• Sixteen •
Catalina Konan
°°°
Kakatapos ko lang kausapin ang isang guest sa isang phone call at pagharap ko sa sala ng office ay nagkakatuwaan na sina Seven, Zen at Gavin. May malaking box sa lamesa na hindi ko alam kung anong laman. Base sa obserbasyon ko, ito 'yung larong tinatawag na, 'What’s in the box' challenge.
Si Zen ang naka-blindfold habang nasa tabi niya si Seven na inaasar-asar siya kung anong nasa loob. Si Gavin naman ay nakaupo, kinukuhaan sila ng video at tumatawa.
"Hindi ka takot sa daga, ‘di ba?"
"What?! Is it a mouse?!"
"Tinatanong ko lang! Hindi ‘yan daga, insekto lang ‘yan!"
"What kind?!"
"It’s a centipede, Zen!" sigaw ni Gavin.
"Babe, is it really a centipede?!"
Sinenyasan ni Seven si Tiara na 'wag sumagot kaya naman napabuntong hininga na lang ito at tumayo saka lumapit sa akin.
Napapailing ito, "I’m sorry to bother you today. Kung alam ko lang na nandito si Seven, hindi na sana kami tumuloy ni Zen," paumanhin niya.
Humagikgik ako at kinaway ang dalawang kamay ko, "Minsan lang naman ‘to kaya okay lang ‘no! Of course, you guys had a tough work so it’s not bad to have times like this. Mukha namang nag-e-enjoy si Zen, e."
"Yeah, thank you for undertstanding."
Pinanuod namin sila na kasalukuyan pa ring nagkakatuwaan at nag-iingay. Nang mapag-alaman ni Zen na hindi tunay na alupihan ang nahawakan niya, agad niyang tinanggal ang blindfold at tinapon ang laruan kay Gavin na siyang nagulat kaya mabilis niya itong binato sa tawang-tawa na si Seven.
Para silang mga college students na chill-chill lang. They looked good having fun with each other.
"You two! How dare you threw a centipede to my face?!" natatawang bulalas ni Seven.
"Zen started it!"
"But Seven started this challenge and I did it!"
"Okay, you kiddo’s next!" inakbayan ni Seven si Gavin sa leeg at dinala sa harapan ng mesa.
"It’s insect, isn’t it?" hula niya.
"You bet!"
Habang nilalagyan ng blindfold ni Zen si Gavin, inasikaso naman ni Seven ang ipapalit niya sa loob ng box. Sa bag niya, may inilabas siyang maliit na pinya-- wait, pinya?!
Iba talaga 'tong trip ni Seven...
"Anyway, kumusta ka naman?" humarap sa akin si Tiara, "Are you good?"
Nakangiti akong tumango, "Very good! Sa ngayon, dalawa na ang completed guest ko. Salamat sa tulong nina Hailey at Gavin."
"I’m glad. I knew you can pull it off."
"Kayo ba? How’s work?"
Bumuga siya sa hangin at sumandal sa lamesa ko, "Sa totoo lang, simula nang bumalik kami ni Zen from out of town, napapansin namin na may wirdong tao ang umaaligid sa bahay. Nangyayari ‘yun tuwing hating-gabi, nakikita kasi namin ‘yung anino sa bintana," kwento niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"R-Really?! Ilang araw na nangyayari ‘yan? You should call a police, Tiara!"
"Mga tatlong araw na rin," ngumiti ito sa 'kin na parang wala lang, "Since Seven's aware about this, he’ll soon investigate it in no time. I got a feeling that it is connected to the hacker who tried to kidnapped me before."
"You should be careful, okay? Kung totoo man na kunektado siya ro’n, mukhang hindi talaga siya sumusuko sa ‘yo," saad ko.
"Yes, I know. Kaya pati ikaw ay mag-ingat ah? Impormasyon ng CVA ang gusto nila, kapag nalaman nilang may bago, baka ikaw naman ang puntiryahin na ‘wag naman sana."
"G-Grabe naman ‘yun... pero sige, mag-iingat ako. Palagi ko namang kasama si Gavin."
Tumango siya at ngumiti sa sinabi ko, "I just noticed, you guys are so close. Nababanggit nga n‘ya na palagi siyang nandito sa office para samahan ka. It’s okay but, don’t let him ditch his class. Pagsabihan mo pag gano’n. He’s taking up vet med and it's not that easy..."
Humagikgik naman ako ro'n, "Oo naman, Tiara. Sinasabi naman n‘ya sa akin ‘yun."
So far, wala naman kaming nagiging usapan ni Gavin tungkol sa pagliban niya sa school. Hindi man kami araw-araw magkasama, masasabi ko naman na madalas pa rin kaming magkita at nangyayari 'yun kapag kalahating araw lang siya sa school o wala talaga siyang pasok.
Hindi ko rin naman hahayaan na umabsent siya. Mahirap mag-aral 'no! Pero mas mahirap magtrabaho. Hayy...
Muling napunta sa mga lalaki ang atensyon naming dalawa na ngayo'y mas nag-e-enjoy sa ginagawa. Makikitang si Zen naman ang nagvi-video kay Gavin at Seven na nasa harapan ng box, si Seven ay halos maluha-luha sa kakatatawa dahil sa naduduwag na si Gavin. Napapasigaw kasi ito sa pananakot ni Seven sa tuwing ilalagay niya na ang kamay sa loob ng box.
It was hilarious. I can't help but laughed so hard watching him being scared by a pineapple.
"If Gavin’s really a scaredy cat, don’t force him to do stuff like that," sigaw ni Tiara sa mga lalaki na lalong kinatuwa ni Zen at Seven.
"Awit. Scaredy cat!"
"Bro, Konan’s here. Don’t embarrass yourself! Hahahahaha!"
Gavin groaned at them, "D-Don’t make fun of me! You think I’m a scaredy cat too, Konan?" he asked while trying to reach the pineapple.
I giggled, "Your reaction were super relatable. Who wouldn’t be scared of the unknown, right?"
Sa isang iglap, pinasok na niya ng tuluyan ang kamay sa loob at nahawakan ang pineapple na siyang kanina pa nasa loob. Mabilis niyang tinanggal ang blindfold at nanlaki ang mata sa hawak.
"A pineapple?!"
"Tatlong minuto bago mahawakan ni Gavin. Hahahaha! Scaredy..."
"And you’re not?!" tukoy niya kay Zen.
Natatawang umiling ang isa, "Atlease I did it for only 2 minutes and 15 seconds."
Binato ni Gavin ang pinya kay Seven na agad nitong nasalo agad, "You’re really crazy, Seven. Nagdala ka pa talaga ng pinya rito?"
"Hahahaha! I brought it for you!" sagot niya, "I’ll send the videos on group so Claudius and Hailey would see it."
Lumapit sa 'kin si Gavin at nakangusong humalukipkip sa tabi ko. Natawa ako sa kan'ya kaya naman pabiro ko 'tong binunggo sa braso.
"Ang lakas ng trip ni Seven, ‘di ba?" sabi ko.
"He’s always like that," bumuga siya sa hangin at umiling na lang, "The reason why I’m kinda scared is because Seven has a very tricky gameplay. Who knows if he brought a frog, a real cockroach or a snake? If he wants, he can definitely do."
"So you admit you’re scared?" napatakip ako sa bibig at doon tumawa.
Dahil do'n ay lalo siyang sumimangot sa 'kin, "Why are you laughing? Isn’t my reaction natural? Anyone would do that even you."
"Yeah, yeah, okay. But you’re still scared," natatawa kong sagot.
"I could accept if it was Seven, Zen or Betina, but not you... how humiliating."
Sasagot pa sana ako sa kan'ya at kokontrahin 'yun nang bigla niya akong hawakan sa isang kamay at harapin si Tiara na siyang kausap ni Zen sa gilid. Naagaw nito ang atensyon nila nang lumapit si Gavin habang hawak ako.
Pati si Seven na nakasalampak sa sofa ay napatingin sa amin.
"Betina, I would like to go out with Konan for today. Can I take her somewhere?" paalam niya kaya naman nagulat ako.
"Gavin?" tawag ko.
"Saan kayo pupunta?"
"B-Basta. Wala naman kayong lakad ni Zen, ‘di ba? I would like to go out with her alone."
"Oh... a date?" ngisi ni Zen na siyang kinaiwas bigla ng tingin ni Gavin. Sa reaksyon niyang 'yun, maging ako ay nahiya.
"Oh my God, our baby boy is now a man! Congrats, my buddy!" inakbayan ni Seven si Gavin at muli na namang inasar, "Where do you plan to take her, huh? On a movie date? Or just a peaceful strolling while holding her soft hands... just like now?"
"S-Seven!" tinanggal niya ang kamay ni Seven sa balikat niya.
Tiara blew a sigh and gave Gavin a nod, "I get it. Sige na kami na munang bahala rito sa office. Mag-ingat kayo ah?"
"Talaga?! Thank you, Betina! You’re the best!"
Si Gavin na ang kumuha ng bag ko sa table at hinatak ako papunta sa pinto. Ni hindi niya na ako binigyan pa ng pagkakataon para makapag-salita at makapagpaalam kina Tiara.
"Oy! Be safe, Gavin!" pasigaw na habilin ni Zen.
Gumaya naman si Seven, "H‘wag kayong magpagabeeeee!"
Dire-diretso kami ni Gavin hanggang sa makasakay ng elevator. Ilang beses kong tinangka magtanong pero 'basta' lang ang tanging sinasagot niya. Kaya naman hinayaan ko na lang ito kung saan kami pupunta.
Pagkatapos namin sumakay ng taxi, bumaba kami sa isang amusement park. Hindi ko napigilang magtaka habang nililibot ang paningin.
"Gavin, why are we..."
"Since you got me humiliated, I got you this time," he beamed at me, "I heard that they’ve themed a haunted house somewhere around with a classic horror scenes. I bet it’s super scary!"
Huh?! P-Pero niloloko ko lang naman siya kanina, e! Aaaahhh!
Seemingly noticed my petrified expression, he circled his right arm around my neck and pulled me even closer to his body, "Don’t be afraid. It’s all pretend, you know! Even the blood. I actually tried to eat fake blood once on a role play."
"I know... but I still hate the feeling of something suddenly popping out behind me," I said in a low, quiet voice.
Sa tanang buhay ko, hindi ko pa sinubok pumasok ng horror house, horror train-- o kahit 'yung mga larong arcade na may kinalaman sa horror. Ni hindi nga ako makatapos ng isang horror film!
"It’s fine, I’m right here, I’ll protect you."
"Sa ‘yo pa talaga nanggaling? E, sa pinya nga tako---"
He hissed jokingly and started to walked still on that position, "That was a natural reaction, Miss Konan. Now let’s go to your punishment."
"Punishment?!" kumalas ako at lumayo sa kan'ya, "Then I’m sorry! Okay, you’re not scared to a pineapple anymore and yes! That was just a natural reaction! I agree! S-So, can we go somewhere more fun?" nahihiya kong bulalas.
Kumurap-kurap ito na tila nagulat sa ginawa ko. Akala ko pa nga ay ngingiti siya saka tatango sa akin pero nilagay lang niya ang isang kamay sa bibig at tumawa.
Scaredy cat!
"Gavin!"
He took my hand and clasped it tight, "Let’s go, Konan. Let's go!"
Aangal pa sana ako pero kusa na lang din akong napahinto habang nakatingin sa maamo niyang mata. I tried to forget my worries and focused on his excited expression.
"By the way..."
Nagsimula kaming maglakad papunta sa ticket booth nang magsalita muli siya.
"You smell like Silvanna," anito nang hindi tumitingin sa akin.
Inamoy ko ang sarili ko, amoy raspberry.
"You mean Silvanna---"
"I like it."
Hindi ko na lang 'yun pinansin dahil mas abala ako sa kaba at takot na nararamdaman ko. Pinagmamasdan ko palang ang labas ng haunted house, nakakakilabot na. Basta kapag hinimatay ako sa gulat at hindi na nagising, mumultuhin ko talaga si Gavin.
Gathering my courage, I entered the haunted house with Gavin. Although it's still afternoon, once you enter-- the creepy quiet, cold and dark place will give you shivers down to your bone. It's as if you are in a real haunted house.
My cold hands grip into his arm, "G-Gavin, the corridor is so long. What if something jumps out?"
Gavin smiled as he squeezed my hand in an attempt to comfort me, "I’m here. Look, there’s nothing up ahead. Absolutely nothing."
"Kasi kung sa iba na lang sana tayo nagpunta!"
He chuckled at that, "Don't be like that. It's your light punishment for teasing me. And--- at the same time, it’s our bonding together. Face your fears!"
As we go deeper, I felt a chill running down my spine. Bakit ba kasi wala kaming kasunod?!
Suddenly, in front of us, something gleaming flashed by.
"W-W-What is that?!"
"What?! Where?!"
Nataranta si Gavin sa bigla kong pagsigaw kaya napahinto kami sa paglalakad.
I covered my face and scrunched my eyes shut, trying to convince myself that as long as I don't see the ghost, it doesn't exist.
Gavin was getting jittery too. I couldn't see him, but I heard his erratic heartbeat and harsh breathing.
Gusto ko sana siyang pagtawanan dahil halata sa kan'ya na natatakot na rin siya gaya ko kahit na wala pa man kami sa gitna, pero hindi ito ang oras para humalakhak. I'm 200% scared!
It's like time paused. Gavin exhaled after a few moments.
"It’s... just a spotlight. D-Don’t surprise me like that, Konan." mahinang bulalas niya.
"I did not! I was just---" I stopped when suddenly, with a bang, a door beside us slammed open.
Sabay kaming napasigaw sa gulat at takot. Napaatras kami ng kaunti pero makalipas ang ilang sandali, walang lumabas o nagpakitang multo sa pintuang 'yun.
Wala pa naman kami sa climax pero sobra na ang pagpapawis at panlalamig ng kamay ko. This is why I hate scary things!
Gavin held my hand tighter. Walking sideways, he dragged me along since I was too terrified to move on my own.
"There must be something behind that door. Don’t look back," he whispered quietly.
So I followed and looked straight ahead. I could feel Gavin trembled as I followed him. His hands were not warm anymore, but cold.
I gasped surprisingly as my left arm accidentally touch the black curtain beside us.
"What it is?!" nagugulat niyang tanong sa 'kin.
"N-No nothing... uhm, are you scared, Gavin?"
"What?" kinunutan niya ako ng noo, "I’m not scared! Mas nakakatakot kayang hawakan ‘yung bagay na hindi mo sigurado kung ano," kahit na taas-noo niya pa 'yong sinabi, bakas pa rin ang panginginig sa boses niya, "Don’t underestimate me!"
"Something might be behind that curtain so stay away from that."
Gavin backed up a little, eyes glued to the curtain.
"Gavin?"
Bigla niya akong hinatak nang may lumabas at nanggulat mula sa likod ng kurtinang 'yun. Parehas kaming napasigaw ng malakas dahil sa hindi ka-aya-ayang itsura ng multo o halimaw o mascot o ano pa man tawag do'n.
Sa isang iglap, habang hawak ang kamay ko ay tinakbo namin ang pasilyong kinaroroonan. Hindi rin nagtagal, nang medyo makalayo-layo kami, huminto kami sa gilid.
Yumuko si Gavin at humawak sa dalawang tuhod niya, "That ghost looked so realistic. It scared me for a moment."
Kinakabahan ako at natatakot, pero hindi ko maiwasang mapahawak sa bibig ko at magpigil ng tawa.
Scared him for a moment? He's scared from the start!
Umayos siya ng tayo at nginusuan ako, "What are you laughing at?"
"Y-You," turo ko sa kan'ya, "Mas takot ka pa sa ‘kin. There’s still a long way to go, paano ‘yan? Kaya mo pa ba?" panunukso ko.
Bumuga siya sa hangin, umiwas ng tingin at ngumisi. Hindi siya nagsalita pero maya-maya ay mahina na rin siyang natawa.
"Oh my God... did I just heard my cousin to you?" aniya.
Nawala ang ngiti ko sa labi, "Ano?"
Doon lang niya sinalubong ang paningin ko. Madilim man, kita ko pa rin ang maano at itim niyang mata. Salamat sa mga light effects na nandito sa mga gilid.
"Silvanna said that line to me once. You really remind me of her. Maybe... her spirit is inside you, what do you think?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro