Epilogue
Makalipas ang ilang taon...
CJ: DK, DJ can you stop prancing around. We will be late na. Sweetie can you please grab them. I'm getting dizzy.
Dennis: Danica Kate, Donita Joyce ano ba?!
Hinawakan ni Dennis sa braso ang dalawang anak. Nagulat ang dalawang bata at napatigil. Alam nilang kapag tinawag na sila sa buong pangalan ng kanilang ama ibig sabihin galit na ito.
Dennis: Hindi na matapos -tapos si Mama ninyo sa pagaayos ng gamit ninyo. Ikot kayo ng ikot. Do you want to go or I will just leave you with Lola Yaya! Mabuti pa nga maiwan na lang kayo para si Leah, Dee at Aya na lang ang magpeperform para kay Lolo Pogi.
Napatingin si CJ kay Dennis. Kinindatan siya nito.
CJ: That's right... I'm too tired fixing your costumes, instead of helping me out, you're giving me a hard time. Let's go na nga Papa.
Iniwan na ni CJ ang dalawang canvas bag na may lamang grass skirt at hawaian top, lei, flower bracelet and anklet sa ibabaw ng kama.
Dennis: Let's go na Mama. Late na tayo. Lolo Pogi will be on beastmode na.
Magkahawak kamay na lumabas ng kwarto si Dennis at CJ at bumaba ng hagdan. Naka tingin naman mula sa ibaba ang magasawang George at Estel dahil narinig na nilang sumigaw si Dennis. Alam na nila ang kasunod non.
Bumaba si Dennis at CJ sa salas.
Yaya Susan: Sige ako ng bahala diyan sa mga yan, tamang-tama wala akong katulong maglaba ng damit nila kaya sila ang paglalabahin ko.
Nagmamadaling bumaba ng hagdan ang dalawang anim na taong gulang na cute na cute na kambal na anak nila Dennis at CJ mula sa kanilang kwarto. Parehong nakafitted na maong, ang isa nakayellow na sleeveless blouse at ang isa naman nakapink na sleeveless blouse pero parehong nakasuot ng boots. Bitbit ang tig-isang canvas bag na iniwan ni CJ sa kanilang mga kama, shoulder bag at may hawak na shades.
DK: Mama, we're ready na po.
CJ: Are you sure?
DJ: Yes Ma look.
Sabay pang umikot ang dalawa para ipakita ang suot nilang damit at nagpose. Parehong magaling magproject, manang mana sa kanilang ina.
CJ: Shoulder bags? Shades?
DK: Right here Ma!
DJ: Got it Ma!
CJ: What are you waiting for... hurry up!
Natarantang lumapit ang dalawang bata at tumayo sa harap ni CJ at Dennis.
Dennis: Kumpleto na ba yang costumes ninyo, baka may maiwan pa kayo.
DJ: Okay na po Papa, complete na.
DK: I already checked mine Papa, complete also.
Dennis: Mabango na ba kayo? Ayaw ni Lola Ganda ng smells bad.
Pumadyak ng paa si DJ.
DJ: Papa naman, we took a bath tapos am wearing perfume so of course we smell good.
DK: Oo nga Papa, you're so.... so.... makulit!
Biglang niyakap ni Dennis ang dalawang anak sa mga bewang at pinupog ng halik sa leeg. Bumungisngis ang dalawa.
Dennis: Oo nga mabango na ah. O sige na sakay na sa kotse.
Hinawakan ni DJ sa kamay si Estel at ni DK si George.
DK: Lala hurry up na po.
DJ: Lolo, your bestfriend is waiting for you magbebeastmode na naman si Lolo Pogi we're late.
George: Eh kayong dalawa ang matagal eh.
Makalipas ng kalahating oras, narating nila ang Shangrila Makati kung saan gagawin ang 70th birthday celebration ni Denver o kilala sa tawag na Lolo Pogi ng kanyang mga apo.
Pagpasok nila binati sila ng mga naroroon na. Nasa isang gilid ng venue sila at nagpipictorial. Sila Drew at Vinz ang kumukuha ng family picture. Unang kinuhanan sila...
Richie at Arbie kasama ang tatlong anak na si Archie (Aaron Richard), ang limang taong si Ryanna (Ryzza Anna) at ang dalawang taong gulang na si Royce (Richard Roy).
Pagkatapos sila Ace at Raine kasama naman ang apat na mga anak. Ang panganay na si Dos (Joshua Ace II), ang limang taong si Aya (Alyanna Reighn), ang tatlong taon na si Aira (Aleia Raine) at ang isang taong bunsong si Josh (Joshua Ray).
Sumunod naman sila Dean at Leslie kasama ang panganay na si Lee (Dean Lee Robins), ang limang taong si Leah (Leanne Dean), dalawang taong si Diane (Deanne Lean) at ang magiisang taong bunsong si Derick (Dean Richard Jr.)
Kinuhanan din ng family picture sila Rose at Tisoy kasama ang panganay na si Prince (Ricardo Richards II), ang anim na taong si Dee (Denise Rose), tatlong talong kambal na si Reah (Reanne Rose) at Leeo (Leon Richard) at ang isang taong bunso na si Amboy (Richard Reyes Jr.)
At ganon din sila Dennis at CJ kasama ang kanilang limang taong kambal na si DK (Danica Kate) at DJ (Donita Joyce).
Umuwi din galing ng US sila RR at Jerome kasama ang limang anak; Naroon din sila Kenjie at Monique at ang dalawang anak at lumuwas mula sa olongapo sila Ed at Shaila kasama ang kanilang tatlong Maria.
Imbitado din ang magulang ni Ace kasama sila Uno at Kiara kasama ang tatlong anak na puro lalake at ang magasawang sila Robert at Iza na may isa ng anak.
Dumalo din ang Nanay ni Arbie at si Nanay Salome kasama ang magasawang Romeo at Pearl kasama ang dalawang anak.
Hindi mawawala sila Tatay Leo at Nanay Rio kasama ang binata ng anak at kapatid ni Tisoy na si Leo Rico na isa ng seminarista. Pati ang Nanay ni Leslie at kapatid ni Leslie na si Lance na isa ng parlorista.
At syempre pa, nasa guest list ang mga natatanging kaibigan si Father Ben na Archbishop na sa idad na 96; ang mga dating board members na mga nakatungkod na o inaalalayan ng kanilang mga apo. Sila Yasmin at Twinkle na pareho na ding may pamilya at ang makukulit na tropang sila Xavier at Rhea kasama ang anak na si Kiel at si Kyra kasama ang Mama at Stepfather ni Xavier; Si Jerick at Vanessa na may tatlo ng anak kasama din ang Mama niya at si Zack at Irene na may dalawang anak na din at kasama din ang Mommy ni Zack. Kasama sa guest list ang mga Officers at Department Head ng R&R.
Isang masaya at marangyang birthday party ang naganap para sa Hari ng R&R International. Nagkanya-kanya ng mga intermission number ang mga ito anak, pamangkin at apo para mapasaya si Denver. Kumanta sila Dean, Tisoy, Ace, Dennis at Richie at nagperform ala Hagibis. Sumayaw naman ng 80's remix dance steps sila Leslie, Rose, Raine, Arbie at CJ.
Nagperform ng Dribling Exhibition na natutunan nila sa kanilang Milo Best classes ang magpipinsang sila Prince, Lee, Dos, at Archie nagpagawa pa sila ng Jersey na royal blue ang nakasulat The Denver Knights at sumayaw naman ng Hawaiian Song Medley ang magpipinsang sila Dee, Leah, Aya, Ryanna, DK at DJ na nakacostume ng flowered two piece, grass skirts, flower necklace, flower bracelets at anklets.
Masayang-masaya si Denver sa mga ipinakitang performance ng mga apo at ang pang finale... nagspeech si Denver.
Denver: Thank you for all the greeting, the gifts and all the love that you are all showing me tonight. Looking at all of you right now just makes me feel like saying I did it! I did what my father has set me out to do because I know his legacy lives in all our lives and the lives of our childrens children. So thank you so much everybody. Daddy Ric, Tatay Teddy alam ko po nakikita ninyo kami ngayon. We made our dreams come true Dad, Tatay, we have a big loving family. Para po sa inyong lahat at para sa dalawang tao who made me who I am up to this date... Daddy Rick, Tatay Teddy... this songs are for you and all of you. Nagpalakpakan ang lahat at nagsimulang tumugtog si Denver ng piano habang kinakanta ni Dei, Ryzza at Damon ang mga kantang "That's what friends are for at Power of two."
Matapos ang party sa matandang mansyon silang lahat dumeretso, pinatulog na ang mga bata pero naiwan silang lahat para sa huling regalo na gustong gawin ni Dennis. Isang family portrait.
Sa harap ng dalawang malalaking portrait ni Ricardo at Teodoro na nakasabit sa salas ng matandang mansyon. Naglagay ng apat na upuan at pinaupo sila Denver, Dei, Damon at Ryzza. Tumayo sa likod nila sila Tisoy, Rose, Dean at Leslie. Naupo naman sa harap nila sila Dennis, CJ, Ace, Raine, Richie at Arbie. Isang magandang family portrait ang kinuhanan ni Drew at Vinz.
Dennis: Before we all hit the bed, we still have one more gift for you Papa...
Naglabas ng isang kahong tabaco si Dennis at may kinuha mula sa bag si CJ at iniabot kay Denver. Pagbukas niya isa yung print-out ng ultrasound.
CJ: Happy Birthday Papa... you're having another apo. I'm 16 weeks pregnant!
Denver: Oh my Lord, I am so blessed!
Nagtawanan sila at nagyakapan bumulong si Denver ng isang pasasalamat at isang panalangin. "Salamat po Diyos ko sa lahat ng mga biyaya. Sana magtagal pa ang buhay ko."
Author's Note:
As much as I want to continue on hindi ko na po kaya. Hindi ko po kasi kayang may mawala sa mga main characters natin na sila Denver, Dei, Damon at Ryzza. Syempre tumatanda na sila so eventually if I continue this series of books may mawawala sa kanila at hindi ko kakayaning isulat yon. So... The Leap of Faith Series ends here.
Thank you for all your support, votes and comments. Until the next story!
meeh,
Jie
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro