Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35 - Insecurities


Mahigit isang linggo ng nakaconfine si Estel sa hospital.  Naging maganda ang resulta ng recovery niya habang nasa ICU.  Successful ang operation at inilipat na siya sa Private Room ng araw ng sabadong yon. Nagusap-usap ang mga magpipinsang Rose, Dean, Richie at Raine kasama ang mga asawa na magkikita kita sila sa hospital para madalaw si Estel.  Bandang alas tres ng hapon yon. Nakaupo si George sa upuan sa tabi ng kama. kinukwentuhan nito ang nakahigang si Estel.  Magkatabi namang nakaupo si CJ at Dennis sa couch nakasandal si Dennis at tulog nakahilig naman si CJ sa dibdib nito.

George:  Hija, bakit hindi muna kayo umuwi ni Dennis mukhang pagod at puyat yang nobyo mo.

Estel:  Oo nga nak, nandito naman si Daddy mo para samahan ako eh. Mamaya nandyan na sila Twinkle.

CJ:  I already asked him but he said okay lang daw siya. I know he's busy with finishing some paintings at night for the gallery charity event. Tapos work from 8 to 5 pero he still wants to pass by here before going home.  Ngayon ang sabi ko we can stay home dahil pupunta naman sila Lolo but he said ngayon lang daw kami makakastay ng matagal dito.  I don't know what to tell him na Mama eh.  I'm worried he might get sick.

Naiiling na lang ang mga magulang ni CJ. Natutuwa sila sa ipinapakitang concern at pagaalaga ni Dennis sa kanila pero naawa naman sila dahil sobrang pagod na ito sa araw-araw.

George:  Don't worry anak, I'll talk to him later.

Mayamaya lang, magkakasabay na dumating ang mga pinsan ni Dennis. Nagmano at bumati ang mga ito kay Estel at George.  Tumayo si CJ at nagbeso sa mga ito.

Dean:  Tita, kamusta na po?

Estel:  Maayos naman, nakakaupo na ako kahit papano. 

George:  Magpapagaling at magpapalakas na lang siya.  Hopelly after another week makakauwi na din.  Mukhang full force ang angkan ah.

Raine:  Ngayon nga lang po kami nakadalaw kasi busy sa mga trabaho at negosyo. Tsaka kami lang hindi nakasama sila Mama kasi ayaw naman nilang isama yung mga bata dito sa hospital at baka makasagap pa daw ng virus.  Kaya ayon  sila ang taong bahay at tagabantay ng mga apo. 

Rose:  So, we also took the opportunity to meet each other here, we hardly had the time to bond puro work na lang.  It's good that Dennis and CJ is here, now we're complete.

George:  Yun nga ang pinaguusapan namin, yang pinsan ninyo tignan ninyo. Niyaya ni CJ na umuwi para makapagpahinga ayaw, ngayon lang daw sila magtatagal dito kahit pa araw-araw namang dumadaan lang sila dito galing sa trabaho.  Tapos balita ko may mga paintings na tinatapos para daw sa charity event ng gallery. Kaya ayan, pagod at puyat, nagaalala na nga si CJ na baka magkasakit eh.

Richie:  Ibang klase talagang bumakod tong si Insan eh no?

Naupo si Richie sa tabi ni Dennis at si  Arbie sa tabi ni CJ sa couch.  Inilabas ni George ang mga folding chairs at pinaupo ang mga babae.  Sumalampak naman sa sahig si Dean at Tisoy.

Dean:  Richie, gisingin mo nga yan.

Biglang niyugyog ni Richie si Dennis... "Insan, gumising ka na si CJ nawawala. Insan gising! Naalimpungatan ito. "Ano? san nagpunta?

Tatayo na sana. Pero hinawakan ni CJ sa braso.

CJ:  Sweetie I'm here...

Sinuntok niya si Richie sa braso.

Dennis:  Gago ka talaga Insan!

Niyakap ni Dennis si CJ at isiniksik ang mukha sa leeg nito saka bumulong... "I thought I lost you."

Leslie: Awww that's sweet.

Raine:  Yieeee kinikilig ako

Ace:  Yun oh ang mga damoves mo talaga bata, panalo!

Nagtawanan sila. Pinasadahan ng tingin ni Dennis ang mga pinsan niya.

Dennis:  Ano bang ginagawa ninyong lahat dito?  Nalipat na ba ang mansyon ni Lolo dito?

Rose:  Well, we haven't made dalaw Tita Estel yet and we knew you'd be here so we desided to meet here instead. So we can bond na din.

Dennis:  Ano ba Ate ang tanda mo na palpak ka pa rin magtagalog papano  mo tuturuan si Prince at Dee na magtagalog niyan?

Hinampas ni Rose si Dennis sa braso, simula pa ng bata pa sila lagi ng inaasar ni Dennis ang ate niya tungkol sa pagiging englisera nito.  Nagtawanan ang magpipinsan pati na din  si George at Estel natawa na din.

Dennis:  Pinapatawa ninyo si Tita,mamaya bumuka ang sugat niyan eh. 

Ace: Ikaw diyan ang nagpatawa eh.

Dennis:  Umuwi na kayo wala naman kayong dalang pagkain o pasalubong man lang para kay Tita ang kakapal at ang kukuripot ninyo. Istorbo din kayo natutulog ako eh.

Raine:  Ang harsh mo sa amin! May dala kami para kay Tita, para sa yo wala!

Dennis: Okay lang, sanay na ako... besides si CJ lang sapat na.

CJ:  What sapat na?

Tisoy:  He meant okay lang kahit wala kaming pasalubong for him  because "having you is enough for him."

CJ:  Ahhhh isn't he charming?

Dinampian ng halik ni CJ si Dennis sa labi.

Richie:  He shoots and he scored! Dennis the menace 3 points!

Ace:  GF mo na bro binobola mo pa eh. 

Dennis:  Kuya Ace, ikaw lang ang bolero sa pamilyang ito ay dalawa pala kayo ni Richie. 

Richie at Ace:  Bwiset ka!

Natatawang isiniksik ni Dennis ang mukha sa leeg ni CJ habang nakayakap. Binato ni Tisoy ng magasin.

Tisoy:  Huy, kung makaPDA ka wagas, andyan ang magulang niyang jowa mo. Umayos ka nga.

Dennis:  Kuya Tisoy, sinusumpong ka na naman ng pagkasanto mo. Ok lang yan, sanay na sila Tita.  Tsaka alam nilang good boy ako at si CJ ang bad girl. 

CJ: Sweetie!

Naghagalpakan  silang ng tawa. Pinamulahan ng pisngi si CJ pero bumubungisngis naman. Pati si Estel natawa.

George:  Dennis tigilan mo ang pagpapatawa at si Tita Estel mo sumasakit ang sugat sa pagtawa.

Dennis:  Sorry Tita, Huwag ka kasing makinig.  Makipagbulungan ka na lang ulit ng sweet nothings kay Tito para kiligin ulit itong anak ninyo.

George:  Damuho ka talagang bata ka! Pati ako tinutukso mo!

Nakikantyaw naman ang mga pinsan niya.

Leslie:  Talaga ba Tito, may bulungan ng sweet nothings na nagaganap.

Dean:  Eh magbestfriend nga kayo ni Tito Ninong, hindi pa rin kumukupas ang mga damoves nyong pareho.

Tisoy:  Oo nga no Kosa parang ikaw lang.

Dean:  Loko mo! Parang ikaw hindi!

Ace:  Nagkantyawan pa kayo eh pare-pareho lang naman tayo.  Pero mas malala si Richie!

Dennis:  Anong mas? SOBRSANG lala kamo!  Imagine naginit lang ang katawan naghelicopter pa!

Hinampas ni Arbie sa braso si Dennis, napapahiya.

Richie: may ibang pagmamanahan ba ako eh di si Daddy  at Tito Denver lang  idamay na natin si Tito George dahil birds of the same feathers flock together.

Nagtawanan sila, hindi talaga mapigil ni Estel na matawa napapahawak na ito sa sugat niya.

Dennis:  Huy! ano ba kayo yung sugat ni Tita. Tama na nga kasi.

Naiiling na natatawa si George, natutuwa siya sa mga anak at pamangkin ni Denver.  Naisip niya, "tama naman ang mga ito, iisa lang naman talaga ang likaw ng bituka nilang magkakaibigan at ganito din sila nila Denver at Damon magbiruan at magasaran noon."

George: Oo nga pala Dennis... Hijo, as much as I like having you around, mas mabuting sumabay ka na munang umuwi sa mga pinsan mo mamaya ha. You need to rest Hijo, okay naman kami ng Tita mo dito tsaka darating sila Papa mamaya. Umuwi kayo ni CJ para magpahinga at matulog.

Dean: Oo nga naman para naman makapag-alone time sila Tito at Tita kahit sandali.

Tumingin si Dennis kay CJ, may tampo ang tingin nito dahil alam niyang sinabi nito sa magulang na pauwiin siya.

Dennis:  Okay po

Tumayo ito, lumabas ng kwarto at dere-deretsong umalis. Nagulat silang lahat. Lalo na si CJ...

CJ:  Dennis wait...

Pero ni hindi ito lumingon. Natahimik silang lahat hanggang hindi nakatiis si Richie...

Richie:  What's with him? Hindi naman nag- wa-walk out yon.  Hindi nga marunong magalit yon eh. Lagi lang ipinagkikibit ng balikat lahat.  

Ace:  What's eating him up?

Dean: oo nga no? CJ, may problema ba kayo?  

CJ:  None that I know of... but the past few days since the operation, he's been a little uptight. He seems like he always wants to prove himself.  He gets easily annoyed and he got jealous twice when I hugged and kissed Tito Kenji to say thank you.

Tisoy:  Aba, seloso pala si Dennis?

Rose:  Actually, I don't think he is or maybe, he is but he never voiced it out. Dennis is always vocal of appreciating people to a fault.  He idolized  them. I never heard him being envious or jealous.

Dean:  Yah, para lang bilib na bilib siya sa mga taong may magagandang nagagawa.. Kaya nga  I never thought na seloso siya kasi vocal naman siya appreciating other people.

CJ:  It seems so, but have you ever heard him compare himself and say he was not half the man of that person?  Kasi, ako I have when we talked about Tito Kenji.  He was so thankful to him, he was proud but he also said...  " He's a great man and he's job is noble and fulfilling.  Actually, there are a lot of great men in my family like him, most of which I cannot live up to."

Dean:  What?!

Ace:   Ano?

Richie:  Saan naman nanggaling yon?

CJ:  Alam mo ba Dean, he works hard everyday even harder when you are the one who gave him the job and every time I asked him why he always answers, "he doesn't want to fail because you never did and he does not want to disappoint you because that would be embarrasing" 

Dean:  That's not true, marami akong kapalpalpakan hindi lang halata because most of the time kinocover up ni Tito Denver dahil nakakahiya naman na malaman ng lahat na ang  CEO ang pumalpak di ba.

CJ:  He always tell stories about how Tisoy took care of you Rose, carrying you from your bed to your wheelchair, to the couch etc.  Then he said, "you are one great guy Tisoy that's why he idolized you and he wished to be even just half the great man that you are."

Tisoy: Hala siya, I may have done good things pero naman, Dennis is great in his own field nakakabilib kaya kung papano niya pinalaki yung gallery niya.

CJ:  I know right?!  Even with Ace, how you managed to get you life back after that accident and you Richie, how you stand by and fought for your love.  It seems that behind the positive things he say about everybody are insecurities that he is keeping inside. He shouldn't be insercured right?

Raine:  Of course he shouldn't.  He is a wonderful man. I envy his guts to be independenat a very early age.  That is why I did the same. And he did help me on how to do it. Siya ang nagturo sa akin how to open a business.

Arbie: Tama, unang kita ko pa lang sa kanya  I saw his charms, magaan at masaya siyang kasama kasi puro positive energy ang dala niya. He makes every conversation light hindi ba Lahavs?

Richie:  That's right.  Si Dennis parang walang problema sa buhay, he always look at the bright side of life. Kaya napapagaan niya ang lahat.  The best kaya siyang wingman.

CJ:  I want to share with you how great of a man I think he is...  I did blood letting because Mama needs some.  All he needed to do was be there for me to encourage me but he did more. He lay beside me and told the Nurse to take some blood from him as well and then out of the blue...

Inangat ni CJ ang kamay na may nakataling surgical sutures.

CJ:  He proposed his infinite love for me.

Ace:  Ano yan? Nylon string.

CJ:  surgical sutures/thread... it is the one  used to do stiches or close a wound. Dennis said so, this string can save many lives that is why he used it because I saved his life.

Raine:  Awww Bie, ang sweet ni Kuya Dennis.

CJ:  I know right there are a lot of things to love about him.  I really want to help him overcome those insecurities. I want him to see himself the way I see him.  I just don't know how and what to do.

Sandali silang nanahimik.  Nagkakatinginan habang nagiisip.

Tisoy:  It is easy for humans to see fault in others pero si Dennis, he is the opposite. Which is a rare kind. We need to let him know what we think of him.  Baka sakaling kapag narinig niya mula sa ating lahat ang mga positive things na nakikita natin sa kanya, maaring makatulong yon para makita din niya.

Rose:  I think he special need  to hear it from Mom and Dad as well.

Arbie:  and maybe if he hears them from people who are not family, mas makumbinsi siya.

Tumango-tango silang lahat.  

Richie:  I have an idea, I think I know when would be the best time to do it...

Dean:  Ano yon?

CJ:  When would it be?

Rose:  How?

Pero bago pa nakasagot si Richie biglang sumulpot si Dennis may bitbit na apat na shakey's family size na pizza at apat na bote ng 1.5  liters na coke.  Ibinaba nito ang lahat ng yon sa ibabaw ng lamesa. 

Dennis:  Here, mag- meryenda muna kayo baka sabihin ninyo hindi ko kayo pinakain eh.

Iniabot ang calamari, fish and fries kay CJ. Lumapit kay Estel at ibinigay ang cream of corn soup at ang  chicken and pasta  naman para kay George.

Nagpasalamat ang mga ito. Lumapit si CJ kay Dennis at inalok ito ng pagkaing binili niya para dito pero umiling lang si Dennis.  Nagsad face at lip out pa si CJ. Pinipigil ni Dennis ang sarili na halikan ang kasintahan, dahil nagpapacute ito.

Dennis:  Sige na, go eat with them.

CJ:  I want to eat with you. 

Itinapat ni CJ ang fish fillet sa bibig ni Dennis hindi ito ngumanga.

CJ:  Sweetie naman, are you mad?

Dennis:  Have I ever been really mad at you?

Umiling si CJ.

CJ:  okay nagtatampo...

Dennis:  Kasi naman ang bilis mong magsumbong sa Daddy mo. 

CJ:  I'm just worried about you Sweetie,  because I know you are doing a lot of work tapos we pass by here everyday.  You hardly rest and sleep.

Dennis:  Kaya ko ang katawan ko, besides I want to be there for you family.

CJ:  Sweetie, you don't have to prove anything to my family, they already know that you are always here for us.  Pero sige sorry na.  I just told Daddy so he can convince you but if you don't want to go home, we will stay then.

Dennis:  Para ano? Para isipin ng Daddy mo na matigas ang ulo ko.  Besides I already said I will go home.

CJ:  Ikaw lang?  Hindi mo ako isasama?

Dennis:  Oh akala ko ba sabi mo magpahinga ako?  Papano ako magpapahinga at matutulog kung kasama kita?

CJ:  Uhhmmm, I want to rest and sleep with you.

Dennis:  Fine, sige na, sumabay ka na, ihahatid kita sa inyo.

CJ:   Naman eh, sorry na please Sweetie... you know I can only sleep better when you tuck me in bed.  Sorry na, sige you can punish me for what I did.  You can spank me if you want to.

Napatingin si Dennis kay CJ... may naglalarong pilyang ngiti sa labi nito.  Natatawa na siya sa kapilyahan ng kasintahan.

Dennis:  Puro ka kalokohan eh, seryoso ako.

Yumakap ito sa kanya... pasimple siyang hinalikan sa pisngi tapos sa tenga at tsaka bumulong... "I am serious too, especially the spanking park, just be gentle."

Pinamulahan ng mukha si Dennis, nanlaki ang mata sa pagkagulat.  Bumubungisngis naman si CJ sa nakitang reaksyon ni Dennis.

Dennis:  You're silly...

Niyakap na din niya ito.  Lalo naman itong sumiksik sa kanya. Nagsisikuhan ang magpipinsan para ituro si Dennis at CJ sa isa't isa.

Dennis:  Do not start with me Yuviengco,  be careful what you wish for.  Baka patulan ko yang pangbabluff mo.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si CJ sa kanya...

CJ:  I'm not bluffing  Mr. Richards.  

Hinaplos ni CJ ang likod niya papunta sa lower back nito.  Napakislot si Dennis, bahagyang nakiliti.

CJ:  Try me...

Nakangiting kinurot niya ang ilong ni CJ, tinatablan na siya sa kapilyahan ng kasintahan. Nanggigigil siya, pero pinipigilan ang sarili.  Muling dumikit ito sa katawan niya at inilapit ang labi sa tenga niya saka bumulong.

CJ:  But you already know,  may per hour rate is expensive.

Natatawa si Dennis pero pinatulan na ang kalokohan ni CJ... gumanti ng bulong sa tenga ni CJ at hinalikan pa yon.

Dennis:  Money is not a problem, I want you for the night.

CJ:  Sweetie am all yours...

That does it!

Dennis:  Pwede ba mga insan, bilisan ninyomg kumain, umuwi na tayo!

Ang lakas ng tawa ni CJ, napatingin silang lahat... hindi man ito magsalita parang alam na nilang lahat ang dahilan ng pagtawa nito dahil mahigpit na ang yakap ni Dennis sa bewang nito.

Richie:  Ehem... parang gusto ko din yang naglalaro sa isip mo Insan. Lahavs, come here.

Naghigh-five pa sila ni Dennis at hinalikan ni Richie sa buhok si Arbie, bumungisngis ito.

Dean:  Ahm, yah I think its time to go to... I think I need a massage.  Babe uwi na tayo.

Bumungisngis si Leslie at yumakap kay Dean. 

Rose:  Yah, I think it's time for a bubble bath, right babe?

Pinamulahan ng mukha si Tisoy pero ngumiti naman at nagapir pa sila ni Dean. Natawa si leslie. Napatingin sila kay Raine at Ace na panay ang kain ng pizza na para bang wala silang naiintihan sa  pinaguusapan.  Nang biglang...

Raine:  Kuya Dean, paki sabi na lang kila Mommy na dederetso kami sa Benbry may kailangan akong kalikutin na designs eh.

Ace:  Oo nga Kuya baka bukas na namin masundo ang mga bata ha.

Dean:  Oh bakit may tatapusin ka bang scale model?

Ace:  Hindi... bibinyagan ko lang yung bagong carpet sa opisina!

Humagalpak silang lahat sa pagtawa. Kinurot ni Raine si Ace sa tagiliran at tumakbo ito palayo , hinabol naman ni Raine. Tatawa-tawa na silang lahat na nagpaalam kay Estel at George.  Sabay-sabay na nga silang umalis ng hospital.

Habang daan sa sasakyan ni Dennis...

CJ:  It is fun being with your cousins.  They are all makulit and funny.

Dennis:  Yah, masayang kasama yung mga yon kahit sa kainan, kantahan, kwentuhan at lalo na sa kalokohan. All of them are happy and contented with their relationships.  Bata pa ako kapag nakikita ko sila Kuya Tisoy at Ate Rose or si Kuya Dean at Ate Leslie lagi kong winiwish na sana may magmahal din sa akin tulag ng mga nagmahal sa kanila.  And God granted that wish because here you are.

CJ:  I am here because there are a lot of things to love about you Dennis and I will never get tired of telling you that.

Ngumiti si Dennis...  itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinagkan sa labi ang kaisa-isang babaeng nagpabago sa halos lahat na yata ng pinaniniwalaan niya.



















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro