Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

• Twenty Five •

Catalina Konan

°°°

"You went to Claudius’s office?"

Umawang ng bahagya ang labi ko nang makabalik at makapasok ako sa office. Naabutan kong nakaupo si Gavin sa sofa, may bakas ito ng pag-aalala. Mabilis na sumilay ang kaba sa dibdib ko.

Alam ko ang dahilan kung bakit ako kinakabahan sa tanong niya. Una, ay dahil sa halikan namin ni Sir Claudius. Pangalawa, napagtanto ko sa sarili ko na... mahal ko si Sir Claudius-- walang nagbago ro'n kahit kaunti. Sadyang niloko ko lamang ang sarili ko't pinaniwalang si Gavin ang mahal ko. Pangatlo, ayokong sabihin kay Gavin ang naganap at ang totoo kong nararamdaman dahil ayoko siyang saktan.

Pero ano ba naman 'tong sinasabi ko? Basically, right after our kiss, I know I'm hurting him already. He's just not yet aware.

Dumiretso ako sa lamesa ko at nag-ayos ng gamit, ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko, "U-Uhm... yeah. May pinaabot sa ‘kin si Hailey, e. Hindi ba siya dumaan dito para sabihin iyon?"

"Dumaan. But what took you so long?" pang-uusisa niya pa.

"May ginagawa kasi siya no’ng pumunta ako. H-Hindi n‘ya muna ako pinapasok dahil may kausap pa siya sa telepono. Kaya naghintay ako. Sorry, nainip ba kita?" nakangiti ko na lamang na tanong.

Umiling siya at tumayo para lumapit sa 'kin. Doon naman siya pumwesto ngayon sa upuang nasa harapan ng table ko, "It’s alright. Did... you talk about something?"

We did something...

Bigla kong naalala kung gaano kasarap humalik si Sir Claudius. Mainit at mapusok. Napahawak ako sa aking labi na parang inaalala ang malalambot niyang labi sa akin, hindi ako maka-move on. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya sa akin 'yun... at natutuwa ang puso ko na ginawa niya sa 'kin 'yun nang walang alinlangan.

Naghiwalay lamang ang mga labi namin para huminga. Kagaya ko, naghahabol ng hininga si Sir Claudius habang nakasandal ang noo namin sa isa't-isa. Malamig dito sa kan'yang office, pero nakakaramdam ako ng init.

Pumikit siya. Naging malaya ang pagtitig ko sa kan'yang magandang mukha.

"C-Claudius..."

"Stay with me, Konan." bulong niya.

'Yung natutunaw kong puso para sa kan'ya, tuluyan nang bumigay. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin do'n pero parang hindi ko kayang tanongin 'yun. Nagagalak ako sa sinabi niya na naging dahilan ng pag-ngiti ko.

"I won’t get married. Not with Lauren," saad niya pa kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yun.

"I’m here. Are you upset? ‘Yun ba ang rason kung bakit hindi ka ma-contact ni Hailey no’ng nakaraan at kailan ka lang lumabas ng office?"

Dumilat siya at nilayo ang noo sa akin. Habang nakatitig siya sa 'kin, makikita ang munting pagkinang ng mga 'yun.

"The date of the marriage has been set."

Pakiramdam ko ay tumigil ang sistema ko sa aking narinig. Ano raw? Ibig sabihin ay tuloy na tuloy na ang kasal niya kay Lauren? Talagang pinagpilitan ito ng ama niya kahit hindi siya sang-ayon?

"I plan to keep my distance from everyone from now on until my father stops proposing absurd plans."

"Kaya si Hailey ang dumadalo sa meetings mo?"

Tumango naman siya, "Yes."

Mas tinitigan ko siyang maigi. He looks normal as usual, but something in his eyes made him looked unsteady. Perhaps it's because of that marriage. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin pero nawalan ako ng lakas ng loob. Ang dami nang eksenang pumapasok sa isip ko.

"You seemed unusually emotional..." I said.

"Of course," he replied, "It feels like there’s a tangled ball of thread inside my head. I’m trying to ignore it, but the ball just kept getting bigger and bigger. How I wish someone else understands it. I don’t want to admit it, but I did. I don’t know why."

"It’s true that I have this feelings for you, Konan. You used to comfort me. But just recently, why were you avoiding me?" tanong niya na naging dahilan ng pagkagat ko sa ibabang labi ko. Hindi ako nakasagot, hindi ko masagot.

Gusto kong ibalik ang oras kung saan unti-unti kong napagtatanto na mahal ko si Sir Claudius. Kung hindi ako nagpadala sa negatibo, hindi sana magtatanong sa 'kin ng ganito si Sir Claudius.

Ayoko siyang layuan, pero noong oras na 'yun ay kailangan dahil ayokong umasa na mahal din niya ako. Ngayon, nagsisisi ako.

Gavin, I'm so sorry.

"Sorry... I won’t... leave by your side ever again, Claudius." masakit na bulalas ko, "I understand you. Your childhood, all these problems you’re facing to your father and that marriage, it made the tangled threads in your head, right?"

Hindi siya sumagot. Bumaba lamang ang tingin niya sa leeg ko. Hinawakan ko siya sa pisngi, "Nakadagdag ba ako sa mga iniisip mong problema? Sorry."

"I’d like to be forgiving that you’re always with Gavin but... I can’t."

"What do you mean?" kunot noong tanong ko.

"You can interpret it as me not liking it."

Huminga ako ng malalim at hindi naiwasang mapangiti. Parang dati lang, tinatanong ko ang sarili ko kung paano magselos ang kagaya ni Sir Claudius ah? Tapos ngayon, kahit hindi niya direktang sabihin, halatang nagseselos siya.

Siguro nga nakadagdag ako sa mga iniisip niya dahil do'n. I feel guilty.

"Why are you smiling?" seryosong tanong niya kaya napailing ako agad at imbes na mawala ang ngiti, lalo akong napangiti. Hindi ko mapigilan.

"Sorry. Ang cute mo kasi."

"Isn’t word cute only suits for animals?"

Matalino naman si Sir Claudius pero bakit napaka inosente niya sa mga gano'ng bagay? Sa pagkain, tapos ngayon sa salitang 'cute'. He's really such a cutie CEO.

Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig at mas lalong napangiti sa kan'ya. Actually, natatawa na ako sa kan'ya. Nasa seryosong usapan kami pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hays. Oo na, kinikilig kasi ako.

Then suddenly, I saw him crept a smile. I froze looking at him. That's irresistable.

"I really love being with you. I instantly felt better."

Looking back, if the body guards from outside handed him these documents instead of me, this wouldn't happen. Hindi ko malalaman ang nararamdamn ni Sir Claudius, hindi ako mapapangiti ng ganito.

Hailey owed me? No. It's as if I owe her so much.

Nakaantala sa pagtititigan namin ang biglang pagtunog ng kan'yang cellphone sa lamesa. Kinuha niya 'yun at pagkatapos tignan, hindi na siya nag-abala pang sagutin 'yun.

"Sino ‘yun bakit hindi mo sinagot? Baka importante," saad ko.

"It’s father."

"S-Sana kinausap mo..."

Tumabi siya sa 'kin at paupong sumandal sa kan'yang malaking lamesa. Bahagya niyang hinilot ang kan'yang noo.

Siguro, noong nagkaroon ng lunch meeting sa pagitan nila ng ama niya at ni Lauren, doon na sinabi ang petsa ng kasal. Kaya naman pala sinabi ni Hailey na parang nawawalan ng gana si Sir Claudius. Hindi ko alam kung gaano kasakit at kahirap ito sa kan'ya. Malaki ang responsibilidad niya bilang Chief Executive Officer ng Protegé, pagkatapos ay sumabay pa ito.

Kahit may nararamdaman kami sa isa't-isa, mahahadlangan ba no'n ang pagpapakasal niya kay Lauren?

"I said I’ll keep my distance from everyone from now on... especially to my father and that woman," Sir Claudius deeply uttered.

"How about your work?" I asked.

"I’ll manage it," he turned to looked at me with its deep level of intensity, I couldn't feel the nervousness but only the look of ecstacy on my face, "I’ll keep distance from everyone, but not to you. So stay with me, Konan. Stay with me."

Noon, sa mga babae siya dumidistansya dahil sa kan'yang personal na dahilan, pero ngayon, napag-desisyunan niyang dumistansya sa lahat-- maliban sa 'kin. Nakakagaan lang sa pakiramdam na dati ay gustong-gusto kong mapalapit sa kan'ya pero ngayon, hindi ko na kailangan mag-effort dahil siya na mismo ang nagsabi sa akin.

About the marriage... ipagdarasal ko na sana ay mapagtanto 'yun ni Mr. Lefebre. Hindi ko kayang mangialam, kaya ayun na lang ang magagawa ko para kay Sir Claudius.

After all, prayers do work, right?

"Konan? You’re... spacing out."

Mabilis akong napatingin at napakurap kay Gavin. Nagtataka ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Bigla akong binalot ng pagkapahiya kaya napakamot ako sa ulo ko at tumawa na lang.

"S-Sorry for that," sabi ko na lamang. Sa isip-isip ay sana hindi niya na usisain pa kung anong iniisip ko.

"Is it about Claudius?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita pero nakita ko siyang bumuga ng malakas na hangin, "I heard about his approaching marriage. Ikakasal na raw siya. Sinabi ni Hailey sa CVA room kanina."

'Yun ba 'yong akala niyang iniisip ko? Iniisip ko 'yung nangyaring usapan at halikan sa 'min. Sana hindi siya magselos.

Sinakyan ko 'yun, "Y-Yes. Hindi lang ako makapaniwalang mangyayari na ‘yun sa madaling panahon. Para bang minamadali nila ang kasal ni Sir Claudius," sagot ko.

Tumango siya sa sinabi ko, "The marriage should be two people who love each other, am I right? I think everybody would feel troubled in that situation. Your feelings are most important in deciding marriage. This is really frustrating, I hope he’s somewhat okay."

Pinagmasdan ko ang nalulungkot na si Gavin. Kahit pinagseselosan niya si Sir Claudius sa 'kin, nananaig pa rin ang pagkakaibigan nila. Same with Sir Claudius, hindi sila nagpapakita ng inis o selos sa isa't-isa. This CVA family is such a treasure... different characters with one heart.

"Konan," medyo nagulat ako nang tawagin niya ako. Nakalingon siya sa 'kin, "If you’re concern to him, it’s okay. I will not get jealous. We are all worried about him."

Lumabas ang ngiti sa aking labi. Pero agad din 'yun nawala nang maalala ko kung paano ko sasabihin sa kan'ya ang tunay kong nararamdaman.

Huminga siya ng malalim at kumunot ang noo, "May naalala lang ako. Kagaya ito ng soap opera na pinapanuod ng nanay ko tuwing 8 ng gabi noong high school ako. Mayro’n ‘yung eksena na nasa arranged marriage ang isang babae sa lalaking hindi n‘ya mahal," natawa siya ng bahagya sa naalala, "Favorite ni Mama. Bakit ba sikat ‘yung mga gano’ng kwento?"

Binagsak ko ang sarili sa swivel chair at nakitawa na rin sa kan'ya. Hindi ko maipagkakaila na relate ako sa sinabi niya. Dati, nakikita ko rin na madalas manuod sina Mama ng gan‘yan.

"Hindi ko rin maisip kung nasaan ang inspirasyon o aral sa mga gano’n."

"Pati ‘yung mga pangangaliwa sa asawa nila? Ilang beses may gan‘yan sa mga drama sa TV. Pare-parehas ng kwento, iiba lang ang mga title at pangalan ng characters," dagdag ni Gavin na parehas naming tinawanan, "Binibigyan lang nila ng ideya mangabit ang ibang tao. What a bunch of cheaters."

Naging pilit ang ngiti ko't naitutok na lang ang mata sa computer ko. Saglit akong nakipagtitigan sa nakabukas na screen. Am I... considered a cheater?

"Sir Claudius’s father didn’t really come up with this for his son. He made the decision to please that woman named, Anastasia. Pakiramdam ko, minamadali na rin talaga nila ang kasal para hindi na makawala si Sir Claudius," anas ko na lamang bago pa niya ako mapansin.

"I know right? How can he just listen to that woman and push this idea? Claudius was respecting him kahit pa napaka babaero nito. Still, he never mentioned anything! Dapat nire-respeto rin n‘ya si Claudius na wala ‘yong interes sa mga babae at gusto lang mapag-isa kasama ang pusa n‘ya."

Natigil ako sa sinabi niya pero pinilit ko pa ring sang-ayunan 'yun sa pamamagitan ng pagtango. Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang...

Shemay. Hindi ko alam ang gagawin para masabi sa kan'ya ang totoo.

"I'm oppose to any arrange marriage. But more so for arranged marriages that involve a complete outsider! I mean, ‘di ba? Hindi naman talaga sila magkakilala ni Claudius. Kailan lang."

"Let's quietly cheer him up. Malalagpasan din n‘ya ito. Wala naman siguro silang magagawa kung hindi talaga papayag ang isa, ‘di ba?" sabi ko na lamang. Kaakibat no'n ay ang paniniwalang hindi talaga pahihintulutan 'to ni Sir Claudius.

"Anyway, Konan."

Bumalik ang paningin ko kay Gavin nang kunin niya ang kamay ko sa ibabaw ng table at may ilagay ro'n. Isang maliit na kulay silver na box. Nangunot ang noo ko pero parang alam ko na kung anong laman no'n.

"Gavin..."

He chuckled, "You’ll like what's inside. Open."

Dahan-dahan ko 'yun binuksan hanggang sa bumungad sa akin ang isang silver na bracelet. May pendant ito na malaking heart na may maliliit na bato sa loob. Kuminang ito nang itaas ko para mapagmasdan lalo.

Gavin's smile deepened as he stared at my eyes, "Galing ‘yan sa lola ko na binigay sa ‘kin ni Mama. Ibigay ko raw ‘yan sa babaeng mahal ko."

Bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa unti-unti itong naging mabagal. Tumitibok ng mabagal ang puso ko sa masakit na paraan. Parang pinapaalala nito sa 'kin ang katotohanang dapat ko nang sabihin sa kan'ya.

Pero... ang hirap. Sa maamo niyang mata, mabait na mukha, magandang ngiti... ang hirap-hirap niyang saktan.

Kasalanan ko 'to. Nagka-gusto ako sa dalawang lalaki na nasa iisang organisasyon-- at magkaibigan pa. Kasalanan ko 'to dahil hindi agad ako nagpaka-totoo sa sarili ko. Everything was my fault.

"Huh? Konan?" he called my attention, "Tulala ka."

Napilitan akong suklian siya ng ngiti saka binalik ang bracelet sa box. Inikot ko ng bahagya ang swivel chair patalikod sa kan'ya para kunwari'y ilagay 'yun sa bag ko pero ang totoo, habang ginagawa ko 'yun, nagpupunas na 'ko ng mata. Nakakainis talaga, ang bilis bumagsak ng luha ko dahil sa mga naiisip.

"S-Salamat, Gavin." I should've not accept it, but I don't want him to see these tears.

Ayokong magtaka siya at magtanong. Ayoko siyang saktan... pero hindi pwedeng ganito lang kami. Ilang oras palang ang nakakalipas pero parang pinag-mumukha ko na siyang tanga.

Hindi-- simula nang sabihin ko sa kan'ya na mahal ko siya, pinag-mumukha ko na siyang tanga doon palang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro