Chapter 21
Mia Jasmin's POV.
mariin akong pumikit, Did i just invade his privacy? Narinig ko yung usapan nila nang Mom niya, ngayon ay maang maangan at patay malisya ako sa nararamdaman niya.
Sobrang Kalmado niya parati, sobrang saya niyang tignan at parati kong nakakalimutan na Ganito ang pinagdadaanan niya.
Hindi ba ako tulad nang Mommy niya? Nasasaktan ko siya.. H-hindi ko man lang parating natatanong kung ayos lang ba siya o may problema siya, napakawalang kwenta ko naman.
"Doc L! Kailangan sa Tent 54!" narinig kong sigaw nang isang estudyante, nakita ko namang tumayo si Luke at naglakad na papunta doon sinusundan ang lalakeng nagtawag sakanya.
"Ano kayang nangyari don?" tinignan ko naman si ate Brianna.
Nang mukhang nagkakagulo ay sabay kaming tumayo ni ate brianna para Silipin ang Nangyari, Sumiksik kami upang makita kung anong nangyayari nakikita ko si Luke na Kinakausap ang estudyante.
"How do you feel?" tanong ni Luke sa Lalakeng halatang kagigising lang.
"Anong nangyari?" tanong ko sa Katabi.
"Bigla nalang po siyang Tumumba tapos sabi po ni Doc L ay hindi siya Naging responsive, napagalitan rin po yung babaeng Doctor." sagot nito kaya naman napatango ako.
"Now tell me Doc Lucille, what do you call this?" doon ay nakakatakot ang awra ni Luke dahilan para kabahan ako nakita ko namang magkahawak ang kamay ni Doc Lucille.
"O-over F-fatigue—"
"Wrong, Iron Deficiency." aniya ni Luke tapos Kinuha BP at kinuhanan itong estudyante.
"But Over fatigue can sometimes be the same symp—"
"Kaya kung parehas, tingin mo Iyon na?" tanong ni Luke kaya naman Tumikhim na ako dahil napapahiya na si Doc Lucille sa Ginagawa niya at sa pagtikhim ko nakuha ko ang atensyon nila.
"Everyone, Bumalik na kayo sa Mga tents niyo. Hindi nakakatulong ang paglibot libot niyo paikot saamin." striktong sabi ni Luke.
Mabilis na nag alisan ang iba maliban saamin, natapos na kasi ang Dinner at 9PM na rin, Nang umalis si Doc Lucille doon ay Lumapit ako para tulungan si Luke.
"Okay na Mia, Kami nang bahala." nakangiting sabi ni nurse chi kaya naman ngumiti ako at saka Gumilid na.
"Magpahinga ka, matulog ka. Bukas wag ka na muna sumali sa Events kung nanghihina ka Okay? Palalagyan muna kita nang Swero." nakangiting sabi ni Luke tapos Pinahiga na ito sa Loob nang tent.
"Nurse Chi, Alam mo na gagawin okay? I'll just talk to Doc Lucille." aniya ni Luke, tapos tinignan lang ako at Umalis na hindi naman malayo ang Tent ni Doc Lucille mula sa Lugar na ito.
"D-do you need Help nurse chi?" sambit ko, nilingon niya ako tapos Ngumiti siya.
"I'm good, Awatin mo nalang si Doc L." nakangiting sabi niya kaya naman ngumiti ako at saka naglakad na papunta doon sa Tent nang Equipments.
Papalapit palang ay naririnig ko na ang mga sermon ni Luke. "I don't Underestimate your knowledge, but it's just a Simple problem magkakamali ka pa?" hindi ko man nakikita ang dalawa ay alam kong nagagalit si Luke.
"Then I'm fine with it. Napapansin mo ko." doon ako napasinghal epal naman tong Doc Lucille na to porket parehas silang L?
"Doc Lucille? What the hell are you talking about?" habit ko na ba to? Makinig sa mga Usapan? Patay talaga ako kay Mommy at Daddy pag nalaman nila gawain nang anak nila.
"Naiinis ako. Naiinis ako kasi parati ka nalang Mia, mia mia mia siya lang ba ang babaeng nakikita mo?!" pasigaw na sabi ni Doc lucille, yung totoo? Hindi ba siya nahihiya?
"Maraming babae sa paligid, pero kung hindi mo naiintindihan na siya lang ang Gusto ko. Mag trabaho ka nang maayos." nagulat ako nang biglang may maghawi nang tent nagtama ang mga mata namin.
"M-mia." pinilit kong ngumiti kay Luke.
"K-kanina ka pa?" tanong niya saakin tapos Hinawakan ako sa kamay at Hinila papaalis doon then naglakad na kami nang normal binitiwan niya rin ang kamay ko.
"Yeah, I'm sorry." sambit ko
"I'm sorry.. N-next time hin—"
"I'm okay luke, No need to worry. Normal lang sa babae ang magkagusto sa lalake at hindi mapipigilan yon." nakangiting sabi ko pa.
"Pero ikaw ang gusto kong magkagusto saakin." sa biglang banat niya ay Nag init ang buong mukha ko dahilan para lumabas ang hiya ko at saka nag iwas tingin sakanya.
"A-ano ka ba." sambit ko nalang, Habang naglalakad kami ay Pinigilan ako ni Luke at Ihinarap sakanya tinignan ko naman siya.
"I like you, no matter what happens. I will only like you mia." sinserong sabi niya dahilan upang wala akong masabi at napayuko.
"W-wala akong masabi." sagot ko.
"You don't have to say anything, okay? Naiintindihan ko. Hindi kita minamadali." nakangiting sabi niya at saka Inayos ang buhok na Humaharang sa mga mata ko.
"Thank you." sagot ko tapos inaya ko na siyang maglakad pabalik ngunit habang naglalakad pabalik ay may biglang Humila kay Luke papalayo saakin.
"W-wait—"
Napatitig nalang ako kay luke na papalayo na sinusubukang bawiin ang mga braso niya kay Doc Lucille kaya naman pinanood ko nalang sila.
Napahawak ako sa dibdib dahil bumibilis nanaman ang tibok nang puso ko. At sinasabi nang isip kong sundan sila na wag kong hayaabg ilayo nila si Luke saakin.
Kaya naman naglakad ako papunta sa Daang tinahak nila, Sa paglalakad ko ay mabilis silang nawala sa Paningin ko kaya naman mga bakas nalang nang paa nila ang tinignan ko.
Dahan dahan akong naglakad dahil unti unting nawawala ang nga Bakas nang paa nila sa Dinadaanan ko. "Hinahanap mo sila?" napatingin ako sa Gilid ko, it was bon watching me habang nakapamulsa.
"Mm.." sagot ko at konting tango.
"Come with me." aniya niya kaya naman sumunod ako, Bon hates me, and he also knows that only luke can make me suffer kaya alam kong hindi siya magsisinungaling ngayon.
Nang marating ang dulo nang Kung saan ako nakipag away kay Bon nandoon sila Doc Lucille at luke ngunit nagulat ako nang bigla akong hilain ni Bon patago sa Puno.
"B-bakit mo ko dinala sakanila?" tanong ko.
"Makinig ka nalang sa Usapan nila, Chismosa ka naman eh." sambit ni Bon kaya napamaang ako, pero napatingin ako kila Doc Lucille at Luke.
"Gusto mo si Mia? Gusto ka ba niya?!" napamaang ako sa Doc Lucille na to akala ko pa naman mabait.
"See? Hindi ka makasagot sa tanong na Gusto ka niya kase hindi niya alam. Hindi siya sigurado sayo! Masasaktan ka lang niya!" kumuyom ang kamao ko sa narinig.
"I trust her, So stop this Lucille." mariing sabi ni Luke habang nakapamulsa sa Jogging pants na suot suot niya.
"You trust her? Does she trust you like you do? Pinag iisipan ka na nga niya nang masama." ang kapal naman talaga nang mukha nang doctor na to.
"That doesn't matter to me, Doc Lucille. I'm sorry but i can't like you." maayos na sabi ni Luke, napayuko pa ito.
"Please Luke.. Just try it.." ngumiwi ako.
"Try what?"
"Try liking me luke! Pwede naman yun diba?! Hindi masasaktan si mia dahil hindi ka naman niya gusto! Hindi ka niya gusto!" sigaw ni Doc Lucille kaya pinanood ko sila at doon ay nawala ang pagkakakuyom nang kamao ko.
'Gusto ko siya.. Gusto ko si luke..'
Gusto kong isigaw yon sa harap niya pero hindi ko gagawin, Sino ba ako? Isang 16 years old magkakagusto sa isang 21 years old? Masisira lang ang reputasyon na meron si Luke.
We're better off this, palakihin niya lang ako konti handa naman ako sa mangyayari. "Lucille, I'm sorry." sambit ni Luke.
"Luke.. I'll be better, I want you to be my Inspiration." sambit ni Doc Lucille.
"Then I'll be your Inspiration, kailangan bang gustuhin rin kita para maging inspirasyon mo?" sumbat ni Luke at hindi pa makapaniwala.
"Pag pumayag ka sa gusto ko kahit sa public ipagmamalaki kita! Magiging malambing ako! Lahat nang gusto mo gagawin ko!" sigaw ni Doc Lucille, tinignan siya ni luke.
"I like that.." doon ay naiwang nakaawang ang bibig ko dahil sa sinagot ni luke.
"I like that, but coming from mia not to you.. Not to other girls." sagot ni luke.
"Ang korni." sambit ni Bon sa Likuran ko kaya nginiwian ko siya.
"Why?! Bakit parating si Mia?! Bata pa siya! Hindi siya marunong magmahal! Wala siyang alam sa relasyon—"
"So?!" sigaw ni luke sa sinabi ni Doc Lucille.
"Wala akong naging Girlfriend, Lucille. I'm inexperienced but that doesn't mean i don't know anything. I can learn without experience." sambit ni Luke.
"I'm done, Wag na wag mo na akong kakausapin kung tungkol sa ganito. I thought you we're my friend." dismayadong sabi ni Luke tapos Tinalikuran na si Doc lucille pero hindi ko inaasahan ang sunod na pangyayari.
"A-andwae.." bulong ko at magsasalita na sana pero may nagtakip nang bibig ko.
Si Doc lucille.. Hinila niya si luke at Hinalikan sa labi, ibang iba sa paraan nang paghalik ni Luke saakin noon nang matauhan si Luke ay itinulak niya si Doc lucille pero parang linta ito.
Pinilit ko namang alisin ang pagkakatakip nang kamay ni bon sa Bibig ko. "Shh.. Trust me." bulong niya saakin, galit na galit ako sa nakikita gusto kong lumapit sakanila para putulin ang halikang si doc lucille lang ang may gusto.
"Hm! An—"
Hindi siya makawala, nagwawala na ako sa pagkakahawak ni Bon saakin pero para akong binawian nang lakas, ilang segundo na ang nakalipas!
"Shh.." bulong ni bon, kaya naman napailing ako at tumulo na ang luha ko, Nakita ko kung papaano pilit inaalis ni Luke si Doc lucille sa pagkakaakap sakanya.
At nang mapagtagumpayan ni Luke ay galit na galit niyang tinignan si Doc Lucille at saka Galit na Pinunasan ang bibig. "What the hell do you think you're doing!" galit na sigaw niya at doon ay binitiwan ni Bon ang bibig ko pero hinila niya ako mas patago pa.
"Look at your lips.. I can kiss you that hard." sumbat ni Doc Lucille kaya naman naikuyom ko ang kamao.
"I can't believe this." sambit ni Luke tapos Iniwan si Doc Lucille doon.
Nakita ko naman ang pagtawa ni doc lucille at patakbong umalis doon habang lumuluha, nakita ko ang labi ni luke na may sugat nang umalis siya nang parehas silang mawala ay napaupo ako tapos pinunasan ang sariling luha.
"Why did you do that huh! Why do you have to stop me from stopping them!" sigaw ko may Bon pero narinig ko ang pagsinghal niya.
"So it really pains you." sambit niya pa.
"Ofcourse you Idiot!" sigaw ko at malakas siyang Hinampas.
"Yung mga hampas mo hindi masakit, Pero yung nararamdaman mo Oo." tumayo ako at hinarap siya.
"I hate you too.." mariing sabi ko at pinunasan ang mga luha sa mata.
"I enjoyed it. Live." sambit ni Bon kaya naman napamaang ako sakanya aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa Pulsuan.
"Pag hindi niya sinabi yon sayo, hindi ko na alam." sambit niya nang bitawan niya ako ay naglakad ako at pumunta sa Girls Cr.
Naghilamos ako nang mukha at buti nalang may nag provide nang Toothbrush at toothpaste dito hindi na ako mahihirapan kumuha ako non at saka Sinimulang mag sepilyo.
Nag stay pa ako sa labasan nang natapos nagpahangin at inisip ang napanood kanina at nasimulan ko nanaman ang pananakit nang dibdib.
Magwawala nanaman ba ang Hypothalamus ko? Nagwawala rin ba siya tulad ko? Na hinalikan nang iba yung taong gusto ko?
Sa panood ko lang napapanood ang mga ganoong klase nang paghalik at hindi ako makapaniwala, kita ko ang galit ni luke kita ko na ayaw niya ang nangyari bakit nagagalit ako sakanilang dalawa?
Bakit naiinis ako sa Ganito lang ako.. Bata, high school hindi man lang marunong humalik tama naman siya eh, isa lang akong bata kumpara sakanya.
Bumuntong hininga nanaman ako, Pang walo na ngayong oras tumingin ako sa mga Bitwin na kahit pa mahamog ay hindi sila maitago tago.
Gusto ko nang lumaki.. Gusto ko na maging 21 years old.. "Uy Mia, gagi nandyan ka lang pala." napalingon ako sa Likuran.
"Nurse Chi." bati ko tapos Tumayo na.
"O-oh ayos ka lang ba?" tanong niya saakin at akmang hahawakan na ang mga pisngi ko nang umatras ako.
"A-ayos lang Nurse Chi." sagot ko.
"Kanina ka pa kasi Hinahanap ni Doc L, May importante atang sasabihin sayo." aniya ni Nurse chi kaya naman pinilit ko ngumiti.
"Ah ganun ba? Nag hilamos kasi ako matapos tumambay." aniya ko.
"Sige na, Bumalik ka na doon." aniya ni nurse chi kaya tipid akong ngumiti at saka naglakad na papaalis doon para Bumalik..
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro