Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

• Twenty Seven •

Catalina Konan

°°°

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na nakuha ko kay Tiara para i-text si Gavin na pumunta siya sa office dahil sa sasabihin ko. Actually, hindi ko na nga dapat sinabi na pumunta siya dahil halos araw-araw naman siyang nando'n. Gayunpaman, sinigurado kong pupunta talaga siya ngayon.

Ngayon na ako magpapaka-totoo sa kan'ya. Handa na akong makarinig ng masasakit na salita, tatanggapin ko iyon.

Pabalik-balik ako sa paglalakad habang kumakabog ang dibdib ko ng malakas. Sa oras na bumukas ang pinto ng office, sigurado akong si Gavin na 'yun. Pina-practice ko pa sa isip ko ang sasabihin sa kan'ya dahil gusto kong maging maingat sa salita. Kung pwede lang na 'wag nang sabihin, ginawa ko na. Pero mas masasaktan siya at hindi na ako pwedeng maging maka-sarili.

Nagulat ako at natigil sa paglalakad nang bumukas na nga 'yun at iniluwal ang nakangiting si Gavin. Katulad ng dati, napaka gaan pa rin ng awra niya. Naka-clip ng pa-krus ang gilid ng kan'yang buhok, may suot na kulay abong sweater jacket at naka-itim na body bag.

Wala pa man ay parang gusto ko nang humingi ng tawad.

"Hi, Konan!" bati niya.

"G-Gavin..."

"What is it that you’re going to say?" aniya nang makalapit sa akin at pakatitigan ako.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang pantayan pa ang mga 'yun. Masyadong mabait ang kan'yang mata, hindi ko masasabi kung mangingibabaw ang awa ko o ano.

I took a deep breath and closed my eyes shut, trying to composed myself. You need to start, Konan. He's waiting for your honesty...

"Konan?"

"I lied to you."

Hindi ako nakarinig ng sagot kaya minulat ko ang mata ko at dahan-dahan siyang tinignan. Nakatitig lang siya sa 'kin na parang naghihintay pa sa sasabihin ko.

Kaya naman nagpatuloy ako habang kaya ko pa, "I lied... when I said I loved you. The truth is..."

"What? I don’t get it," putol niya.

"Pinilit ko talaga, Gavin. Maniwala ka, pinilit kong mahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sa ‘kin. P-Pero bigo ako, e. Niloko ko ‘yung sarili ko at sinaksak sa utak ko na mahal kita pero bigo talaga ako dahil hindi ko kaya. Mahal lang kita bilang kaibigan. D-Dahil... simula’t-sapul, si... si Sir Claudius ang tunay na mahal na mahal ko."

Bakas ang pagtataka sa ekspresyon ni Gavin habang nakatitig sa akin. Umawang ng bahagya ang kan'yang labi, umiwas siya ng tingin pero segundo lamang ay binalik niya ulit 'yun sa 'kin.

"I’m... I’m sorry I don’t know what to say," tinalikuran niya ako at akmang lalabas ng opisina nang pigilan ko siya sa braso. Tumigil siya ngunit nanatiling nakatalikod sa 'kin.

"G-Gavin, I’m sorry!" usal ko, "Nagkamali ako. Sorry dahil sinadya kong paniwalain ka na mahal din kita kahit ang totoo..." kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa nagbabadyang luha. Gustuhin ko mang 'wag maiyak, pero nasasaktan din ako para sa kan'ya.

"Okay lang kung magagalit ka sa akin. Hindi kita pipigilan kasi kasalanan ko ‘to. Parang pinaglaruan ko ang damdamin mo dahil akala ko, mawawala ‘yung pagmamahal ko kay Sir Claudius kapag tinuon ko sa ‘yo ang buong atensyon ko pero... I’m so sorry. Ang hirap... pigilan ng damdamin ko para sa kan‘ya. Isang hawak lang n‘ya, isang titig lang n‘ya, isang salita lang ni Sir Claudius sa ‘kin... bumibigay na ako," dagdag ko pa habang tuluyan nang nagsunod-sunod ang luha ko.

Walang paglagyan ang pagsisisi ko sa ginawa ko. Alam ko ang pakiramdam ng masaktan mula sa taong mahal mo, hindi 'yun gano'n kadaling kalimutan. Pero ang tanga ko lang, hindi sana mangyayari ito kung una palang ay nagpaka-totoo na ako sa nararamdaman ko.

Hindi siya gumalaw o sumagot man lang. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya-- kung nagagalit na ba siya, naiiyak o walang ekspresyon.

"I’m sorry, Gavin. I’m so sorry! I’m sorry! Sorry---"

"Ang daming lalaki, bakit siya pa, Konan?" mahina ngunit walang kaemo-emosyon na tanong nito. Natigil ako sa pag-iyak at tinitigan siya.

Saka niya ako hinarap, kapansin-pansin ang pagpula ng mga mata niya, "Ano namang laban ko kay Claudius? Kung gusto kong makipag-kumpitensya sa kan‘ya, anong laban ng kagaya kong estudyante lang at anak lang ng ordinaryong tao?"

Umiling-iling ako, "H-Hindi mo kailangan makipag-kumpitensya, Gavin!"

"Pero paano ko maipaglalaban ang pagmamahal ko sa ‘yo? Paano ko mapapatunayan na ako ang mas karapat-dapat?"

"Gavin, hindi mo kailangan gawin ‘yun. Wala ka nang dapat patunayan kasi napatunayan mo na sa akin ‘yan dati pa! S-Si Sir Claudius ang mahal ko at kahit ano pang gawin mo, hindi na ‘yun magbabago," umiling ako, "Hindi na... kaya hindi mo kailangang isipin ‘yan."

Hindi siya sumagot. Seryoso at malamig lamang siyang nakatitig sa mata ko.

Pinunasan ko ang pisngi ko't pinantayan siya ng tingin, "U-Una palang siya na ang mahal ko. Hindi ko lang mapangalanan noon pero sa loob ko, alam kong siya ang tinitibok ng puso ko. Aaminin ko, nagustuhan din kita--- pero hindi 'yun umabot sa puntong minahal kita kagaya ng iniisip mo. Niloko kita, Gavin. Akala ko kasi mabibigo ako kay Sir Claudius at masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko ang nararamdaman ko sa kan‘ya. Naging selfish ako, napaka selfish ko. Patawarin mo ako kung hindi talaga kita kayang mahalin sa kabila ng pamimilit ko sa sarili ko. H-Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo, Gavin," muling nagsi-bagsakan ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na mapigilan ang sakit sa loob ko dahil sa kasalanang nagawa.

Lalong gumuhit ang sakit sa puso ko nang makita kong tumulo ang luha sa mata ni Gavin. Ni hindi siya nag-abalang punasan 'yun.

"G-Gavin... please..."

"Tama na, Konan," mahinang aniya, "Ikakasal na si Claudius kay Lauren. Alam mong hindi ko ‘yun suportado, pero ‘wag sana tayong mangialam sa desisyon ng tatay n‘ya."

"Nag-usap na kami noong nakaraan at inamin n‘ya sa akin ang tunay n‘yang---"

"Ah you’re right. I won’t have to compete with Claudius because... I don’t do rivals. I knew my efforts were not enough so from now on, I’ll double--- triple my efforts to show how much I’m devoted to you, Konan," malalim at seryoso niyang bulalas.

Ako naman ang hindi nakapag-salita sa kan'ya. Sinabi ko na sa kan'ya ang lahat, nagpaka-totoo na ako. Pero tama ba 'tong naririnig ko?

He will still... continue to pursue me?

There was an awkward silence between us until he suddenly let out a cold chuckle with scorn.

"I love you, Konan. I don’t care about my life--- or with other things around us. All I want is you, you alone."

Napaatras ako ng isa habang hindi malaman ang sasabihin. Iba ang nararamdaman ko kay Gavin ngayon. Sa isang iglap, natabunan ng kakaibang awra ang mabait niyang mata. Habang tumatagal na nakatitig ako sa mata niya, lalo akong binabalot ng kakaibang lamig.

Marahan niyang pinunasan ang pisngi niya gamit ang likod ng kan'yang palad at matapos no'n, malalim na naman niya akong tinitigan.

"I had you first even without label. We kissed, we cuddled, we had fun with each other. I won’t throw that away so easily, remember that."

Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko nang lumapit siya sa 'kin at punasan ang pisngi kong may bakas ng luha gamit ang daliri niya. He drew closer to my ear and whispered, "...you’re mine, Catalina Konan Nievez."

' ' '

I have known Gavin as sweet, caring and harmless person. He's lovely and charming. Sobrang dali niyang pakisamahan. He may be immature sometimes, but he’s a total gentleman.

But our last conversation... kind of made me uncomfortable.

"Ah you’re right. I won’t have to compete with Claudius because... I don’t do rivals. I knew my efforts were not enough so from now on, I’ll double--- triple my efforts to show how much I'm devoted to you, Konan."

"I love you. I don’t care about my life."

"I had you first even without label."

"You’re mine."

Bakit parang pakiramdam ko, sa mga sinabi niyang 'yun ay para niya akong sapilitang ilalayo kay Sir Claudius? Hindi ko nagugustuhan ang gusto niyang iparating sa 'kin.

What is this? It's different from what I've imagined. I thought he would yelled at me for being a deciever and a liar and sobbed for making his heart broken.

I thought he would accept and stop... but I was wrong. Completely wrong.

Ginawa niya ang mga sinabi sa akin. Mas madalas na siyang mag-text at tumawag sa akin, hindi na rin siya nawawala sa paningin ko. Sa t'wing nakikita niyang may kausap ako sa phone, magsu-suspetsa agad siya kung si Sir Claudius ba 'yon. Noong pinatawag ako ni Sir Claudius para umakyat sa office niya, hinarangan agad 'yun ni Gavin na siyang kinataka ni Hailey.

"Sir Claudius wants to see Konan. Why are you blocking her way?" tanong ni Hailey sa kan'ya.

"Why would he want Konan? What's his business to our event coordinator?" walang emosyong tugon naman ng isa.

"I don’t know. Perhaps he just wants to see her."

Humigpit ang pagkaka-kapit sa akin ni Gavin sa kamay. Mariin akong napapikit nang maramdaman 'yun.

"See her? Sorry, Hailey, but I won't let her go to see him. She’s busy working, please leave the room."

"Excuse me?"

"At bakit hindi siya makalabas ng office n‘ya? Kasi ayaw n‘yang makasalubong ang tatay n‘ya? Pakisabi sa kan‘ya, kung may dapat siyang makita, si Lauren ‘yun. Ni wala nga siyang magawa para makatakas sa desisyon ng tatay n‘ya," dire-diretsong bulalas ni Gavin. Nakita ko ang pagkunot-noo ni Hailey, tinignan niya ako sandali at binalik 'yun kay Gavin.

Umayos siya ng tayo at niyakap ang dalang folder, "Gavin, why are you talking like this to Sir Claudius?"

"Why? Just because he’s the CEO and older than me that I don't have the right? Even if he’s the president, I will talk however I like."

"Gavin," pagtawag ko.

Inayos ni Hailey ang kan'yang salamin at matamang tinitigan si Gavin mula ulo hanggang paa. Base sa pagtingin niya, halatang hindi siya makapaniwalang ganito magsalita si Gavin.

"Hailey, pagpasensyahan mo na. M-Mainit ang ulo ni Gavin ngayon," saka ko sinulyapan si Gavin na wala pa ring ekspresyon, "Pakisabi na lang kay Sir Claudius may ginagawa akong trabaho. Pupunta na lang ako kapag may oras na."

Sandaling hindi umimik si Hailey pero sa huli, tumango ito at bumuntong hininga, "Alright. But I don’t like the way you talk, Gavin. To my eyes, you’re acting strange," pagtukoy niya rito.

Umiwas na lamang ng tingin si Gavin.

Pag-alis ni Hailey sa office, doon lang ako binitawan ni Gavin. Babalik na sana ako sa aking table nang tawagin niya ang pangalan ko.

"I don’t think you have to bother to visit him in his office. You’re talking secretly over the phone, aren’t you?" may bahid ng pagsu-suspertang aniya.

Huminga ako ng malalim, "Is there something wrong?"

"Don’t be too stubborn, Konan. Hindi nga n‘ya magawan ng paraan ang arranged marriage n‘ya, e. Ikaw pa kaya?" ngumisi ito.

I pressed my lips together and looked away. Medyo nasaktan ako ro'n, pero hindi ako nagpadala. Hindi alam ni Gavin kung anong nararamdaman ni Sir Claudius, kaya hindi ko na lang ito papatulan.

Bigla akong niyakap ni Gavin. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa gilid.

"Don’t be sad. I’m here. I will provide the love that you need. Don’t you trust me?" malamig na usal niya.

Sa totoo lang, gustong-gusto kong umakyat sa 40th floor para puntahan si Sir Claudius. Hindi na kami madalas nag-uusap sa phone, hindi na rin siya madalas nagte-text. Kung magkakausap kami sa phone, wala pang isang minuto. Lahat ng iyon ay dahil sa muling pag-akyat ni Mr. Lefebre sa kan'yang office noong nakaraan kahit pa hinarangan ito ng mga body guards. Sabi sa akin ni Hailey, mas lalo raw nai-stress si Sir Claudius dahil nagkaroon pa ng problema sa isa sa mga business partner niya.

Ni hindi ko siya ma-kumusta. Tanging kay Hailey lang ako bumabase.

May kakayahan ako para takasan si Gavin sa tuwing hinaharangan niya ako mula kay Sir Claudius pero... hindi ko 'yun magawa dahil mayro'n siya sa aking sinabi na kailanman, ayokong isipin na mangyari.

Mahirap man pero ito lang muna ang magagawa ko ngayon. Ang importante nasabi ko sa kan'ya ang katotohanan. Sa ngayon, hihintayin ko muna si Sir Claudius. Naniniwala naman akong magiging maayos din ang lahat-- kahit wala ako sa tabi niya, alam kong ramdam niya ang suporta ko sa kan'ya, kaya hihintayin ko siya.

At sana kapag dumating ang panahon na maayos na ang lahat ng problema niya at pwede na kami... sana ay pakawalan na ako ni Gavin sa puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro