• Thirty Six •
Catalina Konan
°°°
After buying to the scarves and hat shop, we walked around some more. Sumusunod lang siya sa 'kin sa lahat ng shop na daanan ko. Gusto man niyang sagutin ang mga pinapamili ko, hindi naman niya magawa dahil card lang ang mayro'n siya.
Hindi rin naman malalaki 'yung binibili ko. Keychain, wallet at hair clip lang naman.
Nagpasya kaming pumasok sa mall pagkatapos ng ilang oras. Napahinto ako sa isang botique shop at pinagmasdan ang isang puti at mahabang dress na nakasabit mula sa loob ng transparent glass window. Ang ganda kasi ng itsura. Sa isang tingin ay agad na pumasok sa isip ko ang maganda at asul na karagatan.
Napangiti ako at tinignan ang pangalan ng store. Yves Saint Laurent. One of the most luxurious brand fashion clothing in the world...
Umiling ako at nilagpasan na 'yun. When I was in college, I promise myself to never buy a clothe, bag, shoe or jewelry in a luxurious price. Bakit pa? Mayro'n naman diyan mga mas mura pero pangmatagalan. Those are only for billionaire people.
Nakakalimang hakbang na yata ako nang mapansin kong hindi naman pala sumusunod sa 'kin si Sir Claudius. Nilibot ko ang paningin ko at muling bumalik sa pinanggalingan, hanggang sa napahinto ako nang makita siya sa loob ng Yves Saint Laurent na shop-- kung saan ako huminto kanina. Kausap niya ang isang sales lady na may hawak na... white... dress...
'Yung dress na pinagmamasdan ko kanina.
Teka, 'wag mo sabihing bibilhin niya 'yon nang hindi man lang sinasabi sa 'kin?!
"C-Claudius," mahinang tawag ko ng makapasok.
"Where did you go? I wanted to see if this fits your perfectly," saka niya kinuha sa sales lady ang damit at tinapat sa 'kin, "I’d love to see you wear this."
Natulala ako ng ilang segundo sa kan'ya. Biglang nag-init ang tenga ko. Siguro dahil sa pamamaraan ng pagtingin ng sales lady sa amin. Nakangiti siya habang nagbibigay ng compliment na siyang tinatanguhan naman ni Sir Claudius.
Dahan-dahan ko hinawakan ang damit, "U-Uhm... hindi naman ako nagpapabili," mahina kong ani sa kan'ya.
"I saw you staring at it. And it’s not a big deal to buy it for you."
"Anong it’s not a big deal?" hinanap ko ang price tag at bahagyang napanganga, saka ko 'yun pinakita sa kan'ya, "See this? 26,995.00 pesos? Ang dami na nating mabibili rito," sinikap kong hinaan ang boses ko na siya lang ang makakarinig.
Tinaasan niya 'ko ng kilay, "So?"
"A-Anong so? I like this and this is pretty but I can’t let you spend 26k for one dress."
"Konan," he blew a sigh, "Where in the word ‘I will give you anything you want,’ that you don’t understand?"
Napaamang na lamang ako at hindi na nakasagot.
"Now, get anything that you like and try them on. I’ll buy it for you," aniya saka umupo sa itim na couch. Tinignan niya 'ko na parang hinihintay niya kung gagalaw ba 'ko.
Unbelievable... hindi naman sa ayaw ko pero nakakapanghinayang kasi.
Dahil na rin sa kantyaw ng sales lady, wala akong nagawa kundi ang kunin ang white dress at magtingin pa ng ibang gamit. Maraming pwedeng makita rito. Bags, shoes, watches, clothes... lahat nakakaakit sa mata. Pero habang mas nakakaakit, mas nakakalula naman ang presyo.
Tatlong dress lang ang kinuha ko. Ayoko namang isukat at ipakita lahat 'to kay Sir Claudius kaya naman 'yung white dress na lang ang napili kong ipakita sa kan'ya na suot ko.
After awhile, I came back out. I felt I seemed a bit tentative. Pinching the hem of the dress, I looked at Sir Claudius shyly.
He was stunned as soon as he laid eyes on me. He just sat there for a few seconds before standing up and walked over to me.
"Amazing," he muttered.
Ni hindi ko siya matignan sa mata. This white dress is a bit revealing. Kaya nga sabi ko, naalala ko ang beach dito kasi doon lang 'to bagay para sa 'kin. But anyway, even if I cannot look at him in the eye, I couldn't help but smile hearing his words.
"You really have a good shape of body, though I never see you naked yet," kumento niya pa kaya bigla akong na-alerto. Paano na lang kung narinig siya no'ng sales lady?!
I slit my eyes on him, "W-Watch your mouth!"
"What?" he smirked and gently touched my bare shoulder with his fingers as he slowly slid down the strap.
Nagsitayuan ang balahibo ko. Mabuti na lamang at may pinagkaka-abalahan ang sales lady sa likod niya. Argh! Shemay!
"Let’s buy thi---"
Naputol ang sasabihin ko nang yumuko siya at gawaran ng halik ang balikat ko. Ilang beses niyang dinampi ang labi ro'n at nakakainis lang na hindi ko siya kayang pigilan. For pete's sake! Nasa loob kami ng shop at kahit walang nakakakita ay may CCTV naman!
"C-Claudius... not here..." halos pabulong kong paalala sa kan'ya.
Huminto naman siya at muling tinaas ang strap sa balikat ko. Nakangisi niya 'kong tinignan, "Sorry, I lost myself there."
Sakto no'n ay lumapit na sa amin ang nakangiting sales lady at muli na naman akong pinuri.
"Wow, Ma’am... you’re so sexy. Bagay po sa inyo, ‘di ba, Sir?" lingon niya kay Sir Claudius na siyang may malagkit na tingin sa akin. Sana lang ay hindi 'yun napansin ni Ate.
Matapos kong makapagpalit ng damit ay lumapit na kami sa counter para magbayad. Hindi pa nga naging kuntento si Sir Claudius sa tatlong damit na kinuha ko, dinagdagan niya pa ito ng isang pares ng silver high heels.
I didn't try to refuse. Because I knew he wouldn’t listen to me even if I said no.
Hindi na 'ko naglakas-loob pang huminto o tumingin sa iba pang shop dahil nag-aalala ako na baka bilhin na naman ni Sir Claudius para sa 'kin 'yun. Kaya naman dahil hindi pa kami kumakain, lumabas kami ng mall at pinuntahan ang isa sa paborito kong restaurant.
It's one of the cheapest restaurant. Iyon ang paborito naming restaurant ng mga kaibigan ko sa Dwellsmith dati. Kasi masarap na ang lahat ng pagkain, affordable pa.
"Sabi ko walang luxurious restaurant ngayong araw, ‘di ba? Kaya naman kakain tayo sa restaurant na ‘yun!" masaya kong tinuro sa kan'ya ang restaurant hindi kalayuan sa 'min na may pangalang, Greenhouse.
Natawa ako nang makita ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang tinitignan 'yun, "So they served commoner foods like... burger, fries and other foods with high cholesterol?"
"Best seller nila diyan ‘yung Pepper Garlic Burger. You should try!" bulalas ko pa habang hinahatak siya ro'n.
"We’re eating burger? Do they also have red wine? What are the cheapest one they serve?"
Natawa na lang ako sa kan'ya, "They don’t serve red wine here, Sir Claudius. But they have root beer!"
"...what’s root beer? I don’t drink beer."
"Y-You don’t know?!" huminto ako at nanlalaki ang mata na tinignan siya, "That’s a soft drinks. Pero hawig sa lasa ng beer."
"Oh..."
Ano pa nga bang aasahan ko? Wala talaga siyang ideya sa mga commoner foods. Pasensya na kayo, puro pangmayaman na inumin at pagkain kasi ang kinakain niya. Alam niyo na, anak mayaman ang lolo niyo.
Kaya naman, bukod sa street food na napatikim ko na sa kan'ya dati, ito naman ngayon.
Dahil nasa tapat na kami, ngayon ko lang napansin na napaka haba pala ng pila sa loob. Ang dami pang tao at may ilan pang nakaupo sa labas para maghintay ng lalabas.
Mukhang mali ang timing namin...
Napasimangot ako, "I really like to eat in here but the queue is a bit long."
Ayoko namang paghintayin si Sir Claudius sa maraming tao. Alam kong hindi siya magiging kumportable.
Ngumiti ako at hinarap siya, "It’s okay! Balik na lang tayo next time. Uhm, punta na lang tayo sa iba."
Hinawakan ko siya sa kamay at sabay na kaming umalis sa lugar.
"Do you really like dining there?" tanong niya.
"Oo. Diyan kami madalas kumakain ng mga kaibigan ko sa Dwellsmith. Masasarap kasi tapos mura pa. Kaya nga papakainin sana kita diyan."
"You mean, dumadayo pa kayo rito para lang kumain do’n?" tanong niya, "I wonder what their foods taste like. If you love it then it really must be delicious."
"Balik tayo rito ah?" nilingon ko siya na siyang tinanguhan naman niya bilang sagot.
Sa huli ay napili na lamang namin huminto at kumain sa Palms Thai. So obviously, they serves thai foods-- but don't make the wrong idea, this restaurant is one of the cheapest diner ever. Pero para sa 'kin, mas cheap ang Greenhouse.
Habang namimili kami sa menu, may lumapit at bumati sa 'ming waitress. Inaalok niya kami ng limited edition nilang 'Coconut Rose Mochi'. Since this is a thai restaurant, they have a special limited edition of japanese desserts like this coconut rose mochi. Sa picture palang na pinapakita niya, mukhang katakam-takam nga.
"Hmm..." nag-iisip ako kung kukunin ko. Hindi nagbibiro 'yung presyo, 455 pesos para sa ilang piraso ng mochi.
"Okay. We’ll take that," biglang bulalas ni Sir Claudius.
Hindi pa 'ko nakakapag-react nang tumango na ang waitress at nilista 'yun sa kan'yang maliit na listahan.
"B-But it’s too pricey. 455, sampung piraso lang ng maliliit na mochi ‘yun," mahinang asik ko sa kan'ya para hindi marinig ng babae.
"Price doesn’t matter as long as you’re satisfied."
Bumuntong hininga ako at hindi na kumontra pa. Kapag talaga may gusto siyang bilhin, kahit gaano pa ka-mahal, kukunin niya.
Umorder na kami ng iba pang pagkain. Pinakahuling dumating ang coconut rose mochi at humanga ako sa itsura no'n. Kulay baby pink ang mochi, maliliit lang din siya na hugis square at sobrang lalambot. Hindi ko na napigilang pang kumuha ng isa at kagatan 'yun.
Napangiti ako sa lasa. Para siyang coconut na may lasang gatas at bulaklak. Nakakatawa pero hindi ako nagbibiro.
Though I can't figure out if it's really rose or not since I haven't tasted a rose yet. More importantly, kinakain ba 'yun?
"Ang sarap ‘di ba?" tanong ko nang makita ko siyang kumuha rin ng isa.
Sir Claudius nodded and licked the corner of his mouth, "Yeah. It’s so sweet."
"Do you like sweets?"
"They’re fine," kaswal na sagot niya.
"I was afraid it’d be too sweet for you."
Even though he says sweets are fine, I knew he doesn’t like it like I do. Sa tinagal kong pananatili sa mansion niya, hindi ko pa siya nakikitang kumain ng chocolate o ano mang desserts. Siguro kung kakain o iinom siya no'n, it will not be a food, it will be a sweet wine drink.
But even if he loves all kinds of wines, he still have favorites-- mostly, in luxurious names.
"No," after thinking for a few seconds, he thought of something more to add, "But if you happen to crave for this mochi in the future, I can tell my chef to make you one. Instead of going back here. Also, this coconut rose mochi is just a limited edition."
Tumango-tango ako habang ngumunguya, "I agree. Saka sobrang mahal."
"It doesn’t matter if it’s expensive or cheap, as long as you want it, I’ll give you anything."
Napatitig ako sa seryoso ngunit kalmadong mata niya na nakatitig din sa 'kin. Dapat na ba 'kong masanay na magiging ganito ang set-up namin habang magkasama kami? Like, kapag may nagustuhan ako, kahit hindi ko sabihin ay nalalaman niya agad. Bibilhin niya kahit ano basta magustuhan ko.
Buti na lang hindi ako 'yung tipo ng babae na nagta-take advantage. Isipin ko palang ay nakakakonsensya na.
Hindi ko kayang pagsamantalahan si Sir Claudius kahit pa handa siyang ibigay kahit ano para sa 'kin. Masyado ko siyang mahal para gawin 'yun. Isa pa, hindi ko siya nagustuhan dahil lang sa posisyon at karangyaan niya... mahal na mahal ko siya-- mayaman man siya o mahirap.
"Sir..." nanatili sa kan'ya ang paningin ko, "I love you, to infinity and beyond, Sir."
I saw the corner of his lips rose as he gave me an affectionate look.
I am sure, in future days when I recall this memory, I wouldn't really remember how the coconut rose mochi tastes. I would only remember the relaxed, tender look he had on his face.
After we ate and have more shopping, my legs felt totally spent. Naglalakad-lakad kami sa labas ng mall kung saan may napaka gandang view ng mga halaman at bulaklak, may malaking fountain din sa gitna at mga nagtatakbuhang bata. Magkahawak-kamay kami pero this time, hindi na talaga 'ko bumitaw sa kamay niya. Sobrang sakit ng paa ko!
Kung bakit ba naman kasi ako nag-sandals na may heels. Hays!
Mukhang napansin ni Sir Claudius ang paghihirap ko sa paglalakad kaya naman huminto siya at nagtataka akong tinignan. Umiling at ngumiti ako.
"Bakit?" kunwaring tanong ko.
Yumuko siya para tignan ang paa ko, 'di rin nagtagal ay tumayo na siya, "You’re hurt. Let’s go home," seryoso ito.
"H-Hindi. Upo lang tayo saglit. Maaga pa kaya," kontra ko saka iika-ikang naglakad sa isang bench para maupo.
Bumuntong hininga siya at lumuhod sa harapan ko para tanggalin ang suot ko. As he removes my shoes gently, I grimaced from the pain in my heel. It was bruised from the shoes.
"Let’s really go home. Your foot is hurt," it seemed like he wouldn't take no for an answer now.
"Mamaya na tayo umuwi. ‘Wag mo ‘yan masyadong seryosohin sanay na ‘ko diyan," tatawa-tawa kong usal kahit ang totoo, sobrang sakit talaga niya. It's just that, ayoko pang umuwi dahil magiging busy na naman siya.
And I don't want to be demanding to ask for a date next time.
"I could carry you through the rest of the date," biglang aniya.
As Sir Claudius said that, a couple nearby turned around and looked at us. Napaiwas ako ng tingin sa hiya dahil narinig nila 'yun.
S-Shemay...
I knew Sir Claudius was serious and would actually carry me the rest of the day if I act more stubborn.
"C-Claudius, may nakakarinig," bulong ko. Hindi siya sumagot kaya naman bumuntong hininga ako at nginitian siya, "Kapag umuwi na tayo, magiging busy ka na naman. H-Hindi ako nagsisisi na pinabalik kita sa trabaho ah! Pero... pag-umuuwi ka na sa bahay, palagi ka nang pagod. Ayoko namang magyaya ng date sa ‘yo kung alam ko namang marami kang inaasikaso. Kaya nga sobrang saya ko nang yayain mo ‘ko, e."
Hinawakan ko siya sa kabilang pisngi at ngumiti, "That’s why I’d like to stay more. Please?"
Sir Claudius looked stunned. Speechless, he put down my foot carefully.
"Nakalimutan mo na yatang magpapa-book na ‘ko ng ticket papuntang Japan," he said, "Wait for me," then he walked quickly into the crowd and disappeared.
Seryoso ba siyang agad-agad kaming pupunta ro'n?
Before long, he came back with a paper bag from which he took out a box of band aid. Nalula ako nang masilip ang iba pang laman no'n. Puno 'yun ng naglalakihang box ng band aid na may iba't-ibang brand name.
Isa lang naman 'yung paa kong may sugat at pwede namang isang box lang ang bilhin niya pero bakit ang dami niyang kinuha?
Palagay ko mga nasa lagpas lima 'yun.
He knelt to the ground, put my foot on his knee and applied the band aid to my heel.
"Bakit ang dami mong binili na box?" tanong ko habang inaayos niya ang band aid sa paa ko.
"I don’t know which brand is the best so instead of asking the staff, I took it all," inangat niya ang box na kinuhaan niya ng band aid, "Do you think this brand is worth it? Will it comfort your foot?"
Natulala ako sa tanong niya. He's so innocent when it comes to things like this...
"Thank you," naiusal ko na lamang.
Marahan niyang hinaplos ang sugat ko na ngayo'y naka-band aid na, "Next time when I’m not around, you’ll have to look out for yourself," seryosong aniya.
"What do you mean?"
"I mean, when I’m not by your side. Hindi por que sanay ka nang masugatan sa paa, hahayaan mo na lang. I don’t like to see you hurt, Konan."
Ngumuso ako, "I wore this because I want it to be more special... ayoko magmukhang jologs sa date na ‘to."
"Whatever you wear, you won’t ever look lame to my eyes. Please remember that," seryosong tugon nito sa 'kin dahilan para tumibok na naman ng malakas ang puso ko.
"Wear only heels like this for our formal dates. I cannot call this formal date because we ate in a not luxurious dining restaurant, we walked in crowded places, noise is everywhere. It’s not really classy," usal niya pa, "But I love it. I enjoyed, really. Thanks to you. It’s a new experience for me," ngumiti siya matapos sabihin 'yun.
I'm happy that he appreciates this simple date. I knew he's not comfortable, but he's trying his best to enjoy wherever I take him. Nakakataba ng puso, knowing na hindi naman siya sanay na magpunta sa ganitong lugar at kumain sa cheap restaurant, still, naramdaman kong napasaya ko siya.
I swear, the next time you ask for a date that I will get again to decide where, I'll take you to an amusement park.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro