• Eight •
Catalina Konan
°°°
Habang nasa byahe kami ni Gavin ay hindi ko maiwasang isipin ang unang guest na kakausapin ko para sa party. Pagka-send ko sa kan'ya ng email ay agad niya itong sinagot, kaya naman mabilis kaming nagkaroon ng schedule para magkausap sa personal.
Kagaya ni Light, si Sir Dennis ay isa ring painter. Kaya naman inaasahan ko na sing-propesyonal 'to ni Light sa pakikipag-usap. Isa pa, ayokong magkamali dahil nakakahiya kay Light.
Napabuntong hininga ako ng wala sa oras. Palagi ko na lang iniisip na 'ayokong magkamali'. Ang hirap pag alam mong maraming beses ka nang nagkamali sa lahat-- ang mas mahirap pa ro'n, maraming tao ang nagsasabi at nakakakita kung gaano ako ka-palpak.
Muli akong napabuntong hininga. Kaya sana, sa unang guest na ito ay magtagumpay ako...
Kinakabahan ako!
"Huh? Are you alright, Konan?"
Lumingon ako sa tabi ko at nakangiting umiling sa inosenteng mukha ni Gavin. Malamang napansin niya ang paulit-ulit kong buntong hininga.
"Nervous?" a small smile crept into his lips, "What are you so nervous about?"
"Light came yesterday at the office and recommended a guest. Sir Dennis--- the guest, were scheduled for a meeting with me on weekends. That’s what I’m worried about. I’m worried I’ll ruin my first guest," with this feeling, I still managed to smile and said this a little lighter.
Gavin paused a moment, "So Light came?" he asked with a hint of displeasure.
Oo nga pala, may galit nga pala ito sa isa.
Bahagya kong hinawi ang kamay ko at dinaan na lang iyon sa mahinang tawa, "He’s with Sir Claudius. Don’t you think it’s great that he had time to appear? Atleast he helped."
"Yeah but soon after, he’ll be missing for a long time again. I’m sure of that," sumandal na lang siya sa upuan.
"Nagtatampo ka ba sa kan‘ya?" tanong ko.
Napansin kong kumunot ng kaunti ang noo niya saka ako tinapunan ng tingin, "I don’t like him. I said that before."
"Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na makikinig ako? My ears are all yours," ani ko, "You can tell all your problems with me. Just so you know, I’m a good listener! I believe all you need is someone who can listen to your rambles."
Gavin didn't respond and just stared at me. Then he looked away, only to looked back again.
"You’re so kind, you know that?"
My eyes squinted with laughter, "You can trust me if you want. You can talk about anything with me, I will listen with all my heart."
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero napansin ko na namang namula ang tenga niya kaya inalis niya agad ang tingin sa 'kin. Hinabol ko ang paningin niya, bahagya akong dumukwang sa harapan niya para salubungin ang kan'yang mata.
Is he suddenly got shy?
"Ga-vin~"
"U-Umayos ka ng upo, Konan. Nasa bus tayo," naiilang niyang suway sa 'kin.
Sandali ko pa siyang pinagmasdan pero pilit niya talagang iniiwas ang paningin sa 'kin. Hindi ko tuloy siya maintindihan.
Nang makapasok kami sa loob ng Montego Hill at huminto sa lugar ng Shiloh, sinalubong agad kami ng maganda at maaliwalas na simoy ng hangin. Mainit ang panahon lalo't ala una palang ng hapon pero nakakadagdag 'yun sa magaan na dating ng paligid. Para siyang isang malaking parke at sa paglalakad mo ng kaunti ay may isa pang parke sa loob kung saan matatanaw mo na ang malaking bahay sa gitna.
Tinext ko agad ang president ng orphanage na kaagad din naman kaming sinalubong sa labas para dalhin sa loob ng office. Napag-alaman namin na may specific classroom dito para makapag-aral pa ang mga bata. Sa totoo lang sobrang laki ng orphanage na 'to, may kan'ya-kan'yang directory para sa mga age nila. Pinaka matandang edad na narito ay nasa 25 years old-- some of them are special child.
Hinayaan kaming makapasyal sa loob pagkatapos ng meeting, sakto naman no'n ay nadaanan namin na may nagka-klase sa isang classroom kung saan mga batang edad pito hanggang siyam na taong gulang ang nasa loob. Nang mamataan kami ng isang guro, inanyayahan niya kaming pumasok.
I was very tranquil. The children were wholeheartedly focus on their work. I couldn't help but tread lightly as I entered the classroom.
"Woah? Your drawing is so pretty!" Gavin complimented when he saw a boy drawing a beautiful, starry sky.
The boy didn't even looked up to him and just run off.
"O-Oh, did I scared him?"
I giggled and covered my mouth, "I can tell that boy is particularly shy."
"Hindi rin kasi sila madalas nakakakita ng ibang tao. Pero kapag si Sir Zen ang nagpupunta rito, sobrang aktibo ng mga ‘yan. Sobrang mahal na mahal nila ‘yung kuya nilang ‘yon," bulalas ng babaeng guro sa 'min.
Samantala nanlaki ang mata ko sa kan'ya. Zen? Zen Wright? As in 'yong boyfriend ni Tiara?
Hindi rin maiwasang mamangha ni Gavin sa narinig, "I’ve never heard about him visiting here before... wow, looks like he’s really fond with these kids."
"Tama kayo. Palagi siyang bumibisita rito tuwing may oras siya. Hindi ko na maalala kung anong petsa pero no’ng nakaraan, nagpunta siya rito kasama si Ma’am Betina."
"Si Tiara?" nagugulat kong tanong, "Tumambay sila rito?"
Magalang itong tumango sa akin, "Pinakilala ni Sir Zen si Ma’am Betina sa amin at sa mga bata. Nakakatuwa sila, sobrang gustong-gusto sila ng mga batang ito. Kaibigan n‘yo ba sila?"
"Opo! Opo!" nagagalak kong sagot.
Tumawa naman si Gavin, "Sakto pa na ito ‘yung napili nating benefeciary. Ang galing..."
Pumalakpak ang guro na siyang kausap namin-- si Miss Sunshine. Humarap siya sa mga bata at nakangiting pinakilala kami ni Gavin. Magiliw naman silang nagsi-lapitan, may iba nga lang talaga na sobrang mahiyain.
Hanggang sa marinig namin ang tunog ng bell mula sa labas.
Miss Sunshine told us that it's for the kid's nap time, since 3 o' clock na rin ng hapon.
At sa totoo lang, hindi ko alam pero pati ako ay dinapuan na rin ng antok. Sino ba namang hindi aantukin sa ganitong oras at itsura ng hapon lalo at ang aga-aga kong gumigising.
Pumunta ako sa dulong bahagi at umupo sa tabi ng bintana. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang pagsayaw ng mga dahon ng puno dahil sa malakas na ihip ng hangin. I don't know but... doing nothing and just staring at it, feels very nostalgic to me.
Until I couldn't hold in a yawn and felt like taking a nap.
"Sleepy?"
Napangiti ako nang tumabi sa 'kin si Gavin, "Sabi ni Miss Sunshine pwede naman daw tayong tumambay muna rito. I’m done with my business here so I think I could take atleast a nap?"
"Is it really alright?" tanong muli niya.
"Bakit hindi? Aren’t you sleepy? This vibe of afternoon is a temptation."
"Well," he leaned on the desk and looked at me sideways, "Since you mentioned about it and I slept late last night... then I guess I’ll take a nap too."
"You slept late?"
"Uh-huh. 1:30 na ‘ko nakatulog."
"An owl nighter!"
Tumawa siya sa sinabi ko, "I’ve played too much of my game. Do you know this game called LOL?"
Yumuko rin ako sa desk at humarap sa kan'ya, "I think I’ve heard of that. May mga ka-trabaho ako sa Dwellsmith na binabanggit ‘yan. Uh... Lol? Sinasabi nila minsan, ‘Nakakapuyat ‘yan! Lol.’ o ‘di kaya, ‘Lol. Mas magaling ako sa ‘yo.’ iyon ang madalas kong marinig."
Hindi ko alam kung bakit siya natawa sa sinabi ko. Binaon niya ang mukha sa mga nakatiklop niyang braso at matapos matawa, lumingon ulit ang ulo niya sa 'kin.
My forehead creased, "...am I wrong?"
"Baka naman ang ibig sabihin ng sinasabi mo ay ‘laugh out loud’? What I’m talking about is the online game called LOL, ‘league of legends’. Hahaha!"
O-Oh... is that it?
Natawa na lang din ako sa sarili ko at hindi na 'yun pinalaki pa, "Then since you slept late, you take a nap with me. Close your eyes and stop talking. I’ll do as well," pumikit ako at hindi na nagsalita pa. Samantala, wala na rin akong narinig mula kay Gavin.
Habang nasa gano'n posisyon, biglang pumasok sa isip ko sina Katie. Kumusta na kaya sila? Ilang araw palang akong nawawala ro'n pero miss ko na agad sila...
One of these days, sisiguraduhin kong tatawagan ko sila para kumustahin. Kahit naman ayaw sa akin nila Mama, anak pa rin nila ako at para sa akin ay hindi ko sila kayang talikuran na lang.
Makakaasa sila na mag-a-abot pa rin ako ng pera kahit paano.
Pero bago ako makapag-abot ng pera, syempre kailangan ko munang galingan sa trabaho para hindi muling ma-terminate lalo at... mukhang mahirap pasayahin si Sir Claudius. Kung siguro ay si Tiara ako, sasaya siya. I really can't help but to think of that.
My eyes subconciously opened and saw the sleeping face of Gavin. Napaka aliwalas ng mukha niya. Sabi niya ay 1:30 na siya nakatulog, pero walang bakas ng itim na eyebags.
The afternoon breeze wafted through the empty classroom.
Staring at Gavin’s handsome face, my thoughts from awhile ago vanished and slowly, my eyes closed, readying myself to take a nap.
But... after a minute, I couldn’t sleep.
Inaantok ako pero hindi magawang manahimik ng diwa ko. Hindi ko rin alam kung bakit. It's as if something was stirring inside and keeping me up. I decided to open my eyes and glanced again at Gavin next to me.
Ako 'yung nagyayang matulog pero nauna pa siya sa 'kin. He sure fell asleep fast.
"Next time, don’t sleep too late. It’s bad for your health," I whispered under my breath.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na pinapanuod si Gavin. Basta ang napagtanto ko na lang na may mga bata nang pumasok sa classroom. Naghahagikgikan ang iba habang nakatingin sa amin.
Napapikit ako nang dumaan ang malakas na hangin sa gilid ko dahilan para magulo ang buhok ko. Pero hindi ko na 'yun pinansin at umayos na lang ng pagkakaupo habang napapahiyang tumitingin sa mga bata.
"Ate Konan ah...! Ayiieee!"
"Mag-asawa po ba kayo? Ang pogi at ganda n‘yo po, e!"
W-WHAT?! MAG-ASAWA?!
"Did I slept?" bumangon si Gavin sa pagkakayuko at nagkusot ng mata. Marahil nagising dahil sa mga batang nagkakantyawan sa 'min.
The commotion made me look to Gavin for help, but as our eyes met, a gentle smile appeared on his lips and reached to brush my hair from my face.
LALO SILANG MAG-IISIP NIYAN! SHEMAAAY!
Pakiramdam ko ay namula ako sa ginawa niya. Sakto no'n ay pumasok na ang kanilang guro na si Miss Sunshine. Hinuli ko ang kamay ni Gavin at tumayo. Mula sa pwesto ko, nagpaalam na ako kay Miss Sunshine at sa mga echoserang bata.
"Mag-iingat kayo! Salamat sa pagpunta!" paalam ni Miss Sunshine habang naglalakad kami palabas.
"Bye-bye pooo!"
"Sana dumalaw na ulit si Kuya Zen at Ate Betina!"
"Ingat po kayo, Ate at Kuyaaa!"
Kumaway kami sa kanila hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng gusali. Doon ko lang binitawan si Gavin sa kamay.
Humagikgik ako na siyang kinangiti niya, "Those kids... they really do know how to embarrased someone, you know?" bulalas ko.
"Huh? Bakit, ano bang sinabi nila?"
My smile froze as I looked back at him. His eyes were asking. So he didn't hear the 'asawa' thingy? Buti naman!
Umiling-iling na lang ako at tumawa.
But Gavin got even more curious. He grew quiet and stared back at me, with a look of alienation on his face.
I heaved a sigh and we both stopped on our tracks. The camphor leaves whistled in the afternoon breeze, in harmony with the chirping of summer birds. Suddenly, a strange feeling was creeping up inside me.
But I chose to shrugged it off.
"Akala nila mag-asawa tayo," pagsasabi ko ng totoo na siyang kinagulat ng reaksyon niya. Tinawanan ko naman iyon.
"A-Asawa...?" hindi siya makapaniwala, "T-That’s fast."
"Hindi ka pa pwedeng asawahin, bata ka pa." biro ko saka siya inunahan maglakad.
Napahawak ako sa dibdib ko habang nauuna. What's this all of a sudden? What is that strange feeling? I don't understand.
Nang maramdaman kong walang Gavin na nakasunod, huminto ako at muli siyang tinignan. Nananatili siyang nakatayo ro'n, bahagyang kunot ang noo at nakatingin sa akin. Para siyang may malalim na iniisip, parang hindi niya nga namalayan na nakatingin na ako sa kan'ya, e.
Kumaway ako rito upang mapansin niya, "Gavin! Why are you spacing out there?" sigaw ko.
Bahagya siyang nagulat kaya umiwas at gumilid agad ang tingin niya. Nakita ko pang napahawak siya sa nasa gilid niyang buhok bago mag-umpisang maglakad palapit sa akin.
"Bakit?" tanong ko nang makalapit siya.
Pinili niyang manahimik hanggang sa makasakay kami ng shuttle bus pabalik ng Protegé building. Sa isang iglap, biglang natahimik ang pagitan namin kaya naman hanggang sa makarating kami sa office ay walang imikan na nagaganap.
Did I say something wrong? O baka naman dahil sa 'mag-asawa' thingy na sinabi ko kanina? Napahiya ko ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro