Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 102

Mia Jasmin's POV.



Nandito pa man kami sa Airport ay isa isa nang yumakap saakin ang mga nakasundo kong doctor, lalo na si Dr.Althea at Nurse Jill. "Doc hindi mo naman kailangang umalis e.." hindi nila alam kung maiiyak.

"Babalik ako, Babalik ako pag maayos na ang lahat." paninigurado ko sakanila.

Ngumuso sila at tuluyang nalungkot. "Doc.." tinitignan nilang lahat si Luke na nakayuko at nakaiwas ang tingin, ang paraan nang pag tawag nila ay pag hingi nang tulong.

I started giving him space, nalaman kong lahat kay Nurse Chi kung papaano nagbago si Luke dahil saamin ni Zai na ikinalungkot ko. "Mm?" tugon niya sa mga kaibigan ko.

"Ikaw lang ang makakapagpatigil sakanya, doc." napaiwas tingin ako tapos Mahinang tumawa at ngumiti.

"Sa City lang naman ako, Habang nandoon ako mas chill. Para makapag bakasyon rin ako kahit papaano." nakangiting sagot ko sinusubukang maging ayos.

'Ang malayo kay luke ay labag sa loob ko, lumabas ang kalaban sa kung nasaan ako at mananatili silang aaligid habang buhay ako.'

"Sure ka doc?" tanong nila, nakangiti akong tumango.

"Sige na, baka inaantay na ako nang kapatid ko." nakangiting sabi ko tapos sinulyapan si Luke.

'I love you baby, I'll see you soon..'

"Bye Doc.." malungkot na paalam nila kaya naman kinawayan ko sila.

Binagalan ko pa, yung huling paalam niya ay nung araw na yon.. Sana ay matapos na ang lahat, siya ang pinakamamimiss ko. Ang galit niya nang araw na yon ay hindi ko kinwestyon, ako ang iniisip niya.

'Baby.. I'm sorry for everything..'

"Mia.." halos mapigilan ko ang pag taas nang kanang paa upang muling humakbang, natulala akong sandali at kasabay nang pagharap ko sa kanya ay ang pagkabog nang dibdib ko.

'Stop me baby, this time i can't beg anymore, sa oras na piliin kong manatili, buhay na nang marami ang kapalit.'

Napatitig ako sakanya, ang lungkot at sakit na nabasa ko sakanya ay may kagustuhan akong pigilan, pero humigpit ang kapit ko sa Maleta nang yumakap siya saakin. "B-baby, Loving you is always my favorite part, but you loving me back is the best thing i've ever had.." pumikit ako at niyakap rin siya ang mga katagang ito ay nagsasabi saaking halikan siya at ingatan..

"Please, Always look and take care of yourself.. At night let's both s-stare at the moon, M-mm?" hindi man niya ako kita ay tumango ako habang yakap siya.

"Come back, and i'll marry you as soon as everything is Fix okay? I love you.. You'll always be my b-baby," halos humikbi ako nang marinig yun sakanya ayaw siyang bitiwan.

"I love you too, Mm babalik ako, babalik ako at papakasalan kita baby.. Take care, always.." mahinang sabi ko, habang lumuluha nang bumitaw siya ay basta basta niya nalang akong tinalikuran kaya naman napasinghap ako at saka tumalikod na.

'Itago man niya ang luha ay huli na para hindi ko makita yun, He's my baby.. No one can fool us, We can't fool each other.. Tama ako na siya ang Luke noon, Tama ako..'

Nang nasa Chopper na ay, Nakangiti akong sinalubong ni Kent. Ngunit agad na nawala ang ngiti niya nang makita akong lumuluha. "N-noona." sambit niya.

Nakagat ko ang ibabang labi at sinalubong ang yakap niya. "Shh.." pagpapatahan niya saakin.

"I want to stay, Kent.. But i can't, mas masisira kami kung mananatili ako rito, mapapahamak siya." umiiyak na sabi ko.

"Sorry if you experience this kind of Pain, Noona.." aniya ni kent kaya naman pumikit ako at saka nag paalalay sakanya pasakay sa Chopper.

Nang makasakay ay Tahimik lang akong nakatulala.. I want him so bad, I love him so much, luke is everything.. But everytime na maalala ko si Mommy naalala ko ang usapan namin.

•• FLASHBACK ••

habang kausap si Mommy sa Telepono ay pinarating ko sakanya ang lahat nang nangyari sa Arcade Hub kanina..
"Lisanin mo na ang Lugar na yan bago pa madamay ang mga Inosente mong kasama sa Ospital anak.." seryosong seryoso niya itong sinabi dahilan para mapapikit ako.

"Yes, Mom.."

"Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang Target gayung nandirito kami, hindi makilala ang kumakalaban saatin masyadong protektado ang kaninang Kinabibilangan ako'y nayayamot na." halata sa Tinig ni Mommy na Galit, Naiinis, nauubusan nang pasensya.

"Pasensya na Mommy."

"Wag kang humingi nang sorry anak, Kasalanan namin to nang daddy mo. Hindi ko magawang buwagin ang Underground na ito dahil marami ang mamamatay.."

"Patawad dahil hindi namin kayo mabigyan ni kent nang Buhay na payapa anak ko, Akala namin ay wala na at tapos na ngunit hindi na ata matitigil ito.."

"Mom, I'm good okay? I'm fine don't worry.." batid kong kasinungalingan ang sinasambit nang bibig ko, kinaiingatan ko ang ina dahil natatakot akong bumalik ang Anxiety Disorder niya..

•• END OF THE FLASHBACK ••

Pagkarating sa Bahay ay pinilit kong maging Ayos, maging okay para hindi mag alala ang parents ko. Naging tahimik ang buong araw ko it's December 27 today pero wala akong kagana gana.

Nasa Kwarto lang ako at Gumuguhit, napabuntong hininga ako nang wala akong maiguhit tapos ibinaba ang Sketchpad. Nang tumunog ang cellphone ko ay agad kong tinignan ang Caller.

'Si Masked Man..'

"Trip mo bang makipaglaro saakin Binibining parating wasak ang puso?"

"Seriously Masked Man, Nakasunod ka kaagad ah."

"Perks of having your own Helicopter i guess."

"Yabang, may sariling Helicopter."

"Well all of us are blessed, So ano na? I'll send you the address."

"Send, Para malibang naman ako."

"Gege, Antayin mo. Bye."


Ako na ang nagpatay nang call tapos mabilis na tumayo upang makapagbihis, inaasahan ko naman na ang pagsunod niya kaya siya na pinagdala ko nang katana.


***

Nang makarating sa Lugar niya ay namangha ako, mayaman siguro siya as in sobra? Kase this studio is ready there's a big air conditioner.

May Sofa sa Gilid and Full of Equipment, there's a vending machine, i'd love to stay here always..

"Oh nandito ka na." napangisi ako, hinulaan ko lang naman ang passcode niya akala ko ay mahuhuli ko na siyang walang maskara pero eto siya naka Hoodie, Maskara at punyetang Gloves.

'Ang ingat..'

"Hindi ka man lang ba nabigla?" tanong ko, iling ang isinagot niya tapos ay tumikhim.

"Malakas ako makiramdam.." nagyayabang na sagot nito.

"Panay itim ang hoodie mo pero paiba iba, i envy you." hindi niya ako sinagot sa sinabi at basta basta nalang siyang kumuha nang inumin sa Ref.

Ang astig nga nang maskara niya eh, feel ko comfortable siya doon tapos may Zipper pa yung bibig like you know hindi siya yung Typical hindi mo rin siya basta basta mabubuksan.

"Stop staring bago ko isipin na nahuhulog ka na saakin." napalunok ako.

"What a Crazy Idea." Napairap pa ako.

"Everything is possible." aniya niya dahilan para mangunot ang noo ko.

"Gosh, Namimiss ko na siguro si Luke. Pakiramdam ko ay lahat nang nakikita ko sayo ay Ugali niya, takot rin kasi ako sakanya sabagay." natatawang kwento ko pa tapos ay nag stretching muna ako.

'Gusto kong isipin na siya si Luke ngunit malabo, Kakakita ko lang nang Post ni Zai kanina magkakasama sila'

"Madalas na nagsisimulang mahulog ang isang binibini, kada namimiss niya ang dating kasintahan at nakikita ito sa iba. Mag iingat ka." aniya ni Masked man, napamaang ako.

"Asa naman Masked Man." angil ko.

"I'm telling the truth." ngumisi ako.

"Everything is possible for me too, Masked Man. Always remember that, I can turn your world upside down." tila nagmamayabang kong sabi tapos ay tumayo at saka Kinuha ang Espada niya.

"Let's exchange." aniya ko pa.

"So you really protect your Identity, and maybe sometime act so Innocent right?" narinig ko ang mahinang pagtawa niya, natitigan ko kasi ang Abo niyang Mata Kulay abo ang ganda non.

"I'm sure you really look innocent without that mask." aniya ko pa.

"Pag nakilala mo ako, You'll fall inlove." inirapan ko siya.

"Asa ka Masked man, Kahit ata itaob ko ang moon malabong mangyari yan." aniya ko pa.

"Pag nangyari man na impossible, sagot ko lahat nang espadang Gusto mo. Pero pag nahulog ka saakin, Saakin ka." umirap nalang ako sa sinabi niya.

"That's nonsense." sagot ko pa.

"Maybe." pumwesto na kami at nag usap habang naglalaban.

Habang nagtetraining kami ni Masked Man ay tumunog ang cellphone ko dahilan para mapalingon ako doon, baka si luke? "Wait Masked Man." aniya ko sakanya.

Nang kunin ko ang Cellphone at sagutin ang tawag ni Mommy ay kinabahan na ako. "Where the hell are you?" napalunok ako sa tinig niya

"I'm doing training mommy."

"Something is Going on, Mia. Go home, ngayon na."

"Y-yes mommy.." kinakabahan kong sagot.

Nilingon ko si Masked Man. "I need to go, i think there's an emergency." tumango lang ito tapos Inabot ang Espada ko.

"Take it." aniya ni Masked man kaya naman kinuha ko ang Katana tapos Mabilis na Kumaripas nang takbo papaalis dito, pakiramdam ko ay inaabot nang kaba ang paghinga ko.

Pati sa pagmamaneho ay binilisan ko, sa takot dahil sa tinig ni Mommy kaya naman nang makarating ay napatingin ako sa kanila.

"What's happening? Bakit nandito kayong lahat?" tanong ko, Even Loki, and Zane is here.

"Luke is now the hostage of our Number one enemy Mia." nagulat ako.

"What?!"

"It's true, They send us a Message.. A call.. To prove that Luke is now in danger." kumuyom ang kamao ko.

'Akala ko ba ako ang Target?'

"Let's go, let's get him back Mom." mabilis na umiling si Mommy.

"Lahat nang kakampi nating Underground ay kumampi sakanila, wala tayong laban kung susugod tayo nang walang plano." bumuntong hininga ako at saka dumeretso sa sofa at Naupo.

"Mom.. Not again, i can't lose him." mariing sabi ko.

"Nagpaplano na ang daddy mo, Inaalam at tinatrack niya na ang lugar kung saan nila dinala si Luke." pumikit ako.

"Who are you with earlier Mia?" nilingon ko si Loki.

"That's none of your Business." aniya ko, pinararating at pinararandaman sakanila ang galit na nararamdaman ko.

Hindi pwedeng mapahamak si luke, shit sa paglayo ko ay parang binigyan ko nang pagkakataon ang kalaban na Targetin ang Mahal ko sa buhay, and use it to me for Blackmail.

"Wala pa rin ba?" naiinis kong tanong.

"Pahabain mo ang Pasensya anak." aniya ni Dad at Pumipindot pindot sa laptop, maya maya ay dumating na sila Tito Calvin with tita bea.

"They did their best to protect the system they have, Bro. What should we do?" tanong ni Tito Calvin.

"Hack it.." utos ni Daddy.

"Kanina pa namin ginagawa ni Gray, tsh." Napalingon ako sa bagong dating na si Tito Zach with Gray.

"Miyu." nang makalapit ito saakin ay Niyakap ako kaagad nito.

"Please Help me, Let's find hin Gray." bumuntong hininga siya.

"We're trying our best." sagot niya, habang tumatagal ay kinakabahan ako, natatakot sa anong dadanasin niya sa kamay nang kalaban namin.

'Shit! Shit! Shit!'

"Target Locked." agad akong napatayo at Nilapitan si daddy nang mapasok niya ang system nang kalaban, tinignan ko ang area at nangunot ang noo ko nang matagpuan na Shit? Island? Seryoso ba yan?

"Daddy, sa Island malapit sa Isla niyo ni Mommy!" mabilis kong sagot.

"Ang layo." aniya ni Kent.

"Hand me a gun." utos ko kay kent.

"No, hindi ka pwedeng pumatay.." nilingon ko si Mommy.

"But mom, you know i can cut their bullets using this. Ulo pa kaya nila?" ngumiwi si Mommy at Inirapan ako tapos Maya maya ay binuksan niya ang Isang Brief Case.

"Target the weak spot but not at the main spot." tumango ako kay Mommy, nakita ko kung papaano niya nakasa ang baril nang ganun kadali.

Pinabibilib ako nang lubusan.. Nakita ko rin ang mga bala napalunok ako nang iabot niya ito saakin, What a Beautiful pistol. "I love it." mahinang sabi ko at mabilis na Inasinta sa Isang vase namin.

"That's Expensive." sa dahan dahan na sinabi ni Mommy ay Itinutok ko sa iba ang Baril.

"That also.." huminga ako nang malalim at itinutok sa Flat-screen TV namin then Shoot.

"Oh god.." halos mapahawak si Mommy sa Dibdib nang masira ko ang TV.

"Oopps.."

"Ugh not agaaain, mauubos ang Stocks natin kakabaril mo sa mga Flat screen anak!" napangisi ako sa sinabi ni mommy bago ihipan ang Umuusok parang baril ko.

"Bumili tayo nang other stocks, Tch yang panganay mo ay laging humahanap nang gagamitan kada nakakahawak nang baril." ngiwing sabi ni Daddy Ngumisi naman ako.

"Don't waste Bullets noona, it cost a million for that tons of bullet." inirapan ko si Kent.

"I'll pay for it then." sagot ko.

"Yabang." bulong niya kaya naman ngumisi ako.

"Let's go rescue my Man mommy." nakanguso kong sabi, napailing iling si Mommy at saka hinanda ang Baril nila.

"Kaya na namin to, Gray maiwan ka rito, kayo. Kami nalang nila, Darl, Calvin at Zach ang pupunta." inantay ko sila. Tinde sa Strict nang nanay ko diba?

***

Nang makarating sa Isla ay nagland kami mismo sa Isla agad na naglabas ang mga armored body guards. "Well i didn't expect a ton." sagot ko.

"Yung bilin ni mommy ah." paalala ni kent.

"Oo na, Let's go." nang palibutan kami ay hindi ako nagpasindak.

"Alam naming nandito si Luke Garcia, Ilabas niyo siya." mariing sabi ni Daddy.

"In one Condition." tinitigan ko ang Babaeng nasa Gitna, nakasuot ito nang simpleng Coat at Polo tapos fitted pants.

"What?" aniya ko.

"Kapalit nang batang iyan." dahan dahan kong nilingon si kent na dismayado.

"I know that i'm freaking pecfect, but i'm not perfect for you miss. I can't love you." ngumiwi ako sa mayabang na sagot ni kent.

"That's not what i mean!" bulyaw nang babae kaya naman ngumiwi ako, gigil na gigil kala mo naman kagusto gusto Punyeta..

"Do you want a War?" mahinang sabi ko.

"Kapalit nang batang Sandoval, si Luke Garcia." natigilan ako nang maglakad si kent papalapit kaya naman mabilis ko siyang pinigilan.

"What are you doing?" dismayadong tanong ko.

"Eh type ako Noona, Edi sasama na ako." umirap ako sa sagot nito.

"Alam mo na, Bunso Chick magnet.. Matandang manok rin pala hehe.." dagdag nito, nang iinsulto.

"Stupid, Step back." umatras naman ito umabante ako tapos lumapit sakanila.

"Ako nalang." angil ko.

"Mia ano ba."

"Noona?"

"Walang kapalit."

"Let them have me momny, pagkakuha niyo kay Luke iuwi niyo siya at wag niyong sasabihin na ako ang naging kapalit niya Okay?" napatitig saakin si Mom at Dad.

"Hija, hindi naman kailangang mangyari yan." nginitian ko si tito zach.

"Mas sanay ako sa pagpapahirap na ganto tito, trust me." nakangiting aniya ko pa nang lumapit saakin si Mommy ay nakikiusap ang titig niya.

"Baby, No. You have weak lungs you can't be the one." aniya ni mommy.

"Mom, sino? Sa tingin mo ba may kaya akong isuko sainyo bukod sa sarili ko?" huminga nang malalim si Mom.

"Sumama ka sakanila, papasukin namin mamaya ang area nila." mahinang bulong niya tapos mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"I'll do well i won't kill mommy." tumango ito.

Nang sumama na ako sakanila ay naglakad kami papasok halos Kinse ang nagbantay saakin at kukunin sana ang baril ko nang ituro ko ang baril nila. Ibig sabihin non.

Hindi pwedeng lahat sila may baril at ako ay wala, pagkapasok na pagkapasok ay natigilan ako nang sumara ang lahat nang Pwedeng daanan at nasa hara—

"Shit, what is this?!" galit na tanong ko sakanila, nang tumawa ang babae ay agad kong inangat ang baril at itinutok sakanya.

"Who the hell are you to fucking laugh?" galit na sabi ko, nang senyasan niya ang marami ay Nilabas nila si Luke sa isang kulungan wala itong malay at nakagapos.

"Are you willing to give everything you have for him?" natigilan ako sa tanong nang isa sakanila, kumuyom ang kamao ko.

"No, but i'm willing to give everything i have." nangunot ang noo nila.

"What's the difference?" tanong nito.

"Yung bagay na sinasabi mong meron akong lahat ay tulad nang pag aari nang magulang ko, ang meron lang ako ay kung ano ako ngayon." tinitigan nila ako.

"Pwede rin kung gusto mo nang Buong mansion, Buong mall, Buong Five Star Hotel, handa rin akong isuko ang Isla ko sayo." nangunot ang noo nila.

"Kaya kong Bumili nang Isla Bata." ngumisi ako sa sagot nito.

"Hindi sapat ang buhay niyong lahat para Mabili ang Isla na pag aari ko.. Isang Tao sa isang araw ay Sampung Milyon ang babayaran mo, bukod pa ron.." nagmamalaki kong sabi na Ikinagulat nila.

"So?"

"So, what i was saying is kung sa Isang Araw Mahigit Isang Libo hanggang Tatlong Libong tao ang bumibisita, Mas mayaman ka na sa Presidente nang Isang Lugar Higit pa." ang bulungan nang iba ay Ikinangisi ko ngunit nang hindi Umepekto ay umirap nalang ako.

"Ikulong niyo rin ang isang to." agad na nangunot ang noo ko at nagpumiglas.

"Papayag lang ako pag nasa labas na si luke!" sigaw ko.

Ngunit kinuha nila ang baril ko, mabuti nalang hindi nila ako kinapkapan. Nasa Likod ko ang Katana nagpumiglas ako nang ipasok nila ako sa Kulungan kahit si luke.

"Ano ba!" sita ko sakanila.

Nang maipasok sa Kulungan ay ngumiwi ako at agad na Nilapitan si luke. "Baby.. Baby wake up." Tinapik tapik ko pa ang pisngi nito.

Nang hindi siya magising ay Isinandal ko siya sa dibdib ko at saka ko Kinalas ang pagkakatali nang kamay niya nang maalis ay napabuntong hininga ako nang makitnag kadena ang nasa paa niya.

Tinignan ko ang Pulso niya at ang paghinga niya normal naman, he's just sleeping.. Hinalikan ko siya sa Noo at Niyakap..

"I love you baby.. Lalabas tayo rito nang buhay okay? Lalabas ka rito nang buhay.." bulong ko sakanya.


√√√

@/n: Buhay pa ko Guys HAHAHAHA medyo naloka ako sa Pag gawa nang Chapters but Kinakaya hihi Goodluck and enjoy Yung mga Hula hula niyo kay Masked Man itago tago niyo na ha Paunahan yon Be sure na nakafollow kayo saakin para sa Oras na Mag announce ako ay walang Lugi mahirap lang tayo kaya Pipte lang 🤣 walang iiyak sa mga susunod na chapter..

FbPage: Maecel_DC
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Twitter: @luxmei123
IG: @luxmei143

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro