Chapter 14
Mia Jasmin's POV.
Nahihiya ko siyang tinignan at pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko hindi kasi kumakalma ang puso ko pakiramdam ko may Heart problems ako baka dala nang gulat.
"Okay ka lang?" tanong ni Luke kaya naman para akong nagulat na tinignan siya.
"Ah oo, nagulat lang ako. U-umiikot pala yang Upuan na yan." ngumiti siya tapos Tinapik ako sa Balikat.
"Okay lang yan, Gumagana na yung fridge may water don gusto mo kuhanan kita?" tanong niya saakin at Pinulot ang mga Nakakalat na Wraps sa Paligid tinipon niya iyon.
"A-ako na." sambit ko tapos naglakad na papunta sa Kusina dahil na doon ang fridge niya kumuha ako nang baso maayos na kasi ang kitchen siya ang nag ayos niyan kanina ata.
Nang makakuha nang tubig ay agad akong napahawak sa Dibdib ko pinakiramdaman ang sariling tibok nang puso hindi naman ako Inaasthma diba?
"Mia—"
"Ay!"
Nakita ko namang natawa si Luke sa inasta ko. "Okay ka lang ba talaga?" tumango ako bilang sagot tapos Inubos na ang laman nang baso at saka inilagay sa Sink.
"Hindi ka naman Inaasthma?" tanong ni Luke sa hindi inaasahang paglapit niya ay agad akong napaatras kaya naman nangunot ang Noo niya.
"Mia." natatawang tawag niya saakin.
Kaya naman nang makuha niya ang Pulsuan ko ay mas kinabahan ako ngumiti siya saakin. "Hindi Normal ang Heartbeat mo ah. Gulat ka nga talaga." sambit niya shit nakakahiya talaga.
"Hmm sige mauna na ako doon." nakangiti pang sabi ni Luke at saka Pumunta na doon, ano ba nangyayari saakin hindi talaga normal yung nangyayari saakin.
Kaya naman upang hindi na dagdagan ang kahihiyan ay tumungo na ako doon. "How about sa cr? May dapat pa bang ayusin doon?" tanong ko, nilingon ako ni Luke at parang nag isip pa
"I don't think so, Let me see." sambit niya at saka Tumayo at pumunta nang Cr kaya naman sumunod ako upang sumilip.
"Med Kit nalang naman ang Wala, Ayos na rin tapos towels and extra stocks." sambit niya at saka Nilingon ako ang tangkad niya talaga sa pag kakaalam ko nasa 188m or 189m siya niyuyuko niya pa ako eh.
"Mia, ayos ka lang ba talaga?" napaiwas tingin ako sakanya dahil nahiya nakatitig lang pala ako sakanya nauna na akong umalis doon nang hindi siya sinasagot.
"Ako nalang sa room mo." sambit ko nang makasunod siya tapo dala dala ang Bag nang bed sheets at comforter ay binuksan ko ang Kwarto niya at nakita ko ang Master bed at ang separate Aircon niya.
Inalisan ko nang wrap ang Lamp shade niya sa Tabi nang Kama at saka Dineretso sa Basurahan inayos ko na rin ang Bed niya at inilagay ang mga Dapat doon pati Pillow cases.
Nakasindi naman ang buong ilaw kaya maliwanag sa kwarto niya ay nilapitan ko ang Bintana at nakita ko ang Mga nasa ibaba kita rin ang city lights dito naka On naman na ang aircon kaya hindi ko na bubuksan ang Bintana.
May Maliit rin na Couch dito sa Kwarto niya at may Glass dividers rin siya siguro for Accessories? Binuksan ko ang closet niya wala pang Gamit kaya naman Kinuha ko ang pampunas at pinunasan dito.
Nang mapunasan ay nagstretch pa ako tapos kinuha ang Vacuum para sa Carpet habang nag lilinis ay naririnig ko naman na tinatawag niya ako sa labas kaya naman muli ko lang inayos ang Kurtina niya at Lumabas na.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"May bisita ka." sambit niya pa, kaya naman sumilip ako napangiwi ako nang makita si Loki na may dala dalang Chips naka suot pa ito nang Cap.
"Sup Couz." inirapan ko siya.
"Kung pumunta ka rito para magkalat, Layas!" bulyaw ko ngumiti siya saakin.
"Tutulong ako, tange. Doc L pinabibigay ni Dad." basta nalang niyang ibinaba ang Chips at saka Binuhat ang Kahon para ilapit kay luke kaya naman sinilip ko kung ano ito.
"Ano yan?" tanong ko.
"Pasabi kay tito calvin Thank you." ngumiti si Loki.
"Ako na mag aayos nito Doc L, Mamili na kayo nang ilalagay niyo rito. May Ilaw naman na to at ako nang bahala mag ayos." nakangiting sabi ni Loki.
"Ano ba yan?" Tanong ko ulit.
"Fish tank." ah fish tank? Aquarium? Oo yun na nga siguro tumango si luke at tumungo sa Kitchen para maghugas nang kamay.
"Mia, Bilhan mo nga ako nang—"
"Tse!" sambit ko at saka Lumapit doon sa lagayan nang mga sapatos at nagsuot na pero mabilis akong lumapit kay Loki at Kinuha ang cap niya saka sinuot.
"Hoy!"
"Pahiram lang." sagot ko pa at saa Inayos ang Sarili maya maya ay sumunod na saakin si Luke nag suot lang siya nang Slides na Gucci kaya naman nang hawakan niya ako sa Ulo ay ngumuso ako.
"Porket matangkad ka parang pinagpapatungan mo lang ang ulo ko." sambit ko sakanya ngumisi siya at narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Mahirap na kasi pag ikaw ang papatong sa Ulo ko." sambit niya.
"Maliit ka." napamaang ako at siniko siya sa Tagiliran.
"Bata pa ako kaya ganito, Mas tatangkad pa ako makikita mo." nakanguso kong sabi inakbayan niya naman ako at umiling nalang.
Hinayaan ko naman siya habang naglalakad kami ay napatingin ako sa Paligid ang ganda nga nang Condominium Building na ito parang Hotel siya dahil sa Ambiance kaya hindi ako magtataka kung mahal rito.
Nasa 5th floor pala kami kaya kitang kita yung sa Labas nang makasakay nang elevator ay natigilan kami sa Nakita. "Oohh, seems like—"
"It's better to shut up than to say anything useless." sambit ni Luke at saka Pumasok na kami, it was Bon mukhang dito rin siya sa Condominium na ito.
"Kung ganun mayaman pala talaga ang nga Garcia.." sambit pa niya kaya naman tumikhim nalang ako.
"If you say so." sambit ni Luke.
"How about you Mia? Kapit sa patalim? Ang bata mo p—"
"Wag mong antaying papasukin kita sa bahay ko, at sabihin mo yan sa harap nang magulang ko." suminghal pa ako inaawat ang sarili buti nalang hindi inaalis ni luke ang pag kakaakbay ko sakanya.
"Talaga ba? Kung malaman kaya nang buong school ang nakita ko?" ngumisi ako.
"Ano bang nakita mo?" tanong ko at nilingon siya.
"Ikaw at ang doctor na yan magkasama sa iisang condominium." tumikhim ako.
"Pag iba ang kumalat sa School, huwag mong hahayaan makita kitang nakatalikod." sambit ko at saka nang makarating sa Pinakababa ay Nilingon ko siyang muli at saka Hinila na si Luke papaalis don.
"Mukhang kailangan kitang pabantayan, Sa katiting mong pasensya wala nang natitira." tumawa nalang ako sa sinabi ni Luke tapos naglakad nalang kami.
Nasa City pa rin kami kaya walking distance lang ang mga bilihan kaya naman nang makarating sa Pet store ay dumeretso kami sa May mga isda.
Pinanood ko si Luke na Pumili nang mga gusto niya kaya naman napalingon ako sa may isang kulungan na may sobrang fluffy na Bunny.
"Gusto niyo po bang mahawakan Ma'am?" tanong ng isang Salesman kaya naman nakangiti akong tumango nang malapitan ko na siya ay Naupo ako at saka naman kinuha nang lalake at Pinahawak saakin..
Halos sobrang makyutan ako sakanya pero naalala ko wala akong perang dala dala at baka hindi rin ako pwedeng mag alaga dahil sasabihin ni daddy na Bawal saakin ang mabalahibo.
Inabutan ako nang Carrot nang Salesman kaya tinanggap ko iyon at itinapat sa Bunny na hawak hawak ko. "Mukhang Nag eenjoy kayo ma'am ah." nginitian ko ito.
"Gusto ko siyang alagaan, Pero alam ko naman na bawal ako sa ganito." malungkot akong ngumiti.
"Sayang naman Ma'am, Nag iisa nalang kasi siya kung pansin niyo. Nabili na ang mga kasama niya." sambit nito saakin kaya naman Hinaplos ko siyang muli then bigla kong naisip.
May rabies kaya ang Bunny? Ang rabbit? "Sige na, Hindi rin naman siya mapapasaakin." malungkot kong sabi ngumiti naman ang salesman.
"Ayos lang ma'am atleast may Humawak sakanya. Thankful na rin po ako." nginitian ko siya at inabot sakanya ang Bunny na hawak hawak ko.
"Salamat." sambit ko at saka ko nilapitan na si Luke na hawak hawak ang isang Container at may mga Plastic sa Loob.
"What about the Fish food?" tanong ko pa.
"Nakabili na rin, So tara na?" tanong ni Luke kaya naman nakangiti akong tumango sakanya.
Nilingon ko ang Bunny tapos ngumiti dahil feel ko nakatingin siya saakin nauna ako sa labas dahil may hawak si Luke nang lumabas siya ay sinabayan niya na ako sa paglalakad.
"Favorite shop ko talaga ang Pet Shop." sambit ko tumawa naman si luke.
"Dati nakwento saakin si tito vince na may Pusa rin si tita miyu." ngumiti ako, alam ko naman yun pero sa katandaan nang pusa ay namatay rin sila at sobrang nasaktan si mommy kaya naman hindi na siya muling nag alaga.
Ganun kasi si Mommy hindi siya mabilis maka Move on, It really takes time to move on naman eh hindi madali kaya nga inaasahan ko rin na Babawiin saamin si Lauren.
At hinanda ko na ang sarili ko sa bagay na yon. "Bigla kang natahimik?" nginitian ko nalang si Luke at sinilip ang Container na pabox plastic siya eh. "Ang gaganda naman nila." sambit ko pa.
"Maganda ba?" tanong pa niya.
"Oo nga." sambit ko.
"Mas maganda ka naman." aniya niya at tumingin sa Dinadaanan namin matapos akong sulyapan.
"Lagi mo namang sinasabi yan." sambit ko sakanya.
"Kasi palagi ka namang maganda." mahina akong natawa hindi ko talaga alam kung binobola niya ako o ano pag iba naman ang nagsabi ay parang wala lang pero pag siya sa tingin ko parang gusto ko parating maging maganda.
Nang makabalik na sa Loob nang condominium ay Pumunta nalang kami sa Pad niya. Nang makarating ay nakita ko si Loki na pinapatay sindi ang ilaw nang Aquarium na inayos niya.
May mga Pebbles na rin at iba pang disenyo na nasa loob nang Aquarium tubig nalang ang kulang kaya naman naupo na ako sa Gilid at tinignan ang mga isdang nasa Plastics pa habang ang dalawa ay nilalagyan na nila nang tubig ang Aquarium.
Sampung minuto lang nila pinuno ang Aquarium at nang isindi nila ang ikaw au nagandahan ako kahit wala pang isda rito. Ang ganda talaga nang Ideang ganito yung kahit walang TV may papanoorin ka.
"Maganda ba?" tanong ni Luke kaya nginitian ko siya at tumango ako.
"Ngayon isa isa natin silang ilagay." sambit ni luke kaya naman lumapit ako don at saka Sumilip nang mailagay ang isang isda ay nag enjoy akong panoorin kung papaano siya naglibot.
Sunod naman ay ang isang makintab ang Buntot. "Hindi ko alam kung anong tawag sakanila." sambit naman ni luke na patawa tawa at naglalagay.
"Basta isda sila, Yun na yon." singit ni loki kaya naman ngumiti ako gusto kong isawsaw ang kamay para hawakan ang mga isda pero syempre hindi nila ako papayagan.
"Yung isa diyan oh, Nagbabalak nang ilublob ang kamay." natawa ako sa asar ni Loki.
"Wag kang epal, Ganun ka rin naman." sambit ko, Halos magulat ako nang makita ko kung papaano hawakan ni luke ang isda at bigla akong tinubuan nang inggit.
"Give me your hand." aniya ni Luke kaya naman sinunod ko siya at ang sunod na isdang ilalagay niya ay Dumaan sa kamay ko kaya naman napangiti ako tapos pinakawalan ko na ito.
"Thank you." sambit ko.
"Pano ako?" tanong ni Loki kaya binelatan ko siya.
"Wag ka na." sambit ni Luke kaya mas lalo akong nagdiwang at inasar si Loki pero kinuha niya na saakin ang sumbrero niya.
"May Favoritism si Doc L, tch porket—"
"Ay By the way diba mag Cacardiologist ka Doc L?" tanong ni Loki nakangiti namang tumango si luke at Inilagay sa Container ang mga plastic nailagay niya na kasi lahat nang isa.
"Ikaw mag check sa Puso ko ah." sambit ni loki.
"Bakit?" ngumiti si Loki.
"Bigla biglang tumitibok kada nakikita ko yung crush ko eh." lumapit ako kay Loki at binatukan siya.
"Bano, Tumitibok naman yan parati pag hindi yan tumibok mamamatay ka. Kaharutan mo." tumawa si Luke at Inakbayan ako.
"Tama nga naman." at doon na nagsimulang bumilis ang tibok nang puso ko kaya naman ko ang Labi, Shit.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro