• Twelve •
Catalina Konan
°°°
Sabi ko no'ng una, hindi ako makakapayag na mapahiya si Tiara sa pag-a-alok sa akin bilang event coordinator ng CVA at hindi ko hahayaang tanggalin ako ni Sir Claudius. Pero... mukhang hindi yata para sa 'kin ang pagiging parte ng grupo nila. Sigurado ako na kapag nalaman ni Sir Claudius ito, ibabalik niya si Tiara sa posisyon ko.
At babalik na naman ako sa bahay, kung saan makakarinig na naman ako ng masasakit na salita mula kina Mama.
Pero anong magagawa ko? Pahiyang-pahiya ako kay Sir Dennis. Halos hindi ko alam kung paano sasabihin ito kay Tiara.
Kumalas si Gavin sa yakap at bahagya akong tinulak sa aking balikat. May halong pagtataka at inis ang kan'yang ekspresyon, "What did you say? You are resigning?"
I nodded and lowered my head, "I’m sorry..."
"No why are deciding like that? Just what happened, Konan?"
"I’m sorry."
"Konan!" humigpit ang kapit niya sa balikat ko, "Quit saying sorry and just tell me what happened? Bakit ka magre-resign?! Anong rason?!"
I tried to look at him, but I can't. Feeling ko namumula at namamaga ang mata ko kaya naman ginilid ko ang mukha ko. Bakit ba big deal sa kan'ya? Nandiyan naman si Tiara para pumalit sa 'kin.
Hanggang sa tinanggal ni Gavin ang kamay sa balikat ko. Sinilip ko ang mukha niya at nang makitang kunot noo pa rin itong nakatingin sa akin ay agad akong umiwas ng tingin.
"Your face is pale. Seems like your soul is leaving your body," anas niya.
Lalo akong umiwas ng tingin. Sabi ko na nga ba, e. Ang panget ko kapag umiiyak.
"Konan..."
"Don’t look at me."
"Bakit?"
"Just don’t look at my fa---"
Nagulat na lang ako nang bigla niya 'kong hawakan sa magkabilang pisngi ko at ipaharap ang mukha ko sa kan'ya. My eyes widened while staring at his worried eyes.
"Did the meeting didn’t went well?!"
"G-Gavin..."
"It's okay! It’s okay if ever you failed! You don’t need to feel devastated and decide to resign. It’s not right, Konan."
Nararamdaman ko na naman ang panlalabo ng mata ko. Tumigil na 'yung luha ko kanina, e. Tapos paiiyakin na naman ako ni Gavin. Nakapag-desisyon na nga ako tapos ito pa ang maririnig ko sa kan'ya.
He should feel disappointed. I deserved that treatment.
"I’m sorry... I’m incredibly sorry!" tuluyan nang bumagsak ang luha ko habang nakatitig sa kan'yang maamong mata.
"Konan..."
"lt was so embarrassing! I was so excited and nervous because it was my first meeting with a guest but I had a head of myself and I feel like my actions tainted CVA’s reputation. I’m sorry!"
"Sshh," naramdaman ko ang mainit na yakap ni Gavin, "That's not true... you did well."
Dito ko hindi naitago ang sunod-sunod kong hikbi. Nahihiya ako sa buong miyembro ng CVA, tuwang-tuwa pa ako na natapos ko ang outline pagkatapos ito lang ang mangyayari. Pakiramdam ko kahit katiting ay hindi nagustuhan ni Sir Dennis ang presentation ko.
Kung pwede sanang hindi na lang malaman 'to ni Sir Claudius... pero imposible 'yun.
"It’s hard to do a job well when you’re new to it. You just have to learn from this mistakes, but deciding to resign isn’t a great action. Gusto kong matuto ka, gusto kong manatili ka sa ‘min. Kahit hindi ka sing-galing ni Betina, alam kong makakayanan mo rin ito. I trust you," he said in a calm gentle voice, "Okay? Please stop crying."
Sa huli ay tumango-tango na lang ako. Nang kumalas ako sa kan'yang yakap ay pinunasan ko na ang aking basang pisngi, "I’m really sorry, sobrang sorry, sorry..."
He reluctantly let out a sigh, "Such a baby... from now on, I forbid you from apologizing."
Napasimangot ako. Tinapat niya ang nakatiklop na daliri sa kan'yang labi at bahagyang natawa sa akin, "Kain tayo sa labas?"
Binagsak ko ang sarili sa sofa at malakas na bumuntong hininga. Wala nga 'kong gana kumain sa nangyari, e. Kung nagawang pigilan ni Gavin ang pagre-resign ko, pwes, gusto ko na ngayong asikasuhin ang mga maling nagawa ko. Gusto kong bumawi kay Sir Dennis...
"I’m not hungry," walang gana kong saad.
"But you have to cheer up!"
"I’m all okay..."
"You are not."
Ngumuso ako, "Saka ayokong lumabas ng ganito itsura ko. Tignan mo oh, ang pangit ko."
Natigil siya at napakurap sa akin. Base sa itsura niya, parang ngayon lang niya napagtanto na tama ako sa 'king sinabi.
Lalong nakaka-down ah!
But not long enough, Gavin sat beside me and smiled softly, "Who says you’re ugly? Where? I don’t see?" he acted as if he's trying to find the ugliness in my face, "Nasaan? Bakit hindi ko makita ang panget sa mukha mo?"
I pressed my lips together, "Maang-maangan ka pa."
"Joke on you," sagot niya, "To me, you are so cute and charming and beautiful. I don’t see any trace of ugliness."
Aaminin ko. Ang galing niyang mambola ro'n. Hindi ko na tuloy napigilang mapangiti at umiwas ng tingin.
"Don’t ever think of resigning or leaving us, Konan. Magtatampo ako sa ‘yo," anito kaya naman bumalik ang paningin ko sa kan'ya, "Hindi naman masamang magkamali, e. It’s not the end of the world if you failed. Don’t give up that easily, okay? We’re here for you. I’m here for you."
My mind and heart went haywire. I became nervous just by staring this long into his kind eyes all of a sudden. Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko alam kung dapat ba 'ko tumango o umiwas ng tingin. All I knew is this warm feeling his giving me.
Sa mga kilos at salita niya, palagi niyang pinaparamdam sa akin na mahalaga ako... bagay na hindi ko naramdaman kahit kanino.
Parang bumalik ang kumpiyansa ko sa sarili at parang dumagdag si Gavin sa mga taong ayokong madismaya sa 'kin. Gayunpaman, mas nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong purihin at mapansin ni Sir Claudius.
I really don't understand why I'm craving for acknowledgement from Sir Claudius... but I want to hear something from him.
"Oh, you met Sir Dennis?"
Parang doon lang namin napagtanto ni Gavin na ang tagal na pala naming nagtititigan. Kung hindi pa namin narinig ang boses ni Hailey mula sa pinto, hindi pa kami gagalaw.
Napansin kong mabilis na umiwas ng tingin si Gavin at namula ang tenga. Samantalang napahawak ako sa mainit kong pisngi. Nahihiya kong nilingon si Hailey na nakataas ang isang kilay, tila nagtataka.
"What's with the both of you? You’re both red," pagpansin ni Hailey sa 'min.
S-Shemay! Sabi ko na nga ba bukod sa nag-iinit ang pisngi ko, namumula pa ako!
How awkward!
' ' '
Unlike my depress mood, the sun was shining exceptionally bright today, hanging high up in the sky, as if laughing at my mistakes.
After Hailey found out about what happened, she decided to offered a hand that was set tomorrow since it's sunday. Sino ba naman ako para tumanggi? Sabi ko nga, gusto kong bumawi kay Sir Dennis kaya sobrang natuwa ako nang mag-alok sa akin ng tulong si Hailey.
Sa totoo lang, ayoko talaga siyang istorbohin dahil alam ko namang busy siya bilang assistant ni Sir Claudius pero dahil siya na ang nagsabi, syempre hindi ko na ito palalampasin.
Niyaya ako ni Gavin na lumabas matapos namin mag-usap ni Hailey sa office. Pinipilit niya 'kong kumain sa isang restaurant pero ramdam ko talaga na hindi ako nagugutom. Sa huli, napag-desisyunan ni Gavin na dalhin ako sa isang Live House.
Hindi na 'ko tumanggi ro'n. Alam kong nag-e-effort si Gavin para lang lumiwanag ang mood ko sa kabila ng nangyari kahit na hindi naman niya kailangang gawin ito.
In the crowd Live House, a performance was underway and the band’s stirring music ignited cheers from the audience. We found an unoccupied seat by the neglected bar counter and the bartender quickly approached us.
"Hi, there! Would you like any drinks?"
Because I still feel a bit melancholy, I was tempted by the wide variety of liquor.
"Just a coke," biglang sagot ni Gavin sa bartender.
I blinked confusedly at him. Gusto ko siyang kontrahin dahil ramdam ko na gusto kong uminom ng alak dahil sa kasawian ko tapos soft drinks lang ang ipapainom niya sa akin?!
I thought he brought me here to have some fun? Also, he's an adult so we can drink!
Umalis ang bartender para kumuha ng coke kaya naman kinunutan ko ng noo si Gavin, "Huy! Why soft drinks? Hindi ba tayo iinom?"
"What, you thought I brought you here to drink?" bahagyang gulat ang reaksyon niya sa 'kin.
"So why are we here?"
Naglapag ng dalawang baso ng soft drinks ang bartender saka tuluyang nagpaalam. Hindi ako sinagot ni Gavin at tumingin lang siya sa mga taong nasa stage. Ilang sandali ay binalik niya rin sa akin ang paningin.
"I brought you here for the good vibes. You don’t have to drink an alcohol to feel good," aniya.
Saglit pang napako sa kan'ya ang paningin ko bago kunin ang baso ng soft drinks at mapanguso. How will I feel good in a noisy place like this?
Ilang minuto rin kaming hindi nagkibuan ni Gavin sa aming pwesto. Nanatili lang kaming umiinom ng soft drinks at nanunuod sa grupong nagpe-perform sa stage. Gusto kong usisain kung bakit biglang tumahimik si Gavin pero wala rin akong gana magsalita masyado dahil hanggang ngayon, nalulunod pa rin ako sa mga sinabi ni Sir Dennis sa akin.
Hindi ako maka-kampante hangga't hindi nagiging tagumpay ang unang guest ko. Hinihiling ko lang na sana ay magkaroon ng himala at hindi malaman ni Sir Claudius na tinanggihan ako.
Could you imagine his expressionless face while staring blankly at you, Konan? Then you would hear him say, “Just as I thought, you’re no better than Betina. I’ll have to bring her back and fire you."
Argh! No way! That's embarrassing! I don't want that to happen!
Malalim akong napabuntong hininga habang nakatulala sa baso ko. Hindi ko naman sinasadyang isipin palagi ito pero hindi ko maiwasan. Kusa pumapasok sa isip ko! Lalo tuloy akong nada-down.
Then suddenly I heard Gavin's voice, "Konan... would you like to know why I hate Light so much?"
Medyo nagulat ako ro'n kaya hindi agad ako nakasagot.
"You said you’ll hear me, right?" then he turned to looked at me, "Light never told me a word about what happened that drove Silvanna to kill herself. He just said things were complicated. But I’m sure, Silvanna would never kill herself."
Lalo akong nagulat kaya naman napatitig ako sa maamo at seryoso niyang mukha. I never thought that's the reason why Silvanna passed away...
"What...?" I couldn't believe it, "Are you saying that Light was somehow connected in your cousin’s death?"
Tumango siya, "There wasn’t a witness, there wasn’t a body. She just disappeared and while I was grieving all Light said was that she threw herself into the ocean. Of course I couldn’t accept that."
"Are you suspecting Light?"
Sandali siyang hindi nakasagot pero maya-maya ay nagsalita ito, "What if he was the one who killed Silvanna? And put her body in some place people wouldn’t notice? What if he’s just lying? Hindi ko mapigilang mag-isip na baka tama ako."
Hinaplos ko ito sa kan'yang balikat. Hindi ko alam ang nararamdaman ni Gavin pero naniniwala ako na mas mabigat pa ito kaysa sa nangyari sa akin kanina. Siya, bitbit niya ang mga katanungang ito habang buhay-- ni hindi niya malaman ang eksaktong dahilan kung bakit namatay o nawawala si Silvanna.
"Paano naman ang pamilya ni Silvanna? Hindi ba sinabi sa kanila ni Light?" tanong ko.
"Kagaya nila Claudius, pinaniwalaan nila ang ideyang nagpakamatay si Silvanna. They all seemed convinced, they all seemed like they have moved on already. While I know for sure that there’s something suspicious in Light that I can’t explain. He was living with my cousin for a long time but after the news she was dead, Light couldn’t even show a proof that she’s gone. All he did was to ignore me."
"Gavin," pagtawag ko rito, "If she really threw herself to the ocean, there's a big percentage that her body wouldn’t found. Malaki ang sakop ng dagat saan man ‘yan naro’n, paano naman kung nagsasabi ng totoo si Light?" hindi ko na napigilan magbigay ng opinyon.
Pero umiling-iling siya sa 'kin bilang tugon. Base sa paningin ko, masasabi kong malapit talaga sa puso ni Gavin ang kan'yang pinsan.
"Hindi ko matanggap, Konan. Hindi ko matanggap na nagpakamatay si Silvanna at walang ebidensya. During the interview with the policemen, Light was so calm. Normal ba ‘yun sa namatayan ng kasintahan? He’s answering the questions nonchalantly as if hiding something from us that others couldn’t see. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ‘ko but that’s how I see it."
Sinubukan ko siyang pa-kalmahin kaya naman hinawakan ko ito sa kamay, "Hindi ko man naiintindihan ang nararamdaman mo dahil hindi naman ako namatayan ng minamahal, ipagdadasal ko naman na sana ay manaig ang kapatawaran sa puso mo."
Napatitig siya sa 'kin. Maingay man sa paligid namin ay nananaig ang malakas na tibok ng puso ko.
I gave him a soft smile, "Your questions will be answered soon, just believe and don’t suspect him too much. Upon hearing this, I don’t feel any bad intentions from Light."
Sa ilang beses palang naming pagkikita ni Light, masasabi ko na hindi siya gano'n tao. Wala akong karapatan manghusga pero ramdam ko na mabuting tao si Light. What if he's saying the truth and Gavin just couldn't accept it? If ever Light was lying and he was the one who killed Silvanna, then justice will prevail.
For me, it's just doesn't right to suspect anyone without a solid proof.
"Tandaan mo na lang ‘to, kung sakali mang nagsisinungaling si Light at siya ang puno’t dulo ng pagkamatay ni Silvanna... mananaig ang hustisya sa huli. Pagbabayaran n‘ya ‘yun. Hindi ka magre-react ng ganito kung hindi malalim ang pinagsamahan n‘yo ni Silvanna pero palagi mong isipin na nasaan man siya at anuman ang nangyari sa kan‘ya, mahal na mahal ka n‘ya. If you hate Light--- then leave him be," dagdag ko.
Nagsaklop ang mga daliri namin sa isa't-isa, hinigpitan ko ang pagkakahawak dito.
"May sasabihin ka pa ba? I’m all ears," usal ko.
Napansin ko na napatitig siya sa aking mata bago magbaba ng tingin at umiling.
Ngumiti ako, "I’m still dispirited. Hindi pa lumilipas ang isang araw simula nang mapahiya ako kay Sir Dennis. Aren’t we here to comfort?" saka ako sumeryoso, "Or do you want me to feel blue again?"
He winced and quickly shook his head, "O-Of course not! I’m sorry! Sinabi ko lang ‘yung mga ‘yun kasi sabi mo makikinig ka and... I trust you."
I drew closer to him. His surprise came out undisguised, "I trust you, too." I said.
Hindi rin naman nagtagal, kumalma na ang ekspresyon niya at napangiti na lang sa akin. Naramdaman ko pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Kinuwento lang naman niya sa 'kin ang nararamdaman niya tungkol kay Light, magkatabi lang naman kami, umiinom ng soft drinks, magkahawak-kamay, nasa Live House-- pero ramdam ko na agad ang paggaan ng pakiramdam ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro