Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 - wave length

Habang tumutulong ang mga girls sa pagluluto. Buong umagang nakipaglaro si Dennis at CJ sa mga bata  kasama naman ang mga boys.  Gumagawa sila Lee at Prince ng sand castle habang karga ni CJ si Denise.  Naguunahan naman sa pagbabaon sa buhangin sila Archie at Dos, Ibinabaon si Richie at Ace.  May mga hawak naman na sanmiglight si Dean at Tisoy na nakabantay sa mga bata at nagkukwentuhan.

Dean:  Nga pala Cous, wala ka ng magpatabacco ako. So FYI Leslie is 32 weeks pregnant. 

Nilingon ni Dennis si Leslie para tignan ang tyan nito.

Dennis:  Ayos! Pero parang hindi pa halata ah. Sweetie, Ate Leslie is pregnant.

CJ:  That's great, I'll congratulate her.  Watch the kids, you guys.

Lumapit si CJ kila Leslie at binati ito.

Dean:  Payat kasi eh,  ganyan din siya nung magbuntis kay Lee eh.  At sana babae na.

Dennis:  Oo nga, wala pang kalaro si Dee ah. Ilan ba gusto mong anak Kuya?

Dean:  Apat sana. Pero para matupad yan, kailangan mabuntis si Ate mo every two years.  Kasi pag nagedad na siya ng 40 mahihirapan na siya.

Dennis:  Aba eh, paspasan na yan. 

Nagtawanan  sila.

Dennis:  Lee, I heard you're Mama is having a baby in a couple of months.

Lee:  Yes po Tito, and am going to be a Kuya soon. Like Prince, naghigh five pa ang dalawa.

Dennis:  Do you want a girl or a boy?

Lee:  I really, really, really wanted a baby sister just like Prince has a baby sister but if God gave me a baby brother instead its okay, I'll teach him to fight and protect all the girls in the family. Just like you Tito Dennis.

Dean:  Oh ha...  Idol ka ng mga yan.

Dennis:  Sino bang nagkwento sa mga yan ng nangyari?

Richie:  Ang magaling na dalawang Lolo. Nung nasa hospital ka kasi kapag dadalaw kami eh di maiiwan sila.  Gustong sumama eh di syempre hindi pumayag sila Mommy.  Sabi ng Daddy kapag nagpaiwan sila ikukwento sa kanila kung papano mong pinatumba yung bad man at iniligtas ang princess kaya ka nahospital.

Dennis:  Ginawan pa talaga ako ng fairy tale story.

Ace:  Nagtawanan nga kami paguwi kasi nagkwento na sila eh di kanya-kanya ng pabida,  Sabi ni Lee hero ka daw pala eh di dapat may pangalan ka katulad ni Clark Kent kapag hero si Superman. Ang tawag sa yo "the bullet man".

Lalo silang nagtawanan.

Dennis:  Kayo Kuya Ace, Richie, susundan na ba yang mga makukulit na yan. 

Ace:  Yup, under medication kami ni Raine, kasi parang stress sa trabaho. Getting our selves ready for our second honeymoon sa xmas vacation ng mga bata. Para pwedeng maiwan si Dos at si Yaya kila Nanay.  Sana makabuo ng kambal. 

Dennis:  Good luck! Ipagdarasal ko ang kambal.  Ako din gusto ko twins.

Richie:  Gusto mo twins eh nakascore ka na ba?

Prince:  Tito, ano po yung nakascore?

Richie:  Sa basketball Prince... we're talking about basketball.

Dennis:  Yang bibig mo kasi!  Oo nga, Kuya Tisoy remember that weekend na nandon kami ni CJ sa mansyon?

Tisoy:  ah yah, at mukhang buong ground floor ng mansyon ang ginawa nilang whole court.

Richie:  Anong end result? 

Dennis:  Wala eh, mukhang wala naman kasi that has been two months kung  pasok eh di dapat may mga symptoms kaso wala eh.

Samantala,  paglapit naman ni CJ kay Leslie, yumakap at bumati ito.

CJ:  Congrasts Ate Les... you're pregnant pala.

Leslie:  Thanks!  Yah 4 months.

CJ:  Patingin...

Inangat naman ni Leslie ang blouse. May bahagyang nakaumbok lang.

CJ:  Small pa.

Leslie:  Maliit lang ako magbuntis, Yung seven months ni Rose noon kasing laki na ng kabuwanan ko eh.

Inangat ni CJ ang blouse... at tumabi kay Leslie.  Natawa sila.

CJ:  Told you, wala naman eh.

Dei:  Why? Were you expecting to get pregnant?

CJ:  I'll let you ladies on a secret ha... Tita Dei, Ate Rose that time you saw me cooking breakfast I tried. But failed ata eh,  that has been a little more than two months na wala naman.

Malungkot na sabi nito, lumabi pa. 

Ryzza:  Why, do you really want to have a baby?

CJ: Soon po sana, kasi Mama wants to have apo na eh.

Nagkatinginan silang lahat. Nakuha nila ang dahilan ni CJ. 

Dei:  Well, masarap naman talagang magkaapo am sure your Mama will enjoy taking care of the baby.

Leslie:  Don't worry, malay mo delayed lang ang mga symptoms mo... Delayed ba ang monthly visitor mo?

CJ:  Yes, but my menstrual cycle is irregular.  So am not really sure.

Dei:  Well  if you really want to have one, you better have yourself checkded baka kasi may hormonal imbalance ka.  Di ba Ryzza si Raine ganyan?

Ryzza:  Oo nga, they were trying to get pregnant eh laging false alarm so nagpacheck pareho pala silang may hormonal imbalance.  So they are under medication ng mga vitamins para maging healthy ang mga egg at sperm cells nila. 

Estel:  Tama, you can do that when you go back to Manila. Timely magpapacheck up non si Dennis di ba.

CJ:  Opo, but am shy to tell him eh.  He might get offended.

Dei:  Don't worry Hija I will talk to him and suggest it.

Ryzza: Oo, its a good idea. I think si Richie at Arbie din magpapatingin. They wanted to have another baby by next year.

Dei:  Ayan pala eh di magsabay-sabay na kayo.

Dei:  Kapag nagkataon sabay-sabay din kayong buntis.

CJ:  That would be nice  but... I want to get married first before anything else.

Nagtawanan sila.  

Sa Paviillion naghain ng tanghalian at nagtatadtad ng lechon.  Kasama nilang kumain ang mga trabahador na nagrerenovate ng resort at ang ilang mga kapitbahay na nakilala nila Dennis at CJ.  Nagsimula ang salo-salo sa isang panalangin na pinangunahan ni Tisoy.  Pagkatapos kumanta sila ng birthday song habang inilabas ang mango cheesecake na binake ni CJ.  Nagwish si Dennis at hinipan na ang kandila.  At nagsimula na ang kainan.

Matapos mananghalian at saglit na makipagkwentuhan kila Dennis nagbalikan na sa trabaho ang mga trabahador pero sinabihan ni Dennis na pagkatapos ng trabaho ay bumalik sila para maghapunan at inuman.

Naiwan ang pamilya ni Dennis at CJ.  May inihanda daw palaro si Dei at Ryzza.  Ang judges daw si Denver, Damon, George at Estel.  Magkakalaban ang pami-pamilya. Team1  Dean, Leslie at Lee; Team 2 sila Rose, Tisoy at Prince,  Team 3 sila Raine, Ace at Dos, Team 4 sila Richie, Arbie at Archie at ang Team 5 sila Dennis, CJ at Denise.   Tuwang-tuwa naman si CJ na kasali sila.

Naglaro sila trip to jerusalem, sack race, kalamansi relay game, cup pyramid relay game, shoot that ball on the cup, longest greeting, longest line. treasure hunt at shooting game.  Naglaro din sila ng Charades.  Nang lumilim na nangulit na ang mga bata na maliligo sa dagat kaya nagswimming naman sila.  Habang si Dennis bitbit ang camera niya at kumuha na lang ng mga litrato ng makarami na naupo ito sa isang beach chair na nasa ilalim ng mga native na beach umbrella na nakahilera sa beach front ng Resort at pinanood ang mga kamaganak.   

Napapaisip siya at napausal ng dasal... "Kung hindi mo po ako iniligtas malamang hindi ko na nakita ang mga pangyayari ngayong araw na ito.  Kaya salamat po Diyos ko."

Hindi niya napigil ang maluha... mabilis niyang pinahid ang mata para wala sanang makakita pero kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Denver.  Natawa siya ng bigla itong nagsalita sa likod niya...

Denver:  Getting a little emotional son?

Dennis:  Medyo Pa... 

sabay pinilit nyang tumawa.  Inakbayan siya ni Denver at naupo ito sa tabi niya.

Denver:  Don't worry, that makes two of us... 

Dennis:  Bakit naman po? Sign of aging ba yan Papa or what?

Denver:  Loka kang bata ka!   Simula ng mabaril ka, everyday na dinadalaw kita sa hospital I get emotional, I can't help but cry because it seems that we just started our life together as father and son, tapos baka mawala ka pa. For a while back there, I couldn't look or talk to CJ dahil alam ko sa loob ko na nagagalit ako sa kanya. Kahit ayokong magalit dahil alam ko naman it was a choice you made. 

Dennis:  Pa, walang kasalanan si CJ

Denver:  Alam ko naman yon kaya lang hindi ko mapigil  because all the days of my life anak, araw-araw kong ipinagdadasal for God to give me the strength to live long.  Inilalaban ko ang buhay ko para tumagal ako hanggang sa maayos ka na at may sariling pamilya tapos biglang gusto mo na akong unahan. That was unfair anak and I was so afraid to loose you.  Habang nagaagaw buhay ka paulit-ulit kong sinasabi sa Diyos  "walang amang maglilibing sa  anak dahil ang anak ang dapat na maglibing sa kanyang ama." So, don't you dare risk your life ever again.

Hinapit ni Denver ang  balikat ni Dennis at  niyakap ang ulo nito papunta sa kanyang dibdib.  Napayakap na din si Dennis  at naiyak.  Hindi niya inakalang ganon ang naramdaman ng Papa niya.  Kilala niyang matapang na tao ang Papa niya.  Kinatatakutan ng lahat ang galit nito.  Nung mamatay ang Lolo Daddy nila, hindi nila nakitaan ng kahit konting kahiaan ang Papa niya.  He was a brave man.  Kaya yung aminin  nitong natakot siya was too much for him to take.

Dennis:  I'm sorry Papa.  Sorry po talaga.

Denver:  Hindi mo ba narealize anak.... you are my ONLY SON.

Ilang sadali silang nanatili sa ganong posisyon. Hanggang sa lapitan sila ni Dei. Niyakap sila nito.

Dei:  Finally, you had the courage to talk to him. Feeling better now Hon?

Denver:  Yah, I do. Thanks for being my Strength Hon.

Dennis:  You know about this?

Dei:  Of course anak, behind a great man anak, there is a loving woman who will accept him for his strength, his weakness. Imperfections and all.  And when he is weak, I give him the strength. 

Denver:  So, you see... brave men bleed to anak.   If there is something that came out good in all this son... that is... you have proven to the world that we have raised a great man.

Dennis:  How did I do that Papa?

Denver:  Because there is nothing  greater than the one who can lay his life for another.

Ngumiti si Denver, kinusot ang buhok ng kanyang bunso.

Denver:  I am so proud of you son.

Dei:  We really are.  Hay naku pwede ba, tumigil na kayong magama sa  drama pati ako nahahawa na eh.

Dinukot ni Dennis ang cellphone niya...

Dennis:  Selfie muna, kailangan kong idocument ito.

Nagpose naman silang kasama si Dennis.  Tumatakbong lumapit si Tisoy at Rose.

Rose:  Sali kami dyan!

Habang sa di kalayuan, nakatayo si CJ at pinanood sila.  Nag-groupie sila kasama si Rose at Tisoy.   Napansin ni Denver ang panonood ni CJ tapos bigla ng tumalikod, nakita din yon ni Dennis pero ayaw niyang pangunahan ang Papa niya, kaya nagulat siya ng...

Denver:  CJ...  Hija come here.

Napahinto si CJ, at humarap sa kanila.  Pilit na ngumiti.

CJ:  Yes Tito?

Denver:  Come join us for a family picture. it won't be complete without you Hija. 

Tumayo si CJ sa harap ni Dennis, niyakap ito ni Dennis mula sa likod. Hinalikan naman ni Dei sa pisngi ang asawa. Tumingin si Dennis sa Papa niya at bumulong ng pasasalamat sa hangin. Ngumiti si  Denver at kinusot ang buhok ni Dennis at nagroupie sila pagkatapos nagtakbuhan na papunta sa dagat. 

Natahimik ang lugar bandang alas sinko dahil nagsisipagbihis na ang mga ito para sa hapunan. Nakabihis na si Dennis pero hindi pa niya nakita si CJ simula ng matapos ang paggroupie nila. Hindi din ito nagpunta sa Villa para magbihis. Nandoon pa nga ang flowered sundress nito na sinabi nitong susuutin niya ngayong gabi.  Bandang alas sais na yon ng hapon. Sumilip si Dennis sa bintana ng Villa nagbabakasakaling makikita niya si CJ. 

Napatingin siya sa pavillion... nakita niyang isa-isa na namang ipinapasok doon ang mga chafing dish na may lamang pagkain.  Magkakatulong na nagbubuhat si Dean, Tisoy, Ace at Richie.  Inaayos naman nila Islaw at Rachel ang mga lamesa at silya.

Nakita niyang palapit sa kanya si Estel.

Dennis:  Hi Tita, pasensya na kayo sa laking abala ha.

Estel:  Ano ka ba hindi ito abala, masaya nga at tsaka tama lang na ipagpasalamat ang paggaling mo.  Nageenjoy nga ako eh.

Dennis:  Kamusta po pakiramdam mo Tita, hindi ka ba napapagod? Wala po bang sumasakit sa inyo?

Estel:  Nahahawa ka na kay CJ... okay lang nga ako.  Yan palang polo mo okay na bang pagkakaplantsa ni CJ dyan?

Dennis:  Opo Tita, ready na po ako, pero si CJ hindi ko makita eh nandidito pa po yung damit niya.   Nakita ho ba ninyo?

Estel:  Hindi ko pa nga nakikita eh.  Teka muna at sisilipin ko ang Tito George mo kung tapos na bang magbihis.

Dennis:  Okay po Tita, try ko pong tawagan cellphone ni CJ.

Dinampot ni Dennis ang cellphone niya at tinawagan ang cellphone ni CJ pero naka-off yon.

Nagtataka na talaga siya, naglakad siya papunta sa beach front nagbabaka sakaling nanonood ito ng  sunset.  Pero pagpunta niya doon, wala pa rin si CJ.  Sandali niyang pinagmasdan ang paglubog ng araw.  Napaisip siya... "It's now or never Dennis. Kakausapin ko na si CJ."

Nasalubong niya si Denver... 

Denver:  Oh bat nakakunot yung noon mo?

Dennis:  Have you seen CJ ? Kanina ko pa hinahanap eh.

Denver:  Nope, but I think I know some kids who might know where she is...

Itinuro ni Denver ang mga batang nakatayo ng hiwa-hiwalay papunta sa  Pavilion. Palapit na siya kay Prince na nasa unahan ng kanilang linya ng biglang sumulpot si Rose sakay ng E-scooter karga si Denise.

Rose:   Tito Dennis, can you read to me the fairy tale story of  The Bullet Man?

Tumingin si Dennis sa nakatayong si Denver at Damon sa di kalayuan.  Tumango-tango

Dennis:  Of course, baby Denise... One day Prince Dennis and Princess CJ went to attenda a wedding.  It was a very beautiful wedding where everyone looks beautiful and handsome.  After the Church Wedding everyone left to go to the Castle to Celebrate the big  wedding. While they are about to ride their carousel.  A big ugly bad man arrived and pulled the Princess away from her Prince.  She screamed for help and cried.   She was so afraid. The Prince heard her scream and as he saw the big ugly bad man hugging her Princess.  He stormed like a wind, punched the big ugly man here and there.  He was so mad... "No one hurts my Princess. he shouted" and continued to punch and punch and punch until the big ugly bad man could not fight back anymore.  The Villagers tried to stop him because he might kill the big ugly bad man. They thought the big ugly bad man was so beaten up so they started to to walk away. The Princess walked towards the Prince then she saw him put out a gun and aimed it at the Prince. She  ran as fast as she could to protect the Prince.  He was startled and made a big  side step while holding the Princess  so the bullet missed.  He shot him again, he quickly turned his back,  hugged  her and saved her life.  Miraculously, the Prince lived and end up with just a small scar.  Since then, he became famous and became the hero, the bullet man.  He lived but he was not really happy living in the palace alone. He wants to marry  the Princess. So his story continues on...

Biglang nagsalita si Damon... hindi pa din namin alam ang ending  ng story so para malaman natin Prince Dennis has to travel to the castle and pass every obstacle on his way to find the Princess.

Lee:  Tito Dennis lahat ng mga heroes matatalino, Katulad ni Superman kapag si clark siya nagwo-work siya sa Daily Planet.  Tulad ni Ironman, kapag si Tony Stark siya mayari siya ng company na maraming inventions tulad ng robotics.  Kaya dapat matalino ka din to be a hero like them.

Dennis:  Why do I feel like magtetake ako ng UPCAT?  Okay fine, for my Princess I will conquer all the obstacles.

Itinaas pa ni Dennis ang braso na akala mo may hawak na sandata.  Bumubungisngis ang mga bata...

Lee:  I am a Scientist... you can only pass if you can give me at least 10 chemical elements and its symbol.

Dennis:  OMG 10 talaga? Ikaw bang bata ka ilan ang alam mo?  

Lee:  I know all 118 elements Tito.

Natawa na lang si Dean sa anak.

Dennis:  Naku eh mga genius nga pala ang mga ito.  Okay here it goes... C for Carbon, O for Oxygen, F for Flourine, S for Sulfur, Al for Aluminum, CL for Chlorine, Ca for Calcium,  Co for Cobalt.  Dalawa pa, ahm  Cu for Copper and Zn for Zinc.

Lee: CORRECT!  Galing mo Tito Den, you may pass.

Nagpalakpakan silang lahat.   Sumunod naman si Dos.

Dennis:  Ano naman ang specialty nitong batang ito?

Dos:  Name 5 types of Diosaurs.

Dennis:  Ahm napanood ko to sa sine ahm... si T Rex

Dos:  Tito yung full name..

Dennis:  Okay,  Tyrannosaurus Rex, yung nangangain ng kapwa dinosaurs, Carnotaurus. Yung mahaba yung leeg, Diplodocus.   Ahmmm ano pa?

Dos:  Yung parang my fins sa likod Tito Den alam mo yon...

Dennis:   Stegosaurus  O isa na lang.,  wala na akong maisip. Dos help me.

Dos:  Tito Den si Aladar anong type si Aladar yung sa Dinosaur movie  I told you about that mukha siyang reptile di ba?

Dennis:  oo nga wait... ahm reptile like... Iguana ok... Iguanadon.

Nagtatalon si Dos. Nagtawanan sila at nagpalakpakan.

Ace:  Ikaw ang nagpapahula may clue pa.

Dos:  Yaan mo na po Papa.. gusto ko siyang makarating kay Tita CJ eh.  

Naghigh-five pa ang magTito.  Pagakatapos si Archie naman. Nakasalubong pa ang kilay ni Archie ng humarap kay Dennis. Nagkunyaring natakot si Dennis. Natawa ito.

Dennis: Eto pa isang anak ng genius... parang awa mo na Archie  huwag tungkol sa computer. 

Archie: Hindi po Tito Den madali lang,  Countries and its Capitals lang po.

Dennis:  Madali lang yan sa yo?

Archie:  Tito, kabisado ko nga po eh di madali lang if I can name all am sure you can name them too.

Dennis:  Diyos ko bebeh boy, ang lakas ng bilib mo kay Tito.  Game na...

Archie:  I have 10 if you can give me at least 7 you can pass... game na po?

Denni: okay... game!

Archie:   USA?

Dennis:  Washington DC

Archie:  That's 1, New Zealand?

Dennis:  Wellington

Richie:  Nak, obvious na obvious naman eh ang dadali lang. Yung mahirap naman.

Archie:  That's 2, Denmark?

Dennis:  Copenhagen

Archie:  3 na po, Czech Republic?

Dennis:  Alam ko to eh.... ahm  ahm  

Biglang narinig niya si Lee... Tito, sounds like Kokak.  Napaisip si Dennis "kokak? parang malayo naman... ahhh kokak, palaka." Natawa siya sabay sigaw ng ... "Prague".

Archie:  CORRECT! That's 4... Egypt?

Dennis:  Cairo

Archie:  5 na po,  Israel

Dennis:  Jerusalem

Archie:  6, Russia

Dennis:  Muscow

Archie:   7 correct answers na po.

Richie:  Nak, tuloy mo na yung natitira pang tatlo, malakas naman bilib mo sa Tito mo eh.

Tumungin si Archie kay Dennis.

Dennis:  Sige ano yung natitirang tatlo?

Archie:  Pakistan, Switzerland at  Norway po.

Dennis:  Norway is Oslo

Archie:  Correct po.

Dennis:  Switzerland, uhm Berlin or Bern?  

Archie:  Bern po correct

Dennis:  Berlin pala Germany yon... ang last  Pakistan I'd say Islamabad.

Archie:  Yehey ang galing ni Tito Dennis!

Naghigh-five at fist bump pa ang magtiyo.  Biglang tumayo si Prince sa harap ni Dennis.

Dennis:   The master of all numbers eto na siya.  Prince... love mo si Tito Dennis di ba? Huwag mo akong pahirapan ha.

Prince:  Tito Dennis, sabi po ni Papa lahat ng bagay na mahirap makuha nagiging more valuable kasi pinaghirapan mo po. And God will make it happen if it is meant for you.

Dennis:  Nasermunan pa tuloy ako...  okay ready na ako.

Prince:   Write mo po yung answer mo dyan sa paper.  Easy Question - 500 times 6 plus 400 times 35 divided by 10?

Nagcompute si Dennis sa papel habang si Price sa utak lang nagcocompute. Isinulat ni Dennis ang sagot sa papel at hinintay na sabihin ni Prince ang sagot.

Prince:  The answer is 11, 900.  Patingin po ng sagot mo Tito... 11,900 correct!

Dennis:  Yes!!!

Tisoy:  Kayang kaya ni Tito Dennis yan, make it harder Prince.

Prince:  Next question na po... 14427 times  30 plus 9909 divided by 2 +.5 divided by 10

Nagcompute si Dennis. Itinaob sa dibdib ang papel ng sagot niya.

Prince:  the answer is 22,136  ipinakita ni Dennis ang sagot niya 22,136 din.

Napatalon pa si Dennis. Nagtatawanan na sila, Nasa may eksaktong pinto na siya ng Pavillion at nakita na niya si CJ na nakasuot ng puting-puting sundress.

Prince:  Last na po... If your first born is born tomorrow, and every other year another baby is born, how many kids will you have before you reach 40?

Dennis:  Ang dali naman eh...  eh di lima.  because my first is when I am 30 tapos every other year so at 32 that's 2 kids, at 34 that's 3 at 36 that's 4 and at 38 that's 5.  So before I reach 40  I will have 5 kids.

Nagpalakpakan na silang lahat dahil mukhang tama naman ang sinabi ni Dennis.  Biglang sumilay ang pilyong ngiti sa mukha ni Prince.

Prince:  Tito Dennis, sorry pero mali po eh ang sagot ninyo eh...

Dennis:  Paano magiging mali eh ang liwa-liwanag o di ba?

Prince:  Eto po yung question oh, babasahin ko po ulit ah. If your first born is born tomorrow, and every other year another baby is born, how many kids will you have before you reach 40? So ang sagot po is 1  kasi hindi naman po sinabing baby ninyo iyong born every other year eh.

Sabay nagpeace sign si Prince.  Nagtawanan silang lahat.  Pabirong sinakal ni Dennis si Prince ng braso sa leeg at kinusot ang buhok.

Dennis:  Ikaw talaga... 

Bigla niyang nilampasan si Prince... at niyakap na si CJ.

Dennis:  Yes!!!  I win... I found Tita CJ!

Pumasok na ang buong pamilya sa Pavillion at nagkanya-kanya ng upo.

Dean:  Dalawang mahirap na math question, minane mo lang tapos pagbilang lang ng magiging anak hindi ka pa tumama?

Nagtawanan silang lahat.  

Dennis:  Oo nga grabe kayo sa akin. Chemical Elements, Countries and Capitals. Dinosaurs tapos Math questions.  Grabe!   You're all very smart.  Tito Dennis is very proud to have you all for a Nephew.  Sana kasing tatalino ninyo ang mga magiging anak ko in the future.  Pero Sweetie please, next time huwag ang mga ito ang kukuhanin mo sa Team mo ang hirap manalo.  See, last question na namali pa ako.

Prince:  Papano po kasi Tito naexcite ka na when you saw Tita CJ, you didn't think of the question thoroughly.

Dennis:  Tito Islaw, 7 years old yan ah, gumagamit ng salitang thorougly. Spell the word Tito Islaw...

Islaw:  Tho... ano daw pwede bang pass na lang?

Lalo silang nagtawanan...

Denver: Oh quiet na... let's hear the continuation of the story na...

Lee:  So, the Prince went to find her Princess, fought every battle, killed every monster that crossed his path until he reaches the Castle of the Princess.  There awaits the Princess... 

Tumayo si CJ, hinawakan ang dalawang kamay ni Dennis at tinignan ito sa mga mata...

CJ: Dennis...  I don't want to sound desperate  although, I have really been wanting to ask you this question... since that day that I was holding your head  inside the car to bring you to the hospital...  I'll try to say it in tagalog because I really want you to understand... Kasi simula noon, natakoh na akon na mawala ka sa akin. Hindi ko nah alam kun anon gagawin ko kun may nanyari masama sa iyo.  So,  Dennis Richards,  pwede bang pakasalan mo na ako sa lalong madaling panahon?

Natahimik si Dennis... ganon din ang lahat ng walang umimik.  Pumadyak ng paa si CJ... 

CJ:  What??? Did I said it right??!!

Dennis:  It did sounded right Sweetie and I understand... Of course I will marry you soonest.  

Niyakap at hinalikan sa pisngi ni Dennis si CJ. 

Dennis:  Actually,  I wanted to tell you the same thing.  Mama, did you bring the documents. The truth is bago tayo pumunta dito, I already told Mama about it and she helped us by getting our Certificate of No Marriage and Birth Certificate from the NSO Office and a Marriage Licence Application Form and Application for the Church Wedding.

Ibinigay ni Dei ang isang envelope kay Dennis at ipinakita yon ni Dennis kay CJ.

Dennis:  So, all we have to do is fill them out and Mama can bring them back to file them, so we can get married at least in 3 months.  

Ngumiti si CJ at niyakap si Dennis.  Pero syempre hindi papayag si Dennis na ganon lang.  He wanted to see more of what he loves about her.

Dennis:   So, you see I thought of it first before  you did.

CJ:  No, I thought of it after you were shot so, I thought of it first.  Besides I asked you first.

Dennis:  No, I asked you first since I proposed to you first.

CJ;  No, I did it first.

Dennis:  No, you didn'... I did it first.

CJ:  Nauna ako! 

Dennis:  Ako kaya ang nauna.

Nagsimula na namang mainis at mapikon si CJ.

CJ:  Di ba Tita Dei, I thought of wanting to get married earlier first?

Dei:  Oo nga naman Dennis nauna si CJ

CJ:  See,  we can ask each of them if you like.   Mama, sino nauna?   

Estel:  Syempre anak, ikaw dahil doon sa secret natin.

George:  Oo nga, Dennis, sorry pero nauna talaga si CJ

Dennis:  Wala ba akong kakampi dito?  Richie, Cous ipagtanggol mo naman ako.

Richie:  Sorry CJ, nauna si Dennis.

Dennis:  Kuya Dean,  Kuya Tisoy,  Ace?  Sino nauna.

Sabay kindat sa mga boys.  Sumagot ang mga ito ng  "Si Dennis nauna" 

Sumimangot na si CJ, nagmamaktol na. Tuwang-tuwa naman si Dennis sa itsura nito.

CJ:  Ang daya... the boys are getting viased...  Ate Rose, Ate Leslie, Raine, Arbie?  What can you say?

Rose:  I speak for all the girls nauna talaga si CJ at may proof kami.

Dei:  Tama yon anak, kaya kung ako sa yo huwag ka ng humirit.

Dennis:  Ma, ako ang anak ninyo...

Yumakap pa si CJ kay Dei, nakaangat ang kilay at dinilaan si Dennis. Nagtawanan silang lahat.  

Dennis:  Eto na talaga, ang final verdict...  Papa, who thought of getting married earlier?  Ako o si CJ.

Napangiti si CJ....  Lumapit si Denver at inakbayan si Dennis, akala niya siya ang sasabihin nito...

Denver:  I'm sorry son. but it was CJ.

Dennis:  Papanong... eto nga oh, all the documents are ready tapos siya ngayon lang siya gumawa ng paraan to say it.  Fine then... prove to me when did you thought of marrying earlier.

Tumayo si CJ...ngumiti ng pilya at naglakad paikot  kay Dennis habang  nakahawak sa balikat nito.

CJ:  Do you really want me to remind you of the day when Tita Coley arrived?  After we went home and had some tea at the garden? and then we went to your Lolo's house and you carried me...

Dennis:  KIDS CLOSE YOUR EYES...

Tinakpan naman ng mga bata ang mga mata sabay  hinalikan ni Dennis sa labi si CJ, halik na punong puno ng pagmamahal. Nagbilang pa sila Richie. 

10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 ,1

Prince:  Tito Dennis, are you done kissing Tita CJ na po?

Humagalpak silang lahat sa pagtawa. Inilayo ni Dennis ang mukha kay CJ...

Dennis:  Ang daldal mo talaga!

Bumungisngis si CJ at nagyakap sila.































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro