Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Luke's POV.



The last event ended well, pero pagkatapos nun ay mas marami nang nang aasar saamin ni Mia. Mag shoshower kami bago matulog kaya naman inaantay ko silang lahat na makuha ang nga gamit nila para makaligo na.

"I miss Mom.." napatingin ako sa katabi, It was Mia. Hindi ko man lang napansin ang presensya niya kakaisip sa mga nangyayari.

"Isusumbong na ba kita kay tito vince?" tanong ko sakanya, Gulat naman siyang tinitigan ako nang may pagtataka.

"Wae?"

"You only miss tita miyu, not tito vince." nakangiting sabi ko pa, Tipid naman siyang ngumiti.

"I both miss them, But i miss my mom a lot. Nang mga panahong bata palang ako ang aga ko natuto nang dahil sakanya. Nasa New Zealand kami nang mga panahong iyon, i have a lot of friends back then." nakangiting kwento niya.

"A guy friend?" tanong ko bigla, Nginiwian niya ako pero natawa nalang.

"Yeah, I have two." sagot niya.

"Yah! B-bakit nang nakikipagkaibigan ako sayo, ayaw mo." nakangusong sabi ko pa, Ngumiti siya tapos hindi ko naiwasan ang gagawin niya pinitik niya ako sa Noo.

"Yah! What was that for?" gulat na tanong ko.

"Sus, Papaanong hindi ako maiinis sayo Hinalikan mo ako sa Pisngi ang bata bata ko pa!" napangiti ako nang malakas niyang sabihin yon at nang marealize niya ay agad siyang nagtakip nang bibig.

Kinikilig kasi ang iba dahil narinig niya. "I didn't reveal that." nakangiting sabi ko at saka nakapamulsang naglakad nakita ko naman siyang nakayukong naglakad sa pagitan ni Gray at Brianna.

"Hide me." napatingin naman ako kay Gray, Tipid itong ngumiti habang nakatitig kay mia kaya naman nawala ang tingin ko at saka Tumingin nalang sa dinadaanan.

"Doc L, pwede po ba magpapicture mamaya?" tanong nang isang student saakin kaya naman nahiya ako at saka Dahan dahan na tumango habang nakangiti.

"Thank you po." aniya nito.

"Doc L, Kami rin po ah." nginitian ko nalang sila tapos Hiniklat ko si Loki sa Pwesto ko upang magkapalit kami.

"Doc L, Minsan talaga natatawa ako sayo eh. Hindi ko alam kung nababading na ba ako o ang cute mo lang talagang mahiya." natawa nalang ako at napailing sa sinabi ni Loki.

"Bakla ka naman talaga." agad kong inawat si Loki sa pag sugod kay Zane tapos Inakbayan nalang siya, nang malapit na sa CR ay isinabit ko ang Twalya sa Balikat ko.

"Dito namin kayo aantayin mamaya." rinig kong sabi ni loki tapos tinulak na ako papasok sa Loob, isinabit ko naman ang gamit ko at nagready na.

Habang naliligo ay nahihiya akong tumingin sa katawan ko. "Sana ol matigas dede." natawa nalang ako sa sinabi ni Loki kaya naman naligo nalang ako.

"Tips nga Doc L pano maging ganyan ang katawan." aniya naman ni Zane.

"Work out, Exercise." sagot ko.

"Hindi ka naman nag dadiet Doc?" tanong pa ni Zane saakin.

"Nope, Less salt ang mga pagkain sa ospital, hindi rin matamis. Hindi naman mabilis tumaba ang lalake." aniya ko pa sakanya

"Parang gusto ko rin mag doctor. Baka maging Doc L rin ako hahaha." natawa nalang ako kay Loki.

"Walang magkakaparehas na pangalan sa Loob nang Ospital, kaya hindi ka na magiging Doc L, Baka maging Doc S ka." natawa sila sa sinabi ko tapos naligo nalang.

Nang matapos ay Lumabas akong Topless dahil basang basa pa ang buhok ko, mababasa lamang ang damit ko. "Haba habaan mo yung pantaas mo Doc L ah hahahaha pagkaguluhan nanaman ang alaga mo." aniya ni Loki dahilan para matawa nalang kami.

"Shet, kaya pala nag lalaway ang nga babae kahit nakadamit ka pa, Pag inalis pa kaya." sa sinabi ni Loki ay binatukan siya ni Gray.

"Hindi ka na nahiya." sita niya pa.

"Ayos lang, sanay na ko kay Loki." nakangiting aniya ko pa, Tipid lang ang ngiting ibibigay ni Gray tapos nagpunas na nang buhok.

Apat ata ang CR rito sa buong camp site. Nang mapunasan ang buhok ay Nagsuot na ako nang T-shirt na mahaba haba, Tinignan ko naman ang Itsura sa harap nang salamin.

"Antayin ko na kayo sa labas." paalam ko sakanila, tumango naman sila kaya lumabas na ako habang ang twalya ko ay nasa Balikat pinupunasan ko pa rin kasi ang Buhok.

"Wow Pogi." napalingon ako sa babaeng lumabas nang Cr, tapos natawa nalang at saka naupo sa May semento na hagdan.

"Psst." napalingon naman ako sa Likod ko, si Mia tapos na kasabay niya ring lumabas si Brianna.

"Wala pa ba yung mga kasama mo?" tanong ni Brianna saakin at sumisilip sa Shower room namin mula sa Kinatatayuan niya.

Nang mag ring ang cellphone ko ay kinuha ko ito sa mismong Bulsa ko at tinignan ang tumatawag, nakangiti ko itong sinagot.

"How's Everything?"

"Everything is fine Master."

"How about her? Did you fed her already?"

"Yes Master, Iiwan ko siya mamaya pag naubos niya na ang pagkain niya. Nandito lang naman siya sa Condo niyo."

"Okay, That's Good. Don't let any members of my family to get in."

"Yes Master, I secured everything."

"Okay, that's all. Bukas nang mga lunch o hapon nandiyan na ako."

Matapos sabihin yun ay Ibinaba ko na ang Cellphone dahil inend call ko naman na, Maya maya ay nandiyan na sila kaya naman naisipan na naming bumalik.

"Is everything fine?" tipid kong nginitian si Mia tapos tumango.

"How about your lolo?" tinignan ko siya tapos hindi nalang umimik.

Nang makabalik sa Tent ay Dumeretso ako sa Loob tapos dumapa upang masilip ang nasa labas nakaulo kasi ako sa bandang Pinto nang Tent ko.

Habang nakadungaw ay nakangiti kong tinitignan si Mia. Nang mapansin niya ay nilingon niya ako. "Wae? Wae?" tanong niya kaya naman natawa ako.

"Jaljayo." sambit ko, Napangiti siya.

"Jaljayo." bati niya pabalik kaya naman Nahiga na ako at saka Pumikit, nang magmulat ay sumilip ako uli pero mukhang nasa Loob na siya kaya naman pumasok na ako at nahiga.

Nang bumuga ang malamig na hangin ay Nakaramdam na agad ako nang antok..

•••

"Yah, wake up." nararamdaman ko ang mahihinang tapik sa Pisngi ko kaya naman Kinuha ko ang unan at nagtakip nang mukha.

"Hindi ka gigising?!" inalis ko ang unan sa Mukha at sinilip ang sumisigaw nang makita ang mukha niya ay napangiti ako tapos Pumikit ulit.

"Bahala ka diyan, Hindi ako tumatabi sa Hindi naliligo! Bye bye!" napanguso ako nang marinig ang sinabi ni mia kaya naman sinilip ko siya iniwan na nga talaga ako.

Inabot ko ang relos sa gilid at sinuot yon. Ala sais palang naman nang Uma— fuck! Six A.M na agad akong tumayo at saka Hinigit ang bag ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa Cr.

Pagkapuntang CR ay minadali ko rin ang pagsabit nang mga gamit ko tapos deretsong bukas nang Shower kahit pa sobrang lamig nang tubig ay Ininda ko. Nagsabon ako nang nagsabon at nag shampoo nang matapos ay Pumunta ako sa labas at Inilabas ang Pang sepilyo.

"Aish! Maaga naman ako natulog kagabi." naiinis kong bulong sa sarili.

Nang magawa ang lahat ay nagmamadali akong nagsuot nang Hoodie at saka lumabas na habang pinatutuyo ang buhok tapos nakita ko si Mia na nakasandal sa Pader nang Girls shower room.

"Minadali pa ba ang ligong yan, 20 minutes." nginitian ko nalang siya.

"Mian, Masarap ang tulog ko dahil sayo." nakangiting sabi ko, Natawa ito tapos sinenyasan na ako.

"Am i responsible for that then?" tanong niya pa habang pinagkrus niya ang mga braso sa Tapat nang dibdib.

"Yes you are." natawa nalang siya sa sagot ko at saka Umiling nang makarating sa Tent namin ay nakita ko na maayos na ang tents nila.

"Ayusin mo na tent mo, Tulungan ka namin." nakangiting sabi ni Mia kaya naman tumango tango ako at saka nang tinulungan nila ako ay Limang minuto lang tapos na.

"Doooc L! Papicture po!" nilingon ko ang students at saka Nginitian tapos Nilapitan.

Mia Jasmin's POV.

"Tara na! Antatagal niyo kumilos!" bulyaw ko sa Mga Pinsan kong ang kukupad kaya naman nauna na ako sa Loob nang Bus at hinanap ang seat ko last time.

Nang mahanap ay naupo na ako sa Dulo habang ang mga kasama naman namin ay naupo na sa Likod at sa Katapat namin na side. Nang maupo na si Luke sa Tabi ko ay tinignan ko naman sila Loki at Zane na maraming dala dala.

Nang maunang maupo si Loki ay Nasagi si Zane dahilan para mapakandong si Zane na ikinatawa nang iba. "Ano ba yan zane! Ang bigat nang itlog mo!" dahil sa narinig ay Natawa ang lahat gago talaga si Loki.

Kahit ako ay tawa nang tawa lalo na ang katabi ko napapailing pa. "Kingina mo talaga, Dalawa yan eh." dahil sa gatong ni Zane ay mas naging matunog ang tawanan sa Bus

"HAHAHAHAHAHAHA."

"GRABE HAHAHA ANG GAGWAPONG LALAKE KUNG ANO ANO SINASABE."

Nang makaayos na kami nang Upuan ay Umandar na ang Bus, Medyo mabagal pa sa una dahil rough road dito. Napasilip naman ako sa labas nang Bus.

May araw na rin dahil 7:15 A.M na kami nakaalis, Malamig naman sa Buong bus as in malamig talaga ewan ko nga kung nasa Bus ba talaga kami o ibang bansa.

"Ayos ka lang?" nilingon ko naman si Luke tapos Nginitian.

"Yes na yes, Bakit naman hinde diba." sagot ko pa at tumingin na sa Bintana, mamaya na kami mag bebreakfast after one hour naman ata may stop over.

"Nakakaantok talaga pag Byahe." aniya ni Luke at saka bahagyang Bumaba at sumandal sa Kinauupuan niya itinaas niya rin ang Hood niya at saka Pumikit.

"Oh." nagmulat siya tapos napangiti sa Inabot ko, Uung Sun Glasses niya na pinatago niya.

"Kamsamnida." nakangiting aniya nito at saka Sinuot na yon at Hindi ko na makita ang mga mata niya kaya naman Kinuha ko rin ang saakin.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pag galaw nang katabi ko kaya naman Inabot ko ang tumbler ko at Uminom nang tubig bago siya lingunin. "Gaja." napatingin ako sa mismong kamay ko nang kunin niya ito tapos tumayo na kaya naman napasunod ako.

"S-saan tayo?" tanong ko.

"Breakfast." sagot niya kaya naman tumikhim ako at kinuha ang kamay ko tapos nagpaunang maglakad.

Nang makababa nang Bus ay Nag stretch muna ako tapos nang makita ko sila Loki ay lumapit ako sakanila kasunod si Luke, pero maya maya ay napansin kong lumayo si Luke dahil may kausap siya sa Phone.

"Jamsiman." paalam ko sakanila tapos naglakad ako pasunod kay Luke.

Maya maya ay nakita kong may lumapit na lalake sakanya, Nakasuot ito nang Itim na Cap kaya naman nagtaka ako at sumunod lang.

'Weird, Who's that?'

Tanong ko sa sarili, pero agad akong naalerto nang bigla nalang Hablutin nang lalake ang Cellphone ni Luke kaya naman agad na Kumilos ang katawan ko.

Agad akong Tumakbo papaharang sa lalake at saka ko siya Sinipa dahilan para Tumumba siya sa Gilid at dahil sa ginawa ko ay tumumba ito. Nang tumumba siya ay agad kong Hinawakan ang dalawang kamay niya at saka ko Kinuha ang cellphone.

Nakadapa siya ngayon at walang laban dahil apak apak ko ang Likod niya. "Who are you?" tanong ko, nang makalapit si Luke ay hingal na hingal siya lumapit naman ang ibang student para makichismis.

"You have the right to protect yourself from Fake Rumors, Sumagot ka nalang." mariing sabi ko.

"M-mia." sambit ni Luke.

"Are you alright?" tanong ko sakanya, Nakita ko naman ang Isang Sugat mula sa bandang leeg niya kaya naman diniinan ko ang pagkakaapak sa lalake.

"Sino ka?." tanong ko.

"Mia, Anong nangyayari?" tanong nang adviser namin.

"Don't worry sir, Can someone call a police?" aniya ko, lumapit naman sila Loki.

"Bakit mo pa ba tatanungin kung sino ako! Magnanakaw lang ako! Snatcher!" sigaw nang lalake kaya naman natawa ako.

"You amazed me, sir. Hindi pa ako nakakita nang magnanakaw o snatcher na inamin kaagad na snatcher nga siya." aniya ko at bahagyang tumawa.

"Let me handle this Mia." aniya ni Luke kaya naman Hinawi ko ang kamay niya tapos Bahagya akong yumuko.

"Anong meron sa Cellphone mo luke?" tanong ko sakanya.

"Walang magnanakaw o snatcher na naka Rolex, Gucci belt, at nike shoes." aniya ko sa lalakeng nakadapa ngayon.

"Important files." sagot ni Luke tapos Itinago na ang Cellphone niya.

Maya maya ay hindi na nagsalita ang nahuli ko at saka Dumating na ang mga Pulis at Dinampot siya, Bumuntong hininga ako. "Next time yung lakas nang pakirandam mo ang trabahuin mo, hindi panay katawan."

"M-mia, hindi ko naman inaasahan." sambit ni Luke.

"That's why i'm telling you this, I hate it." sambit ko tapos Naunang pumasok sa Fast food na para bang walang kung anong nangyari.



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro