunit ang tunay ay gusto niyang kapain ang dibdib dahil parang pinipiga ang puso niya sa sakit.
"M-malapit ka nang grumaduate, mag aral ka nang mabuti ha?" pinilit nitong ngumiti habang sinasabi ang mga katagang iyon pero umiyak lang si Mia sa harap niya.
"Ipapahatid nalang kita sa Butler namin, pauwi nang bahay niyo. Okay ka na ba?" tanong ni luke kaya naman mas lalong naluha si Mia.
"May ginawa akong mali diba? Bakit hindi ka nagagalit saakin. Hinalikan ako nang ib—"
"M-mia, ang sakit." nang mahinang sabihin yun ni Luke ay napayuko siya at nagsimulang umiyak, kinapa niya ang dibdib nagbabakasakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
Hirap na hirap siyang itago ang sakit at sama nang loob..
Sa bawat hikbi ni luke ay sising sisi siya na sumama kay Bon, hindi niya man sinasadya ay nangyari na. "H-hindi ko pa rin maintindihan kahit na anong pilit ko." namaos si Luke nang sabihin iyon dahil umiiyak siya.
"S-sinusubukan kong intindihin, kasi— a-ayokong mawala ka kasi.. Kasi mahal kita." hindi nakatugon si mia sa sinabi ni luke, hindi siya makapaniwala na Umiiyak ang lalakeng gusto niya sa harapan niya.
"A-akala ko p-parehas ang gusto sa pagmamahal.. Pero pero habang tumatagal n-naintindihan kong mahal kita at hindi lang gusto." mahinang sabi ni luke tapos napatango muli.
"Gusto mo ba ihatid na kita?" pinunasan ni luke ang mga luha sa mata at pinilit ngumiti.
"I hate him, I only hate him. Why can't i hate you mia?" tanong ni Luke.
Luke's POV
"Why? Why i can't hate you? I wanted to hate you so bad mia. I want to sue you, i want to hurt you but i can't." sambit ko at saka Napayuko, tumayo ako at kinagat ang labi.
"I'm so weak to do that.. It will hurt me more.. I can't see you in pain, kaya wag ka nang mag alala saakin." lumapit ako sakanya tapos Inayos ang buhok niya at Pinunasan ang mga luha niya sa Pisngi.
"I'll be fine, I'll be okay m-mia." pinilit kong ngumiti sakanya tapos inayos ang damit niya na magulo pa rin dahil sa nangyari kanina.
"L-luke.." pinilit kong ngumiti nang tawagin niya ang pangalan ko, Ngayon ay nakapagdesisyon na ako.
P-pupunta nalang ako, para lumayo muna sakanya. Kahit sino pang kasama, mas makakabuti rin siguro sakanyang hindi muna ako makita na nagluluksa.
"Everything will be okay." sinilip ko ang mukha niya at pinunasan nanaman ang luha niya.
"Wag ka nang umiyak, h-hindi ako galit." mahinang sabi ko sakanya tapos Hinalikan siya sa Noo.
"N-nagagalit ako sa sarili ko.." nang sabihin niya yon ay Hinila ko siya tapos Niyakap at Hinaplos ang Ulo niya, napatango ako kasabay non ang pag tulo nanaman nang luha ko.
"W-wala kang kasalanan." mahinang sabi ko sakanya.
"Magpahinga ka na Mia." mahinang sabi ko.
"Nandiyan na rin ang Butler ko, ipapahatid nalang kita sa bahay niyo okay? Mag iingat ka parati." humiwalay ako sa yakap tapos Pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.
"Mag aral ka rin nag mabuti, My Future Doctor." mahinang sabi ko at Pinilit ngumiti ito kasi ang pinakamasakit kong sinabi ngayon.. Niyuko ko siya upang halikan sa noo pero nagulat ako nang Hablutin niya ang damit ko at halikan sa labi.
Natigilan ako sa Ginawa niyang paghila saakin at pagdampi nang labi niya, nanatili akong mulat habang siya ay nakapikit at nakadikit ang labi. Pumikit ako at saka ko hinawakan ang likod nang ulo niya at Hinalikan siya nang mariin.
Hinapit ko ang bewang niya at saka ko siya Iniupo sa Couch, hinalikan ko pa rin siya. Matapos siilin ang ibaba niyang labi ay siniil ko ang itaas niyang labi pero agad akong tumigil at nagmulat.
Dahan dahan kong inilayo ang mukha ko sakanya tapos Tinitigan siya, inayos ko ang buhok niya at napakunok. "Y-you're d-drunk." nauutal na sagot niya kaya naman napayuko ako.
"Ipapahatid na kita." pinilit kong ngumiti at saka tumayo tapos Iniiwas ko ang tingin ko sakanya.
H-hindi ko dapat ginawa y-yon..
Nang makalabas nang kwarto ay sakto namang may nag door bell kaya binuksan ko yon pumasok si Ryzo. "Maste— G-good afternoon miss." bati niya kay Mia tapos bahagyang yumuko.
Naitago pa niya ang kahon nang beer kaya naman napatango ako. "Ihatid mo na muna siya sa bahay nila. Tandaan mo, sa bahay nila mismo. I'll send you the address." mahinang sabi ko tapos nilingon si mia at tinapik sa Likod mahina lang
"mom josimhae." korean na ang ibig sabihin ay Take care of yourself, Ibinaba ni Ryzo sa Gilid ang kahon kaya naman tinanguan ko siya.
"C-call me." nginitian ko nalang si Mia tapos tinanguan ko si Ryzo pinanood ko silang lumabas tapos nang makalabas na sila ay isinara ko ang Pinto.
'I hate myself'
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro