Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 - Bomb dropped

Katulad ng sinabi ni Dennis kay CJ, siya ang date nito sa araw ng kasal nila Richie at Arbie. Kaya nung araw ng kasal magkasama silang nagpunta sa venue. Nadatnan na nila ang magulang , ninong at ninang sa Venue. Pati na si Tito Sito at iba pang dating Board members at malalapit na kaibigan ng pamilya ay naroon na din

Inaalalayan ni Dennis sa kamay si CJ ng lumakad silang papasok sa venue para bumati sa mga dinatnan nila.

Denver: Oh nandito na pala si Dennis... who is he with? May girlfriend ba si Dennis?

Ryzza: Hmmm, parang pamilyar... ah si CJ yan.

Tito Sito: Oo ang apo ko nga ang date ng binata mo Denver.

Dei: Finally... they are together. sana nga maging sila na. I like CJ for Dennis. Hindi ba Hon?!

Denver: Of course, lalayo pa ba tayo eh kilala naman natin ang pamilya ni CJ and am sure George would be happy too. Matagal naming pinangarap na maging magbalae eh.

Tito Sito: Wala akong tutol dyan... our family has been friends since our prime ng Daddy mo Denver, naniniwala akong magiging masaya si Ricardo kung magkakatuluyan ang dalawang yan.

Nagbigay galang si Dennis at CJ sa mga ito bumeso si CJ sa bawat isa sa kanila. Nagmano naman si Dennis sa mga ito.

CJ: Why do I have a feeling you are talking about me Lolo?

Tito Sito: Of course not, Hija. We've just been checking everyone who's arriving and I just said, I'm glad Dennis took you to here.

CJ: Yah right Lolo, as if I didn't know you. Tito, Tita just don't mind my Lolo, he's living in a dream.

Nagtawanan silang lahat. Iniwan ni CJ si Dennis at pumunta kung saan nakita nitong nakaupo sila Rhea.

Dennis: Oh, anong nangyari don?

Tito Silo: Don't worry, sa akin napipikon ang apo kong yon. Lagi ko kasing itinutukso sa yo. Noon pa namang dalagita pa lang siya kapag ginagawa ko yon hindi nagagalit, lagi pa nga niyang tinatanong kung totoo bang bagay kayo at kapag sinabi kong oo naku ang ganda ng ngiti. Pero simula nung bumalik siya galing sa ibang bansa naku napipikon na sa akin.

Dennis: Baka naman ho kasi may naiwan na boyfriend doon sa new Zealand?

Denver: Oo nga Tito Sito.

Tito Sito: Magpiprisinta ba yan na tulungan ako dito sa Manila kung meron? Ang totoo Denver I think she's starting to question a lot of things and palagay ko iniisip niya na baka mahanap niya ang mga sagot sa mga tanong niya kung magtatrabaho siya kung saan matagal na nanatili at nagtrabaho ang kanyang ama.

Denver: Well, I don't think there is anything na itinago si George sa kanya dahil I personally know kung gaano kamahal ng panganay ninyo ang inyong bunsong apo.

Tito Sito: Hindi ko din sigurado ang dahilan ni CJ dahil ang sabi lang niya gagawin niya ito dahil ayaw din ng Papa niya na mawalan ng connection sa pamilya ninyo. So, kung sakali lang na magsimulang magtanong ang apo ko Denver sana malaman ko mula sa yo.

Denver: Of course I will let you know before hand Tito.

Nang matapos ang kasal isang masayang reception ang ginanap. Natapos na ang program pero nagiinuman pa ang mga bisita. Magkakasama sa iisang lamesa ang mga dating board members, pinuntahan sila ni Ryzza at Damon.

Damon: Kamusta po Tito Earl, Tito Brad, Tito Charles, Tito Seb?

Tito Seb: Mabuti naman Damon, bunso mo na pala ang ikinasal ngayon.

Damon: Opo Tito, mabuti po nakarating kayo.

Tito Earl: Mapapalampas ba namin ang isang okasyon sa pamilya ninyo eh baka multihin kami ni Ricardo.

Ryzza: Ganon Tito ha, akala ko pa naman nami-miss na ninyo kami kaya kayo nagpunta.

Tito Brad: Naku Hija, you never changed matampuhin ka pa rin, syempre naman namiss ka namin.

Yumakap si Ryzza sa mga ito.

Tito Charles: Ryzza ang ganda ng manugang mo, may hawig sa yo.

Ryzza: Dapat lang Tito bawal ang alam niyo na sa pamilyang ito.

Nagtawanan sila. Eksaktong palapit si Denver at Dei sa mga ito. Humalik at yumakap sa mga ito sa mga lalaking para na nilang pangalawang ama.

Denver: Mukhang nagkakasiyahan kayo dito mga Tito ah, nakarami na ata ng whisky ah.

Tito Charles: Kilalang kilala mo kami Denver.

Denver: Of course mga Tito's I still remember those days na binibitbit ninyo ako sa inuman ninyo para lang payagan ni Mama si Papa na makipaginuman eh.

Tito Sito: Oo nga hindi naman kasi makaalis si Ricardo ng hindi ka bibitbitin.

Tito Earl: We did had fun before hindi ba Denver?

Denver: The most fun times I had as a teenager was with you all. Pareho kami ni George at Dean.

Tito Charles: Yah naalala ko pa yon. It is good that pati mga anak natin naging magkakaibigan. Sayang lang kasi mga nagsipagpuntahan na sa ibang bansa at tsaka maaga tayong iniwan ni Ben.

Tito Sito: That is one sad time at the R&R Company at noong panahon ko din napatunayan na ang angkan ni Ricardo maasahan at kahit kailan hindi tayo tatalikuran kahit na sila mismo ang  nasa krisis.

Ngumiti si Denver at Dei sa narinig, may nagbabadyang luha sa mata ni Dei. Inakbayan ito ni Tito Sito. Alam niyang naalala nito ang ama at biyenan.

Tito Seb: Siguro dapat magpareunion tayo ano.

Denver: That would be a good Idea. We will work it out.

Tito Charles: Denver, Damon, gaano kalalaki na ang mga anak ninyo? Nahuhuli na ako sa balita mahirap yung nagstay sa US ng matagal pagbalik mo para kang nawala sa circulation eh.-

Damon: Tito, inabutan mo pa naman si Dean pero binata pa siya noon, ngayon may asawa at anak na. Ganon din si Raine.

Denver: Naku Tito Charles, may pamilya na si Rose.

Tinawag ni Denver si Rose at Tisoy at ipinakilala sa mga ito.

Denver: Eto na si Rose at ang asawa niya si Tisoy... pareho silang nasa R& R may apo na ako sa kanila si Prince at magtatatlong buwan ng buntis ngayon si Rose.

Bumati ang mga ito ng Congratulations.

Tita Charles: Iisa lang ba yang anak mo? Bakit ba ang titipid ninyo? Ako yung panganay ko lima ang anak at yung bunso naman apat.

Dei: Hindi po Tito, dalawa po, si Rose at si Dennis. Napahilig kasi sa art at photography ang bunso namin kaya hindi ninyo nakikita sa opisina.

Tinawag ni Denver si Dennis at lumapit naman itong kasama si CJ.

Dei: Dennis, introduce yourself anak

Dennis: Hello po, I am Dennis Dein Richards, the youngest son of Denver and Dei.

Tito Charles: Aba, kamukha mo Denver, mukhang marami ng napaiyak eh ang lalim din ng dimples oh. Mana ba sa ama?

Dennis: Hindi po Tito, mas mana po ako kay Mama. Mas good boy ako kaysa kay Papa.

Nagtawanan sila.

Tito Seb: Good boy dahil nandyan ang date.

Lalo silang nagtawanan.

Dennis: Sorry po... this beautiful lady beside me is CJ, the grandaughter of Tito Sito.

Tito Seb: Aba, dalagang dalaga na ang apo mo Sito! At hindi lang maganda sexy pa!

Ngumiti naman si CJ kay Tito Seb.

Tito Charles: Sila na ba ang susunod na kasal na pupuntahan natin?

Tito Sito: I wouln't complain if ever. Gusto ko itong bunso ni Denver eh.

CJ: Lolo, you are starting again!

Tito Sito: What? I'm just saying how good of a man, Dennis is .Mahilig sa art ang batang ito at magaling talaga. May sarili na siyang gallery dito sa Makati at marami sa mga nasa high society ng Makati kilala siya dahil nakabili na ng mga paintings at photographs na gawa niya. Kaya kumikita na ng malaki. So I'm sure he can take care of my grand daughters needs.

Denver: Well I wouldn't mind as well since, we know that they have been friends and are really close since they were a child and CJ has graduated as well and who would say no to a beautiful and sexy manugang?!

Dennis: I wouldn't

Sabay kinindatan si CJ. Nagtawanan at nanukso ang mga matatanda.

Tito Seb: Ayun naman pala eh boto naman pala ang pamilya eh, am sure Goerge would be delighted dahil anak ng best buddy niya ang makakatuluyan ng kanyang unica hija.

Tito Charles: Oh magpiprisinta na akong Ninong!

Tito Seb: Huwag ng pauwiin yan!

Tito Sito: Sigurado ka bang okay sa yo ang apo ko Dennis? Eh okay naman pala sa parents mo eh.

Dennis: Would be an honor to be your grandson Tito Sito!

Nanukso at nangantyaw na ang mga ito at sinakyan naman ni Dennis. Wala namang nagawa si CJ kung hindi ngumiti lang dahil ayaw naman niyang mapahiya ang kanyang Lolo sa pakikipagkatuwaan nito. Pero ang totoo nanggagalaiti siya sa galit kay Dennis. Kung magsalita kasi akala mo totoong-totoo sa loob ang pinagsasabi. Gustong-gusto na niyang suntukin ito.

Dennis: Tito Seb, Liberated naman ako eh I won't mind living in together, besides I have a queen sized bed. As long sa Lolo Sito Allows it.

Lalong nagtawanan, tinatapik pa ni Tito Sito sa balikat si Dennis. Pero si Dei nahahalata ang pagkairita ni CJ.

Dei: Tigilan na nga ninyo si CJ, puro kayo kalokohan eh.

Pilit na ngumiti si CJ.

CJ: Lolo, if you'll excuse me I'll go join my friends now.

Dennis: Samahan na kita...

CJ: No need, you can continue ang have your fun with Lolo.

Sabay pahabol ng bulong... "It seems that you are enjoying having fun at my expense anyway."

Pasimpleng inirapan si Dennis at lumapit na ito sa umpukan nila Rhea at ng mga kaibigan nila Richie. Nagyaya na lang si CJ na magsayaw at hinila si Richie. Hinila naman ni Arbie si Draco at sumayaw ang mga ito ng swing. Nagpalit sila ng partner ni Arbie kaya sa kalagitnaan ng kanta si Draco at CJ na ang magkapartner ng magpalit into waltz ang tugtog. Walang pagaalinlangang nakipagsayaw si CJ kay Draco. Hinapit nito sa bewang si CJ at iniangat naman ni CJ ang dalawang kamay sa batok nito, ngumiti at nagbubulungan pa ang mga ito. Bilang na bilang ni Dennis, tatlong buong kanta na nakapulupot ang mga braso ni Draco sa katawan ni CJ. Inis na inis siya! Dahil mukhang enjoy na enjoy naman ito.

Naguwian na ang mga bisita. Naiwan na sila pati si Tito Sito. Inihatid na nila si Richie at Arbie para sumakay sa helicopter at dumerecho na sa Maynila para sa wedding gift ni Richie ang pagbubukas ng Archie's Cafe. Nang makalayo ang helicopter nagkanya-kanya na ng paalam ang mga ito. Ang pamilya ni Dennis sa Moldex pupunta. Pati si Tito Sito, isinabay na ni Denver papunta sa Moldex para doon na ito magpahinga at isasabay na nilang pababa ng Maynila kinabukasan. Ang buong entourage kabilang si Dennis at CJ sabay-sabay na nagpunta sa Casa Vallejo.

Tahimik lang sa sasakyan si CJ hanggang makapasok sila ng kwarto at silang dalawa na lang. Hindi na nakatiis si Dennis.

Dennis: You're to quiet since we left the venue... are you alright? Are you drunk?

Panay lang ang iling ni CJ. Kumunot ang noo ni Dennis. Napipikon sa inaasta ni CJ.

Dennis: Cat got your tongue or what?

CJ: No, I just don't want to talk to you.

Napatingin si Dennis ng marinig ang sinabi nito, pinagmasdan ang mukha nito kung seryoso ba o ano. Walang kangiti-ngiti at nakaangat ang kilay ni CJ. Halatang pinipigil ang emosyon.

Dennis: Kung may gusto kang sabihin go on... rip it!

CJ: Fine! Do me a favor, enough with pretending you like me or that you even care 'bout me in front of my Lolo and his friends. Stop saying things that you don't mean. Because you might be joking but my Lolo is not. Sa sobrang bilib niya sayo, he would believe everything that you are saying.

Dennis: You never complain before when we are younger. Kapag tinutukso ka sa akin, kinikilig ka pa nga. That has been a family joke ever since, bakit nagagalit ka ngayon?

CJ: That was before, that was a long time ago, that was when I am to stupid to understand that you are just being sarcastic. Sorry to tell you Dennis, that naive teenager who drools over you are long been gone. So please enough with it!

Nagulat si Dennis.. "natanong sa sarili kung totoo ba ang sinasabi niya? Wala na nga ba ang dalagitang yon, wala na nga ba?"

Dennis: So, you have changed then? Found yourself drooling over someone else? A boyfriend? A suitor?

CJ: it's actually none of your business but since I still consider you as a friend, I will tell you... I am having problems introducing another guy to Lolo Sito because of you. So, if you please spare me. My boyfriend is already getting sensitive about it. Truth is konti na lang, you would be ruining my relationship!!!

Nagulat si Dennis... wala siyang kaalam-alam at lalong hindi siya makapaniwala. Napaisip siya... "may boyfriend si CJ? ang "kanyang" si CJ may mahal na iba? Kanya? Kanya nga bang talaga? Naging kanya nga ba o akala lang niya yon?"

Para siyang biglang nanlambot, parang binuhusan ng malamig na tubig na napaupo sa couch. Sandaling tumahimik at ng magsalita, mahina at malumanay na.

Dennis: Sorry then, do I know him? Is he here in Manila?

CJ: No, he's not but he's planning to visit and we cannot plan on it dahil ang alam nga ng Lolo ko, we have something!

Dinampot ni CJ ang cellphone niya may kung anong message na itinatype at itinext kung kanino. Iniwan ang phone sa center table at pumasok na ng banyo para magbihis ng kanyang pantulog. Tumayo at nagpunta sa veranda.

Patuloy lang sa pagisip habang nakaupo... "Kung meron eh bakit sumama sa kanya sa iisang hotel room? Fine, the first one they were drunk pero ngayon bakit pumayag pa rin or is it because wala na siyang choice and she does trust me as a friend anyway? Pero wala naman itong tinatawagan ng madalas or itinetext eh."

Biglang nagring ang cellphone ni CJ, tinignan ni Dennis kung sino "Liam Babe" ang nakasulat. Napaisip siya... Liam? Babe? ito kaya ang BF niya?"

Pinabayaan lang niyang tumunog ito hanggang mawala. Pero after a while tumunog na naman at yung Liam Babe na naman ang tumatawag. Dinampot niya ang cellphone kinatok niya ang pinto ng banyo. Binuksan yon ni CJ ng bahagya at iniabot ni Dennis ang cellphone nito...

Dennis: I think you need to answer this... baka importante eh.

Kinuha naman ni CJ ang phone at bago isinara ang pinto narinig pa ni Dennis ang sinabi ni CJ... "Liam Babe, sorry am inside the shower."

Napatimpla ng kape ng hindi oras si Dennis. Hinubad ang blazer ng kanyang amerikana. Inalis ang cufflings, itinupi ang sleeves ng kanyang polo, hinubad ang
binuksan ang apat na butones ng polo shirt. Binitbit ang tasa ng kapeng itinimpla sa veranda ng kwartong yon.

Patuloy na nagiisip... "Nafriend zone na ata ako ng hindi ko man lang namamalayan."

Lumabas ng banyo si CJ, nakapantulog na, naupo sa kama habang nagsusuklay ng damit. Pumasok naman si Dennis ng banyo, ng lumabas ito nakaputing t-shirt na lang at nakaboxers. Tumayo siya sa tabi ng kama, napatitig sa empty space sa kaliwang bahagi ng kama. Naupo siya doon.

Dennis: Don't worry kakausapin ko si Tito Sito paguwi natin ng Manila.

CJ: Den...

Dennis: Okay na yon, I understand now at masaya ako para sa yo that's what friends are for anyway. Guess... this should also be the last time na matutulog ka sa isang hotel room kasama ako. Hindi magugustuhan ng boyfriend mo kapag nalaman niya.

Humiga si Dennis... nakatitig sa kisame. Ganon din ang ginawa ni CJ. Ilang sandali silang nanahimik na ganon ang itsura. Pinatay ni Dennis ang ilaw, dumiliw sa buong kwarto. Makalipas ang sampung minuto...

CJ: Den natatakot ako madilim...

Gumapang ang kamay ni Dennis at hinanap ang kamay ni CJ na nasa ibabaw ng kama at hinawakan yon.

Dennis: You don't have to be afraid, nandito lang ako.

Ganitong-ganito ang eksena nila when they were teenagers... biglang nagbrownout at sinamahan siya ni Dennis at hindi siya iniwan.

CJ: This is familiar, very familiat situation...

Ngayong mature na sila...

Pinisil ni Dennis ang kamay ni CJ

Dennis: Yes it is... CJ, after all this years... I will still say the same thing...

"You don't have to be afraid, I will always be here."

Lingid sa kaalaman ng isa't isa, tumulo ang luha sa pisngi ni CJ at ang namumuong luha sa mata ni Dennis maagap niyang pinahid bago pa ito tuluyang malaglag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro