Chapter 1: Accident
A/N: This might trigger suicidal ideation. Please don't read this story if you are encountering something that might trigger it. Please. Hope you understand.
••• Selene •••
Malakas na pumapatak ang ulan sa labas. Kanina pang hindi tumitigil ang ulan gayong hinihintay ko na lang na tumila para makauwi na sa bahay. Wala rin naman akong dalang payong gayong sobrang init kanina ng panahon.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya't agaran ko ring kinuha para tingnan kung bakit iyon nagba-vibrate.
A message from Asher.
I immediately open the message from him and read it.
*Sel, let's break up.
Pinaulit-ulit kong binasa ang text ni Asher at parang hindi mag-sink in ang sinabi niya mula sa text niya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinitigan ang cellphone ko at sabihin sa sarili ko na panaginip lang iyon.
D-did he just b-break up with me?
Wala sa sarili akong lumabas mula sa aking sinisilungan. Sumayi ako sa ulan na patuloy pa ring bumubuhos nang malakas. Ni hindi ko man lang din maramdaman ang buhos ng ulan na humahalik sa aking balat.
"What did I do wrong? May mali ba akong nagawa para makipag-break siya sa akin? Anong rason mo Asher?" paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili habang dahan-dahang tumutulo ang patak ng ulan sa aking pisngi, or maybe my tears started to fall without me knowing.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na rin alam kung saan ako dinala ng aking mga paa habang patuloy na naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan.
Many questions started to fill me up but I don't have any courage to text him back just because of that simple text from him.
Nagsawa ka na ba sa akin, Asher?
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Tila mas mabigat pa ang nararamdaman ko sa mga patak ng ulan. All I can feel is my heavy footsteps carrying me to an unknown path.
How about the five years, Asher? How about the days we spent together? How about the moments we used to smile together? How about those days? Isn't that enough?
Am I not enough?
I am trembling. My heart filled me with ache and loneliness. Parang mamaya ay matutumba na ako sa kawalan ko sa aking sarili.
Ramdam ko na ang basang-basang uniporme ko at marahang dumidikit na iyon sa buo kong katawan.
Naramdaman kong muli ang pag-vibrate ng aking cellphone pero hindi ko na binigyan ng pansin iyon bagkus ay patuloy lang akong naglakad sa tinatahak kong daan.
Isang malakas na busina ang narinig ko mula sa aking kaliwa kaya marahan akong lumingon doon. Nasilaw ako sa malakas na liwanag ng ilaw niyon kaya't naniningkit matang tiningnan ko ang mabilis na paparating na kulay itim na kotse.
Marahan akong napapikit saka humarap nang diretso sa umaarangkadang kotse. Ni hindi ko inalintana ang malakas na businang ipinupukol nito sa akin.
Maybe this is my time already. Maybe it is the time to get rid of this pain. And I think, I am ready for my life to be taken away from me.
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata saka hinintay ang kotse na lumapit sa akin hanggang sa isang malakas na pagbunggo ang narinig at naramdaman ko.
Everything has occured in a second. Naramdaman ko na lang na may malapot na likidong umaagos sa aking pisngi mula sa aking ulo.
My eyes started to be blurry while I am kissing the cold and wet asphalt road. The continuous sound of murmurs filled my ears. Before I was totally loss my conciousness, I heard my voice in my head that made me slightly smile.
I'm sorry.
That was the last word from myself I heard before I shut my eyes off. "Goodbye," I told to myself as darkness started to devour my whole system.
••• Uno •••
Kanina ko pa tinatawagan ang gago pero hindi sumasagot. Hindi niya ba dala ang kaniyang sariling cellphone para hindi sagutin ang mga tawag ko?
I already called her 20 times but she still didn't answer the call. Is she intentionally not answering my calls? Hindi naman niya ako ini-ignore. Did something happen in between Asher and her?
I paced back and forth. Hindi ako mapakali. Ramdam ko na parang may hindi magandang mangyayari ngayon.
I called Asher and thankfully, he immediately accepted the call. "Hoy, Asher! May nangyari ba sa inyo ni Selene? She isn't answering my calls. Hindi naman siya ganoon sa akin," nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko alam, Uno," tugon niya sa akin mula sa kabilang linya. "Ang sabi niya lang naman sa akin ay magko-commute na siya dahil nga malakas ang ulan. I already insisted but she still refused," dagdag niya.
"Have you already called her back after?" I asked.
"Oo pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Akala ko kasama mo na siya kanina."
"Damn!" I cursed between my lungs. "O-okay Asher. I hope everything is alright," sabi ko na lang saka pinatay ang tawag.
Siguro ay nakauwi na siya at naliligo kaya hindi niya sinasagot ang aking mga tawag.
Since malapit na rin naman ang oras na pinag-usapan naming magbabarkada para sa paggagawa ng project, I decided to check on her sa kaniyang apartment though ang sabi ng landlady ay hindi pa raw dumarating si Sel.
Doon pa lang ay kinabahan na ako sa sinabi ng landlady. Mabilis na tumakbo ako patungo sa roadway at kaagad na pinara ang paparating na taxi para puntahan siya sa school.
Labis ang kaba ang nararamdaman ko sa ngayon. I hope nothing happened. I hope it is just my negative thinking that haunted me always.
Paglabas na paglabas ko pa lang mula sa sasakyan ay halos manginig ako sa aking kinatatayuan. There's an accident happened along the way. Malakas na kinutuban na ako dahil doon. Nakipagsiksikan pa ako sa mga taong naroon na halos punuin ang buong kalsada para malaman kung sino ang pinag-uusapan nila.
As I take a peek from the body, my heart almost fell. Walang lumabas sa aking bibig kung hindi ang pagkagulat.
"Putangina!" saad ko sa aking sarili habang napapasabunot ako sa aking buhok.
Kaagad na tumakbo ako sa nakadapang katawan ni Selene na basang-basa sa ulan. Nabitawan ko na rin ang hawak kong payong sa sobrang gulat nang makita siya, na halos balutin na rin ng dugo ang kalsada.
Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansiya. Nanginginig na tiningnan ko siya habang binubuhat ng mga nurse patungo sa loob ng sasakyan habang ako ay sumama na rin para bantayan siya at upang hintayin na siya ay magising.
I am pacing back and forth. I can't calm down right now. Bakit naman sa dinami rami ng tao, bakit naman ikaw pa, Selene? Bakit ikaw pa?!
"Uno, what happened?!" Kaagad na lumingon ako nang marinig ko ang boses niya. Mabilis pa sa alas kwatro na lumapit ako sa kaniya saka dali-daling sinuntok sa kaniyang kaliwang pisngi gamit ang nanginginig kong kamao.
"Tanginamo! Gago!" Hindi ko napigilang murahin siya. "How come you didn't know, Asher?!" Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa galit. "Bakit hindi mo alam kung nakauwi na ba siya o hindi?! Bakit hindi mo alam, gago! Ano ka ba talaga niya? Tinototoo mo na ba yung naging pustahan niyo ng barkada mo ha? Sumagot ka, tanginamo!"
"H-how do you know about that?" tanong niya sa akin habang hindi maipinta ang kaniyang naging reaksyon.
"Bakit? Wala na ba akong karapatan para malaman ang totoo?" bulyaw ko sa kaniya. "Hindi ako tanga, Asher. Kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito. Kapag lang hindi ko na muling marinig ang boses ni Selene, hindi lang suntok ang aabutin mo sa akin, gago!"
Tinampal ko nang malakas ang pader dahil sa sobrang galit. Selene doesn't deserved him. And having that expression on him, that means he really did. He really dumped Selene para lang sa lintik na pustahang iyon!
Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto ng emergency room kaya't hindi na ako makapaghintay ng sasabihin ng doktor.
"Are you the guardian of Selene Reyes?" the doctor asked.
"Bestfriend."
"Boyfriend."
We replied in unison but the doctor just nodded and continued. "Let's say it is a miracle that she survived from the accident," pauna niya na kaagad na ikinagaan ng aking pakiramdam. "However, you might expect her to have difficulties such as headaches, dizziness, fatigue, depression, irritability, and most probably, memory problems," the doctor added. "Maiwan ko na muna kayo saglit."
Pagkatapos niyon ay halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. "Does that mean she might forget everything? Even her bestfriend?" I bitterly asked myself. "Tangina naman kasi!"
••• Selene •••
Sobrang sakit ng ulo ko at parang pinipilipit ako niyon dahil sa sakit. Mayamaya pa ay dahan-dahan namang humuhupa ang sakit kaya't marahan kong iminulat ang aking mga mata at kaagad na bumungad sa akin ang kaniyang pamilyar na mukha.
"Sel! Thanks God, gising ka na!" nakangiting wika niya habang kunot noong tinitingnan ko siya.
"Uno, where am I?" I asked him while gently roaming my eyes. All I can see is a white ceiling above me and I almost fainted because the surroundings felt like moving. Kaagad na napatingin ako sa kasama niya. "A-at sino iyang kasama mo? You already have your boyfriend?" I asked him, bitterly smiling.
Kaagad na sinapo ko ang aking ulo nang biglang sumakit ang ulo ko na may balot ng benda. Kaagad ko namang naramdaman ang paghawak sa akin ni Uno sa balikat ngunit hindi ko mapigilang pumikit dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Mahal ko, pangako, babalik ako," saad ng hindi pamilyar na boses habang suot ang isang military uniform. "Mahal na mahal kita." He kissed my forehead before he went the door and left.
After those images flashed, my head totally conquered the pain.
"You okay?" Uno asked and I gently nodded at him, although it felt the otherwise.
"Y-Yeah, I am okay." Pilit ko siyang nginitian saka tiningnan nang marahan ang lalaking kasama niya. Nakatingin lang siya sa akin na parang wala lang sa kaniya yung text niya sa akin, na parang walang nangyari.
The fate clearly told me it isn't my time yet, and a miracle that I survived from the intention of killing myself.
But... if this is only the way to forget you, then I'll get rid of you in my memory, Asher.
But who the hell just appeared in my head? Do I know him? But how he called me mahal ko seemed too different as how Asher called me that way?
Who are you and why the hell my heart thumps as I heard your voice from my head?
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro