Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49 - Ready or not

Lumipas ang isang buwan simula ng ikasal si Dennis at CJ. Kapansin-pansin na ang lumalakas na pagkain ni CJ pero pumapayat pa rin.  Isang madaling araw, napabalikwas ng bangon si CJ. Nagmamadaling nagtungo ng banyo at nagsuka.  Wala naman halos maisuka.  

Naalimpungatan si Dennis.  Narinig ang pagsusuka ng asawa. Bumangon at isinaksak ang electric kettle na nasa kwarto nila at naginit ng tubig. Pagkulo nilagyan ng kalahating mainit na tubig ang tasa tapos nilagyan ng malamig para maging warm.

Binuksan ang pinto ng banyo, bitbit ang tasa ng warm water. Ipinatong sa lababo at hinaplos ang likod ng asawa.  Humila ng face towel sa towel cabinet at pinunasan ang butil-butil na pawis ng asawa. Pinainom niya ng warm water tapos inalalayan na pabalik ng kama.

Dennis:  How are you feeling?

CJ:  I'm okay now, my stomach just flipflopped.

Dennis:  CJ, we need to see the Doctor.

CJ:  Sweetie, we have work, sa weekend na lang.  This might be just morning sickness.

Dennis:  Promise mo sa weekend ha.

CJ:  Yes I promise.

Pero hindi ba dumarating ang weekend, makalipas ang dalawang araw parang bumabagsak na ang katawan ni CJ.  Nagaalala na ito kaya nang araw na yon paguwi nila, idinerecho ni Dennis ang sasakyan sa bahay nila. 

CJ:  Are we visiting Mama Dei?

Dennis:  Yes, she said she misses us na daw so I promised her that we'll have dinner there.  She made lasagna for you.

CJ: I missed her too, is Papa going to be there.

Dennis:  Syempre, alam mo naman yung dalawang yon hindi din mapaghiwalay. 

CJ:  Papa Denver is clingy right? That's where you got it. 

Dennis:  Yah and I got the sweetness from Mama.

Tuwang-tuwa si Dei at Denver ng makita sila. Gusto ni Dennis na makita ng Mama niya si CJ alam niyang mahahalata nito ang pagbagsak ng katawan ng asawa niya.

Humalik at yumakap sila kay Dei at Denver.  Ilang sandali silang nagkwentuhan, mayamaya  pinaupo na sila sa dining area. Naglagay na sila ng kanya-kanyang pagkain sa pinggan at nagsimulang kumain.

Dei:  Hijo, how's married life?

Dennis:  Masaya at masarap Mama, I feel like a king. Nakahanda na ang tsinelas at juice ko kapag dumarating ako sa bahay.  Yaya, tinalo ka ni CJ.

Napangiti si Yaya Susan.

CJ:  Yaya Susan taught me what to do when you come home.  She told me about the juice.

Dennis;  Hindi ko alam yon ah.  Ikaw Yaya ha, may nililihim ka ha.

Yaya Susan:  Natuwa ako kasi mahal na mahal ka ni CJ. Wala daw siyang alam sa pagiging asawa pero kung magagawa daw niya ang mga gusto mo, pwede ng simula yon.  Kaya sinagot ko ang lahat ng tanong niya at tinuruan ko siya pati ang paborito mong klase ng sandwich.

Dennis:  Kaya naman araw-araw may baon ako non.

Denver:  Hon, parang hindi mo nagawa na ipagbaon ako ng sandwich.

Dei:  Asus naiingit pa ito. Papano kita ipagbabaon ng sandwich eh wala kang ginawa kung hindi umorder ng pizza sa office.

Napagmasdan ni Dei si CJ habang nakaupo siyang kumakain sa tapat nito.

Dei:  CJ, are you on a diet or something.  Bakit parang humpak ang pisngi mo... pati yang collar bone mo lumalabas na oh.  I know youre naturally petite pero hindi naman labas ang collar bone mo.

CJ:  No, Mama, am not on a diet po.  I eat a lot nga po eh. You can ask Dennis. Pero you are right I feel like am loosing weight.

Humarap si Dennis kay CJ at hinawakan ito sa dalawang kamay.  Kahit alam  ni Dennis na alam na ng mga magulang niya na buntis si CJ nagpaalam pa rin siya sa asawa na sabihin na nila ang tungkol sa kanyang kondisyon.

Dennis:  Sweetie, I'm getting worried about you, can we just tell them about your condition.  Because am sure they can help.

Napatingin  si CJ sa mga mata ni Dennis. Naawa siya sa asawa na nagsusumamo na sa kanya. Marahang hinaplos ni CJ ang pisngi ni Dennis at tumango.

CJ: Mama, Papa, I'm pregnant!  Maybe that's why... I've been having the morning sickness, I have lower back and hips pain too.

Dei:  We're so happy for both of you!

Denver:  Congrats mga anak!

Dei:  Although, even if you are pregnant, dapat tumataba ka kung malakas kang kumain. Baka naman kulang na ang calcium mo sa katawan dahil dalawa na kayo eh. '

Tumayo si Dei at pinulsuhan  si  CJ.

Dei:  Hon, can you get my cellphone please.

Mayamaya may tinawagan si Dei at kinausap. Pagkatapos nitong patayin ang telepono.

Dei:  Pagkatapos ninyong kumain go change your clothes  to something comfortable at samahan ninyo kami ng Papa mo.

CJ:  Where are we going Mama?

Dei:  Just to visit a friend.

Alam ni Dennis na hindi kayang suwayin ni CJ ang Mama niya.  Kaya wala itong nagawa kung hindi sundin ito. Dahil may dinala naman silang mga damit ni CJ doon, Nakapagpalit naman ito ng capri pants at sleeveless na blouse.  Nakaupo si CJ sa kama ng lumabas ng nakabihis si dennis at nagspray pa ng paborito ni CJ na pabango niya.

Dennis:  I'm ready... let's go down na.

Lumapit si Dennis at akmang hahalikan sa leeg ang asawa pero bigla siyang itinulak nito at nagmamadaling nagpunta ng banyo at nasuka.

CJ:  I don't like your smell!

Dennis: Ano? Eh ito yung paborito mong pabango ko eh.

CJ:  Basta! I don't like it, nakakasuka!

Medyo nahurt ang feelings ni Dennis pero hindi kumibo. Nauna ng bumaba si CJ at naupo sa garden.

Samantala, hinubad ni Dennis ang damit at pumasok sa banyo para maligo ulit.  Inalis ang amoy ng pabango sa katawan niya. Yung layuan siya ni CJ ang pinaka ayaw niyang mangyari.  Hilig pa naman niyang akbayan at yakapin ang asawa kahit nasaang lugar pa sila.

Kumatok si Dei sa pinto ng kwarto ng walang sumagot pumasok at tinawag si Dennis.

Dei:  Nak, sabi ni CJ tapos ka ng magbihis eh bakit nasa banyo ka pa?

Binuksan niya ang pinto.  Lumabas ng banyo ng nakatapis lang at lumapit sa kabinet.  Kumuha ng panibagong sport shirt at maong pants.

Dennis:  Tapos na nga ho, kaso naman sabihin ba niya na ayaw niya sa amoy ko. Eh yung paborito niyang pabango yung gamit ko. Nakakasuka daw kaya eto naligo ulit ako.

Nahalata ni Dei na may himig hinampo ang boses ng kanyang bunso.

Dei:  Nak, pagpasensyahan mo na naglilihi kasi. Baka yung pabango ang ayaw niya.  Malay mo yung amoy ng pawis mo magustuhan niya. Ganyan si Ate mo eh.

Dennis:  I hope so Mama, ayokong layuan ako ng asawa ko.  Besides I like hugging her.  Hindi ko kakayanin kapag ipagtulakan niya ako ulit.

Dei:  Nak... ang OA mo! 

Dennis:  Mama  naman eh!

Dei:  Dennis, hindi madali ang pagbubuntis, kung napagpasensyahan mo ang pagkachildish ni CJ kailangang pagpasensyahan mo ang mga kaweirduhan ng pagbubuntis niya. Yon man lang magawa mo dahil hindi madali ang magalaga ng bata sa loob ng tiyan, dalhin ito ng siyam na buwan tapos ilalabas mo pa.  Kapag nanganganak para ding nakabingit ang paa niya sa hukay so anak the best that you can do is be with all the way and understanding her.

Dennis:  Okay po Mama, I will remember that.

Bumaba na sila at sumakay sa kotse ni Dennis.  Tinungo nila ang bahay at clinic ng isang kabatch ni Dei noong high school na isa ng OB Gyne at Pediatrician nang panahon na yon.

Dei:  Good Evening Chinggay!

Chinggay:  Batchmate! Akala ko nafrank caller na ako,  Imagine si Dei Richards tumawag sa akin

Dei:  Sobra ka naman girl.

Nagbeso ang dalawa at ipinakilala ni Dei ang mga kasama.

Dei:  Girl, you remember my hubby?  Si Denver..

Chinggay:  Of course! I still remember lagi kaming kinikilig kapag sinusundo ka niya sa mga girls night outs natin.

Nagbeso si Denver at bumati.

Dei:  This is my youngest son and his wife CJ.  This is Doctora Cynthia Buena a colleague. Magaling na OB at Pedia yan.

Chinggay:  what a lovely couple.  Sige  upo muna kayo dyan sa salas girl,  I will take a look at CJ. Come Dennis.

Dinala sila ni Chinggay sa clinic nito na nasa harap lang ng bahay na sarado na dahil gabi na. Namangha si CJ at Dennis sa ganda ng clinic nito.  Kumpleto ito sa gamit. 

Chinggay: You're mom said you're wife is  pregnant?  

Dennis:  Opo doc. Nagtext na po kami noon positive pero this week lang po lumabas ang mga symptoms like morning sickness, pain on her lower back and hips. Nagworry lang po ako kasi she's losing weight pero malakas naman po siyang kumain eh.

Ininterview niya si CJ habang isinusulat ang information sa isang index card. Kinuha muna ng Chinggay ang timbang, height, blood pressure at pulse rate ni CJ Tinanong din ang last menstrual date niya. Inilista sa isang index card na may pangalan niya.  

Mayamaya, pinulsuhan si CJ sa bandang leeg. 

Chinggay:  May lahi ba kayong kambal?

Dennis:  Wala naman po ata.

CJ:  None that I know of , why Doctor?

Chinggay:  Para kasing hindi lang dalawang set ng pulse ang nararamdaman ko sa yo. Well, mabuti pa i-ultrasound na kita para masigurado natin at malaman kung ilang weeks na ang baby ninyo.

Hinawi ni Chinggay ang kurtina sa gawing kaliwa ng clinic. Naroon ang ultrasoound machine nito.

Inalalayan ni Dennis na humiga si CJ at tumayo siya na hawak ang kamay nito sa bandang ulunan. Binuksan ni CJ ang pantalon niya at tinakpan naman ni Doctora ng kumot.  Bahagyang ibinaba ang pantalon at underwear para mailabas ang puson ni CJ. Nilagyan ng gel, medyo malamig yon napatingin si CJ kay Dennis.

CJ:  The gel is cold...

Chinggay:  Oo nga kasi nakaaircon dito palagi.  Okay relax ka lang ha. Ikakalat ko yung gel para makita natin ang baby. 

Bahagyang idiniin ni Doctora ang hawak, nakita niya ang parang dalawang korteng beans. 

Chinggay:  Look at that... Dennis, CJ I think you are having a twins.

Dennis:  Twins? Sweetie we have a twins. 

Hinalikan ni Dennis sa noo si CJ.  Ginalaw-galaw ni Doctora at lalong naging malinaw ang itsura ng mga nito. 

Chinggay:  Based on the size,  you are around 13 weeks pregnant. Okay. siguraduhin natin, pakinggan natin ang heartbeat.

Naluha si Dennis at CJ ng marinig na malalakas na dalawang set ng heartbeat.

Chinggay:  So, you see kaya bumabagsak ang katawan mo kasi dalawa pala silang umaagaw sa nutrition na kinakain mo, kulang na din ang calcium intake mo para sa inyong tatlo kaya you will have to eat more.

CJ:  Doctora, I might get fat, I am a model I cannot get fat.

Chinggay:  Dilemna yan ng lahat ng buntis but don't worry babalik din ang katawan mo eventually.   Kumain ka ng masusustansiyang pagkain like gulay, isda, chicken preferably the breast part at alisin mo yung skin tapos sa baboy at baka alisin mo din yung taba.  Instead of rice you can alternate it with potato, sweet potato or banana. Bread will do pero much better kung wheat bread at kung rice brown rice is healthier.

Dennis:  wala po bang bawal?

Chinggay:  You can make her eat anything that she asked for kasi nga naglilihi ayaw naman nating madeprive siya at ang babies pero dapat in moderation.  As much as possible, iwasan ang coffee, sweets like chololates and specially mga softdrinks dahil ayaw natin ng kumplikasyon sa panganganak.  Hindi pwedeng tumaas ang sugar at mahighblood.  Yung juice drink na Calciumade. Tapos milk for the bones and madaming water.

Dennis:  Yes, Doctora.

Chinggay:  I'll give you vitamins for both you and the baby. Para lumaki sila sa tiyan mo ng malusog.  Calcium vitamins na din.  Dennis, CJ, most miscarriages happen before 13 weeks of pregnancy but, after ultrasound confirms baby's heartbeat at eight weeks, the risk of miscarriage is only about 3 percent.  Pero kailangan pa rin nating magingat dahil dalawa yan, mas mabigat yan.  Kung nasa itaas ang kwarto ninyo, it's better to be on the ground floor para sigurado tayong makakaiwas sa mga pagkahulog na yan. Pati sa banyo, put some plastic mats para maiwasan ang pagka dulas.   Since bumabagsak ang katawan mo obvious na hindi nito kaya for now so,  I suggest we put you on house rest  until the 16th week. So stay home for 3  weeks.  You don't have to always lie down, you can do simple walking.  You can move, papakiramdaman mo lang ang balakang mo.  If you feel any pain you have to stop.

CJ:  Okay Doctora I will remember that.

Chinggay:  Then come back after  so we can check kung kaya na ng katawan mo.

Dennis:  Thank you po Doctora.

Sabay-sabay na silang lumabas ng clinic at bumalik sa salas.  Napatayo sila Denver at Dei.

Chinggay:  Nothing to worry about.  She's losing weight because hindi na kayang isustain ng nutrition intake ang katawan niya at ang mga baby.  She's having twins girl!  Kambal ang magiging apo mo!

Dei:  Oh my God!  Thank you Lord!

Niyakap ni Denver si CJ at Dennis. 

Chinggay:  Everything is normal but I need her to stay home for at least 3 weeks and then bring her back para macheck natin kung kaya na ng katawan niya.

Dei:  Salamat Chinggay  for accommodating us.

Chinggay:  Wala yon, what are batchmates for.

Nagyakap pa sila at nagpaalamanan na.  Idinerecho na ni Dennis sa mansyon ng mga Yuviengco dahil gusto ng magulang niya na kasama sila kapag sinabi kila Estel at George ang magandang balita.  Tahimik lang si CJ hanggang makauwi sila.

Tuwang-tuwa din ang mga magulang ni CJ ng malamang kambal ang kanilang magiging apo.  Pinaupo ni Dennis si CJ sa couch kasama ang mga magulang nila.   Ikinuha niya ito ng mansanas at ubas at inilagay sa harap nito.

Dennis:  You have to eat more.

Tinawag ni Dennis si Margie at Bennie at nagpatulong na ayusin ang guestroom.  Ipinababa ni Dennis ang kalahati ng mga damit nila sa guestroom.  Habang ipinaliliwanag ni CJ sa kanyang mga magulang ang ipinagagawa ng Doctora niya.

Pagbalik ni Dennis... may bitbit naman itong isang baso ng warm milk.  Naupo siya sa tabi ni CJ.

Humarap sa kanyang mga magulang.

Dennis:  Can I take a 3 weeks leave from work? I want to take care of my wife and my babies.

CJ:  Den, I'll be okay, Bennie is a certified caregiver.  She can take care of me naman.  Promise I will follow all the Doctors instructions.  

Dennis:  Pinagbigyan kita, I waited for you to be ready for the baby pero may nararamdaman ka na hindi ka pa rin nagsabi. Kung hindi ko pa napansin na nangangayayat ka na, you will not tell me anything.   Kung ayaw mo akong magstay dito para bantayan at alagaan ka, fine by me.  Pero kapag may nangyari sa yo at sa mga baby natin ikaw lang ang sisisihin ko.  Pa, Dad gusto ninyo po ng wine?  Akyat tayo sa veranda?

George:  I would like that, let's celebrate. 

Denver:  Oo nga matagal na tayong walang bonding eh.

Dei:  Mabuti pa nga para makapag- girl bonding din kami habang nakahiga.

Umakyat ng hagdan si Dennis ng hindi nililingon ang asawa. Imbes na wine, Black label ang inilabas ni Dennis.  Kaya alam ng magkaibigang Denver at George na gustong maglabas ng sama ng loob ni Dennis.

Nang maubos ang unang shot niya... huminga ng malalim si Dennis.

Dennis:  Dad, pasensya na ho kayo.  Hindi ko na napigil eh.  Pa, sorry.

George:  Naiintindihan kita. Maswerte nga ang anak ko ganon ka lang magalit eh.

Denver:  We understand Hijo.

Dennis:  Yung totoo, ayokong nagagalit kay CJ because I know how fragile she is.  Hindi naman talaga ako galit nakakasama lang kasi ng loob, but I want her to know na hindi ko na gusto ang ginagawa niya.  Bago pa kami umalis para sa honeymoon.  We already knew she's pregnant. I told her na magpacheck na kami pero nakiusap siya na huwag na muna dahil hindi pa naman full blown ang mga symptoms at wala pa siyang baby bump.  Isa pa, ayaw daw niyang madeprive kami of our time of just being a couple or just being husband and wife.  So this whole time we are just enjoying the time of being a  newly wed. But she promised me the moment she feels anything sasabihin niya but she didn't.  Kung hindi pa ako nagising with her morning sickness hindi ko pa malalaman na ilang araw na pala siyang may nararamdaman. Gusto ko siyang alagaan Papa... I want to share her hardship carrying our baby.  Most especially I want to make sure that she's healthy and ready to do this dahil ayokong magkakakanak nga ako pero mawawala naman ang asawa ko.  I'd rather loose those kids kung ang kapalit naman ang buhay ng kaisa-isang babaing mahal ko.

Inakbayan ni Denver si Dennis at hinawakan naman ni George ang manugang sa balikat bilan g tanda na naiintindihan nila ito.  Nasa pangapat na shot sila ng umakyat si Dei at Estel.

Dei:  Dennis, tama na yan, you have to be sober to take care of her.  Ininom naman niya yung gatas, katakot-takot na pagsosorry.  Alam naman daw niyang kasalanan niya kaya ka nagagalit kaya naiintindihan ka niya tapos nakatulugan na ang pagiyak.  Dei, you don't have to come to work if you don't want to dahil alam ko namang hindi ka din makakapagconcentrate doon. I will have your secretary call you if there is anything.

Dennis:  Okay Mama, thanks for everything. 

Dei:  Son, masama sa buntis ang sumasama ang loob.  Lahat ng nararamdaman niya ay mararamdaman ng mga baby ninyo.  So, konting timpi pa, konting pasensya pa. Like what I told you it's not easy lalo pa yan kambal.  Saka mo na lang bawian ng sangkatutak na sermon kapag nakapanganak na.

Dennis:  Okay po Mama, Mom Estel sorry po. I didn't mean to make her cry.

Estel:  Naiintindihan kita anak, kilala ko naman kung gaano kastubborn at kachildish ang anak kaya alam ko nasagad ka lang.  Sige na ihatid mo muna ang parents mo at gabi ng masyado kung maglalakad pa sila.

Denver:  Hindi na, I feel like walking holding hands with the woman I love.  Naiinggit ako sa anak ko sa sobrang pagkainlove eh.  We can manage hijo.

George:  Bilib talaga ako sa mga moves mo Bestfriend!  Dahil Idol kita ako din magmumuni muna under the stars sa garden kasama ang babaing mahal ko.

Natawa si Dennis... "ayaw talagang magpatalo ng Tatay at Biyenan ko!"

Magkakasabay ng bumaba ang apat,  Inihatid pa ni George at Estel si Denver at Dei na magkahawak kamay na lumabas ng gate at magkahawak din silang naglakad papasok sa garden at naupo doon.

Naglagay pa si Dennis ng huling shot niya at tinanaw ang mga magulang na naglalakad at ang mga biyenan na nakatingin sa langit.  Nilagok ang alak na nasa baso niya, bumunting hininga at bumulong sa hangin... "I hope we end up just like them, CJ".

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro