Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 - Homecoming

Lunes na ng makabalik sila Dennis at CJ sa mansyon ng mga Yuviengco.  Kasama nila si Erlinda.  Inabutan nilang nasa garden si Estel at naglalakad-lakad.  Nakita nila George at Estel ang pagparada ng sasakyan ni Dennis. 

Bumaba ito at pinagbuksan ng pinto si CJ.  Lumapit ito sa Daddy niya. Iniabot ang kamay para magmano.  Pero niyakap ito ni George.

George:  CJ please don't just ran away like that, please Hija, pwede naman nating pagusap ang lahat eh. Nagaalala kami ng Lolo  mo sa yo eh.

CJ:  I'm sorry Daddy.

Yumakap naman ito sa ama.  Dahan-dahang lumapit si Estel, may luha ang mga mata.

Estel:  CJ, wala akong balak guluhin ang buhay mo, hindi ko din ginusto na malaman mo pa ang totoo. Sinubukan ko namang itaboy ka pero bumalik ka at nagpumilit. Kung ako lang anak masaya na akong nababalitaan ko lang na maganda ang buhay mo at masaya ka. Kung ang kapalit ng katotohanan ay ang paghihirap ng kalooban mo hindi bale na.  Ok lang na huwag mo na akong kilalanin. Ang gusto ko lang anak mabuhay kang malaya at masaya. Kaya huwag mo ng gagawin yon ulit nagaalala ang Lolo at Daddy mo sa yo eh.

CJ:  No, it was my fault. Pasensya na po kayo, I'm sorry po. I would rather know the truth than live a life full of lies. I'm sorry, I'm just so selfish, stubborn and unreasonable sometimes. I'm sorry po.

Estel:  Wala kang kasalanan anak, naiintindihan kita.   Tama na huwag ka ng umiyak.

Niyakap nito si CJ at pinilit patahanin.

Dennis:  Tita Estel, may kasama ho kami. Pinilit ho ni CJ na isama siya dahil alam niyang sa panahong ito kailangan mo siya.

Tinignan ni Estel ang taong kasama ni Dennis.

Estel:  Nay?  Nanay?

Napatakbo si  Estel palapit sa Ina, umiyak itong nakayakap dito.

Erlinda:  Oh tahan na, tama na naririto na ako.  Huwag ka ng umiyak at baka makasama yan sa yo.  Tahan na.

George: Tuloy po kayo, mabuti pa doon na tayo sa salas para makapagmeryenda. Dennis, maraming salamat at naiuwi mo siya.

Dennis:  Wala ho yon,  hindi naman din ho ako matatahimik kung hihintayin ko lang siyang bumalik.

Biglang nagsalita ang pababa sa hagdan na si Ramoncito. May tono ng galit ang boses nito.

Lolo Sito:  Who says you can just ran away like that Catherine Joyce?  Yan ba ang natutunan mo sa New Zealand ha?  Kailan ka pa naging makasarili at hindi isipin ang mga taong nagaalala sa yo???

George:  Papa, okay na.

Lolo Sito:  George tinuturuan mo ba ako kung papano ko suhetuhin ang apong pinalaki ko?

Hindi nakaimik si  George. 

Lolo Sito:  What did we always tell you?

Nakayukong sumagot si CJ.

CJ:  I should always think of how other people think of the things I say and do.  It is not about me, it is about how I treat other people that matters the most. I should not make people worry and make sure to not hurt anybody with my words and actions.  I'm really sorry Lolo.

Lolo Sito:  Are you sure, you know what saying sorry means?  Kung sa Tita Colleen pwede yang paglalayas mo dito HINDI!  Sa susunod na gawin mo yan, the doors of this home will never open for you! Do I make myself clear?

CJ:  Yes po Lolo.  

Lolo Sito:  From now on, you cannot leave this house without permission, you understand?  Papatayin mo ba kaming lahat sa pagaalala sayo?

CJ:  Yes po Lolo.  No po. I'm so sorry po talaga Lolo. It will never happen again.

Dennis:  Tito Sito, good morning po.

Lolo Sito:  Walang maganda sa umaga, isa ka pa! Sa susunod na maglayas yang spoiled brat na girlfriend mo, huwag mo ng susunduin.   Marunong siyang umalis, matututo siyang bumalik na magisa.  Pabayaan mo siyang mapahamak para maintindihan niya kung anong pwedeng mangyari sa paglalayas niya! Naiintindihan mo?!

Dennis:  Opo Tito.

CJ:  Lolo naman...

Lolo Sito:  Anong Lolo naman? Ano lagi na lang na hahanapin ka, susunduin? Palibhasa alam mong mahal na mahal ka!  Sa susunod na maglayas ka CJ, kahit ikulong ko yang si Dennis gagawin ko para hindi ka mapuntahan, tignan ko kung saan ka pupulutin!

Bihirang magalit si Sito sa apo, kaya alam ni CJ, sobra itong nagalala sa kanya.

Lolo Sito:  Iniwan na ako ng Lola mo tapos maglalayas ka pa!

Napatakbo na sa kanyang Lolo si CJ, yumakap ito ng mahigpit. Paulit-ulit na bumubulong... "I'm really sorry Lolo, I will never do that ever again, I promise."

Sandaling nagiyakan ang maglolo.  Hanggang sa hindi na nakatiis si George...

George:  Tapos na ba kayong magdramang maglolo?

Lolo Sito:  Damuho kang lalake ka! Kasalanan mong lahat ito eh!

George:  Dad naman, tama na.  May bisita tayo, Nay Erlinda, siya po ang Daddy ko ang nagpalaki kay CJ at ang haligi ng tahanang ito... si Señor Ramoncito Yuviengco.  Dad, siya naman ang Nanay ni Estel, si Nay Erlinda.

Erlinda:  Magandang araw po, Señor.

Lolo Sito:  Magandang araw din sa yo Balae. Mabuti naman nakasama ka.  Pasensya ka na sa akin, talaga lang nagalala ako sa apo natin.

Erlinda:  Walang problema yan, kung sa akin baka nakurot ko pa yan sa singit eh.

CJ:  Lola, masakit yon ah.

Erlinda:  Tama naman kasi ang Lolo mo Ineng, walang magandang naidudulot ang paglalayas. Mas madalas na kapahamakan lang. Maswerte ka at matyaga kang hinanap ng kasintahan mo.

George:  Speaking of, salamat talaga Dennis.

Ngumiti lang si Dennis. Inakbayan si CJ.

Dennis:  Hindi ho ninyo kailangang magpasalamat, tungkulin kong pangalagaan at mahalin si CJ.  Tulad ng naipangako ko kay Tita Caring,  Kahit paulit-ulit ko siyang hanapin masiguro ko lang na ligtas siya.

Yumakap si CJ sa bewang ni Dennis.

CJ:  Daddy, he does love me so much right?

George:  Obviously he does, Hija.

Dennis:  Tutuloy na ho muna ako, magpapakita lang ho muna ako sa bahay.

CJ:  Eat lunch with us first.

Dennis:  Baka hinahanap na ako nila Papa eh. I'll come back later I promise.

Sumimangot si CJ, inalis ang pagkakayakap kay Dennis at tumalikod.  Napakamot sa batok si Dennis.

Lolo Sito:  O sige Hijo, umuwi ka na muna para malaman ng Papa mo na nakabalik ka na.

George:  Oo nga, baka nagaalala na din si Denver at Dei.

Estel:  Sige, Hijo. Salamat ulit.  Magiingat ka.

Dennis:  Lola Eleng, mauuna na po muna ako.

Erlinda:  Sige salamat.

Humarap si Dennis kay CJ, hinaplos ito sa pisngi at hinalikan sa buhok.

Dennis: I'll go ahead Sweetie, I'll see you tonight okay?!

Tumango lang si CJ pero hindi ngumingiti.  Wala ng nagawa si Dennis kung hindi pumunta na sa sasakyan. Pagsakay pa lang niya, tumalikod na si CJ at humakbang palayo.  Napabuntunghininga si Dennis.  Dinukot ang cellphone.  Bumabang muli ng sasakyan niya at tinawagan ang number ni Denver at muling isinara ang pinto ng kotse. 

Dennis:  Hi Pa, just wanna let you know am back, kadarating lang namin kila Tito Sito.

Napahinto si CJ sa paglalakad, pinakinggan si Dennis.  Natatawang nagmamasid lang ang pamilya ni CJ na nakaupo sa salas.  Malakas na nagsalita si Dennis.

Dennis:  Yes Papa, I found her.  She's okay, she's still the same Bitch I've met a couple of years ago na namintas sa caricature ni Tito Sito na ginawa ko... but the same woman na minahal ko.

Napangiti na si CJ.

Dennis:  Pa  nasa office pa naman kayo ni Mama di ba? Kakain lang kami ng lunch dito ha, I'll come home later.

Nang marinig yon, tumakbong palapit kay Dennis si CJ, at niyakap ito ng mahigpit. Yumakap na din si Dennis na naiiling.

Magkaakbay na pumasok sila ng sala... tumingin si George at Sito kay Dennis... 

Sito:  Oh Hijo akala ko ba uuwi ka?

Dennis:  Wala, Tito... hindi ako manalo, sa kanya ako eh!

Hinagkan ng smack ni CJ sa labi si Dennis sa harap ng kanyang mga magulang, Lolo at Lola.

Sabay sabi ng ... "I love you Den."

Namula ang mukha ni Dennis, nahiya pero nakarecover naman agad...

Dennis:  Tito George, kung ikaw matatanggihan mo ba?!

Natawa si George, naiiling  na tinapik sa balikat si Dennis at sabay-sabay na silang dumulog sa hapag kainan para mananghalian.

Nang hapon na yon, nasa veranda ang buong pamilya ni CJ

George:  Papa, Nay, maupo ho muna kayo gusto ni CJ sabihin namin sa inyo ang lagay ng sakit ni Estel.  Gusto niya alam ninyo para pare-pareho tayong handa bago pa pumunta ng hospital.

Naupo naman silang lahat...

CJ:  The test results showed that  both ovaries has tumor inside.  Luckily yung cancer cells hindi pa kumakalat sa ibang parts. So best way to treat it is surgery and  six counts of chemotherapy.  If the surgery is successful... life span of five years is positive.  But Dr. Kenji said with proper nutrition,  living healthy can make it more than five years. 

Estel: Having five years, napakaswerte ko na kasi by that time at least I will be able to see you on your wedding day... and seeing you give birth to your first born, I will die happy.

Erlinda:  Hindi, makikita mo pang lahat ng apo mo, magdarasal tayo, pagbibigyan tayo ng Diyos. Ipakikiusap ko sa Tatay mo na tulungan tayong lumapit sa poong maykapal.  

George:  That's right marami tayong padrino sa itaas.  Hindi papayag ang Mama na mawala ka sa amin agad at iwan mo si CJ agad-agad..  You will live longer to see your grandchildren grow.

Lolo Sito:  Tama, kaya magpakatatag ka anak at lakasan mo ang loob mo. Huwag kang matakot nandito lang kami para sa yo.

Hinawakan ng mahigpit ni Sito ang dalawang kamay ni Estel. Pilit itong tumango pinipigil ang maiyak.  Pero kumirot ang kanyang puson, napahawak ito sa puson at napaungol.  Ang totoo dumadalas ang pananakit ng puson nito pilit lang itinatago ni Estel lalo na kay CJ.

Estel:  Magpapahinga na muna ako, ummmpphhh.

Napaungol at napayuko ito.  Nagmamadaling humakbang, inalalayan ito ni  George.

Estel:  Unnnggggghhhh, George .... aarrraaahhhhyyy ang puson ko.  Ang ga-mot ko dalhin mo ako sa kwarto.

Nakita ni CJ na butil-butil ang pawis nito at tumutulo ang luha sa pisngi.

CJ:  Ma...may? are you alright?

Pinilit ngumiti ni Estel sa anak.  Pinangko na ni George si Estel at mabilis na dinala sa kwarto, nakasunod naman si CJ dahil naririnig niyang umuungol at umiiyak sa sakit ang Ina. Humabol si Sito at Erlinda.  Hinawakan sa braso si CJ.

Lolo Sito:  Apo, halika na, hayaan mo na munang makainom ng gamot ang Mama mo.

CJ:  Lolo,  I think she's in too much pain, she's crying.  Dalhin natin siya sa hospital. Please Lolo!

Lolo Sito:  Huwag kang magalala apo, alam ng Daddy mo ang gagawin. Mayamaya lang okay na siya, she just needs her medicine.

CJ:  Pero lolo...

Erlinda:  Apo, hayaan mo na ang Daddy mo na asikasuhin ang Mama mo, mas alam niya ang gagawin.  Halika na, ipakita mo sa akin ang buong bahay ninyo, gusto kong makita ang kwarto mo.

Lolo Sito:  Oo nga apo, sige na itour mo ang Lola mo dito sa mansyon

Walang nagawa si CJ kung hindi ang sundin ang kanyang Lolo. Pero matapos magikot tinawagan niya ang Tito Kenji ni Dennis, nagkwento at nagtanong ng kung ano-ano na malugod namang sinagot ni Kenji.

Kinagabihan, tulog na ang lahat ng tao sa mansyon ng mga Yuviengco pero si CJ gising pa rin.  Hindi siya makatulog at inaalala niya ang kanyang Ina. Sinilip niya ang kanyang Lolo at Daddy sa kanya-kanyang kwarto, pareho na itong tulog na tulog.  Sinilip din niya ang kanyang Lola Eleng sa guest room sa itaas, masarap na din nag tulog nito.

Bumalik siya sa kwarto niya, kinuha niya ang isang comforter, ang kanyang hot water bag at aspercream.   Bumaba siya  papunta sa guest room sa ibaba kung saan natutulog ang kanyang Ina. 

Ikinumot niya dito ang bitbit na comforter. Nagpunta sa kusina at naginit ng tubig na kumulo nilagyan ang kanyang water bag. Bumalik siya sa guestroom at kumuha ng towel na ibabalot sa water bag at ipinatong yon sa bedside table.

 Naupo siya sa lazy chair na nasa tabi ng kama at pinagmasdan ang kanyang ina. Ang nasa isip... "She did everything for her family, she had to work to put Uncle Islaw to school, she had to earn bigger to buy medicine and pay for hospital bill for my Lolo.   Now that she's sick, no one else is there to do things for her."

Napabuntunghininga s CJ, sumandal sa upuan at patuloy lang ang pagtunghay sa mukha ni Estel.

"I have been longing to be with my family, I have been hoping to feel the love of my mom and now that  I have my Dad, now that my mother is here, why does she had to be sick?  Why can't she be with us longer . Life is so unfair."

Nagsimulang maglandas ang mga luha sa pisngi niya, hindi niya mapigil na maiyak.  Pakiramdam niya masakit, napakasakit na magbiro ang tadhana. Nanatili lang siya doon.  Binantayan niya si Estel sa pagtulog.  Hindi na niya alam kung ilang oras siyang nandon. Mayamaya gumalaw ito umikot at hawak ang puson.  Bahagyang umungol, iginalaw ang katawan humarap sa kabilang gilid, sandaling nanahimik.  Makalipas ang ilang minuto, umikot na naman, sapo ang puson, umungol.  Palakas ng palakas ang paggalaw at pagungol nito. Nagmulat ito ng mata, hindi niya napansin ang nakaidlip ng si CJ na nasa couch dahil sa matinding sakit na nararamdaman.  Pinilit niyang abutin ang lalagyan ng gamot sa kabilang lamesa. Nasipa niya ang bedside table na nasa tabi ng kinauupuan ni CJ. Tumunog ito at nagising si CJ. Nakita niyang namimilipit sa sakit si Estel.

Tumayo si CJ, kinuha ang water bag, lumapit kay Estel.

CJ:  May, kalma ka lang... does it hurt.

Nagulat si Estel pero pinilit ngumiti... 

Estel:  Matulog  ka na okay lang ako.

CJ:  Here, put this hot water bag where it hurts, it can help lessen the pain while the medicine has not kicked in yet.  Sige na po, let me help you.

Kinuha ni CJ ang face towel na nasa headboard. Dinampian ang pawisang noon at luhaang pisngi ni Estel.

Walang nagawa si Estel kung hindi sundin ito. Inayos ng CJ ang binalot na waterbag sa tapat ng puson ni Estel. Kinuha ni CJ ang lalagyan nito ng gamot. 

CJ:  which one is the pain killers? 

Itinuro ni Estel at ipinagbukas siya nito ng isa.  Iniabot din nito ang tubig at inalalayan siya sa paginom. Inayos ni CJ ang waterbag at ang comforter.

CJ:  How is that?

Estel:  Okay na nak, salamat.  Matulog ka na.

CJ:  Go back to sleep, I'll stay here.  I can't sleep anyway.

Estel:  Pwede mo ba akong kwentuhan nak?

CJ:  About what?

Estel:  Tungkol sa inyo ni Dennis... papano kayo nagkakilala.

Pinaunlakan naman ito ni CJ.  Masaya itong nagkwento kung papano silang nagkakilala ni Dennis, naging magkaibigan at kung papanong nahulog ang loob nila sa isa't isa. Kung papanong sumama ang loob ni  Richie sa kanila ni Dennis hanggang sa pagalis niya.

Estel:  Minahal mo talaga siya?

CJ:  Of course, I may be young but I really fell for him. He gave meaning to my empty life,  He knows how to make me smile, how to make me happy.

Estel:  Must have been devastating when you had to leave him.

CJ:  It was.   I was miserable when he did not communicate with me anymore. I hated him just to find out that Daddy has his letters.

Estel: Nak, kunin mo yung kahon sa loob ng kabinet.

CJL: Kinuha nga ni CJ.

Estel:  Those are numbered, based on the dates that it was written.  I want you to seat down and  read them to me.

Binuksan ni CJ ang may nakasulat na number 1... 

CJ:  Dear CJ... This are for me?

Estel:  Oo nak, mga sulat ko yan sa bawat kaarawan mo.

Napangiti si CJ,  isa-isa nga itong binasa.  Inabot na sila ng umaga ng matapos ang dalawampu't pitong sulat.    Tinignan ni CJ ang relo niya halos alas siyete na ng umaga.

CJ:  I'll just go get us something for breakfast.  

Paglabas niya ng kusina nakita niyang nagkakape doon ang kanyan ama.

CJ:  Good morning Dad.

George:  Good morning Hija!

Kumuha si CJ ng campbell mushroom soup at isinalang, nagtoast ng apat na wheat breath. Nagtimpla ng isang gatas at isang kape. Naglagay ng dalawang sunnyside up na itlog at bacon.

CJ:  Dad, am bringing this for Mamay... 

George:  Pwede ba akong makisali dyan? 

CJ:  Okay.

Ngumiti si George.  Binitbit ni George ang kape at sandwich na ginawa niya.  Naupo sila sa kama at doon kumain ng agahan.  Matapos magagahan nagkwento si CJ.

CJ:  Look Dad, I have 27 letters, she wrote me a letter on each of my birthday.

George:  That's lovely dear... kaya lang walang kasamang regalo?

CJ:  Daddy talaga, it's okay.

Estel:  Kasi ikaw ang magbibigay sa kanya ng 27 na regalo para sa akin.

CJ:  Yun pala Dad eh.

Natatawang sabi ni CJ.

George: Bakit ba  nangatyaw pa ako?  Ako tuloy ang nahingan ng regalo.

Nagtawanan sila.

Estel:  George ha, kailangan mong bigyan siya ng regalo base sa idad niya ha.  Kailangan paglabas ko ng OR, dala mo yon para kasama ako sa pagbubukas non.

George:  Opo, sige akong bahala.  Kanina pa ba kayo dito?

Estel:  Oo, binantayan ako ng anak ko simula kaninang madaling araw.  Hindi pa nga natutulog yan eh.

George:  Oh bakit hindi ka ba makatulog?  Siguro nagaalala ka?   You don't have to worry, hindi ba she's safe kasi si Kenji ang magoopera sa kanya?  

CJ:  I know Dad, but still I just can't help but worry... I can't sleep.

George:  Hmmmm... I think I have something that can help you with that. But you will have to promise me that you will sleep.

CJ:  Pero Dad, do I still have time to sleep?  What time are we going to the hospital?

George:  We can go anytime so, iaadmit lang naman siya today bukas pa ang operaston eh.  So, you better sleep first.

CJ:  Okay fine. You said you have something that can help me?

George:  Oo, teka lang kukunin ko.

Lumabas si George ng guest room, dinukot ang cellphone sa bulsa, may tinawagan habang naglalakad papunta sa  kwarto niya.  Bumalik ito matapos ang kalahating oras bitbit ang isang pink na kahon.

George:  Here,  this is where I kept your letters to Dennis,  you might want to read them.  It might be able to make you sleep.

Kinuha ni CJ ang kahon at humiga sa tabi ni Estel sa kama.

George:  Oy, don't sleep there, masisikipan pa si Mama mo niyan sa kama eh.

Estel:  As much as I want you to sleep with me anak, maiistorbo kita kapag kailangan kong tumayo.  

George:  Besides I have a surprise for you sa kwarto mo eh.  

CJ:  Hmmmm... what kind of surprise?

George:  Basta!

CJ:  Sige na nga!

 Bahagya munang yumakap si CJ kay Estel bago tuluyang bumangon. Yumakap kay George at tsaka tuluyang lumabas ng guest room at tinungo ang kwarto niya.  

Pagdating niya don, sinipat niya ang buong kwarto, pero wala naman siyang makitang kahit anong surpresa. Lumabas siya ng pinto at dumukwang sa railing ng second floor tsaka sinigawan ang Daddy niya.

CJ:  Dad, where is my surprise?

Lumabas ng guest room si George at Estel...

George:  You will have to prepare yourself to bed first.  Sige na...

CJ:  Ang daya mo naman, wala naman yatang surprise eh.

George:  Catherine Joyce, ano ba go inside your bathroom, freshen up, brush your teeth and change your clothes o gusto mong sa tanda mong yan ako pa ang maghilamos sa yo?

CJ:  Fine... fine... I'm going... make sure you have my surprise ready.  Si Lolo when he said there's a surprise, there is always a surprise!

George:  Talaga naman... kanino pa ba ako magmamana hindi ba sa Lolo mo lang.  Sige na go!

Natatawa nang tumakbong papasok ng banyo si CJ. 

Makalipas ang kalahating oras lumabas si CJ ng banyo. Napangiti ng makita ang kanyang surprise...  si Dennis nakaupo sa couch sa tabi ng kama niya, nakapatong sa kandungan nito ang isang asul na kahon at hawak nito ang isang sulat.

Dennis:  Tumawag ang Daddy mo, sabi hindi ka daw makatulog so here I am. But this time... may mga sulat akong babasahin sa yo.  

Tumakbo palabas ng kwarto si CJ at dumukwang sa railings ng second floor nakita niya sa salas nakaupo ang mga magulang niya.

CJ:  Thanks so much sa surprise Dad... love it!

George:  You're welcome... sleep and rest okay.

Tumango siya at ngumiti at bumalik na sa kwarto. Naupo sa kama sa harap ni Dennis. Nagsimulang magbasa si Dennis...

Dennis:  May dear CJ... ang dami kong bakit para sa yo... Bakit ka umalis?  Bakit hindi ka nagpaalam?  Bakit mo ako iniwan? Hindi mo alam how bad I feel right now, hindi mo alam kung gaano ako kalungkot na umalis ka pero siguro ganon talaga. We had to separate para malaman natin kung hanggang saan natin mamahalin ang isa't isa. I know we are to young for serious relationship pero kung magkaroon ng pagkakataong ipaalam ko kahit kanino ang nararamdaman ko... sasabihin kong seryoso akong mahal kita. Seryoso ang nararamdaman ng puso ko dahil kung hindi eh di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Hindi man kita napigilan, ipapangako ko sa yo na hindi kita makakalimutan kaya abangan mo na lang ang mga sulat ko. I'll miss you CJ... Pagdating ng panahon, when we are in the right age ipaglalaban kita. Pangako.  With all my love, Dennis

CJ:   That's a sweet letter... is that your first letter after I left.

Dennis:  Yup... this is all my letters to you, ibinalik sa akin ng Daddy mo.

CJ:  He  gave me back my letters too.

Dennis:  Come, I'll tuck you in bed na, you have to sleep para masamahan mo si Mama mo mamaya sa hospital.

Naupo na si Dennis sa kama at sumandal sa headboard. Nahiga naman si CJ sa tabi niya.  Kinumutan siya ni Dennis at hinaplos ang buhok nito.

CJ:  Dennis, my Mom will be alright di ba? 

Dennis:  Of course, she will be.   She's a good person, God will  not let anything bad happen to her.

CJ:  Thanks for being home with me.

Dennis:  you are my home CJ, I'll always be here for you.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro