• Thirty One •
Zen
°°°
This is not the first time I comforted a broken hearted friend. It happened before to Gavin when his cousin passed away. He was so stubborn, too dramatic. Pero kung ihahalintulad ko 'yun sa nangyari sa kanila ni Konan, mas malala 'tong sitwasyon niya.
God... he's like a dead man! He can't even talk properly to us, he just look, walk, nod, like a zombie.
Good thing my babe has a very long patient to this boy.
At dahil mahaba ang pasensya ni Betina sa kan'ya, kung saan-saan na kami nakarating. We ate in eat-all-you-can yesterday, we went to amusement park, we window shopped, we gave him space-- and now we’re here in arcade. And finally, I think it's kinda working.
Nanunuod lang ako kina Betina at Gavin na naglalaro ngayon ng "Guitar Hero", two player ang laro pero hindi ko na mapansin pa kung nakakasabay ba si Gavin o hindi dahil nakatutok lang ako sa laro ni Betina.
Damn man, she's so good! Sobrang bilis ng kamay niya, halos maduling na nga 'ko para lang masundan ang mga line sa screen pero siya, ni isang beses hindi pa nagkakamali.
"B-Betina, I’m losing," kumento ni Gavin sa tabi niya.
"Yeah. So keep up!" sagot naman ng bebe ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Napangisi ako. Napaka swerte ko naman at na sa kan'ya na talaga ang lahat. Maganda, matalino, magaling sa kahit anong bagay, pati ba naman sa paglalaro ng guitar hero inangkin na niya.
"Babe, don’t stress yourself, hmm? Kapag napapagod ka na kay Gavin, magpahinga ka lang." paalala ko.
Syempre iniisip ko ang kalagayan ni Betina. She’s one month pregnant and I'm so fucking happy to know we’re having a baby. Kung sino man ang maging kamukha sa 'ming dalawa, ayos lang. Maganda siya, pogi ako. Hehe.
Habang nanunuod, may mga babaeng nagsisilapitan sa 'kin para magpa-picture. Napabuntong hininga ako. Gusto ko sanang tumanggi dahil mawawala ang atensyon ko kay Betina pero ayoko namang magmukhang isnabero kaya sa huli, pinagbigyan ko na lang.
"I lose," rinig kong saad ni Gavin habang binabalik ang gitara sa lalagyan.
Lalapit na sana ako sa kanila pero may mga humarang pa sa 'kin para magpa-picture. Pilit akong napangiti sa kanila saka tumingin kay Betina nang marinig ko siyang magsalita.
"That’s life, sometimes you win, sometimes you lose. Cheer up! Kain tayo ng sweets?"
"I always lose and never win..."
"Nananalo ka nga sa LOL, e."
"Iba naman ‘yun. But when it comes to people I love, they always leave me behind. In the end, I’m always hurting and losing."
"Just because Silvanna died and Konan left you? Bakit doon ka bumabase? Kahapon ko pa sinasabi sa ‘yo na hindi lang dapat sa kanila iikot ang mundo mo. You have your family, your friends. This is a lesson, Gavin."
"Lesson? Why do I have to be taught twice? Palibhasa, masaya na kayo ni Zen. Walang kaagaw si Zen sa ‘yo, even if he have, you will always choose him! Pero sa ‘kin may pumipili ba? Hindi mo alam ‘yung nararamdaman ko, Betina. You’re not in my place to say that. Hindi nakakatulong sa totoo lang."
Kumuyom ang kamao ko nang marinig 'yun sa bibig ni Gavin kaya naman kahit may mga nagpapa-picture pa sa 'kin, nilayasan ko sila para makalapit sa kan'ya.
"Gavin, what the heck did I heard?" hahatakin ko na sana ang kwelyo niya nang hawakan ako ni Betina sa braso.
Nakita kong seryoso na ang mukha ni Betina habang nakatingin sa salubong na kilay ni Gavin.
Tumayo si Gavin, "May mga kan‘ya-kan‘ya tayong pinagdadaan at oo, nandiyan nga ang pamilya at mga kaibigan ko--- kayo. Pero hindi pa rin no’n mapupunan ‘yung sugat sa puso ko. Anyway, I appreciate your gestures, Betina. But I’m sorry I really cannot help it. You wasted your time on someone as trash like me."
"Hey, watch your mouth. You’re talking to Betina," I annoyingly replied.
"Then, leave me alone."
I walked towards Gavin in a threatening manner and pulled his shirt, "After all the time and efforts we spend to you, yet this is how you thanked us? I never expected you to talked like this, Gavin."
"I said I appreciate, Zen." he said in monotone with eyebrows furrowed.
Lalo kong hinigpitan ang pagkaka-kapit sa kwelyo niya. Wala akong pakialam kung may mga nanunuod na sa 'min dahil ang ayoko sa lahat ay 'yung binabastos si Betina. Nag-iinit ang dugo ko sa mga ganitong bagay.
"You fucking deserved to be left out, crybaby."
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi niya sa inis, "...how arrogant just because you’re happy, ‘no?"
"Because you’re a crybaby and immature. I hate that trust fund kid but compared to you, he’s much deserving to have Konan," I rebutted.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay kong nakakapit sa kwelyo niya, "What did you say?"
I smirked. But before I could leave a sentence, Betina barge in and pulled us away from each other. Her expression was kind of grim.
She looked at Gavin, "You disappointed me, Gavin. But oh well, before we let you go to wander around listlessly, can you come with me first? Diyan lang naman sa gilid, ‘yung wala masyadong tao. Nakakahiya dahil gumagawa pa kayo ng eksena rito."
Napaiwas ako ng tingin at namulsa. Betina has a point and I feel guilty. Nakakainis kasi.
Tumanggi si Gavin, "I’m going ho---"
Pero wala na siyang nagawa nang hatakin na siya ni Betina sa kamay at dalhin sa sinasabi nitong gilid. Sumunod ako at nakita kong nagpo-protesta pa ang isa sa pagsama.
"B-Betina, let go of my hand! I don’t want to come! I said I’m going home! Hey!"
Hindi siya sinasagot ni Betina. Bilib ako sa kan'ya dahil natatangay niya ng gano'n si Gavin. Sa kabilang banda, alam ko kasing kumukulo na sa loob si Betina kaya gano'n.
Masesermonan ang batang matigas ang ulo...
Nang makarating kami sa gilid kung saan wala na masyadong nakatambay na tao, doon lang huminto si Betina at binitawan si Gavin. Hinarap niya 'to at walang kagatol-gatol na sinampal ng malakas sa pisngi ang isa. Nagulat ako, pero mas nagulat si Gavin dahilan para manatiling naka-gilid ang mukha niya.
Sobrang seryoso ng mukha ni Betina kumpara kanina habang salubong ang kilay kay Gavin. Parang ako tuloy 'yung natakot sa kan'ya.
"How stupid can you be? And you tell me you appreciate my gestures? How about the slap I gave you, do you appreaciate it or do you want me to slap you one more time harder than that?" Betina spat out angrily.
Gavin remained silence.
"Now what do you want to happen? Gusto mong umiyak sa isang sulok ng bahay mo dahil hindi ka pinili ni Konan? Magmumukmok ka? Hindi kakain? Magkukulong? Sige, tell me, Gavin. Kapag nasagot mo ‘ko ng maayos ilalayo ko si Konan kay Claudius para sa ‘yo at tutulungan kita."
Napatingin ako sa kan'ya agad, "Babe, what are you talki---"
"But first answer my questions correctly. Anong mayro’n sa ‘yo para piliin ka ni Konan? Gaano ka ka-deserving para makuha siya?"
Dahan-dahan napatingin si Gavin sa kan'ya. Nawala ang salubong niyang kilay at napalitan ito ng masakit na ekspresyon sa mukha niya. Hindi agad siya nakapagsalita sa tanong ni Betina.
Muling siyang nagsalita, "Sa tingin mo karapat-dapat ka n‘yang mahalin? Kung oo ang sagot mo, bakit? Give me a brief explanation and convince me with only five sentences."
Gavin opened his mouth but Betina added another word, "State also ten reasons why she shouldn’t have chose Claudius as her lover and exactly four words of mistakes you made before she had left you. Oh, and--- explain yourself with all the requirements in 30 seconds," Betina clicked her phone for a timer and showed it to Gavin, "Start explaining."
Natulala ako sa paghanga sa kan'ya. Diretso lang siyang nakatingin kay Gavin samantalang napaawang ang labi ng isa, hindi malaman ang isasagot gayong gumagalaw ang oras.
Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya ay hindi ako agad makakapagsalita. Five sentences? Ten reasons? Six words? In only 30 seconds?!
Naitikom ni Gavin ang bibig niya at kumuyom ang kamao, "Why would I have to follow that? Kahit naman gawin ko ‘yan at tulungan mo ‘ko, na kay Claudius pa rin ang puso n‘ya."
Tumunog ang timer na nagsasabing tapos na ang oras, pinindot 'yun ni Betina habang hindi inaalis ang seryosong tingin kay Gavin.
"Exactly, you idiot."
Bahagyang nagulat si Gavin do'n.
"Kahit magmukmok ka sa bahay mo at umiyak ng balde-baldeng luha, hindi ka n‘ya mamahalin kagaya ng pagmamahal n‘ya kay Claudius. All you have to do is to accept the fact that she doesn’t love you and she lied to you," humalukipkip ito, "But even if you want to prove your worthy by answering those questions, you wouldn’t give exactly what I’m asking in 30 seconds because you are Gavin Jace Quijano, not Claudius Lefebre."
"W-What do you mean by that? Talaga bang pinapa-mukha mong---"
"Oo. Pinapa-mukha kong magkaiba kayo ni Claudius kasi kung siya ang tinanong ko niyan, tiwala ako na masasagot n‘ya agad. Hindi sa minamaliit kita, pero may mga bagay kasi na kahit anong pilit mo basta hindi tugma, hindi talaga gagana. Parang sa inyo lang ni Claudius. Kakalabanin mo ba ang tadhana kaysa piliing tanggapin ang pagkatalo? Paano naman ‘yung taong nakalaan para sa ‘yo?"
"H‘wag ka sanang maging unfair, Gavin. I’m saying all of this because I love you as my little brother and I only want what’s best for you. Pinagtagpo lang kayo ni Konan, pero hindi kayo itinadhana. Kumbaga, dumating lang siya sa buhay mo para malaman mo ang mga kamalian mo sa sarili mo at nag-tagumpay naman siya, e. Kung hindi dahil sa kan‘ya, hindi natin malalaman na gan‘yan ka ka-baliw sa minamahal mo na tipong kahit sarili mo, sasaktan mo."
Gavin bowed his head from all Betina's harsh words. He was silent, until I noticed a tear fell straight down on the floor.
I heaved a deep sighed and decided to gently tapped his shoulder. Aaminin ko na inis na inis ako sa pambabastos niya sa 'min kanina lalo na kay Betina, pero sa reaksyon niya ngayon, hindi ko maiwasang maawa.
Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko masabi ang tamang salita. Gano'n talaga ang buhay, e. Napaka unfair. Alam namin parehas ni Betina ang nararamdaman niya, tapos na kami diyan. 'Yung tipong ginawa mo naman ang lahat, pero sa huli sawi ka pa rin.
Man... why does it have to happen?
"H‘wag mo naman sanang hintayin na pati kami, magalit sa ‘yo. Hindi pa nga kayo maayos ni Seven dahil sa ginawa mo, e. Gusto mo pati kami ni Zen magalit sa ‘yo? Is that what you want, Gavin?" muling saad ni Betina.
"Gav, pull yourself together," I muttered to him.
"Let me tell you this," Betina went on, "Sa susunod na magmamahal ka, ‘wag mo silang pipilitin na mahalin ka. Palagi mong piliin ang magbigay dahil doble ang babalik sa ‘yo, naniniwala ako ro’n. Hindi mo kailangan kitilin ang buhay mo o manakit ng iba, if they leave you, accept. If they love you back, then thank God. Learned to be forgiving and understanding."
"Someday, there’ll be a girl who will love you unconditionally and will never leave you no matter what. Even if there are hundred reasons to give up, they will find one reason to hold on."
Suminghap si Gavin at hindi na napigilan pang humikbi, nilagay niya ang kamao sa tapat ng kan'yang bibig habang umiiyak na nakatingin sa kalmado na ngayong si Betina.
I feel sorry for Gavin...
Gumuhit ang maliit na ngiti ni Betina sa kan'yang mapulang labi, "Real love doesn’t meet you at your best, it meets you in your mess," saad niya pa.
I stared at her beautiful face. In an instant I felt like I was floating in cloudnine. This is why I’m fucking in love with this strong woman. I have been intimate with loss, I have walked side by side with loss, I have laid my head down on her lap and felt her palm against my cheek, I invited her into my heart, into my bed, I have let her live with me for all this time. Yet, I’m sure she is intermediary, a bridge to something so much more beautiful.
I fell for her and still falling.
Nawala ang paningin ko kay Betina nang biglang umalis sa tabi ko si Gavin at salubungin ng mahigpit na yakap si Betina. He was crying like a little child, sobbing and shits.
Ginantihan 'yun ni Betina at hinaplos siya sa likod. Napabuga na lang ako sa hangin habang pinapanuod sila. Man, I'm kind of jealous but this isn't the time to be one. Nakakailang yakap na 'tong si Gavin sa bebe ko, e.
"I’m sorry, Betina! I-I’m so sorry!" he cried.
Betina replied, "Hmm. Yes, you should be. You made me angry, you little kitty."
"I’m sorry! It hurts... it hurts so bad... my heart is aching, it’s throbbing painfully. I don’t know what to do anymore, I’m such a loser...! H-Help me, help me... my heart d-doesn’t feel good anymore..."
"I’m here, we’re here. Stop crying... everything will be okay," napansin kong namumuo na rin ang luha sa mata ni Betina.
Damn it. Ano kayang pwedeng gawin kay Gavin pagkatapos niyang galitin at paiyakin si Betina? Tch.
Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa noo ni Betina. Ginulo ko ang buhok ni Gavin, "Hey bro, what are you a baby? Come on, let’s eat something sweet. I heard it is best for broken people like you," ani ko.
Kumalas siya ng yakap kay Betina at hinarap ako habang kinukusot ang mata niya, "Z-Zen..."
Nginisian ko ito, "Dadamayan kita sa pagkain ng matatamis ngayon--- but only today!"
Tinignan ko si Betina at kinindatan. Napangiti siya sa 'kin.
Pagkatapos nito, sana naman ay umayos na si Gavin. Sa totoo lang, masakit sa mata ko ang makitang nagkakaganito siya dahil sa isang babae. Naiintindihan ko pa dati noong namatay si Silvanna, pero iba ang kaso ngayon.
Hayy. Kailan kaya darating 'yung babaeng papantayan ang pagmamahal ni Gavin? Anong petsa kaya 'yun darating?
Nahahati 'yung atensyon ni Betina sa 'kin, e. Practice na ba 'to ng pagiging magulang? Gavin, our pre-child.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro