• Ending Part Two •
Catalina Konan
°°°
Matapos malaman ng mga kaibigan namin ang naganap na proposal ni Sir Claudius, kaagad silang nagplano para sa 'bridal shower' ko raw-- na pinangunahan ng kapatid ko na si Katie. Sa kan'ya ko kasi unang binalita 'yun kaya naman siya talaga ang nagpasimuno nito.
Imbitado ang lahat ng kaibigan kong babae mula sa Dwellsmith hanggang sa CVA. Pinagbawal talaga nila ang magsama ng mga lalaki dahil para sa mga babae lang daw ang magaganap.
Bridal shower... ano bang mayro'n do'n?
Pinabayaan ko si Katie sa plano niya pero para yatang gusto ko 'yun pagsisihan. Hays!
"Magiging Mrs. Lefebre ka na sooooon! Lubusin mo na ‘to, Ate! Go! Hawakan mo ‘yung abs!" bulyaw ni Katie sa 'kin habang may sumasayaw sa harapan ko na isang machong lalaki na nakaitim na maskara at... itim na leather boxer.
Shemay naman! Ganito ba ang ginagawa sa bridal shower?!
Gusto ko sanang patigilin ang lalaki sa kakasayaw niya dahil naiilang ako pero hindi ko siya masabihan, masyadong maingay ang lugar na 'to lalo't nagkakantyawan sina Tiara sa 'kin.
Ewan ko ba kung paano napapayag ni Katie si Tiara at Hailey sa ganitong style. Knowing them, I expected they wouldn’t support this!
"Ate, ano ka ba?!" sigaw muli ng kapatid ko, "Parang tanga naman ‘to!"
"P-Please," hinarang ko ang dalawang palad ko, "Stop dancing. I... I am not interested. Sorry," nahihiyang saad ko sa lalaki.
"Your sister paid a lot. I can’t disappoint her," tugon nito kaya naman napapahiya akong natawa saka tinignan ng matalim si Katie.
Gusto mo bang masira ang relasyon namin ni Sir Claudius!?
"Talaga? Magkano naman?" tanong ko.
"10 thousand."
"Bakit ka naman pumayag? M-Masyadong maliit ‘yon para sa ginagawa mo. You know... you’re like selling your body to a stranger."
Natawa siya, "I need money so it’s fine. This is my job."
"You’re... handsome. You could’ve find a proper job than this. Sayang ‘yung itsura mo, Kuya."
"I didn’t finish my school. I’m a high school graduate."
"Kahit pa. Ano, may iba pa naman diyan na mas kaaya-aya. Construction worker? Barker? Vendor? Bagger sa grocery store? Kaysa naman ganito na... halos nakahubad ka na sa harapan ko," pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang... sa ano niya. Masasabi ko na nakaumbok 'yun.
Napailing ako sa isip ko sabay iwas ng tingin. Hindi! H'wag mong tignan, Konan! Sa ano ka lang ni Sir Claudius titingin, okay?!
Narinig ko siyang mas natawa sa 'kin at huminto sa pagsasayaw. Doon lang ako ulit napatingin sa kan'ya.
"W-What?"
"Miss bride-to-be, you’re kind of funny. In all women I’ve dance like this, you’re the only one who dared to lecture me. Ang galing," natatawang anito.
"Sinabi ko lang ‘yung naiisip ko."
"Ate!"
Lumapit na sa 'min si Katie. Kunot ang noo niya habang tinitignan kami pareho.
"Nag-uusap ba kayo? Teka, sabi ko akitin mo si Ate hindi ko sinabing mag-usap kayo," bulalas niya sa lalaki at pagkatapos ay tinignan naman ako, "Ate, ikakasal ka na. Ayaw mo bang lubusin ang buhay dalaga mo? Kainis naman ‘to paghandaan, e!"
"Now, now," humihimas-himas pa sa tiyan si Tiara, "It didn’t work, Katie. Let’s just eat. I don’t like their pasta. Do they have matcha cake?"
"And I don’t really drink alcohol," isa pang kumento ni Hailey.
Tumayo ako mula sa mataas na upuan at nginitian ang lalaki, "Thank you for your effort but I’m fine. Makukuha mo pa rin ang bayad kahit hindi ka na sumayaw sa ‘kin," ani ko.
"Really?!"
"Mm! Really."
"W-Wait! Ate?! Wala pa tayong isang oras dito sa restaurant na ‘to!" kontra na naman ni Katie.
"No. We’ll leave," anas ko para naman matigil na siya. Kung alam ko lang na ganito pala ang gagawin niyang 'bridal shower', niyaya ko na lang sana sila magparty sa bahay.
"Ate naman..."
"So where are we going? Somewhere with matcha cake, please?" bulalas ni Tiara kaya naman tumango ako at sinukbit ang isang kamay ko sa braso niya.
"Doon na lang tayo sa Greenhouse. Magpapa-deliver ako ng matcha cake para sa nagca-crave mong tiyan!"
"Then let’s go! I’m hungry!"
"Ah! Konan, I want coffee. Does your restaurant serves coffee?" tanong ni Hailey.
I feel flattered. Your restaurant...
"Mayro’n do’n! Iced coffee and hot coffee. Ano, doon na lang natin ituloy ang bridal shower? Tatawagan ko ‘yung manager."
"How about your sister?" pagpansin ni Tiara.
Nakanguso si Katie habang nakikinig lang sa 'ming tatlo. Hinawakan ko siya sa isang kamay at bahagya 'yun pinisil. Ang dami-dami naman kasi ng pwedeng gawin sa party, 'yun pang may macho dancer ang kinuha, e.
"Katie, ayoko kasi ng may sumasayaw na ibang lalaki sa harapan ko. I understand you but I don’t like the feeling of... watching other guys dancing like that in front of me. Syempre naiisip ko ang fiancée ko. ‘Wag ka na sumimangot."
"Gano’n kaya ‘yung ginagawa sa bridal shower... sasayawan ka ng ibang lalaki. Paano kung may tag party rin si Kuya Claudius?" mababang tanong niya.
"Sir Claudius doesn’t like that kind of entertainment so I doubt it," umiiling-iling si Hailey.
Sinang-ayunan naman 'yun ni Tiara, "Yes, I seconded. But if ever, I wouldn’t forgive him. I’ll quit as Elizabeth’s doctor."
Napayuko si Katie at lalong ngumuso, "Sorry. Ito kasi ‘yung mga napapanuod ko sa palabas, e."
Mahina ko siyang tinapik sa pisngi at nginitian. Naiintindihan ko si Katie pero hindi lang maganda ang tema ng napili niya. Hayy, mga napapanuod talaga sa TV, oh.
"Forgiven," saad ko.
Dahil restau bar 'tong kinuha ni Katie at hindi rin naman gano'n ka-high class, naisipan naming lumipat ng restaurant-- doon sa restaurant na bigay sa 'kin ni Sir Claudius. Wala rin kasi kami masyadong makain sa restau bar na 'yun dahil mas marami silang sine-serve na alak at mga pagkaing pangpulutan. Saka hindi gusto ni Tiara ang pasta nila. Gusto ko siyang pakainin ng pagkaing gusto niya bilang 'bridal shower' ko naman 'to.
Kasama ang dalawang body guards ko at si Frederick, lumipat kami sa Greenhouse. Pagdating namin doon ay may nakahanda agad na kwarto para sa 'ming gaganapin na party.
Well, kain lang naman ang gagawin namin. But I want it to be exclusive only for us.
Habang kumakain kami at nagku-kwentuhan, bigla na lamang nagkaroon ng komusyon sa labas ng kwarto dahilan para matigil kami at mapatingin sa transparent glass window. Hindi man namin naririnig, halata naman na nagkakagulo ang mga tao ro'n sa labas.
"Anong mayro’n do’n?" takang tanong ni Katie.
Tumayo ako at nagpunas ng bibig, "Excuse myself. I need to check what’s happening."
"Sabay na ‘ko, pupunta akong CR," saad ni Tiara.
Paglabas namin ay agad namin narinig ang sigawan ng dalawang babae. Bilang 'may-ari' ng restaurant na 'to, responsibilidad ko ring pumagitna at alamin ang nangyayari. Sa mukha ni Miss Aila-- 'yung manager dito, mukhang hindi niya mapigilan ang dalawa.
Napalunok ako. As if naman kaya ko silang pigilan? Hindi ako sanay sa gulo.
"Ibalik mo ‘yung asawa ko! Saan mo siya dinala?! May mga anak kami alam mo ba ‘yon?! Napaka landi mong babae ka!"
"Ano? Unang-una, sumama sa ‘kin ang asawa mo," mataray na sagot ng babae na nakasuot ng mini black dress. Mahaba at diretso ang buhok niya hanggang bewang. Naka-full bangs at pulang lipstick.
Teka, she looked familiar...
"Kabit ka kasi! Wala bang pumapatol sa ‘yo at doon ka pa sa may asawa pumatol?!"
"Hah!" namewang na ito, "Kasalanan ko bang mas maganda at sexy ako sa ‘yo? Excuse me, para magkaroon ng laman ‘yang utak mo, nandidiri akong hawakan ‘yang asawa mo--- tapos sasabihin mo pumatol ako? Ew!" umirap siya matapos no'n.
"O nasaan siya?! Bakit hindi pa siya umuuwi?! May mga nakakita sa inyo na magkasama noong gabing ‘yun! Impokrita kang kabit ka!" halos sugurin na niya ang babae pero napipigilan ito ng ilang kasama niya.
Habang ang isang babae na sinasabing kabit, tinaasan lang siya ng kilay at nginisian-- tila nang-aasar pa.
"Hindi ko alam kung nasaan ang panget mong asawa kaya ‘wag mo ‘kong kulitin. Buntot kasi siya ng buntot, ayun, naligaw na yata," mataray niyang sagot, "Hindi rin ako impokrita. Kumpara sa mukha mo? Mas maganda ako."
See? How am I going to stop them? They both looked agressive.
Matunog na napangisi si Tiara sa tabi ko at humalukipkip, "Bitches these days... mas matapang pa kaysa sa legal wife."
"O-Oo nga, e."
"Ma’am Konan!" tawag sa 'kin bigla ni Miss Aila. Nasa mata niya ang panghihingi ng tulong.
Dahil nakuha ko na ang atensyon ng iba, dahan-dahan akong lumakad para pumagitna sa dalawang babae. Hindi ko talaga alam sasabihin pero... bahala na si batman!
"A-Ano... you are disturbing other customers. Why don’t we stop here?" medyo nahihiya kong saad.
Nakatitig sa 'kin 'yung babae na sinasabihan ng kabit. Matagal bago niya 'yun alisin. Bahagya tuloy akong nailang at sa puntong 'yun, alam ko na kung bakit pamilyar ang mukha niya.
Siya 'yung babaeng nakabunggo ni Seven dati... 'yung hinahabol ng mga lalaki at nakahulog ng baril.
Napalunok ako sa napagtanto. I'm sure, definitely sure that she's that girl. I even remember she dropped her mask when she bumped into Seven.
"Ipapakulong ko ‘yang babaeng ‘ya---"
Tumalikod bigla ang babaeng 'yon at prenteng kinaway ang kanang kamay, "Ipakulong mo kung kaya mo, ‘wag puro salita. Bye!" saka na siya tuluyang lumabas ng restaurant.
"Aaarrrgghhh! Bwiset! Mang-aagaw! Kabit! Malandi! Humanda ka sa ‘kin!"
What does she really do? Ngayong pangalawang beses na naming magtagpo ng hindi sinasadya, hindi ko na mapigilan ang ma-curious ng sobra. Bakit siya may dalang baril noon at bakit siya hinahabol ng mga lalaki? Anong mayro'n sa kan'ya?
"Ma’am Konan, okay ka lang?" biglang lumitaw sa gilid ko si Frederick. Tinatanaw din niya ang pintuang nilabasan ng babae.
Umiling ako at ngumiti sa kan'ya, "Oo naman. Nabigla lang ako sa away nila."
"Kaya ‘wag mo hahayaan na magkaroon ng kabit si Sir Claudius ah? Uso ang mga kabit ngayon," aniya na sabay naming kinatawa.
Kabit... honestly, it really depends on the guy.
Niyaya na ako ni Tiara na bumalik sa kwarto. Hindi ko man lang namalayan na nakapag-banyo na pala siya. Feeling ko, umpisa palang 'to ng pagiging owner ko. Good luck sa iba pang kahahantungan nito.
Hayy.
Anyway, nakalimutan kong nasa bridal shower ko pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro