Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Luke's POV.


hindi ko sila nagawang lapitan, They seem to be enjoying. I mean Gray and Mia matagal naman na silang nagkaibigan kaya hindi dapat ako mangamba hindi dapat ako kabahan.

Hindi dapat ako masaktan na magkaibigan lang naman sila pero bakit ganun ang tratuhan? Dahil ba umamin ako kaya ganito? May ilangan dahil ba gusto ko siya?

Pagkatayo nila ay tatalikod na sana ako nang makita na nila ako. Nginitian ko nalang si Mia tapos pilit rin na nginitian si Gray. "Okay ka lang?" tanong ko kay Mia.

Sobra kasi ata ako nagiging mabilis at fast forward sa mga Movements ko kaya naman sige babawasan ko, Susubukan ko ring tumahimik. "Oo naman, kanina ka pa?" tanong ni Mia saakin.

Umiling ako bilang sagot. "Halos kakarecover ko lang rin, sorry sa nangyari." aniya ko.

"Ayos lang." sagot niya tapos sinabayan ako maglakad.

"Doc L!" napalingon naman ako sa Teacher na lumapit saakin kaya nginitian ko siya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Kasali kayo mamaya sa Paintball War. After Lunch po yun." sambit nito kaya ngumiti nalang ako tapos patuloy nang naglakad.

Nang makabalik kami sa Tent ay naupo muna ako sa Foldable Chair na mismong kaharap nang Tent ko. Isinandal ko ang ulo at pumikit.

I just don't feel Okay, Nasasaktan ako wala namang mali sa ginagawa nila. May karapatan ba akong masaktan? May karapatan ba akong magreklamo? Wala namang kami.

"Oh." napamulat ako pero agad nang tumama sa tyan ko ang Plastic bottle na naglalaman nang soya milk? Not sure galing kay Mia eh.

"Thanks." sagot ko tapos Binuksan na yon at saka Tinikman, Masarap naman nang makainom ay sumandal ako ulit sa Upuan.

Bukas ang uwi namin ay 7 A.M dahil ang event ngayon ay hanggang 10 P.M may mag peperform ata hindi ko lang sure kung anong meron mamayang gabi. Nang maubos ang laman nang bote ay tinapon ko na yon tapos tumayo ako at nagstretch.

"Doc L wag." napatingin ako kay Zane tapos pinagkunutan siya nang noo then i started hearing girls.

"B-bakit?" masama ba magstretch sakit na nang katawan ko eh.

"Bumabakat." aniya niya kaya naman napalunok ako at agad na napatakip sa Parteng iyon tapos Natawa naman sila Loki at Zane kaya pumasok na ako sa Loob nang tent ko sa kahihiyan.

Shit, Nakalimutan kong aish nevermind. Nilingon ko naman si Mia sinilip ko siya then i saw her face turned red kaya naman agad akong nagtago at pakiramdam ko pati ako namumula.

Andwae.. Maldo andwaeeeeeeeeeeee

Dahil sa kahihiyan ay Kinuha ko ang Hoodie at sinuot yon dahil mahaba, nakajogging pants lang pala ako jeez I should be careful. Lumabas na ako at nahihiya pa rin ako dahil mas nag tilian ang mga high school students.

Agad akong pumunta sa Tent ni Loki at Zane dahil magkasama sila sa iisang tent at Nakisingit sa Loob. "What a Big mistake." aniya ko at Napahilamos nang mukha tawa naman sila nang tawa.

"Doc L kasi hahahaha." natawa nalang rin ako.

"I've never expected that, Doc L." napayuko nalang ako sa Kahihiyan at saka umiling iling pilit inaalis ang kahihiyan sa Mukha ko.

"Kakaiba ka Doc L yung iba natutuwa pa silang bumabakat pero ikaw nahihiya." aniya ni Loki kaya naman natawa nalang ako.

"Yung iba nga kailangang gising pa para makita hahaha." tinapik ko si Zane sa likod para tumigil na.

"Shh nakakahiya." aniya ko.

"Sama kayo?" aya ko sakanila.

"San Doc L?" tanong ni Loki.

"Yayain niyo si Gray, Libre ko." agad na Tumayo si Loki at lumabas nang tent tapos Maya maya ay bumalik aiya hawak hawak na si Gray na nagulo pa ang damit kaya napangiti ako.

"Tara, Naglibot ako kahapon may nakita akong store rito." aya ko sakanila tapos Lumabas na nang makalabas ay inayos ko pa ang Hoodie ko upang maitago ang dapat.

Hinanap nang mata ko si Mia at nasa Loob siya nang tent niya nakakumot habang nagbabasa nang Libro nakaupo naman siya. Nang mapansin niyang tinitignan ko siya ay tinigna niya ako kaya naman ngumiti ako.

At sinenyas na aalis na muna, Tumango naman siya at tipid na ngumiti kaya naman lumapit ako kay Loki at Inakbayan ito. "6 footer ka Doc L noh?" nagkibit balikat naman ako.

"Hindi mo alam?!" gulat na tanong niya, kaya naman tumango nalang ako.

"Ang tangkad mo Doc L, Naiinggit ako." aniya ni Loki at itinaas ang kamay para sukatin kaya naman ngumiti ako.

"Mas tatangmad ka pa, just wait hindi mo rin mapapansin." aniya ko sakanya si Zane at Gray ang magkasama Kinamawayan rin nang babae tsk tsk.

"Delikado palang mapasama sainyo, maraming babae ang lalapit." biro ko pa tumawa naman si Zane.

"Mas Maingay ang pangalan mo Doc L." sagot niya nilingon ko naman si Gray na tahimik lang.

"Wala ba kayong Girlfriends?" tanong ko pa.

"Wala Doc L, ang daya nga ni Mom and dad samantalang sila tsk." natawa ako.

"Tama lang yon wag muna, Crush crush muna kayo. Nang 17 years old ako ala eh, gang crush lang kay Mia." natatawang aniya ko pa.

"Hindi naman ganun kaclose ang parents niyo noon Doc L, papaano ka naging Close kila tita miyu?" Nagtatakang tanong ni Zane.

"Sa Ocean Park, Hindi kasi okay ang family namin nang bata pa ako. Bata palang ako nun mukha na pero akong Ten Years old dahil sa Height at pananalita." kwento ko pa natatawa.

"Ayon, Iniwan ko yung nanay ko tapos nakita ko sila Tita miyu at tito vince. Pinagbubuntis palang si Mia sinabi kong babae yung anak nila at pag lumaki ako papakasalan ko siya." natatawang aniya ko na ikinatawa nila.

"Ang aga Humarot Doc L." asar ni Zane.

"Kaya naman bata palang ako May parehas na kaming laruan ni Mia naalala mo yung Dolphin na Pink sa Kwarto niya?" tanong ko pa.

"Naalala ko yon." sagot ni gray.

"May ganun rin ako pero panlalake." sambit ko.

"Woah, Astig kaya naman pala malakas ka kila tita miyu. Kakaiba ka Domamoves." napangiti nalang ako sa Gitna nang paglalakad ay nakita na namin ang Sisigan.

"First time niyo sa ganito?" tanong ko.

"Sizzling Sisig, ngayon lang ako nakapunta sa Ganito Doc L ah." luminga linga pa sila zane, loki at gray.

"Ang bango, Libre mo ba talaga to Doc L?" tanong ni Loki kaya naman nakangiti akong tumango.

"Maupo na kayo, Ako na ang Oorder." nakangiting sabi ko sakanila kaya naman natuwa sila, Umorder na ako at sinabing maupo na dahil Iseserve naman nila.

"I can't believe it Doc L, You liked her that long?" hindi makapaniwalang tanong ni Zane saakin.

"Hmm Yes, Maybe baby palang siya may Connections na kami." natatawang sabi ko pa.

"Connections, ano kayo Signal." napalingon ako sa Dumaan sa Gilid namin, it was Bon may hawak siyang Cup tapos naupo siya sa kaharap na table namin.

"Epal ang kingina." tatayo na sana si loki nang awatin ko siya tapos Inilingan.

"Ayoko magtrabaho ngayon, pag nagkasugat siya hindi tayo makakakain." natatawang dahilan ko.

"Aish nakakailan na yan e." aniya pa ni Loki maya maya ay dumating ang Order namin.

"Gusto mo naman si Luke diba? Gwapo siya, mabait. Nagtataka ako bakit parang hindi ka Interisado sakanya." napalunok ako nang marinig ang usapang iyon sa Likuran ko.

"M-masyado pa akong bata para sa isang relasyon." sagot ni Mia, kahit hindi ko lingunin ay alam ko ang tinig niya.

"Kung ganun hindi mo alam kung gusto mo siya?" doon ay mas naging interisado ako sa magiging sagot niya.

"W-wag nalang nating pag usapan." rinig kong sabi ni Mia.

"Sige na tell meee, may nagpapatanong kasi e." doon ay Tumayo ako at Pinalo ang Mesa ko mismo na ikinagulat nang lahat nang nandito.

"If you're being friendly because you need something, stop it." malakas na sabi ko tapos tinignan ang estudyanteng babae tinignan ko ag pagkakahawak niya sa kamay ni Mia kaya naman naglakad ako nang Kaunti tapos inalis ang pagkakahawak niya doon.

"Don't bother her again, live a life." seryosong sabi ko tapos kinuha si Mia at saka Iniupo sa Tabi ko, huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili tapos Nilingon si Mia.

"Are you Blind or what? She's not being friendly. She's doing that for someone." inis na sabi ko pa.

"B-bakit ka nagagalit?" tanong pa ni Mia kaya naman mahina akong natawa.

"I'm not." deretsong sagot ko.

"I'm going, Kayo nalang ang kumain Loki. Sorry, Yung inorder ko para saakin kay Mia nalang. Mian." sambit ko tapos Kinuha ang Wallet ko na nasa mesa at saka Umalis na sa Lugar don. Mian means Sorry.

Nang makalabas ay Napabuntong hininga ako, what kind of act is that? Bakit parang hindi ako. Ayos pa naman ako sa naririnig ko pero nang may nagpapatanong I knew it already.

Habang pabalik sa Tents ay nakita ko si Doc Lucille pero Dineadma ko siya sinira niya lang yung pagiging magkaibigan namin, nang School days naman namin ay nagtiwala ako sakanya pero wala na nga palang libre ngayon.

Nang makarating sa Tent ko ay naupo nalang ako sa Harapan tapos Binuksan ang Ice Box at kumuha nang maiinom. Nawala yung gutom ko dahil sa pagkabadtrip.

"Doc L, Kailangan daw po kayo sa Equipment Tent." nilingon ko naman ang lalakeng estudyante, inubos ko na ang iniinom tapos naglakad ako papasunod sakanya.

Nang makarating sa Equipment Tent ay nakita ko ang Estudyanteng May hiwa sa Bandang binti. "What are you doing?" tanong ko kay Doc Lucille.

"Huh?" nagtatakang tanong niya.

"Cure Him." utos ko tapos Kinuha lang ang Gauze Pad upang punasan ang Dugo inalis ko rin ang pagkakabenda non agad naman akong tinulungan ni Nurse chi.

"Hindi naman siya Gaano malalim, Hmm wala ring Muscles na nadamage you'll be okay. Nurse Chi Pakilinis nalang yung sugat niya and Doc Lucille, ikaw nalang ang magbenda." aniya ko pa tapos pinagkrus ang braso ko sa tapat nang dibdib.

"Mukhang balak mo naman magnurse, Bakit ka pa nagdoctor." sarkastikong sabi ko tapos tumikhim na.

"Yung mga wala namang sugat o mga hindi nangangailangan nang pag konsulta makakalabas na." nang sabihin ko yon ay agad silang nagsunuran.

"Why do you have to be this mean?" maluha luhang tanong ni Doc Lucille kaya tinitigan ko siya sa Mukha at sa mata.

"We're not Friends, nasa trabaho tayo tingin mo ba dapat sa ganitong oras Chinicheer kita? Sa mga maling gawain mo?" seryoso kong tanong sakanya.

"Mas natutuwa pa ako kay Nurse Chi kesa sayo, Doctor ka pa man din. Stop acting like a Student, Doctor Lucille." doon sa sinabi ko ay Tumulo na ang luha niya.

"I hate you." sambit niya, Tinitigan ko lang siya.

"Don't expect me to say good things, if you did a mistake." seryosong sabi ko sakanya tapos Tinulungan na si Nurse chi na bendahan ang High school student.

"Leave, Lahat nang actions mo ngayon makakarating sa President." sambit ko, at ayun nga Padabog siyang umalis tinignan naman ako ni Nurse Chi.

"Doc L, hindi ba sobra yun?" tanong niya.

"Kailan ka pa ba matututo kung hindi ka sasabihan nang maayos, Kailan mo pa ba malalaman ang mali mo pag hindi ka napapagalitan o nasisita." deretsong sabi ko.

"Sabagay Doc L, tama ka naman." sagot ni Nurse chi nang magamot na ang sugat niya ay tumayo na ako matapos mag alcohol ay lumabas na rin ako nang Equipment tent or medic tent.

Naglakad lakad ako hanggang sa makabalik sa Tent ko ay basta nalang akong naupo sa Upuan sa harap nito at saka ako huminga nang malalim.

Wala pa naman sila Mia dito sa Tent nila, kahit si Brianna ay wala pa rin habang nag iisip ay tumunog ang Cellphone ko. Si Lolo, tumatawag kaya naman sinagot ko yon.

"Who do you think you are huh?! Who do you think you are to disobey me!"

Napapikit ako nang malakas na pagsigaw niya kaagad sa kabilang linya ang narinig ko.

"Nag iisa kang anak nang Garcia! Purong puro! Anong nais mong gawin ko ipasa ko sa pinsan mo?! Pakasalan mo si Katrina!"

"I'm busy Working, Hindi ko alam kung anong hindi niyo maintindihan sa Busy ako. Hawak ko ang buhay nang mga tao lolo, hindi ko priority ang pag aasawa."

Lakas loob kong sagot, Kayang kaya niyang alisin ang Inheritance ko sa pamilya namin at itakwil ako kaya naman handa ako sa pangyayaring yon pero ginagawa ko ang lahat para huwag hayaang mangyari yon.

"At sino ka para sagutin ako nang ganyan?! Bastardo!"

"Kung hindi niyo ako kayang intindih—"

"Dumeretso ka sa bahay pagkatapos nang trabaho mong iyan! May dinner tayo kasama si Katrina at ang pamilyang lastimosa!"

"Kaya kong kumain nang wala sila.".

"Napakabastos mo talaga! Nagmana ka ba sa ina mong bastarda ren!"

"What did you say?"

Nag init ang ulo ko sa sinabi niya, This man doesn't deserve to be respected.

"Anong magagawa mo? May laban ka ba?! Kaya kong gawin ang lahat sundin mo lang ako! Handa akong iban ka sa lahat nang ospital upang hindi makapagtrabaho!"

"Do it, gawin niyo lolo. Wala akong pakialam."

Matapos kong sabihin yon ay pinatayan ko siya nang Tawag sa sobrang galit ko ay ibinato ko ang Cellphone sa Loob nang Tent ko tapos napasabunot sa sariling buhok.



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro