• Thirty Three •
Catalina Konan
°°°
Kagaya ng napag-usapan, ngayong araw ay pumasok na si Sir Claudius sa kan'yang opisina para umattend ng meeting, pumirma ng mga nakatenggang papeles at linawin ang issue sa kan'yang mga empleyado.
Binalita sa 'kin ni Hailey kanina na nagpatawag ng meeting for staff si Sir Claudius at imbes na pagsabihan, pinagalitan daw niya ang mga ito.
Sobrang busy nito dahil balik-trabaho na siya kaya naman nandito ako sa isang coffee shop dahil pinapunta ako ni Seven. Nabanggit niya sa 'kin na pinuntahan siya ni Gavin kahapon kasama si Zen para makipag-ayos.
"We’ll have to cancel the party."
Natigil ako at kinunutan siya ng noo, "Cancel? But why? Paano ‘yung mga guests?"
"Pupunta ng Korea si Light, sinabi n‘ya na doon muna siya at babalitaan n‘ya na lang daw ako kung kailan siya babalik. So, he canceled the party and scheduled it for the next four months. Ah! Pinapasabi n‘ya ‘yun sa ‘yo," sumubo siya ng sitsirya na tinatawag niyang pringles.
Bumagsak ang dalawang balikat ko sa balita niya. Pansin ko sa loob nitong mga nakaraang araw na 'to, puro nakakadismayang balita ang naririnig ko. Gusto kong magreklamo kay Seven pero wala akong karapatan gawin 'yun.
Si Light ang leader ng organisasyon na 'to kaya kailangan naming sumunod.
Nakanguso kong pinaglaruan ang donut sa pinggan ko, "Masusunod po..."
Seven snickered, "Is it true? You’re living with Claudius? Oh men, oh men! What a fast guy we have, huh?"
"H-Hindi ah! Hindi ako nakatira ro’n..."
"Weh? But you’re sleeping with him? OMG I am shocked!" tumawa siya kaya hindi na 'ko nakahanap pa ng dahilan, "Mr. CEO is now giving me a cringe instead of shedding a cat’s hair. Poor Elly, I think she was dumped."
"Elizabeth’s fine. Actually, saglit nga lang dapat ako ngayon dahil nakipagkita ka. He trust me his cat," sagot ko.
"How good he is? People say beware of the silent man. What if he ask you to marry him tomorrow? Nothing is impossible to our CEO!"
Walang nangyayari sa amin. As in wala! We almost lost it but we’re not in there yet!
Sa totoo nga lang, pwede niyang gawin ang lahat sa akin lalo at nando'n ako palagi sa bahay niya. I was inviting him to do the pleasures, but he really love to see the disappointed look on my face so he always chose to teased me.
Pero sa susunod, umaasa ako na hindi na siya mambibitin. Lalo na sa huling nangyari? Halos hindi niya na 'ko bitawan.
Hindi ko alam na ganito pala ka-wild si Sir Claudius sa babae. We're just kissing and touching-- in a wildest and dirtiest way. Kahit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang pakiramdam ng mga haplos niya lalo na sa aking...
"Konan? Yuhoo?" Seven waved his hand in front of me.
"H-Huh?! Oo nga masarap siya---" nanlaki ang mata ko sa nasabi. Mapang-asar naman akong tinitigan ni Seven.
Putek, saan galing 'yun?! Ba't nasabi ko 'yon?!
"Uhm, ano..." nag-isip ako ng pambawi, "Ibig ko sabihin... uh... m-masarap ‘yung donut," sunod-sunod akong kumagat no'n at pahiyang nginitian siya.
Sumandal siya sa upuan at nilawakan lalo ang ngisi, "Masarap, huh? Ito ba ‘yung parang dinidilaan? Curious tuloy ako sa lasa ni Claudius," mapang-asar na anito, "Man, kinikilig ako."
"H-H-Hindi ‘yon gano’n! Bastos! Manyak!" singhal ko.
"Woah! Don’t shout," lumingon siya sa paligid, may mga taong napatingin sa 'min, "Konan naman. Baka isipin nila minamanyak kita!" daing niya sa 'kin.
Uminom ako sa coffee frappé na inorder ko at sinungitan siya. Shemay talaga, nag-iinit 'yung pisngi ko sa sinabi ko!
"The more isolated you are once you find something of comfort, you will cling onto it and never let it go."
"Ano bang sinasa---"
"...said, volume 25 of ‘True Romance’, chapter 16--- birth of obsession and love," dagdag niya.
Pinanliitan ko ito ng mata, "Ano ‘yan pinagbabasa mo? Hindi kita ma-gets."
"I’m reading all the books in this world," pagmamayabang niya.
Kumagat na lang ako sa donut at nginuya 'yun, "I may be sleeping with him, but nothing happened. It's just that I can’t say no when he’s asking me to stay. Saka sino ba ako para tanggihan siya kapag niyaya n‘ya akong magpakasal? I won’t waste that chance, gano’n pagmahal mo."
Humagikgik si Seven pinatong ang kan'yang baba sa dalawa niyang kamay, umaarte ito na parang kinikilig. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o lalong mapapahiya.
"Pero mesherep? I knew it... Mr. CEO is totally switched over to you now. You’re a goddess. Una si Gavin, ngayon naman si Claudius! I think he just calculated like a robot and made the decision in one second," humalakhak siya.
Mesherep? Hayup ka, Seven.
"What decision?"
"To make you stay beside him! Like, you know... gumagawa siya ng paraan para mas makasama ka n‘ya. Pustahan tayo, nasa isip na n‘ya na papakasalan ka n‘ya?"
Nagulat ako ro'n pero mas pinili kong hindi sumagot. Mahirap magsalita ng tapos, sa ngayon ay kuntento na muna ako sa mayro'n kami.
Tinapos ko na ang kinakain at tumayo para lumisan. Ngumiti ako kay Seven, "Walang problema sa akin pero saka na natin isipin ‘yan kapag tapos na ang sa kanila ni Lauren," tinanguhan ko siya, "Tara na nga, kailangan ko nang bumalik."
Bitbit ni Seven ang kan'yang pringles nang lumabas kami ng shop. Nasa likod namin ang mga pinasamang body guards ni Sir Claudius.
"Nag-aalala ka ba na baka matuloy ang kasal nila? Ako, hindi. Halos angkinin ka na ni Claudius at alam kong hindi siya magpapatali sa babaeng hindi n‘ya gusto," bulalas ni Seven sa tabi ko habang ngumunguya ng pagkain.
"Iniisip no’ng Anastasia na nilalandi ko si Sir Claudius. She even called me a bitch and a slut. Masakit, pero wala akong lakas ng loob patulan dahil hindi naman ako gano’n katapang."
Nanlaki ang mata niyang napatingin sa 'kin, "Fucking what?! What a witch!"
"I-I’m not that affected though! Hindi naman totoong nilandi ko si Sir Claudius. Hindi ako nagbigay motibo sa kan‘ya noong una dahil kay Gavin kaya malabo ang sinasabi nila."
Naalala ko tuloy 'yung unang halikan namin sa office... ang sarap pa rin balikan.
"Hah!" singhal niya, "Don’t worry. Hailey’s doing her best to watch those witches. Hula ko, gusto lang nilang matuloy ang kasal para makakuha ng yama---"
Nabigla ako nang malakas siyang mabangga ng isang babae na tumatakbo mula sa likuran namin at madapa ito. Nahinto si Seven at may ilang sitsirya pa ang tumalsik sa sahig sa lakas ng pagkakabangga ng babae sa balikat niya.
Naka-all black ang babaeng nasa sahig. Mula sa leather pants na suot, boots, jacket at leather hand gloves.
Lumapit si Seven at inalok ang kamay niya, "H-Hey, I’m sorry. Let me help you."
Hindi 'yun tinanggap ng babae. Nang makaupo siya ay noon ko lang napansin na may suot pala siyang maskara kanina bago mabangga si Seven. Tumunog kasi ito nang madapa siya. Kinuha niya 'yun at dahan-dahan inangatan ng tingin ang isa.
My mouth fell opened. Napakurap-kurap pa ako habang tinitignan siya. Hindi ko maitatanggi na ang ganda ng mukha niya at bagay sa kan'ya ang itim at mahaba nitong buhok, kahit na may ilang hibla ang humarang sa mukha niya ay hindi no'n naitago ang ganda niya.
Mukha siyang cool at astigin na babae sa mata ko.
Nagkatitigan sila ni Seven ng ilang sandali at nawala lang 'yun nang may marinig kaming sigawan sa pinanggalingan niya. Doon kumilos ang babae at walang sali-salitang tumakbo palayo sa amin.
Feeling ko may humahabol sa kan'ya dahil sa pagmamadali niya. Idagdag pa na nilagpasan kami ng mga lalaking nag-iingay na hulihin ang babaeng 'yun.
"What was that?" napapakamot ng ulo si Seven habang nakalingon do'n.
"Mukhang hinahabol siya ng mga ‘yun. B-Baka kung anong gawin sa kan‘ya!" bulalas ko.
Napatingin si Seven sa sahig at may kinuha ro'n. Napatakip ako ng bibig nang makitang may hawak siyang baril.
"N-Nalaglag n‘ya?" tanong ko.
Sumeryoso ang mukha ni Seven at mahinang bumulalas, "Yeah. And it’s illegal to own a gun especially if you’re an ordinary civilian. And she doesn’t look like a cop, plus the fact that they were chasing her."
"Are you saying she’s a criminal? Don’t just judge because of that gun, Seven." kontra ko.
Tinago niya ito sa kan'yang bulsa at tinignan ako ng seryoso, bagay na madalang lang makita sa mukha niya.
"Maybe, maybe not. Secret agents like me who’s working under secret agency normally has some weapons like this. If she wasn’t a member of any kind of dark organization, maybe she’s a stray criminal on her own."
' ' '
8:30 ng gabi ay tapos na 'ko sa paglulutong ginawa ko para sa dinner namin ni Sir Claudius. Sa wakas, nakapagluto rin. Sa ilang araw kong kasama siya, hindi niya talaga ako hinahayaang magluto o maglinis man lang dito.
Ika niya, "I have my personal chef and a maid. I’m paying them enough salary to serve me. And besides, I don’t want to dirt your soft hands, leave it to them. What you have to do is to just stay with me, Konan."
Napabuga ako sa hangin nang maalala 'yun. Ang swerte ni Lauren kung sakaling siya 'yung nagustuhan ni Sir Claudius. Instant buhay reyna. But in my case, ayoko naman na wala akong ginagawa.
From: Claudius
Honey bunny, I’m coming home in 15 minutes. I can’t wait to see you.
Text niya sa 'kin ngayon lang. Natawa ako sa tinawag niya. Honey bunny? Saan naman niya natutunan 'yon?
Magco-compose sana ako ng message sa kan'ya nang biglang tumunog ang phone ko dahil sa tumatawag. Sandali pa 'kong natigil nang makita ang pangalan ng caller-- si Gavin.
Nasa isang linggo na rin yata ang lumipas na hindi kami nagkakausap. Kaya naman hindi ko maiwasang kabahan ng kaunti ngayong tumatawag siya sa 'kin. Pero kung magkukumustahan lang naman kami... wala naman sigurong masama ro'n.
Humugot ako ng malalim na hininga bago iyon sagutin, ngumiti ako, "H-Hello? Musta ka na?"
Hindi ko kaagad siya narinig na sumagot.
"Uhm... Gavin?"
"Hearing your voice makes me feel better," mahina ngunit dinig kong aniya, "Hi, Konan. I’m good. How about you?"
"O-Okay naman ako..."
Hindi ko alam kung anong susunod na sasabihin. Para kasing napaka awkward kung itatanong ko ang tungkol sa estado ng nararamdaman niya sa akin. Bukod do'n, parang nagkaroon ng malaking gap sa pagitan namin.
"So... you were with Claudius? Are you living together as couple?"
Sasagot na sana ako nang bawiin niya 'yun.
"B-But don’t take it the wrong way! Napatawag lang ako para kumustahin ka sa piling n‘ya. Hin...hindi ka naman n‘ya pinapalungkot ‘di ba? Pinapangiti ka n‘ya lagi ‘di ba? He should not make you uncomfortable."
Hanggang sa narinig ko ang mahina at impit na iyak niya sa linya. Para bang pinipigilan niyang maiyak pero hindi siya nagwawagi.
Gavin...
"Oh God... I don’t know why I’m crying. Maybe because I’m happy for you?" he continued, "But anyways, I know you’re happy and contented. Kahit hindi pa gano’n katagal ang pinagsasamahan n‘yo, alam kong parehas n‘yong mahal na mahal ang isa’t-isa."
Suminghot siya habang patuloy kong naririnig ang kan'yang mahinang iyak. Gusto ko siyang patahanin pero wala akong karapatan. Dahil sa 'kin... kaya siya nagkaka-ganito.
"Really, be happy forever and ever, okay? Kapag... kapag sinaktan ka n‘ya sabihin mo sa ‘kin. P-Papagalitan ko siya kahit mas matanda pa siya. Pero mas maganda kung hindi kayo magsasakitan ha? I feel like he wouldn’t hurt you naman. ‘Wag mo isipin ‘yung arranged marriage, si Claudius pa rin ang masusunod. So just smile always, okay? I’ll feel happy just watching you both."
"I..." dito na siya napahagulgol kaya naman mariin akong napapikit.
"I don’t think I can ever meet someone like you...! I’ll... be just forever alone... getting hurt by someone I love. What’s wrong with me...?"
Nagpatuloy siya sa pag-iyak at pagsasalita, "Damn, why am I crying? I thought I’m done. I’m sorry, Konan. I’m sorry for what I’ve done, for trying to hurt you. But I... miss you. I miss you so much... pero kahit ano pang gawin ko, una palang dapat alam ko nang ako ‘yung... ako ‘yung talunan na naman... ako na naman ‘yung talo."
Sinubukan kong magsalita, "Gavin, please---"
"Come on, you don’t have to answer me," masakit siyang natawa sa sarili, "You had me a point where I would’ve left the entire world behind for you. It’s okay. Just be... a happy couple for me. I support you and I’m so sorry."
"I forgave you," mahina at totoong sagot ko.
Sandaling nanahimik ang linya pero 'di nagtagal ay suminghap siya at muling nagsalita, "Right! I don’t think I can talk any longer. M-Maglalaro na lang ako ng LOL ngayon. Cheer for me! Bye-bye!" pagkatapos ay bigla na niyang binaba ang telepono.
Dahan-dahan ko naibaba ang cellphone ko mula sa aking tenga habang tulala sa lamesa. Napaka tahimik dito sa bahay ni Sir Claudius, wala akong ibang marinig kundi ang malakas at masakit na tibok ng puso ko.
It... pains me to hear him sob and cry like that. Bumabalik sa alaala ko ang masakit na ekspresyon niya noong oras na iyon.
"I don’t think I can ever meet someone like you...! I’ll... be just forever alone... getting hurt by someone I love. What’s wrong with me...?"
No, Gavin. You will meet someone who's more better than me. Just because you got hurt a lot of times doesn't mean you'll be forever alone. Baka... hindi lang ngayon 'yung tamang oras para magkita kayo. I believe everything has a right timing.
With all the smiles you brought me, I never thought that I could cause you so many tears like this.
I am sorry, Gavin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro