Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

• One •

I AM CATALINA KONAN.

Bata palang ako ay hindi na maganda ang relasyon ko sa mga magulang ko. Panganay ako at apat na taon ang tanda ko sa bunso kong kapatid na babae. Dalawa lang kami kaya... sa tingin ko, katanggap-tanggap na dahilan 'yun kung bakit palagi kaming pinagku-kumpara sa isa't-isa.

Tatlong taon na rin ako nagta-trabaho sa Dwellsmith Production bilang producer. Nakakahiya man pero madalas akong mapagalitan do'n. To be real, I'm a girl who always screw up.

As my boss said, "You've been working with us as producer for three years now but still... you lack performance. What should I do with you?"

Ang kasunod no'n, tinanggal ako sa trabaho at pinalitan ng isang propesyonal na producer.

Anong akala niyo? Isa akong bread winner por que panganay ako? Ang totoo niyan... hindi talaga 'ko napapansin sa pamilya. Sa aming dalawang magkapatid, si Katie ang madalas purihin. Maganda, matalino, mabait, magalang-- at candidate for suma cum laude pa 'yan ngayong darating na graduation nila.

Madalas akong i-itsapwera ng magulang namin. Sabi kasi nila, masyado raw akong mahina sa lahat. Hindi kasi ako nagmana ng gano'ng utak kagaya sa kanila. I'm not that intelligent, but atleast I have knowledge.

Isang linggo na matapos akong tanggalin sa trabaho at hindi ko pa rin iyon nasasabi kina Mama at Papa. Sa edad kong 'to, natatakot pa rin kasi akong mapagalitan nila. Sa t'wing nagkakamali ako sa school noon, iisa lang ang sinasabi nila sa 'kin...

"Wala ka talagang mararating, Konan. Hindi namin maisip bakit gan'yan ka. Ang baba ng grades mo! Dos? Mag-aral ka naman ng seryoso!"

"Kung sa bagay, mahina 'yang utak mo, e. Ano pa bang aasahan namin? Bakit kasi hindi mo namana ang talino sa amin. Hindi rin naman kami gano'n ka-tanga gaya mo pero bakit ganito?"

Having me hear that makes my heart sank. So I did everything I can and work as hard as I could to make them compliment me even for once... but the funny thing is, even at work-- I sucked. Nagtatagumpay lang naman ako sa tulong ng mga staff ko.

But in this season, I finally dropped down.

Ngayong hapunan, balak ko nang sabihin sa mga magulang ko ang nangyari sa 'kin. Bahala na kung magalit sila, sanay naman na 'ko ro'n. Sanay na 'ko pero... syempre ayoko pa ring marinig na galit sila sa 'kin.

I swallowed hard and forced a smile on my lips, "A-Ano... may sasa---"

"Graduation mo na sa susunod na buwan, Katie. May gusto ka bang regalo?" my words cut off when Mom suddenly asked my sister with a smiling face.

Dad nodded, "Oo nga, anak. Kahit ano okay lang. Bag? Damit? Sapatos? Pwede ring iPhone 12. Deserve mo naman 'yun sa pagsisipag mong mag-aral," he said.

Katie gently wiped her lips with a tissue and smiled sweetly, "Kahit ano po basta galing sa inyo."

Hinaplos siya ni Mama sa buhok, "Wala kang request kahit ano?"

Umiling ang isa at bumungisngis, "Kayo nang bahala."

Gusto kong masaktan sa paraan ng pagtingin nila kay Katie. Punong-puno 'yun ng pagmamahal, pag-iingat. Naiintindihan kong kamahal-mahal naman kasi talaga si Katie-- mahinhin, mabait, maganda, pala-ngiti.

Pero... gano'n din naman ako ah? Hindi nga lang ako sobrang talino.

Bakit hindi rin nila ako tignan ng gan'yan?

Nagkatinginan kami ni Katie kaya naman mabilis akong ngumiti sa kan'ya. Ngumiti rin siya sa 'kin at parang may naalala, "May sasabihin ka 'di ba, Ate? Ano 'yun?"

Oh...

They all looked at me, waiting for my answer. I cleared my throat and gently put down the utensils.

"U-Uhm..." I'm kind of nervous, "Tungkol sa trabaho ko. A-Ano, wala na po ako sa Dwellsmith Production. Pinalitan na po ako bilang producer."

I shut my eyes closed as I know what's gonna happen next. They would bombard me with their anger, I knew that pretty well.

But I was wrong.

"Big deal ba 'yon?" kalmadong tanong ni Mama.

Dumilat ako at napatingin sa kan'ya. Patuloy pa rin silang kumakain ni Papa na parang walang narinig. Samantala si Katie na siyang katabi ko ay tinignan ako ng nag-aalala.

"Okay ka lang ba, Ate?" tanong niya.

"Okay lang 'yan, Katie. 'Wag ka mag-alala sa Ate mo. Hindi naman nakakagulat na pinalitan siya, e? Mayro'n bang nakakagulat?" Mom laughed inwardly and shook her head, "Expected ko na 'yan sa 'yo, Konan. Alam mo ang nakakagulat? 'Yung tumagal ka ng tatlong taon diyan. Pinagtiyagaan ka lang hanggang sa makakuha ng kapalit mo. Tama ba 'ko?"

My heart froze as I stared at her cold face. I didn't know how to answer that. It seems she was well-pleased that her hunch was right about me.

And... this reaction... is much more worse than anything else.

Sanay ako na kada nagkakamali ako, sinisigawan at pinapagalitan nila ako. Pero ngayon, tila nagbago 'yun. Para bang mas tanggap na nila na isa akong mahinang tao sa lahat ng bagay, na kinilala na nila 'ko bilang walang kwenta.

Gano'n ang tingin ko...

Napakurap-kurap ako nang makitang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha. Umiwas ako ng tingin at ngumiti, "S-Siguro nga po tama kayo..." mahina kong sabi.

"Saan ka na nagta-trabaho niyan?" tanong ni Papa.

"Ano po... uhm, sa isang restaurant po sa Montego Hill. W-Waitress po ako ro'n."

"Ingat ka lang at baka makabasag ka ng gamit do'n. O 'di kaya'y may matapunan kang customer. Alam mo naman ikaw..." anas ni Mama sa 'kin kaya napayuko at bumalik na lang ako sa pagkain.

Hindi na 'ko umimik pa matapos no'n. Bumalik sila sa pagku-kwentuhan tungkol kay Katie. Puri dito, puri doon. Nagsisisi ako na sumabay ako ng hapunan sa kanila. Madalas kasi ay nahuhuli akong kumain o minsan ay hindi na dahil sa doon na 'ko sa office kumakain. Pero dahil wala na 'ko sa office at maaga na ako nakakauwi galing sa restaurant, nakakasabay ko sila.

Okay lang naman siguro ito? I heard, there were a lot of people with the same story as mine. It's painful, but I actually doesn't make it a big deal.

Even with this, I... still love them. Because of them, I am alive. Because of them, I am here.

I'm hurt but I don't really hate them.

' ' '

Habang kinukuha ko ang mga pinaggamitang plato at baso sa lamesa, naramdaman kong lumapit sa 'kin si Iya-- isa sa mga kasamahan kong waitress dito, baguhan din kagaya ko. Doon siya pumwesto sa upuan at kunwari'y nagpapagpag.

"Pst!" sitsit niya sa 'kin, "Big time ka pala dati? Bakit ka naman nag-apply dito?" tsismis niya.

I paused and looked at her, seeing her seemed to me that my previous job got her intrigued, "S-Saan mo naman nalaman ‘yan?"

"Walang nagsabi, gaga! Pamilyar kasi ‘yung pangalan mo na nabasa ko kahapon sa diyaryo. Isa kang producer sa Dwellsmith Production dati? Hindi mo naman sinabi agad!" her eyes dancing with amusement as she stared at me.

That made me shy, "Baliw! Bakit ko naman sasabihin? Anong mayro’n?"

"Wala lang. Nakakamangha na mula sa pagiging producer... heto at isa ka nang waitress," lumapit siya ng kaunti, "Bakit ka umalis do’n? Kumpara rito, mas maayos naman ang sahod do’n."

"Hindi naman gano’n kadaling maging producer ‘no," atleast for me, "S-Saka wala, gusto ko lang umalis."

"Neknek mo! Gusto lang umalis... sabi ko nga ‘di ba, nakita ko ‘yung pangalan mo sa diyaryo kahapon at sinasabi ro’n na pinalitan ka na raw ng isang bagong producer."

Iniwas ko ang paningin at lalong nahiya sa sinabi niya. What do I expect? In this entertainment industry, anything that happens will surely be publish through newspapers and magazine. Hindi lang puro sikat ang napapadpad do’n ‘no. So I guess... I'm still kind of lucky because for the last time, my name was in news.

Silly me.

Nagsimula akong maglakad bitbit ang trey na naglalaman ng mga plato. Sumunod sa 'kin si Iya na hindi pa rin tumitigil sa pakiki-tsismis.

"Gaano ka katagal do’n? Magkano sinasahod mo? Bakit ka pinalitan? Bakit dito mo napiling mag-apply?" sunod-sunod niyang tanong na akala mo ay isang reporter.

"Iya, ‘yung totoo, waitress ka o secret agent para interviewhin ako?" natatawa kong usal.

"Masama ba maging curious?" nguso niya, "Kung ako sa ‘yo, hindi ako aalis do’n. Pagsusumikapan kong tiisin kung kailangan, atleast maayos ang sahod," bahagya siyang lumapit sa tenga ko, "Kaysa naman dito, minimum lang. Wala lang talaga akong choice, e." bulong niya.

Kinunutan ko siya ng noo at natawa, "Well, you still don’t know how to work on entertainment industry. You will cry!"

Suminghap siya, "Ibig sabihin naiyak ka ro’n?!"

"Nakakahiya sabihin pero ilang beses na! Iiyak ka sa dami ng trabaho--- sorry!"

Natigil kami sa paglalakad nang may mabangga akong matandang babae. Nanlaki ang parehong mata namin ni Iya nang mapagtantong natapon sa babae ang sopas na nasa isang mangkok na nakataob na sa trey ko.

Nataranta ako kaya sandali kong pinatong sa kabilang mesa ang hawak. Kumuha ako ng tissue sa bulsa ko at akmang lilinisin na ang dumi ro'n pero bigla nitong tinabig ang kamay ko.

"M-Ma’am, I’m really sorry---"

Mataray niya akong tinitigan sa mata, "Are you blind, Miss?"

"H-Hindi po... hindi ko po sinasadyang mabangga kayo," bahagya akong yumuko, "Sorry po."

"Hindi mo nakita kasi nakikipag-tsismisan ka. Now you’re gonna try to wipe this dirt using that piece of tissue? Ano pang magagawa niyan? Ginagamit mo ba ‘yung isip mo?"

Nabigla ako ro'n pero hindi ko na lang pinahalata. Mula sa gilid ng mata ko, pansin kong marami nang nakatingin sa 'min. Lalo tuloy akong napayuko at kinain ng hiya.

"Sorry po..." 'yun na lang ang nasabi ko.

"I’m really in a bad mood, Miss." may halong pagbabanta sa boses niya.

"T-Tatawagin ko lang si Ma’am Sandra," bulalas ni Iya saka umalis para pumunta sa office. 'Yung ibang mga kasamahan ko ay lumapit na rin sa 'min.

Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin, binalikan ko na lang ang mga plato sa trey para dalhin sa kusina nang bigla akong hablutin ng matandang babae sa braso-- dahilan para bumagsak ang mga pinggan sa trey. Lalo 'yong gumawa ng atensyon sa pagitan namin.

"Aalis ka? Tatakasan mo ‘ko?" nakataas ang dalawang kilay niyang tanong.

Nilapitan siya ng mga kasama ko at pinigilan, "Ma’am, ‘wag niyo po siyang gamitan ng pisikal. Pasensya na po talaga sa nangyari."

Pero mas diniinan ng babae ang kapit sa akin. Sa sobrang pagkapahiya ko, parang gusto ko nang maiyak. Naisip ko agad 'yung imahe ni Mama kapag nagagalit siya sa 'kin, gan'yang-gan'yan ang tinginan niya.

I bit my lower lip and tried not to cry. I can't even defend myself, I can't speak, I don't know. I'm scared.

"Sagot! Tatakasan mo ‘tong ginawa mo? Ngayon sabihin mo, paano mawawala ‘to? Hindi mo ba alam na sobrang nakaka-perwisyo ‘tong ginawa mo sa akin?" pabulyaw niyang asik sa 'kin.

Dahil hindi ako makapag-salita, umiling-iling na lang ako habang nakatitig sa kan'ya pero mukhang mas hindi niya 'yun nagustuhan.

"Tapos ngayon iiling-iling ka? Gusto mo papalitan ko sa ‘yo ‘tong damit ko ngayon din? Gusto mo?!"

"H-H-Hindi po," halos pabulong na usal ko.

"Hindi, palitan mo ‘to ngayon---"

"Excuse me, Ma’am. Could you please refrain from physical contact? We’re very sorry for the damage we’ve cause you, but please, calm down and let us settle this without physical hurting."

Binitawan lang ako ng matandang babae nang marinig ang mahinahong boses ni Ma’am Sandra. Kaagad akong napahawak sa braso ko, mabilis lumitaw do'n ang pamumula sa ginawa niya. Doon tumulo ang kanina pang nagbabadyang luha sa akin.

"Konan," hinawakan ako sa balikat nang nag-aalalang si Iya.

Pinunasan ko ang pisngi ko at maliit na ngumiti, "Okay lang ako," bulong ko.

Madalas akong mapagalitan nina Mama sa tuwing nagkakamali ako, pero hindi naman 'yun dumarating sa punto na nasasaktan na nila ako ng pisikal. Noong hinawakan at higpitan ng babaeng 'yun ang pagkakahawak sa 'kin, hindi ko talaga alam ang gagawin.

Isa sa mga rason do'n ay dahil naaalala ko ang galit niyang mukha kay Mama at... hindi ko rin kayang pumatol sa matatanda.

Pero ang pinaka matibay na rason do'n ay dahil mahina talaga ako. Ni sabihan ko siyang bitawan ako ay hindi ko nagawa. Gano'n ako kahina, gano'n ako kalambot.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Mama sa akin...

"Ingat ka lang at baka makabasag ka ng gamit do'n. O 'di kaya'y may matapunan kang customer. Alam mo naman ikaw..."

Mother's knows best, really.

"Konan?"

Pauwi na ako sa 'min at nag-aabang na lang ng taxi nang may tumawag sa pangalan ko. Mabilis kong tinuyo ang pisngi ko bago harapin ang taong 'yun. Sa paglingon ko, nakita si Tiara.

I tried to cheer up my mood, "H-Hi! It’s you."

Her smile froze as she stared at me, "Are you okay? Did you cry?"

What? She still noticed?!

Maang kong hinawakan ko ang pisngi ko at kunwari'y natawa, "What are you saying? Syempre hindi ‘no."

Nakita kong bumaba ang mata niya sa suot kong uniporme. Geez, nakalimutan kong magpalit ng damit kanina. Kung bakit naman kasi nagmamadali akong umuwi, e.

An awkward smile appeared in my lips, "S-So, ano palang ginagawa mo rito? Going home too?"

Ngumiti ito, "No, actually I just bought something. The body guards are waiting for me over there," turo niya sa isang gilid, "I’m coming over to Claudius’s house for his cat. He needs me, he says."

Wow... nakakamangha. Close sila ni Sir Claudius.

"Hmm..." tumango-tango ako, "Baka magselos si Zen niyan," bumungisngis ako na siyang kinatawa niya naman.

"Alam n‘ya naman."

Ilang sandali niya akong tinitigan. Naiilang ako sa ginagawa niya pero pinilit ko na lang ngumiti at hindi pansinin 'yun. Parang alam ko na kasi kung anong iniisip niya.

"Punta na ‘ko ro’n---"

"You’re a waitress?"

I knew she would ask. It's obvious in her stare. It's embarrassing. Kailan lang ay nagkita pa kami dahil hinahanap ko si Sir Claudius.

Humampas ako sa hangin at natawa sa kan'ya, "A-Ang galing mo naman nahulaan mo. Bagay ba sa ‘kin ‘yung uniform?"

"What happened to you?" hindi niya pinansin ang tanong ko.

Sandali akong natigil pero kalauna'y inilingan ko ito, nasa akin pa rin ang ngiti, "Okay lang ako! Even if my boss got me terminated, I’m okay. Maybe this is my fate, to be a waitress? A-Actually, I don’t mind as long as I have a job. Being a producer is not forever for me," tugon ko.

Kumuyom ang mga palad ko sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit pumipintig ang puso ko sa mga tinginan ni Tiara. Naaawa ba siya sa 'kin?

Please don't look at me like that. I know I'm pathetic, but if you continue asking and staring, I might cry again. Because, honestly I don't want you to see me cry.

I... don't want to look pathetic anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro