Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Luke's POV.



"b-bakit ka nandito?"  tanong ni mia saakin kaya naman tinignan ko ang kalagayan niya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya, nakamask naman sila akmang ibababa ko na ang mask ko nang mabilis niyang abutin at pigilan ang kamay ko.

"Wag, nasa ospital tayo ano ka ba." sambit pa niya, tinignan ko sila Loki at Zane.

"What happened?" tanong ko sakanilang dalawa..

"A-ah ano kasi—"

"Answer me while i'm trying to be Calm." sambit ko kaya naman huminga siya nang malalim.

"May tumulak sakanya sa Hagdan, marami na kasing tao nun kaya hindi namin alam kung sino. Hindi rin nacapture nang CCTV ang scene." aniya ni Zane, nangunot ang noo ko at saka Bahagyang itinaas ang Kumot at nakita ko ang paa ni Mia na nakabenda.

"Nurse, Pwede ko bang makita yung X-ray nang paa niya. Pati na yung CT-scan." aniya ko, Tumango naman ito ay maya maya ay dumating na yon kaya naman Tinignan ko, Nasprain lang naman siya at wala namang kung anong nabuong dugo sa ulo niya.

"Glad you're fine." sambit ko tapos hinaplos ang Ulo niya nag iwas tingin naman siya.

"Akala ko ba hindi ka pupunta nang ospital?" ngumiti ako.

"Kinailangan e." sagot ko pa.

"Hindi mo na dapat nalaman e, Nag iingat naman ako plus hindi rin ako reckless." paliwanag pa niya, huminga ako nang malalim.

"Malalaman at malalaman ko pa rin yan, At mabuti nang ngayon ko nalaman kesa tumagal pa. Wala na bang ibang masakit sayo?" tanong ko pa.

"U-una na muna kami sa labas, Babyee." paalam nang dalawa at nagmamadaling lumabas.

Pumikit ako at napahilot sa Sintido ko. "O-okay ka lang?" tanong ni Mia saakin kaya naman ngumiti ako at tumango.

"Aksidente lang naman yung nangyari sa Hagdan, Hindi na rin importante kung sadya." aniya pa niya kaya naman chineck ko ang siko niya na nagasgas tapos napailing ako.

"Dito ka lang okay? Antayin mo na ako." sambit ko pa.

"Hindi na, Ayos naman na ako luke uuwi nalang siguro ako." aniya ni Mia at nag iwas tingin kaya naman hahawakan ko na sana ang mukha niya nang maalala na Hindi ko pwedeng gawin yon.

"Mia, hindi ka naman galit saakin diba? Okay naman tayo?" biglang tanong ko sakanya dahilan para tignan niya ako.

"Okay naman, diba?" seryoso niya akong tinignan kaya kinabahan ako.

Napansin ko ang pag galaw nang mata niya nakangiti na siya tapos Tumango. "Naman, Okay lang kaya wag ka mag aalis nang mask. Mamaya mainfect ka." aniya pa niya.

"Concern ka saakin?" tinitigan niya ako tapos Umiling agad.

"Hinde, ayoko lang pag nainfect ka mahawa rin ako." napamaang at natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Aish Mia Mia Mia, Indenial ka pa ren." inirapan niya ako sa sinabi.

"Sige na, mabilis lang talaga." paalam ko pa sakanya.

Week past..

Naglalakad ako sa Hallway nang College building ay may naglalakad papalapit saakin pero ginawa ko nalang silang deadmahin.

Pupunta kasi ako sa High school department para bisitahin si Mia, 3 days ko na kasi siyang hindi nakikita namimiss ko na siya.

Habang naglalakad ay agad ko siyang napansin na nakasandal sa pader napangiti naman ako kaagad hahakbang na sana ako pero nakita ko ang lalakeng nag kubong sakanya.

Who the hell is this? Pinanood ko sila ngunit parang sinasabi saakin na Lumapit na pero nanatili ako sa Kinatatayuan. Rinig ko naman sila e.

"I don't know who you are, But don't try to meddle with my Business." aniya nang lalakeng nasa harapan niya.

"And who allowed you to push me to this wall?" sumbat ni Mia.

"I don't care, Kung sikat ka sa paaralang ito wala akong pakialam naiintindihan mo?" duduruin na sana niya si Mia at lalapit na sana ako pero agad na Pinigilan ni Mia ang daliri niya.

"No one dares to do that.. Wala rin akong pakialam sa trabaho na sinasabi mo, pero saktan mo pa ang kaibigan ko.." nakita ko ang paghampas nang lalake sa pader dahilan para magulat si Mia.

"I dare, Hindi porket babae ka sa tingin mo makakaligtas ka saakin? Bakit kaano ano mo ba si Gray? Kaibigan? Wala akong pakialam." mahina akong natawa tapos naglakad na papalapit sakanila.

"at hindi rin porket babae ako, matatakot ako sayo. Huwag mo kong igaya sa Iba, Hindi kita kilala kaya wag na wag mo kong maduro duro." mariing sabi ni Mia kita ko kung gaano niya pinipigilan ang kamao.

"Shut up. You better take this a lesson, huwag mo akong bangga—"

"Masyado kang malapit, hindi mo ba naiintindihan ang One meter Distance?" singit ko at Gamit ang daliri itinulak ko siya sa Balikat papalayo kay Mia.

At bago pa man niya hawakan ang daliri ko ay Nabawi ko na kaagad kaya naman sinamaan ako nang tingin nito. Mahina pa siyang tumawa. "Mali ka ata nang department na pinuntahan?" ngumisi lang ako.

"None of your freakin' business." sagot ko, tinitigan naman ako nito tapos tinignan si Mia.

"We're not yet done." nakita ko naman ang pag ngisi ni mia.

"kkeojyeo." sambit ni mia, it means Get lost. Nang umalis ang lalakeng yon ay Hinarap ko si Mia.

"Okay ka lang? Gago yun ah." sambit ko pa.

"Wag mo patulan, baka sabihan ka pang child abuse." aniya ni Mia tapos masama ang tingin sa likod nang lalakeng yon.

"Sino ba yon?" tanong ko naman sakanya, Naupo siya sa Sahig kaya tinabihan ko siya.

"Transfer student, nananahimik si Gray pinagtitripan eh. Wag daw ako makialam punyeta kaibigan ko yun." kwento ni mia saakin, halata namang napagod siya makipag sumbatan don kaya napangiti ako nang isandal niya ang Ulo sa balikat ko.

"Napagod ka ah." aniya ko sakanya.

"Kung alam mo lang luke, Nakakapagod talaga. Gray is Precious to me too, lahat sila kahit hindi ko ipinapakita yon Importante sila saakin." napangiti ako alam na alam ko naman yan.

"Pero iba si Gray eh, Hindi basta basta pumapatol yun kahit nasasaktan na siya. He knows how to protect himself, pero hinding hindi niya ipapakita ang ugaling yon." nakinig lang ako sa Kwento ni Mia.

"Kung may kailangan akong agapan, si Gray yon. He's emotionless." sambit ni Mia.

"Wala namang problema sakanya nang pinanganak siya, pero isa siya sa Kinakatakutan nang mga kaibigan at pinsan ko." bumuntong hininga ako.

"Pansin ko nga, Siya ang pinaka kakaiba kulang nalang hindi magsalita. Pero yung kapatid niyang si Primain kabaliktaran niya napakaingay." natawa si Mia sa Kwento ko.

"Oo nga eh. Tatahimik lang naman yon pag ako ang sumasaway o yung kuya niya." sambit ni Mia.

Nilingon ko si Mia at nakita ko kung gaano siya tumitig sa Kaharap na pader ang layo layo pero don siya nakatingin. "Huwag mo kong titigan, Kinakabahan ako." napangiti ako sa Sinabi niya.

"Late ako nakalabas sa room eh, nakapaglunch ka naman siguro diba?" tanong ko sakanya.

"Mm, sige na kumain ka na. Doctor ka pa man din pero hindi mo iniisip yung health mo." napayuko ako at napangiti sa sinabi niya.

"Wag ka ngang ngumiti nang ganyan, Para kang bakla." napailing nalang ako at tumayo tapos Inalok siya nang kamay ko inabot niya naman yon at saka Humarap saakin.

"Thank you, Nawawala talaga pagod ko pag kasama ka." napalabi ako.

"Luh seryoso nga." kaya naman ngumiti na ako.

"Ingat ka, Itext mo ako pag may kailangan ka." aniya ko pa sakanya at Inayos ang Buhok niya.

"Hindi pa kita Girlfriend, pero masaya na ako sa Ganito lang. Nakakausap ka, Aware ka sa nararamdaman ko." huminga siya nang malalim bago ngumiti tapos tinapik ako sa Braso.

"Annyeong." asik niya at kumaway pa kaya naman kumaway rin ako at saka pinanood siyang bumalik sa Classroom nila.

Tumayo na ako at saka nag pagpag bago naisipang maglakad para Kumain na muna, sana hindi na siya Guluhin nang lalakeng yun.

Mia Jasmin's POV.

tahimik akong nakinig sa Klase at pikon na pikon sa Katabi ko naka arm chair naman pero naiirta talaga ako sa Bon na to, Bontot tch.

Nilingon ko naman si Gray sa Likod ko na nag fofocus sa Klase pero nagawa akong tignan nang lingunin ko siya.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kanina..

Flashback~

Pagkabalik na pagkabalik ko ay Naupo ako sa Upuan ko pero biglang tumayo nang padabog ang bago kong kaklase na si Bon, kakatransfer niya lang kaninang umaga mukha siyang mahiyain nang una pero isang oras lang bigla nalang lumabas ang ugali niya.

"Will you stop that?" nilingon ko naman si Gray na nakaearphone, si Gray ay Kaibigan ko simula pagkabata tahimik talaga siya at hindi pala kibo.

Halos mapamaang ako nang bigla nalang hablutin ni Bon ang Earphone ni Gray dahilan para tignan siya nito.

"Bingi bingian ka? Yung paa mo itigil mo. Nakakairita!" bulyaw nang Bon na to.

"Hindi naman rinig, Bon." singit nang kaklase namin.

"Wala akong pakialam, naiirita nga ako diba?!" halos mapalunok ako nang basta basta niyang itinumba ang Upuan sa Katabi niya buti nalang wala yung nakaupo.

"Hoy! Gray! Pipe ba to?!" aawat na sana ako nang bigla akong tignan ni Gray kaya nanatili ako sa Kinauupuan pinanood ko kung papaano hinampas ni Bon ang Table niya gray sa Arm chair.

"Pipe ka?! Sumagot ka!" sigaw ni Bon kaya naman Bumuntong hininga ako.

"B-bon tama na." inaawat siya nang iba naming kaklase, alam kasi nila kung sino ang mga magulang namin.

"Wag ka makialam rito Bobo!" napamaang ako nang duruhin niya sa noo si Gray matapos sabihin ang linyang iyon dahilan para mapaatras ang ulo ni Gray.

"Grabe siya, Ang sama sama mo! Bakit mo ko tinawag na bobo ha!" sigaw nang babaeng umaawat lang naman.

"Bakit? Matalino ka ba? Bobo ka rin naman talaga. Pati pag basa nang Linguistic hindi mo alam." nag pigil ako dahil saakin nakatingin si gray alam niyang kakapiranggot lang ang pasensyang meron ako lalo na kung walang aawat.

"Hoy gray! Wag mo kong deadmahin!" napairap ako.

"Sino bang tinitignan mo ha?" nilingon ako ni bon kaya tinignan ko siya nakatayo kasi ako.

"Nako si Mia, pano na yan.." rinig kong bulungan.

"Girlfriend mo ba to gray? Kung ito kaya ang saktan ko magsasalita ka?." parang nanghahamon pa niyang sabi kaya naman nang lingunin niya ako ay Inirapan ko siya at doon ay ako ang tinignan niya.

"Inirapan mo ba ako?" ngumisi ako.

"Enough." napatingin ako kay Gray nang nagsalita siya ngunit pagkatayo niya ay yun ring pagtulak sakanya ni Bon dahilan para mapabalik siya sa Kinauupuan at alam kong tumama ang likod niya sa Kahoy na Upuan namin.

"Takot kang masaktan ang Girlfriend mo? HAHAHAHA tangina kung kanina ka pa nagsalita ah!" baliw ba tong si Bon?

"GINALIT MO PA AKO TANGINA MO EH!" nang Ihampas niya ang Libro sa Braso ni Gray ay doon na ako napikon.

"Tama na pwede ba?" aniya ko, Natigilan si Bon at ibinaba ang Libro tapos Nilingon ako.

"Oohh scary." sambit ni Bon tapos Hahawakan na sana niya ako sa Kwelyo nang mabilis kong hinawi ang kamay niya.

Tumawa siya nang malakas. "Hindi ka ba natatakot sakin ha? Kung yung Boyfriend mo nga hindi Pumapalag papala—"

"He's My friend." sambit ko.

"I don't ca—"

"Wala rin akong pakialam, kaya tumigil ka na." tinitigan niya ako at Tumawa.

"Kaibigan mo lang naman pala,  Then stop meddling with my Business!" sigaw niya tinignan ko lang siya na parang wala.

"Omg si Miaaaa.. Wala pa ba yung Teacher natin! Tumawag na kayo nang teacher!" rinig kong sigaw nang babaeng kaklase.

"Walang lalabas nang room na ito!" sigaw ni Bon kaya naman napasigaw sa takot nag babae naming classmate.

"Trabaho? Edi sana wala ka rito. Paaralan to eh." pamimilosopo ko at dahil sa sinabi ko tumama nalang ang likod ko sa pader dahil itinulak niya ako.

"Enough." aniya ni Gray at saka Iniharang ang kamay niya sa dibdib ni Bon pero Itinulak lang rin siya hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"Tingin mo porket Top ka rito hindi ko kayang kunin yon sayo? Wag ako ang kalabanin mo! Wag ako!" sigaw niya sa harapan ko kaya naman Iniiwas ko ang tingin.

"Edi kunin mo Bon, Hindi naman kita pinipigilan walang pumipigil sayo. Kaya wag kang gumawa nang eksena kung walakang magaw—"  hibdi na ako natapos sa pagsasalita nang hilain niya ako papalabas nang room.

End of the Flashback~


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro