Chapter 2: Infirmary
••• Selene •••
I stretched my arms and blinked my eyes numerous times. It's almost four in the afternoon but Uno isn't here yet. Kanina pa ako rito sa isa sa mga bench ng school, malapit lang sa room ni Uno habang nakaharap sa laptop ko. May klase pa kasi siya hanggang 3:30 pm pero mas pinili ko na lang na hintayin siya rito sa labas para diretso na rin namin matapos itong activity.
"Gago, kanina ka pa ba?!" Kaagad na napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon.
As usual, he is wearing that wide smile again, but never wore any bag on him. So ironic.
"Oo tanginamo!" tugon ko. "Kanina pa ako rito at halos isang oras na akong naghihintay sa'yo," dagdag ko pa.
"Sorry na. Nakakagigil kasi yung prof namin e. Nag-overtime ng halos kalahating oras," paliwanag niya habang nakabusangot ang mukha pero kaagad din naman siyang ngumiti nang humarap siyang muli sa akin mula sa pag-aayos ng kaniyang nagusot na manggas ng unimporme.
"Ilibre mo ako," saad ko saka nagsimula na ulit mag-type sa laptop ko. Bukas na kasi ang deadline at ngayon ko lang naisipan gumawa and since Uno is busy from his other subjects. Ito lang din ang subject na magkaklase kami and I know, he is much more busy than me these past few days since he assisted me from the hospital so he could catch up from his missed classes.
Marahang umupo siya sa tabi ko habang naka-dekwatro ang paa. "Oo na. Ano ba kasi ang gusto mo? Spicy ice cream?" tanong niya na nagpatigil sa akin sa pagta-type.
Marahang hinampas ko siya sa kaniyang kaliwang balikat kaya kaagad na napaayos siya ng upo. "Sige Uno, hindi na lang kita isasama as group member dito sa activity ha. Bahala ka diyan!"
Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang aking kaliwang braso. "Ikaw naman hindi ka mabiro. Joke lang naman. Ito na nga, bibili na ng pagkain mo, señorita," saad niya kaya't muli akong umupo sa aking kinauupuan.
Alam niya naman na ayaw ko ng lasa niyon but he always suggests that flavor because that's his favorite.
Marahan siyang tumayo saka tumalikod pero hindi pa siya nakakahakbang ay nakaramdam na ako ng kirot sa aking ulo.
Kaagad na napahawak ako sa aking ulo habang nakahawak naman ang isa kong kamay sa handle ng bench. Halo-halong sakit ang nararamdaman ko at hindi ko maintindihan kung kailan hihinto ang pagkirot ng ulo ko. I can't explain why am I continuously felt this pang of pain given that I know I am perfectly and physically fine.
Halos mahulog na rin ang laptop na nasa lap ko, mabuti na lang ay nasalo agad iyon ni Uno.
I felt his hands over my shoulders but I can still feel the extreme pain in my head. Napapikit na rin ako sa sobrang sakit at tila may namumuo na ring luha sa mata ko sa sobrang sakit.
"I kept my promise, mahal ko," he sweetly said, enveloping me on his arms.
After he loosen his arms on me, I saw his wide smile that made my heart fluttered. "Narito na muli ako, at ikaw ang rason kung bakit ako umuwi mula sa military. You are all of my reasons," he added.
What the man said from my head brought chill down to my spine. In a sudden unknown vision that happened in just a second, I don't know if it is still okay.
Kaagad na iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Uno na paulit-ulit tinatawag ang aking pangalan. I felt my heart thumped uncontrollably and I don't know why I felt something strange everytime I saw him, although, I haven't saw his face or even who he is.
His voice is too sweet to be true but I am not certain if he is real or it is just because of bumping my head, causing me to see someone whom I don't know existed.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin na kaagad kong ikinatango.
"O-oo, a-ayos lang ako," pagdadahilan ko habang pilit na nginingitian siya. Marahan niyang inilapag ang nakabukas kong laptop sa bench saka isinarado iyon.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang pinisil iyon bago ako huminga nang malalim. "I... I saw him again," pagtatapat ko and it made his eyes met mine. "Okay pa kaya ako?" dagdag ko saka pinahid ang namuong luha sa aking mata kanina ng dahil sa halo-halong sakit na naramdaman ko.
"Of course, you are normal! Tanga ka lang talaga." Hinampas ko siya sa balikat nang sabihin niya iyon. Matutuwa na sana ako sa kaniyang sinabi noong una pero hindi talaga siya matinong kausap. Inirapan ko nalang siya sa isip ko.
"Siguro, ikaw na lang muna ang magtuloy ng activity natin," sarksarikong pagpapaalam ko sa kaniya. "I have to go to the infirmary for a consultation," dagdag ko kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
Malapit lang naman ang infirmary sa kung nasaan ang bench namin kanina ni Uno kaya I think, I can manage naman if ever atakihin ulit ako ng sakit sa ulo ko.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na ako sa aking likuran. "Hindi mo ako hinintay," hingal na hingal na wika ng kumag sa likod ko.
Marahan akong humarap sa kaniya at kaagad na pinanlakihan siya ng mata gayong nasa kili-kili niya ang laptop ko.
"Hindi ko alam ang password ng laptop mo," nakangiting saad niya na kaagad ko ring kinuha nang iabot niya sa akin.
"Walang amoy ang kilikili ko hoy!" pagtatanggol niya nang matamang nakatingin ako sa motherboard ng laptop ko.
"Ang advance mo mag-isip. Wala pa naman akong sinasabi ah," panunuksong tugon ko sa kaniya habang marahang napapangisi dahil sa naging tugon niya.
"Mas maganda na ang malinaw." Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay hinawakan niya ang braso ko at iniharap sa daan patungo sa infirmary.
"Kaya ko namang maglakad!" Iwinasiwas ko ang aking balikat para tanggalin niya ang pagkakahawak niya roon dahil patuloy niya akong tinutulak sa isang diretsong daan.
"Baka matumba ka. Aalalayan na kita." Hindi ko man tanaw ang kaniyang mukha, alam ko na nakangisi siya at malawak na nakangiti.
Nang makarating kami sa labas ng infirmary ay saka niya nga lang ako binitiwan.
"Tumawag ka lang sa akin kapag kailangan mo ako, ha?" He gestured his hands like he is having a telephone call. "Sige na pasok ka na." Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinihintay na pumasok ako.
Kaagad na napakunot ang aking noo. "Ikaw ha. Parang may something sa'yo ngayon. Siguro may kailangan ka sa akin kaya gumagawa ka na naman ng mga moves mong ganito no?" saad ko habang hawak ang laptop ko na ka-level ng bulsa ko at ang isa ay nasa loob ng bulsa ko. "Ano ba iyon. Sige na, sabihin mo na."
"Palibhasa hinatid kita, may kailangan kaagad? Tanga! Lampa ka kasi!" Mabilis na hinampas ko siya sa kaniyang braso gamit ang aking kanang kamay habang ang isang kamay ko ay hawak pa rin ang laptop ko.
Napahimas naman siya kaagad doon habang nakabusangot ang mukha. "Gago!" Halos ihampas ko na sa kaniya ang laptop na hawak ko.
Bago ako pumasok sa loob ay sinamaan ko muna siya ng tingin. Muntik ko na ring makalimutan na kailangan niya ng passcode sa laptop ko kaya siya sumunod sa akin kaya ipinahiram ko muli sa kaniya ang laptop ko. I told him the passcode after. Conclusion na lang naman ang wala roon at pwede nang ipasa.
"I'll do the activity later!" dagdag pa niya bago ako dumiretso sa lakad ko.
I directly went to the infirmary doctor. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng opisina niya ay napalingon sa akin ang dalawang nasa loob.
Dr. Fernandes as usual is wearing his favorite black rectangular spectacle. Pansin na pansin sa kaniyang noo ang maliit na wrinkle na tila dahil na rin sa tumatanda na siya.
"Oh, narito ka na pala, Ms. Reyes. Have a seat next to Mr. Cruz," nakangiting wika niya na kaagad ko ring tinanguan. "Okay lang ba sa'yo na narito si Mr. Cruz?"
Tumango na lang ako bilang tugon saka ngumiti nang pilit.
"You have to calm yourself, Selene," wika ko sa sarili ko. "Just pretend that you don't know him like what you've promised to yourself."
Since that day of the accident, I never saw Asher anymore. The last time I saw him is at the hospital. He doesn't even bugged me and made me feel wanted or special, like he used to do before whenever we have a fight.
Also, I still don't know what's gotten in me to pull such things on him–to pretend that I don't remember him anymore and ignore him for the time being or even until now.
Mahirap para sa marupok na tulad ko ang hindi siya pansinin ng isang beses. Para bang he is one of the reasons why I lived. Pero kailangan kong pangatawanan ang ginawa kong desisyong ito. Kailangan ko na siyang kalimutan kahit pa humingi siya ng tawad o bawiin niya ang sinabi niya sa akin mula sa huling text niya sa akin.
He doesn't deserve a second chance and even though I always think of him about the memories we spent together, hindi niyon mababago na wala na kami, at wala na akong pakialam sa kaniya.
Because... I already gave up on him.
Gusto ko mang malaman ang dahilan kung bakit niya piniling hindi ako piliin, pero natatakot ako sa kaniyang magiging rason. Natatakot ako na malaman ang totoo at mas mas mabuti na hindi ko na lang malaman para hindi na ako masaktan.
Sana masaya na siya kung sino man o ano man ang dahilan kung bakit siya nakipag-break sa akin. And I should respect his decision. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ako ang pipiliin niya. Besides, it is almost a month and he never did something that will change my mind and forgive him.
"So if that's okay with you, how are you? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo, Ms. Reyes?" tanong niya.
"Dr. Fernandes," pauna ko saka lumunok ng malalim. "I-is it normal na makakita ng isang taong hindi mo pa nakikita at nakikilala sa personal? I can clearly hear his voice in my head but I am clueless of who he is. No image of him, just his voice," mahinahong tanong ko sa kaniya.
"So you mean, he appeared again?"
"O-opo," tugon ko na lang.
Dr. Fernandes is somehow a big brother to me. Kahit na infirmary doctor siya, I casually talk to him like we were siblings and he doesn't mind to have a talk with him like that. Siya na rin kasi ang nag-suggest na i-address ko siya like we are having a talk like close friends. Other than Uno, he was someone I can talk to with my condition.
"Hindi mo naman siya nakikita sa paligid?" tanong niya muli na ikinatango ko. "So he just appeared in your head."
"O-opo. He only appeared everytime the pain attacks my head."
"Maybe it is a sign that you will little by little remember the people who were taken away from your memory." Ramdam ko na lumingon si Asher sa gawi ko pero hindi ko siya nilingon. Ayaw kong mahalata niya na hindi naman talaga nawala ang alaala ko. I don't want to replenish that love that I made with him. I already made a promise to myself. I already forget the past that we made.
And the only thing that I can do for now is to continue this shit that I have started.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro