Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

• Thirty Five •

Catalina Konan

°°°

Sir Claudius asked me out for a date today. Sino ba naman ako para tumanggi, 'di ba? Ito ang unang labas namin bilang opisyal na magkasintahan.

Hihihi. Magkasintahan... kinikilig ako sa ideyang boyfriend ko na ang dati kong boss.

As soon as I came outside of his mansion, I saw him waiting beside of his luxurious silver Aston Martin Rapide car. Bakit ko alam? Kahapon bago pumasok sa opisina si Sir Claudius, binigyan niya ako ng personal body guards-- si Kuya Mark at Kuya Jay. Nilibot nila ako sa malaking bahay ni Sir Claudius dahil sa totoo lang ay hindi ko pa naman talaga sinubok na libutin ito. Mula basement paakyat ng 3rd floor, wine room, gym area, pool area, garden and parking-- kung saan nando'n ang tatlong naggagandahang sasakyan niya.

Isang black Crysler 300 limousine car, black Mercedez V-Class van at silver Aston Martin Rapide-- na siyang gagamitin namin ngayong araw.

I smiled at him as soon as he looked at me. He is wearing a black coat, grey long sleeves, black pants and a pair of brown high top sneakers. He was leaning on his car with both hands on his pocket.

Natulala ako ng sandali. Ngayon ko lang nakita si Sir Claudius na nakasuot ng casual attire. Nakakapanibago, pero sobrang bumagay sa kan'ya.

S-Shemay... ang gwapo-gwapo ng boyfriend ko!

Ngumiti siya sa 'kin at tinanguhan ako para lumapit. Lalo tuloy lumabas ang ngiti sa labi ko. My heart is beating like a drum even if I was just looking at him from a distance. It felt just like a highschool puppy love.

"How are we going to spend today’s date?" tanong niya nang makalapit ako.

"Hmm..." nilagay ko pa ang isang daliri ko sa aking sintido at kunwari'y nag-iisip, "Let’s have a simple romantic date today!" bulalas ko.

"Okay," pinagbuksan niya 'ko ng pinto mula sa likod ng sasakyan para papasukin. Pero imbes na sundin 'yun, umiling-iling ako dahilan para bahagyang tumaas ang kilay niya.

"Let’s have a simple romantic date. Ibig sabihin, dapat walang chaperone, walang driver--- at hindi rin tayo kakain sa mamahaling restaurant. Ano sa tingin mo? Magandang ideya ba?" nakangisi kong paliwanag sa kan'ya.

Bumuntong hininga siya at sinarado ang nakabukas na pintuan. Dahil narinig naman ni Kuya Owen na siyang nasa gilid lang namin ang sinabi ko, yumuko siya sa 'min saka lumayo. Hinawakan ni Sir Claudius ang kamay ko at dinala ako sa passenger seat para pagbuksan ng pinto.

"Masusunod, mahal na reyna ko," bahagyang nakataas ang gilid ng labi niya.

Halos mamula ako sa narinig kaya naman pumasok na 'ko sa loob na siyang sinarado rin niya agad para umikot papuntang driver's seat.

Ang bilis ko talagang kiligin sa kan'ya.

Nagsimula kaming bumyahe at kagaya ng gusto ko, walang body guards na sumunod sa 'min mula sa likod. Habang nagmamaneho siya ay nagku-kwentuhan din kami tungkol sa mga bagay-bagay. It was like we're getting to know more of each other. I can see how much he's interested to know about my past.

I was hesitant at first, medyo nahihiya kasi ako sabihin sa iba kung paano ang trato sa 'kin ng magulang ko at tulad no'ng una ay baka maiyak lang ulit ako. Pero dahil karapatan din naman niyang malaman bilang boyfriend ko, sinikap kong i-kwento ang lahat.

"Parehas kasi silang matalino--- si Mama at Papa. Syempre as their first daughter, they expected too much from me. Like... ‘yung pagiging honored student, magkaro’n ng title sa school, maging magaling sa laha---"

"Hey, Konan," he cut my words and took a quick glanced, "You don’t have to tell me everything if it hurts your heart that much. I understand. This is our first official date and I don’t even want to imagine you cry again because of that," he says.

My mouth agape as I realized his solicitude. I smiled and shook my head.

"Mm-mm. It’s okay. Ikaw naman ‘yung kine-kwentuhan ko, e. Hindi ka naman ibang tao sa ‘kin," ani ko.

"Yeah but I’m concern. And seems like I knew the story."

"Talaga?"

"Initially, they dislike you because you’re not as smart as your sister, right? They didn’t care about your feelings, they treat you like someone who’s not their daughter, they didn’t even praise you. I bet ever since in your elementary days, as they realized you’re not that gifted, they stopped hugging and kissing you."

Sakto no'n ay huminto kami sa isang stop light. Napatitig lang ako sa kan'ya habang inaalala ang mga araw kung kailan ba ako huling pinuri, niyakap o pinangiti man lang ng magulang ko.

Pero wala akong maalala dahil wala naman talagang aalalahanin.

Sir Claudius shifted his jet-black eyes to me, "Right, baby?"

A weak smile formed into my lips, "Elementary days? How can you determine a child’s intelligence in just elementary days? Pwede pang magbago ‘yun pagtapak ng high school."

"I cannot relate. During my kindergarten and elementary days, I used to be the top honored student."

Doon na 'ko natawa, "Hindi naman ‘yun kataka-taka," bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo sa bintana, "Pero tama ka. Tama lahat ng sinabi mo."

Ayoko namang kwestiyunin ang magulang ko kung bakit gano'n sila sa 'kin. Por que hindi ako magaling at matalino? Pero naiintindihan ko. Kahit ako sa sarili ko, nahihinaan din ako, e. Slow ako, hindi matalino, palaging palpak.

But no hate. I don't hate them at all.

Napatingin ako muli kay Sir Claudius nang kunin niya ang kamay ko at gawaran 'yun ng halik.

"Don’t think about them too much. Let’s stop here," seryoso ngunit mahinahon niyang saad sa 'kin.

Habang nakatitig ako sa seryoso niyang mata, bumalik sa isipan ko 'yung mga panahong pinipilit pa ako ni Tiara maging event coordinator nila. Kung mas nagmatigas ako, siguro hindi ganito kasaya ang puso ko. Siguro hindi ko naging kaibigan sina Tiara, Zen, Seven at Hailey. Siguro hindi naging lesson sa 'kin si Gavin.

At hindi ako tititigan ng ganito ni Sir Claudius.

God really led me to the right direction... it was such a wonderful feeling.

' ' '

We went out of town-- somewhere they called, Central Park.

Dahil gusto ni Sir Claudius na ako ang masusunod sa date na 'to, hindi ko napag-isipang mabuti kung saan eksakto ko siya dadalhin. I mean, we're here sa sinabi kong lugar na puntahan namin pero hindi ko naman alam ang gagawin.

"It’s crowded," usal niya.

Humagikgik ako, "Sa mga ganitong parke madalas nagda-date ang mga ordinaryong tao. Kayo bang mayayaman, saan?"

"I haven’t date anyone. How would I know?" walang emosyong sagot niya.

"Well, maybe in a fancy restaurant?" hula ko.

Sinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng kan'yang coat, "That’s common. How about let’s fly to Japan? Would you like?"

"Japan?!" nanlaki ang mata ko sa tuwa at hinarangan siya sa paglalakad. Huminto siya at nginitian ako.

"Yes, baby. If you want, we can book tomorrow."

"B-Bukas agad?"

Tumango naman siya, "Hindi ba’t ikaw ang masusunod sa date ngayon? So it’s my turn tomorrow. I’ll take you wherever you want."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa samu't-saring pumapasok sa isip ko. Isipin ko palang na sasakay ako ng eroplano parang gusto ko nang tumalon-talon! Paano pa kaya kung tatapak at malalanghap ko na ang hangin sa Japan?

Kyaaaahh! Kinikilig ako!

Pero agad din akong ngumuso nang maalala ang tungkol sa hindi pa natatapos na problema kina Lauren. Wala pa kaming balita kung sinabi na ba ni Lauren ito kay Mr. Lefebre o ano.

"What? You don’t like to go to Japan? Then, how about in Korea? Singapore? New york?" aniya nang akala niya ay hindi ko 'yun gusto.

Umiling ako sa kan'ya at ngumiti, "I’d like to go anywhere as long as you’re with me. Pero---! Uhm, i-postpone muna natin hangga’t hindi pa tapos ‘yung sa inyo ni Mr. Lefebre."

"But the marriage has been cancelled already."

Muli akong umiling at niyakap siya, "Gusto ko munang matapos na ang problema mo kina Lauren at Anastasia. Hindi pa natin alam kung alam na ba ni Mr. Lefebre ang pinag-usapan n‘yo ni Lauren. At maiisip ko lang na malaya na talaga tayo kapag tinanggap na ‘ko ng Papa mo," inangatan ko siya ng tingin habang nasa gano'ng posisyon, "Is that okay?"

Matagal kaming nagkatitigan. Napaka ganda talaga ng mata niya. Kahit purong itim 'yun at walang emosyon, hindi nakakasawang titigan.

He heaved a sigh and gently combed my hair, "That’ll do. Fine. I’ll settle everything to my father tomorrow."

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa gitna ng parke nang may isang shop ang nakakuha sa interes ko. Hinawakan ko siya sa kamay at walang sali-salitang dinala ro'n.

It's a boutique that sells scarves and hats.

The shopkeeper, a young girl was showing the merchandise to us. My mouth slightly hung opened as I nod at her sales talk.

"Maganda po itong scarf na ‘to. Makapal ang tela at hindi po agad nasisira. Matibay po ang pagkakagawa ng lola ko rito. Magagamit n‘yo po ito kapag nagpunta kayo sa ibang bansa," nakangiting aniya.

"Cute... lola mo pala gumagawa," kinuha ko 'yung pulang scarf at sinuot sa leeg ko saka ako humarap kay Sir Claudius, "What do you think? Kung pupunta tayo ng Japan sa susunod, kailangan natin ng couple scarf!"

He smiled and nodded, "That’s nice."

I giggled then picked up a wool hat and put it on, "How about this? Bagay?"

He nodded, "Also nice."

"Why is everything nice? Sabihin mo kung bagay ba sa ‘kin o hindi," nguso ko.

"They’re just nice. I think everything looks good on you."

He looked at me candidly. He never seems to realized how much his genuineness sometimes makes my face turn red and sets my heart racing.

I took off the hat and scarf. Instead, binigay ko sa batang babae ang dalawang pulang scarf. Bibilhin ko 'to para may magamit kami sa Japan. Hindi naman ako masyadong excited do'n, 'di ba? Normal lang kaya 'to!

"Magkano ‘to?" tanong ko sa babae.

"250 lang po isa."

"Okay! Kunin ko na ‘yang dalawa," kukuha na sana ako ng wallet sa bag ko nang biglang tumikhim si Sir Claudius at nag-abot agad ng card sa batang babae. Natulala tuloy 'yun sa kan'ya na tila hindi alam kung tatanggapin ba o hindi.

"Use my card. Sorry I don’t have cash," aniya saka ako nilingon, "And why are you buying this using your own money? I can buy you everything you want, just say so."

"A-Ano... okay lang kahit ngayon lang," napakamot ako sa sintido ko.

"What?" halos pabulong niyang tanong.

"Excuse me po," entrada ng batang babae, halatang nahihiya sumingit, "H-Hindi po kami marunong gumamit ng card. P-Pera na lang po kung okay lang..."

Sir Claudius seemed stunned, "Oh, sorry."

Napabuga ako sa hangin at napapahiyang nginitian na lang ang bata, saka ko inabot sa kan'ya ang 500 pesos. Kaya gusto ko na ako ang magbayad dahil alam kong card ang ibibigay ng kasama ko, e.

"Okay lang po! Maraming salamat po!"

Pagkakuha namin sa paper bag na naglalaman ng binili kong scarf, lumabas na kami at huminto sa tapat ng shop. Kinuha ko ang isang scarf at sinuot sa leeg ni Sir Claudius. Tumingkayad pa 'ko para lang maisuot sa kan'ya 'yun ng maayos.

Ngumiti ako at tinitigan siya ng maigi. Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko!

"Looks good on you! Suotin natin parehas ‘to sa Japan, okay? Bagay sa ‘yo!"

Bumuka ang bibig niya ngunit walang lumabas na salita mula ro'n. Sa huli, hinawakan niya na lang ang suot na scarf at ngumiti sa 'kin.

Before I could say anything, Sir Claudius pulled me into a hug. As his chin rested on my head, I could sense nothing but his scent. I started blushing at once. We were in front of a store, after all. Mas maraming tao rito hindi kagaya kanina.

My hands gripped on the paper bag. Nararamdaman kong may mga tumitingin sa 'min at nahihiya ako.

"C-Claudius, maraming tao..."

He just held me more tightly and rubbed my head with his chin, "Don’t mind them."

His quiet voice came from above my head, mingling with the sounds of our heart beating.

Hinayaan ko na lang siya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi rin nagtagal ay ako na ang kusang lumayo para yayain na siyang umalis. Tinanguhan ko siya at hinawakan sa kamay para magsimula na sa paglalakad. Pero hindi pa kami nakakalayo nang higpitan niya ang kapit sa kamay ko at bahagya akong hatakin pabalik.

Huminto ako at nagtataka siyang tinignan. Nakahawak ang isa niyang kamay sa suot na scarf.

"I love it."

I blinked twice at him. Until I couldn't help but laugh out loud. At this point, I really felt like hugging this man with his childish grin.

"Nakalimutan kong tanggalin. Let’s take it off for now," ako na ang nagtanggal no'n at tiniklop pabalik sa paper bag.

Natutuwa akong makita ang ganitong side ni Sir Claudius. It's like, he's really appreciating my efforts. Kung sa bagay, una palang naman ay nakikita niya na 'yun. Ang cute lang talaga ng binigay niyang ngiti kanina.

Sana mas napapasaya ko siya ng totoo sa mga simpleng bagay na ganito. Even though we're officially together, I still prayed for his happiness-- same with Gavin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro