• Thirty Eight •
Catalina Konan
°°°
Ngayong araw, nagdesisyon si Sir Claudius na hindi pumasok sa opisina at dito na lang muna ipagpatuloy ang ibang trabaho. Sabi niya, nando'n daw si Mr. Lefebre sa Protegé at iniiwasan niya munang magkasalubong sila dahil sa naganap na sagutan nila no'ng isang araw. But come to think of it, that was few days ago tapos ngayon lang niya naisipang idahilan 'yun? If I know, madalas naman talagang nando'n si Mr. Lefebre kaya nga hindi siya pumapasok dati para iwasan 'yun.
Gusto ko mang isipin na may iba pang rason... pero kalahating araw na't hindi pa rin siya lumalabas ng office room niya.
Hindi kaya nakalimutan niya?
"Konan, nakikinig ka ba? Tulala ka," rinig kong bulalas ni Ate Reah-- on call maid ng mansion ni Sir Claudius.
Napabuntong hininga ako at sumubo na lang ng ubas. Gusto ko sanang ipaalala sa kan'ya kung anong mayro'n ngayon pero ayoko naman siyang istorbohin. Saka, alam naman niya 'yun, e!
"Ano nga ulit ‘yung kine-kwento n‘yo? Kinain ng malaking ahas si Erah tapos naging babaeng ahas siya?"
Natigil siya sa pagma-map ng sahig at tinignan ako, "Ano ba ‘yang sinasabi mo? Ang kwento ko, pumunta si Erah at Ethel sa kabilang destinasyon ng mundo at may naging gabay sila para mahanap si Alberto. ‘Yung malaking ahas ang naging gabay nila."
"...ah, s-sorry mali pala," paumanhin ko.
Kinu-kwentuhan kasi niya 'ko tungkol sa teleseryeng pinapanuod nila ng pamilya niya tuwing gabi. Nakalimutan ko 'yung title dahil sa iniisip ko.
"Kung iniisip mo si Sir Claudius, puntahan mo na sa taas. Hindi naman ‘yun magagalit pag ikaw ang nagpakita," aniya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Hindi naman po ‘yun ‘yong iniisip ko..." mahinang usal ko.
"E ano pala iyon, hija?"
"Ano... kasi... ano, e..." hindi ko masabi dahil sa kaunting dismayang nararamdaman ko.
"Huh?"
Sumubo ako ng ubas at pinilit na lang siya ngitian, "Iniisip ko lang kung ilang butil ng bigas kaya ang nasa isang kilo?"
Hindi siya nagkapagsalita at nakanganga akong nilingon. Natawa ako ng bahagya sa reaksyon niya.
"Seryoso ka ba diyan, Konan?" tanong niya.
"Mm-mm. Sinubukan ko ‘yun bilangin no’ng elementary ako pero nalito lang ako. Uhm, ang huli kong bilang bago ako mawala ay 2,700 na. Tapos narinig kong umiyak ‘yung kapatid ko kaya nawala ako sa pokus," ani ko pa habang natatawa sa sinasabi ko.
"Jusko ka," napapailing na lang niyang kumento kaya lalo akong natawa. I'm not lying, I really did that way back in my elementary days-- out of curiousity, of course.
Tumayo ako at uminom ng tubig bago magpaalam sa kan'ya para puntahan si Sir Claudius sa kan'yang office room. Habang umaakyat ako, pumasok na naman sa isip ko 'yung tunay na dahilan kung bakit ako bahagyang nadidismaya at nalulungkot.
Nag-e-expect ako kanina na may iba pang rason kung bakit niya napiling hindi pumasok, e. Pero bigo lang ako. Hays!
Hindi naka-lock ang pinto ni Sir Claudius kaya naman dahan-dahan ko itong binuksan para silipin siya. Nando'n siya sa harap ng kan'yang malaking lamesa, papalit-palit ang tingin sa computer na nasa harap at sa papel na kan'yang hawak.
Amp. Mukhang napaka busy niya nga.
I sighed inwardly and was about to close the door when I heard him called my name.
"Konan."
Niluwagan ko ang pinto para lalo niya 'kong makita. Ngumiti ako at nagpeace sign, "S-Sorry. I just want to check on you."
Looking at me, his lips formed a small smile, "Come in."
Ginawa ko ang sinabi niya at pumasok. Dumiretso ako sa lamesa niya at umupo sa katabing sofa. Kapansin-pansin ang dami ng ginagawa nito dahil sa sandamakmak na papel sa lamesa. Tapos ano? Magtatampo pa ako dahil lang sa iniisip kong 'yon? Maybe I can't do that.
I shrugged off the thought and smiled cheerfully at him. He's back at working.
"Maybe---"
"Can I ask a question?" putol niya sa sasabihin ko sana.
"A-Ano ‘yun?"
Huminto siya sa ginagawa at seryoso akong tinignan. Nawala ang ngiti sa kan'yang labi at tila may pinag-aalala.
"Would... would you leave me if my father doesn’t approve our relationship?" he asked hesitantly.
Nagulat ako ro'n pero agad din namang nakabawi, "You mean... because he still want you to marry Lauren? D-Doesn’t he like me?"
He paused before starting again, "I haven’t told you yet because I’m worried about you. I’m scared you’ll leave me if I told you about this. I’m sorry if I hadn’t told you earlier," he sounded a bit down.
Mr. Lefebre doesn't... like me as Sir Claudius's girlfriend? Is that right?
Alam kong nasabi na ni Sir Claudius ang relasyon namin kay Mr. Lefebre at nagalit pa nga raw ito pero... iba pala ang dating kapag specific na ang sinabi-- na hindi ako nito gusto para sa anak niya.
It's... quite saddening.
Umangat ang tingin ko nang mapagtanto kong nakalapit na pala sa 'kin si Sir Claudius. Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang dalawang kamay ko, ginawaran niya 'yun ng halik.
"Baby..." he called hoarsely.
Bahagya akong dismayado kanina at malungkot dahil sa iniisip, pero ngayon, masasabi kong kinain na ako ng buo nito.
Why does it have to be today? Why do I have to hear this news today?
"Will my father’s disapproval affect you? Tell me, Konan. Are you going to leave me?" bulong niya habang nakatingala sa 'kin, "Please say no... come on, baby."
Tinanggal ko ang paningin sa kan'ya at bumuga sa hangin. Sinikap kong ngumiti at kunwari'y matawa, "A-Ano ka ba naman. Parang ‘yun lang, e. Syempre hindi kita iiwan. Sa dami kong pinagdaanan para mahalin mo, ngayon pa ba ‘ko susuko sa ‘yo?" iling ko.
Hindi siya agad nakasagot pero ngumiti ito sa 'kin, "Really? You won’t leave me?"
"I won’t."
"Then," marahan niyang pinaharap ang mukha ko para magtagpo ang mata namin, "Why aren’t you looking at me?"
Tinitigan ko siya, "Ito ba ‘yung hindi makatingin sa ‘yo?" mahinang akong tumawa at hinaplos ang makinis at gwapo niyang mukha, "Dahil lang do’n iiwan na kita? What kind of thinking is that, Claudius?"
"I don’t know I just... I’m scared. You became my happy pill, you are my world, you helped me realized a lot, I’m comfortable with you, I love you so much... and I’m scared that because of my father’s opinion, you’d leave me and end our relationship," halata sa boses niya ang pag-aalala.
Hindi ko tuloy mapigilang mamangha. Alam ko naman 'to una palang, alam ko namang gustong-gusto niyang manatili ako sa kan'ya at ramdam ko ang sinseridad do'n. Pero nakakamangha lang dahil nakikita ko ang ganitong side niya. Hindi ako nagsasawang mamangha sa kan'ya.
On the other hand, maybe Mr. Lefebre's opinion did hurt me a bit. But... I'm used to that. Sanay naman na akong ayawan, e.
Ayaw sa 'kin ng mga magulang ko, ayaw sa 'kin ni Anastasia, ayaw sa 'kin ni Mr. Lefebre. Ano ba kasing kasalanan ko para suklian ako ng gano'n 'di ba?
I took a deep breath and smiled at him, trying to convince myself to ignore the pain.
"I love you too. So yeah, I won’t leave you," tugon ko.
Pero sana 'di ba, naaalala mo kung anong mayro'n ngayon. Nahihiya akong banggitin sa 'yo dahil ayokong magmukhang papansin-- at alam mo naman 'yun, Sir Claudius!
Because now... I feel like you forgotten about that.
"I’m so happy to hear---"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang bigla ko siyang yakapin. Binaon ko ang mukha sa kan'yang leeg habang sinisikap kong 'wag maiyak. Hindi, hindi ito pwede. Hindi ako pwedeng maging selfish ulit kagaya ng dati. Dapat ko intindihin na busy si Sir Claudius at marami siyang iniisip-- hindi ko dapat 'to pinapalaki.
"Konan?" hinaplos niya ang buhok ko.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa leeg niya at pilit kong kinu-kumbinsi ang sarili na okay lang kahit hindi niya maalala, okay lang kahit hindi ako gusto ni Mr. Lefebre, okay lang kahit walang makaalala.
In the first place, wala naman talagang nakakaalala no'n bukod sa mga kaibigan ko dati sa Dwellsmith at kay Katie.
I shouldn't have expect it from them... to the CVA. They're too busy. I must understand that.
Sa huli ay hindi ako nagwagi. Tuluyan ko nang naramdaman na bumagsak ang luha ko.
Siguro uhaw lang ako dahil... wala akong maalala na binati ako nina Mama at Papa. Sigurado, uhaw lang ako na batiin ako ng mga taong mahal ko sa buhay.
"Konan? What’s wrong?" nag-aalalang tanong nito.
Umiling ako, "N-Nothing."
Nilayo ako ni Sir Claudius sa kan'ya para matignan ang itsura ko. Agad akong yumuko.
"Nothing, huh?" kunot ang kan'yang noo, "You’re crying. Is it because of my father? So in the end, it affects you. I’m sorry but please---"
"Of course it would," I cut him offed.
Suminghot ako at pinunasan ang pisngi ko. Hindi ko siya magawang tignan sa mata, "B-But don’t worry about me. Sinabi ko naman sa ‘yo hindi kita iiwan dahil lang do’n. Hindi ako gano’n kababaw, Claudius."
Because that's not the real reason...
Bumuntong hininga ako at doon na sinalubong ang tingin niya. Nag-aalala ang mga mata nito sa akin.
Pinilit kong ngumiti at pigilan na ang pagluha, "It’s okay. It’s okay. I’m going to be fine. Balik ka na sa trabaho mo, doon lang ako sa kwarto."
Tumayo ako at pinisil ang nakahawak pa rin niyang kamay sa akin. Halos hindi niya tinatanggal ang paningin sa 'kin na para bang natatakot siya na paglumabas ako sa kwartong 'to e iiwan ko na rin siya ng totoo. Pinipigilan rin niya ang kamay ko.
"Claudius..." ngumiti ako.
"Wala akong pakialam kung ayaw sa ‘yo ng tatay ko. Ikaw ang importante sa ‘kin, Konan. But... just say a word and I’ll do anything to convince my father. I won’t hesitate, just say a word," aniya sa 'kin.
Napatitig ako sa kan'ya at hinaplos siya sa pisngi, marahan ko siyang hinalikan sa labi, "Yes it affects me. But who cares? Your opinion about me is more important than his. So it’s okay. I won’t leave you."
Hinatak ko na siya papunta sa kan'yang lamesa at pinaupo sa swivel chair, "Tapusin mo na ‘yan. Sa kwarto lang ako."
Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko, "Wait for me, I’ll be there."
Tumango ako at tuluyan na siyang binitawan saka lumabas ng kwarto. Paglabas ko, sumandal ako sa likod ng pinto at napapikit.
Nasasaktan ako na ayaw sa akin ni Mr. Lefebre, nasasaktan din ako dahil mukhang nakalimutan niya ang mayro'n ngayon. Pero... tama na 'yun. Ayoko nang pairalin ang pagiging selfish ko at dapat ko siyang intindihin. After all, he's not just an ordinary guy. He's a CEO, and he has a lot of problems to think about, not just me.
' ' '
Nagising ako sa maingay na tunog ng cellphone ko. Dahan-dahan akong umupo at kinuha ang phone ko sa tabi ngunit natigil ako at napatitig ng ilang sandali sa screen. Hindi dahil isang oras pala akong nakatulog kundi dahil sa tumatawag... si Gavin.
After a long time, ngayon na lang ulit niya 'ko tinawagan.
"H-Hello?" sagot ko.
"Happy birthday, Konan!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig at mabilis na lumambot ang puso ko. Hindi ako nakapagsalita agad.
"Konan? I said happy birthday. Are you still there?"
"Y-Yeah."
Narinig ko ang mahinang tawa niya, "I bet I’m the only one who was late to greet you. Am I? Hehe, sorry. I really planned to greet you in the morning but I fell asleep. Kagigising ko lang, e."
Hindi ako nagsalita. Hindi ako makahanap ng tamang salita para banggitin.
"How is your day? What’s your handa? Was there a celebration party?" sunod-sunod niyang tanong, "You see, I don’t have a gift for you. Ah! Pero nasa ‘yo pa ‘yung bracelet na binigay ko, ‘di ba? Ayan, advance ‘yung gift ko!" natawa siya sa kabilang linya habang tinakpan ko na lang ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi.
Hindi ko na mapigilang maluha. Gavin... was the first person to greet me a happy birthday.
Akala ko, ang unang babati sa akin ay si Sir Claudius o si Katie. Pero hindi pala. Gano'n pa man naiintindihan ko na may kan'ya-kan'ya lang talaga silang ginagawa. I must be more understanding.
"You’re not answering me. Are you still there?"
"G-Gavin, thank... thank you," halos pabulong kong sagot sa kan'ya.
Narinig ko siyang ngumiti, "I thought you’re not listening. Mm! You’re welcome. But, why do I feel like you’re sad? Did Claudius hurt you?!"
Umiling-iling ako at nagpunas ng pisngi. Napangiti ako ng wala sa oras, "He’s just busy. You know, I feel like they forgotten about my birthday. Hindi naman sa ang drama ko pero... medyo masakit pala kapag kinalimutan ng taong mahal mo ‘yung kaarawan mo. Even the other CVA members, even my sister and friends from Dwellsmith, I feel like they... forgotten," hindi ko na napigilan pang maglabas ng saloobin sa kan'ya.
"Nagtatampo ako pero naiintindihan ko, lalo na si Sir Claudius. Sobrang dami niyang ginagawa, hindi pa rin tapos ‘yung sa kanila ni Mr. Lefebre--- kaya kahit nakakatampo, wala akong choice kundi intindihin siya," dagdag ko pa.
Tahimik lang si Gavin sa kabilang linya.
"K-Kaya masaya ako na atleast, ikaw, naalala mo ‘yung birthday ko. Thank you so much, Gavin." buong puso kong bulalas dito.
Muli kong pinunasan ang pisngi ko nang tumulo ulit ang luha sa mata ko. Napangiti na lang ako sa sarili ko. Ang dami ko namang problema, walang-wala pa rito 'yung mga problema ni Sir Claudius, e.
"G-Gavin?" tawag ko nang hindi na siya magsalita pa.
Baka mamaya, nagagalit 'to dahil sa mga sinabi ko. H'wag naman sana.
"Stay calm, Konan. You know what, hear this out. Get out of your room and go to the kitchen, then drink warm water. It will help you calm down," usal niya.
Kumunot ang noo ko pero ngumiti na lang ulit. Mabuti naman at wala sa tono niya ang galit.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Tama siya. Iiinom ko na lang 'to ng tubig pampa-kalma. Dapat ko na ring tanggalin ang pag-aalala sa isip ko.
"Okay, I’ll do that. Thank you again, Gavin."
"No problem. Smile, okay? It’s your birthday. Claudius won’t ever disappoint you."
Matapos niyang sabihin 'yun ay binaba na niya ang telepono. Nakita kong may limang missed calls pala siya sa 'kin at isang text mula kay Katie, binati ako.
Akala ko hindi niya na naalala, e.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at maghanap ng kakainin nang maalala ko ang sinabi ni Sir Claudius kanina. Sabi niya hintayin ko siya't pupuntahan niya 'ko pero nakatulog na 'ko at lahat, hindi naman siya nagpunta.
Nakalimutan na rin ba niya pati 'yun? Nakakainis naman. Mapuntahan na nga lang do'n.
Pagkakuha ko ng tubig at tinapay, natigil ako't kumunot ang noo nang makita kong may nakatiklop na puting papel sa ibabaw ng lamesa. Hindi ba 'to napansin ni Ate Reah? Kinuha ko 'yun at binasa.
"Someone I love was born today. Happy birthday, Catalina Konan."
I froze at the moment. My heart's beating loudly. Akala ko ay hindi niya na 'ko babatiin, akala ko matatapos 'tong araw na 'to na hindi niya maaalala ang birthday ko pero... salamat, salamat at naalala niya.
Kaagad akong tumakbo papunta sa office room niya. Hindi ko maintindihan kung bakit dinaan niya sa sulat at iniwan sa lababo pero okay na 'ko ro'n, hindi na 'ko magrereklamo pa. Gusto ko na siyang yakapin at magsorry sa mga inisip ko kanina. Gusto ko siyang pasalamatan dahil naalala niya... atleast naalala niya at binati ako-- hindi katulad nila Mama.
"Claudius!" pagbukas ko ng pinto ay wala siya. Wala na siya sa kaninang inuupuan niya.
W-What?
Maayos na ang mga gamit niya hindi katulad kanina na masyadong maraming papel sa lamesa. Nakapatay na rin ang computer at kahit anong hanap ko, wala rin ang cellphone niya.
Umakyat ako hanggang 3rd ng bahay pero wala ni isang tao. Kahit si Ate Reah ay hindi ko rin mahagilap.
Binalikan ko ang cellphone ko sa kwarto para tawagan si Sir Claudius pero hindi siya sumasagot! Tumutunog lamang 'yun. Hindi tuloy ako mapakali kung nasaan sila. Hanggang sa nadaanan ko ang kulungan ni Elizabeth...
Even the cat is not here.
Patuloy ako sa paglibot ng bahay. Imposibleng tinataguan ako ni Sir Claudius. It's not him to do that kind of joke! Kapag aalis siya, magsasabi siya sa 'kin.
Wala rin ang mga security na nakatambay sa labas ng bahay. Kahit ang mga sarili kong body guards ay wala.
'Yung sayang naramdaman ko nang makita ko ang sulat ni Sir Claudius, biglang naglaho dahil sa nangyayari. Baka naman... panaginip lang 'to? Panaginip lang din yata na binati ako ni Gavin.
Naluha ako sa naisip at patuloy na naglakad sa labas. Pumunta ako sa pool area at nabuhayan ako ng lakas nang mamataan si Elizabeth na dinidilaan ang kan'yang sarili.
"Elizabeth!" tawag ko at nilapitan siya. Naiiyak kong niyakap ang pusa.
"N-Nasaan sila? Bakit ka nandito? Alam mo bang mag-aalala sa ‘yo si Sir Claudius pag nalaman n‘yang nakawala ka?" umiiyak kong sambit dito kahit alam kong hindi siya sasagot.
Bitbit si Elizabeth, lumakad ako sa garden area at nagbabakasaling may makitang kahit isang security guard pero...
Iba ang naabutan ko.
"HAPPY BIRTHDAY, KONAN!"
Kasabay ng malakas na pagsabog ng confetti, ay ang hiyawan ng mga kaibigan ko. Hindi ako agad nakapagsalita o nakareact man lang. Tumigil lahat ng sistema ko at tinitigan lang ang mga tao sa harapan ko. Hanggang sa magtuloy-tuloy na ang bagsak ng luha ko.
Everyone is here. My friends from Dwellsmith are waving their hands to me. My sister-- Katie, is clapping her hands cheerfully. Tiara, Zen, Hailey, Seven, Light and Gavin are happily watching and teasing squeals at me.
Bumaba si Elizabeth sa mga kamay ko at lumapit sa isang lalaking nasa gilid. Nakatayo siya at nakaayos ng pormal. Binitbit niya si Elizabeth at tumingin sa 'kin ang itim niyang mata.
His lips arched into a handsome smile. Slowly, he walked towards my direction.
"Surprise, baby. Happy birthday to the queen of my heart, the woman of my dreams, and the love of my life. I wish you never-ending happiness."
He drew closer and kissed me on my forehead. I gently closed my eyes as tears continues to fall down my cheek.
"I’m sorry about earlier. I love you so much. Bawi na ba ‘ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro