Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

• Twenty Nine •

Catalina Konan

°°°

Stabs the body and it heals, but injure the heart and wound lasts a lifetime.

Ilang sandali namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Lumuluha siya habang nakatitig sa mata ko, hindi siya nagsasalita, ni hindi siya gumagalaw. Para akong sinasaksak dahil sa nakikita ko. Hindi ako sanay na ganito siya dahil ang totoo, nami-miss ko na 'yung inosente, mahiyain at malambing na si Gavin.

Pero mukhang totoo nga talaga na obsessive siya sa 'kin-- where Seven addressed him as yandere because of his actions towards me.

Lalo akong naiyak. Having that kind of personality is basically having a mental issue.

Ayokong tanggapin 'yun dahil ang hirap, pero sa mga pinapakita ni Gavin nitong nakaraan sa 'kin, hindi malabong totoo nga 'yun. Ang kinakatakot ko lang ay baka magpakamatay nga siya-- o makapatay siya ng tao.

"G-Gavin, sana tanggapin mo na. H‘wag mo ikulong ang sarili mo sa ‘kin, kahit naman hindi ikaw ang piliin ko, mananatili ako bilang kaibigan mo. Hindi ‘yun mawawala," saad kong muli, "Mahal kita bilang kaibigan. ‘Yun ang totoo..."

Hinawi niya ang kamay ko at pinunasan ang kan'yang pisngi saka ako tinignan ng malalim. Nanginginig ang kan'yang labi.

"Ayoko nang saktan ka. ‘Wag mo na akong ikulong sa sarili mo dahil lalo ka lang masasaktan. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo, hindi ako nararapat do’n. Please hear me out, Gavin. ‘Wag na tayong magsakitan."

"What if I don’t want to?" mahinang tanong niya.

"Y-You don’t want?"

"Yes. What if I don’t want to set you free? Wala akong pakialam kung hindi mo ‘ko mahal, Konan. Sabi nila, kapag pinaghihirapan mo, makukuha mo. That also applies to us, ‘di ba? Kapag pinaghirapan kita, makukuha rin kita ng buong-buo at hindi mo na kailangan pang pumunta kay Claudius."

Natulala ako sa kan'ya. Bakit? Bakit ganito siya kahit nakikita niya na ang katotohanan?

"Don’t be such a masochist," I said.

"Masochist or not, I won’t set you free. You weren’t believing me when I said I can kill myself, ‘no?" anito.

"Why would you kill yourself just for me? Why won’t you care for your life? Sino ako para magkaroon ka ng lakas ng loob gawin ‘yun? Even if it’s not true, it’s not funny! All I ask is---"

"Then, if I can’t have you, I’ll take you with me to eternity by force," nagulat ako nang sinimulan ni Gavin ang makina ng sasakyan.

Ang akala ko ba ay hindi siya marunong magmaneho?!

"Gavin, what are you doing?!"

"Proving I'm a man of my words," malamig na sagot niya saka inatras ang sasakyan.

"S-Stop, please! Tama na, Gavin! Bakit mo ba ‘to ginagawa?! Tama na!" pilit kong pinipigilan ang kamay niya pero nagmamatigas ito, hanggang sa nagtugumpay siyang makaalis sa pwesto namin kaya lalo akong nataranta.

Natakot ako. Nakikita ko kay Gavin na hindi siya marunong magmaneho. Malikot ang kamay nito at kung anu-ano ang pinipindot, hindi siya mapalagay kung saan idi-direksyon ang sasakyan.

"Gavin, ano ba?! Mamamatay tayo parehas sa ginagawa mo!"

"That’s the point! I’ll take you with me so that Claudius can’t have you anymore!" bulalas niya na siyang lalo kong kinatakot.

Seven's right...

"If he can't have you, then no one will. Gavin might kill you instead."

But right now, Gavin's going to commit in an accident with me and die together. That's what I'm seeing.

Lalo akong naglakas-loob na pigilan siya sa pagmamaneho habang hindi pa kami nakakalabas ng parking lot, "Don’t do this! Bakit mo gagawin ‘yun kung pwede naman tayong mabuhay ng malaya?! Get back to your senses, please! I’m begging!" umiiyak kong bulalas.

"Shut up! I won’t listen to you anymore!"

"Please! Please, Gavin! Itigil mo ang sasakyan! Ayoko pang mamatay! ‘Wag mong gawin ‘to, ‘wag mo sayangin ang buhay mo para sa ‘kin! Hindi ito magugustuhan ni Silvanna kung mamamatay ka! Please, please stop---"

Nagulat ako at halos tumalon ang puso ko sa nerbiyos nang biglaang itigil ni Gavin ang sasakyan. Pag-angat ko nang tingin, nanlaki ang mata ko nang makitang ilang pulgada na lang ang lapit namin sa isang dingding, kung hindi siya tumigil ay malamang sumalpok na kami.

"G-Gavin..."

Narinig ko ang impit na iyak ni Gavin nang yumuko siya sa manibela. Nakakadurog ng puso ang makita siyang ganito pero wala akong magawa, ayoko nang magsinungaling pa.

"Why?! Why, Konan? Why?!" nilingon niya ako ng punong-puno ng sakit at pighati sa mata, "Why do you have to do this to me? Why me? Why the hell me?! Gusto ko lang namang mahalin din kagaya ng pagmamahal ko, ‘yun lang! Pero bakit mo ‘ko sinaktan?! Akala mo ba tanggap na tanggap ko na nagsinungaling ka sa akin? Hindi, sobrang sakit ng ginawa mo! Bumalik sa akin ‘yung alaalang iniwan din ako ni Silvanna! Ang... ang sakit dito o," nilagay niya ang kamao sa kan'yang dibdib habang patuloy na bumabagsak ang luha sa kan'yang pisngi.

"B-Bakit mo pinaramdam sa akin ‘yun ulit... bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit lagi akong iniiwan ng mga taong minamahal ko. Ayaw n‘yo ba talaga sa ‘kin?" dagdag niya.

Umiling-iling ako at halos manghina na ang katawan, "Hin... hindi ‘yun gano’n. I’m sorry, Gavin. Sorry, sorry!"

"Tell me, am I not good enough to keep?" halos pabulong niyang tanong sa 'kin.

"Y-You deserve everything in this world... but not me."

Hindi na siya sumagot at nakipagtitigan na lamang sa akin. Patuloy ang pagbagsak ng luha sa parehas naming mata, parehas kaming nasasaktan-- pero alam kong mas masakit ang dinadamdam niya.

Kung natuturuan lang ang puso magmahal, baka sinabihan ko na 'tong mahalin ang lalaking 'to ng totoo at walang halong pagpapanggap. Pero walang gano'n. Sa huli, puso ko pa rin ang masusunod kung sino ang mamahalin ko. Mabigat sa dibdib na makakasakit ka, kaya nga ako nagdadalawang isip noong una. Pero ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko.

Pinagsisisihan kong nagsinungaling ako sa sarili ko... at kay Gavin.

Isa pa, sino man ang piliin ko sa kanila ni Sir Claudius, mayro'ng isa na masasaktan talaga. At hindi ko pinipiling si Sir Claudius ang masaktan ko.

Kumalabog ang bintana sa tabi ni Gavin at nakita ko ro'n si Seven. Nakikita ko sa bibig niya na tinatawag niya si Gavin. Hindi rin nagtagal, binuksan ni Gavin ang pinto kaya naman naging malaya akong makita ang galit na ekspresyon ni Seven.

"WHAT THE FUCK, GAVIN?! DO YOU REALLY WANNA DIE WITH KONAN, HUH? GUSTO MO BANG AKO NA LANG ANG PUMATAY SA ‘YO PARA TAPOS NA?!" nanaig ang sigaw ni Seven sabay hablot sa kwelyo ni Gavin, "TANGINA ALAM MO BA KUNG ANONG GINAGAWA MO?! THIS IS NOT FUNNY, YOU ASSHOLE!"

"S-Seven, tama na," pagpigil ko. Hindi nila ako pinansin, nanatiling walang emosyon si Gavin sa kabila ng mga sinabi ni Seven.

"Tapos hindi pa ako makapaniwalang napaandar mo ‘tong sasakyan ko! Magpapakamatay ka na nga lang, maninira ka pa!"

"Seven, what the---?!" boses ni Zen ang narinig ko hanggang sa nakita kong lapitan niya si Seven. Kasama niya si Tiara na agad akong pinagbuksan ng pintuan. Napayakap ako sa kan'ya ng mahigpit at doon mas lalong naiyak.

"T-Tiara, It's all my fault!" iyak ko.

"Shh, don’t cry. Nagpaka-totoo ka lang, mabuti na ‘yun kaysa tumagal pa," malumanay niyang sagot.

"Pero si Gavin---"

"We’ll deal with him. I’m sorry we’re late. Mukhang may malaking nangyari. What happened?"

I sobbed, "M-Muntik na kaming madisgrasya ni Gavin sa pagmamaneho n‘ya. He said to die together with him so that no one can have me. I was scared, but I couldn’t just get mad at him. Please help him, Tiara."

Kumalas sa pagkakayakap si Tiara sa akin at nag-aalala akong tinignan sa mata. Nakikita ko ang awa ro'n hindi lang para sa 'kin, kundi para na rin kay Gavin.

"Bro, what you did was wrong. What if in that accident, you survived and Konan didn’t make it? What are you going to do?" rinig naming usal ni Zen sa isa.

Nanatili pa ring tahimik si Gavin, nakayuko at tulala. I feel sorry for him.

"Umayos ka, Gavin. Don’t listen to your demon or I won’t be your best friend anymore," babala ni Seven na medyo kumalma na.

Huminga ng malalim si Tiara at maotoridad na nagsalita sa kanila, "Both of you, enough chastising him."

Muli akong tinignan ni Tiara at hinawakan sa kamay, "Pumunta ka na kay Claudius. H‘wag ka nang mag-alala rito, iuuwi namin si Gavin sa bahay namin para manatali muna ro’n. Seeing his state, I knew he’s damage from inside."

"Seven, take her to Claudius," utos niya sa isa.

Nilapitan ni Tiara si Gavin at inangat ang baba para magpantay ang tingin nila. Bahagya siyang nginitian ni Tiara, saka ko nakitang napalunok si Gavin at basta na lang yumakap dito na parang isang bata.

Natunaw ang puso ko ro'n. That precious guy... I've hurt him.

"Konan, let's go," bulalas ni Seven na siyang sinunod ko naman. Nang makapasok sa sasakyan, binuksan niya ang bintana at nagsalita kina Zen, "Please take care of him. Gavin, we’ll talk after you get yourself back."

"Drive safe, Seven, Konan." paalam ni Zen.

Hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa kanila at makalabas ng parking lot. Habang nasa byahe, wala akong ibang maisip kundi ang mga sinabi ni Gavin. Para 'yong isang sirang plaka sa isip ko, hindi mawala-wala.

Pakiramdam ko rin ay namamaga ng malala ang mata ko sa kaiiyak. Nag-aalala pa rin ako sa kan'ya, pero tiwala ako kina Tiara na hindi nila hahayaang mapahawak si Gavin, lalo na kung paano yumakap agad si Gavin kay Tiara nang magtama ang paningin nila.

I'm so sorry for hurting your feelings, Gavin. Ayaw talaga kitang saktan, pero wala akong pagpipilian kundi magpaka-totoo. Sana isang araw, magkausap tayo at sabihing naka-move on ka na. Time will heal you, God will never leave you. He knows how genuine you are.

Don't worry, I'm not mad at you. I can't be mad at you.

' ' '

Halos matulala ako sa laki ng bahay ni Sir Claudius. Totoo nga ang mga naririnig ko mula kina Tiara na 'mansion' ang tawag nila rito. Kung mapapadpad ka sa exclusive subdivision na 'to at madadaanan mo ang bahay niya, mapapahinto ka't matutulala. Para siyang bahay ng isang sikat na politician.

Sir Claudius's house is a warm, luxurious, modern playful black and grey façade. I can tell that the exteriors are of Pennsylvania lilac block cut stone, metal and treated spruce, acoustically designed wood ceiling and wenge walls built-in. The design and materials were all looked expensive. A huge slide gate in front of us is providing full coverage without being cumbersome. The matte black gate is heavy, sturdy and solid, the design is sleek as it is striking.

"It’s freakin’ huge, I know," Seven uttered.

Napakurap-kurap ako at tinanggal na ang seatbelt, "Uhm, thanks for dropping me. Saka sorry sa nangyari kanina..."

"Mm ‘kay," nilahad niya ang isang kamay sa harapan ko, napatingin ako ro'n, "Apology will be accepted once you give me pringles," aniya na siyang kinakunot ng noo ko.

Favorite niya ba talaga ang sitsirya na 'yun?

"W-Wala akong pringles."

"Eeh...? Too bad," nanghinayang pa siya, "Anyway, don’t think about it. Nakakainis lang na muntik pang madisgrasya ‘tong baby ko. Alam mo ba kung magkano magpagawa ng sportscar? Kahit pagsama-samahin pa ang allowance ni Gavin sa isang taon walang-wala ‘yun sa gastos dito. Damn that kid."

"E-E ‘di kung nasira... baka pwedeng ako na lang ang magbayad--- kahit tumulong na lang."

Nahinto siya at tumitig sa 'kin. 'Yung klase ng tingin niya ay parang natatawa siya na ewan sa sinabi ko. May nasabi ba 'kong nakakatawa?

"...bakit?" tanong ko.

Umiling siya at natawa, "That’s a funny joke, Konan. This sportscar model is a Bentley Continental GT and even a small repair of this cost 48,000 pesos. Kaya nga ingat na ingat ako sa mga ‘to kasi hindi biro ang halaga ng repair."

Umawang ang bibig ko sa kan'ya. 48,000 ba kamo? Kung sa bagay, ang alam ko ay million ang halaga ng isang sportscar. Kaya malamang mahal din ang pagpapa-ayos.

Binaba ni Seven ang bintana ng pintuan niya at sumipol para makuha ang atensyon ng isang guard na nasa labas ng gate.

"Good aftie! We’re here for Claudius Lefebre. I’m a friend, God Seven. This lady over here were sent by Claudius’s assistant. Can you tell your boss to let Konan inside?" dire-diretsong usal ni Seven. Parang ako tuloy 'yung nahiya sa paraan niya ng pakikipag-usap.

Nagsalita ang guard sa mula sa kan'yang radyo, hindi niya sinagot si Seven pero maya-maya lang ay lumapit ito sa 'min, "Permission granted."

"Okay!" saka ako nilingon ni Seven, "You heard?"

"A-Ah, ano..." mabilis kong inayos ang bag ko. Bigla akong kinabahan, tumibok ng malakas ang puso ko na pagkatapos ng ilang linggo, makikita ko ulit siya.

Binuksan ko ang pinto at bago lumabas, bahagya akong ngumiti kay Seven, "Salamat talaga. N-Next time ililibre kita ng pringles."

Nanlaki ang mata niya sa tuwa at dinukot ang cellphone mula sa bulsa niya, "Ano? Can you say it again?"

"Uhm... sabi ko ililibre kita ng pringles next time," pag-ulit ko na lang kahit hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya.

"Got 'cha! this is recorded, hehehe."

Kaya niya nilabas ang cellphone niya para i-record 'yun?

Napangiti na lang ako, "Ingat ka, Seven. Thank you talaga."

"Yep! Bye-yee!"

Awtomatikong bumukas ang sliding gate ng bahay. Lalo akong namangha sa mga nakikita. Sobrang lawak ng lupa, sa isang gilid ay nakita ko agad ang tatlong naggagandahang sasakyan sa loob ng malalaking glass door, aakalain mong nasa isang luxurious car store ka.

Hinatid ako ng guard mula sa labas ng bahay, pagkarating do'n ay hindi na siya sumama sa 'kin at ibang guard na ang nagdala sa 'kin papasok sa loob. A scent of fresh, cool rose and spices got my attention. Nasa pinto palang kami pero humahalimuyak na ang mabangong amoy ng buong lugar.

It's a mix of smell of Sir Claudius. Naghahalo ang amoy niya sa amoy ng kan'yang tirahan.

Dahil abala ako sa paglilibot ng aking paningin, hindi ko namalayan na huminto na pala kami at pagtingin ko sa harapan, nakita ko si Sir Claudius sa isang puting polo na bahagyang bukas ang dalawang butones sa itaas, nakatiklop hanggang siko ang manggas, bagsak at medyo magulo ang buhok, sa isang kamay ay may hawak siyang wine glass-- at nakalapat sa akin ang nag-aalala niyang mga mata niya.

Segundo palang ang nakakalipas pero sa isang iglap, para akong maiiyak nang makita siya. Gusto ko siyang yakapin dahil sa halu-halong nararamdaman ko.

Gusto kong magsumbong sa nangyari kanina, gusto kong itanong agad kung anong nangyayari sa kan'ya, gusto ko siyang i-comfort, gusto kong humingi ng tawad... at sa oras na mayakap ko siya, ayoko na siyang pakawalan pa.

"Konan..."

His voice sounds deep and gentle, I badly missed the way he calls my name.

Before I knew, tears streamed down my face. My heart swells in happiness. Ang daming nangyari sa loob ng dalawang linggong hindi namin pagkikita. Ang dami kong naramdaman, ang dami kong naisip.

At sa tingin ko, si Sir Claudius lang ang makakapagpa-kalma ng sistema ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro