Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 - Paghahanap

Nang umagang yon, dumeretso na si Dennis sa opisina niya.  Kinausap ang mga tao niya tungkol sa mga trabahong dapat gawin at tapusin.   Tinawagan ang mga kailangang kausaping tao.  Inayos ang lahat ng kailangan niyang tapusin.  Inabangan ang pagdating ng ika-sampu ng umaga dahil kadalasan ganong oras dinadala ni Bea ang kape niya.

At hindi siya nagkamali, dumating ito bitbit ang kape...

Bea:  Good morning Sir, coffee po ninyo.

Bumati ito pero hindi tumitingin ng deretso kay  Dennis.  Ngumiti si Dennis.

Dennis:  Thanks Bea, kamusta naman kayo ng Boss mo?

Bea:  Okay naman Sir, busy lang din sa work.

Dennis:  Any good news? or Bad News?

Bea:  Good news Sir, binigyan na siya ng company car.  Kaya may sarili na kaming ride ni Mam.  Kaya  kahit hindi ninyo siya maihatid may sasakyan na siya.  I mean...

Dennis:  It's okay, I know what you mean,  tama ka naman mabuting may sarili na siyang sasakyan. You're Boss deserves it.  Any other news?  Ilang araw na kasi kaming hindi nagkikita eh.

Bea:  Sinubukan ka niyang tawagan Sir, naka-off ang phone mo eh.

Dennis:  Oo nga eh, medyo palpak ako eh.  Kasi hindi ko napigil ang galit and I think you know how I am when I am mad, kaya I had to stay away baka lalo lang akong makasakit eh.

Bea:  Yun din po ang sabi ko sa kanya eh.

Dennis:  And?

Bea: Naintindinan ka naman niya Sir, sabi nga niya baka napapagod ka na kasi ikaw ang nagaabsorb ng lahat ng kapalpakan ng buhay niya.

Dennis:  Hindi ba siya galit sa akin o nagtatampo, nandyan ba siya pwede ko kaya siyang kausapin? Eto oh may flowers at breakfast nga ako pang piece offering.

Hindi nakaimik si Bea, dahan-dahan ng tumalikod.

Bea:  Is she  around?

Humarap na si Bea, hindi alam ang sasabihin mabuti na lang nagring ang office phone.  Sinagot ni Dennis.  Tuluyan ng umalis si Bea.

Dennis:  Hello, Dennis here...

Denver:  Hello son...

Dennis:  Oh Dad, what can I do for you?

Denver:  May itatanong lang ako, nandito si Mama mo, nakausap niya si CJ, nagfile ng indefinite leave to take care of personal matters. Sabi ni CJ ooperahan na daw kasi ang Mama niya in less than two weeks, may mga kailangan daw siyang asikasuhin para don.  Kaya pinayagan naman ni Mama mo.  Alam mo ba ito?

Dennis:  Hindi Dad eh, ilang araw na kaming hindi naguusap. Nagtalo ho kasi kami three days ago.  Tapos pinuntahan ko ho kaninang umaga, wala na don at dala ang ilang damit niya.

Denver:  Ano?  Kamusta ang pamilya niya?

Dennis:  Syempre po nagulat pero sabi ni Tito George ganon daw talaga yon,  kahit noon sa NZ kapag hindi na niya alam ang gagawin, aalis para makapagisip-isip  tapos makalipas ang ilang araw babalik din.

Denver:  Anong plano mo? 

Dennis:  Hahanapin ko siya Pa, kasi alam kong ako ang isa sa dahilan ng pagalis niya eh.

Denver:  Saan mo siya hahanapin?

Dennis:  Palagay ko alam ng sekretarya niya kung nasaan siya eh. Kailangan lang malansi ko si Bea na madulas para sabihin sa akin mukhang nabilinan ni CJ eh.

Denver:  Okay, good luck Son. Sasaglitan ko mamaya sila George para makamusta na din.

Dennis:  Thanks Dad!

Pagdating ng tanghalian, sinabayan ni Dennis at Larry sa tanghalian si Bea.

Larry:  Oh Sir, bakit lulugo-lugo ka?

Dennis:  Wala ang Sweetie ko eh.  Galit ata sa akin, nagfile ng leave ng hindi man lang nagsabi sa akin.  Iniwan na ata ako eh baka binalikan na si Liam.

Larry:  Oo nga Sir, kawawa ka naman.

Bea:  Hindi yon babalikan ni Mam, eh demonyo yon eh!

Larry:   Makademonyo ka naman, bakit mo naman nasabi yon?

Bea:  Kung hindi ba demonyo, tinawagan si Mam, nung isang gabi tapos sabihin bang walang magmamahal sa kanya dahil sa totoong pagkatao ng Nanay niya. Kesyo si Sir Dennis daw humahanap lang ng tyempo para iwan siya dahil anak siya ng isang Call girl.  Naku! Ang sarap talagang ipasalvage ng gagong yon! Nagkatampuhan pa naman sila ni Sir eh di syempre naniwala naman si Mam, iyak tuloy ng iyak.

Larry:  Gago pala talaga yong si Liam.

Dennis:  Baka sinabi lang ni CJ yon para hindi madamay si Liam eh love niya yon eh.

Bea: ANO KA BA SIR! IKAW ANG MAHAL  NI MAM!

Dennis:   Kung mahal niya ako hindi niya ako pababayaang magalala ng ganito. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya, pati telepono niya nakasara. May mahal bang ganon.

Bea:  Magiisip-isip lang yon Sir.   Maghahanap lang ng kasagutan sa mga tanong niya sa probinsiya, sa bandang North. Pero babalik yon, mahal na mahal ka kaya ni Mam.

Biglang tumayo si Dennis at hinalikan sa pisngi si Bea. 

Dennis:  Thanks Bea!

Natawa si Larry, tumakbo na si Dennis palayo.  Nagulat naman si Bea, natulala.  Siniko siya ni Larry... "huy, grabe ka naman nahalikan ka lang ni Sir sa pisngi natulala ka na.  Gusto mo ba si Sir?  Grabe naman karibal ko sa yo."

Hinampas ni Bea si Larry. Natawa silang pareho.  Kinuha lang ni Dennis ang gamit niya at umalis na para puntahan si George at Estel.  Kinausap niya ang mga ito.

Dennis:  Tita Estel, taga saang probinsiya po kayo?

Estel:  Sa North... Taga La Union ako.  Bakit?

Dennis:  Sabi ho kasi ni Bea, nagiisip-isip lang sa probinsya si CJ.  Kung hindi ho ako nagkakamali naghahanap ng mga sagot sa tanong niya si CJ. Yung tungkol ho kasi sa trabaho ninyo noon ang pinagtalunan namin. Nagalit ako na parang hindi maganda ang tingin niya sa inyo ng dahil doon. Palagay ko ho, gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit kayo napapasok sa trabahong yon.  Buhay pa po ba ang mga magulang ninyo? 

Estel:  Ang Papang ko wala na, naistroke siya at inatake naman sa puso. Si Mamang buhay pa,   nandon sa La Union, kasama yung kapatid ko at ang pamilya nito. Pero hindi naman niya alam ang lugar namin doon.

Dennis:  Ang katulad ho ni CJ sanay magbyahe by land ganon ho kasi sa ibang bansa, bigyan lang ng pangalan ng lugar at mapa mahahanap niya ang lugar ninyo.  Pero, hindi ako naniniwalang aalis siya ng magisa.  Palagay ko isinama niya ang isang taong nakakakilala sa inyo kahit papano.

Estel:  Si  Yasmin at Twinkle lang naman ang kilala niya.  May trabaho pareho ang dalawang yon, hindi yon sasama.

Dennis:  Sigurado ho kayo, papano kung alukin ng pera ni CJ?

Napatingin si Estel kay Dennis napaisip... "si Twinkle hindi masisilaw sa pera pero si Yasmin, matagal na yong nahihirapan sa trabaho."

Estel:  Tama, si Yasmin malamang papayag yon.

Dennis:  I thought so, kukuha lang ho ako ng gamit ko, susundan ko si CJ.

Estel: George, pahingi ako ng papel at ballpen.

Inabutan naman ito ni George.

Estel:  Noon, may kaisa-isang Resort Hotel ang naroroon,  ang Agoo Playa Beach Resort. Nang mamatay ang Tatay ko kaparehong taon isinara yon. Siya ang nagmanage ng lugar na yon.  Buo pa ang buong lugar ang alam ko, hindi lang namaintain. Nasa tabi nang resort na yon ang bahay namin. Pero maraming taon na akong hindi nakakauwi, pero eto ang eksaktong address ng lugar, pangalan ng Nanay at kapatid ko. Kung sakaling gusto ni CJ na makilala sila. Diyan siya dapat magpunta.  Palagay ko kung tama tayong si Yasmin ang kasama niya at may balak silang hanapin ang pamilya ko, magtatagal sila at malamang na magbook sa isa sa mga resort hotel na malapit diyan.  Pinakamalapit na Resort diyan yung Cabaguan Beach Resort. Doon ko din dinala sila Yasmin noon kaya malamang na nandon lang sila.  Hindi taga doon si Yasmin kaya hindi maglalakasloob na lumayo yon doon.

Dennis:  Salamat po Tita.

Estel:  Salamat din Hijo.  Magisa kang pupunta?

Dennis:  Baka po isama ko si Vinz yung assistant ko sa Gallery, Ibibilin ko ho muna yung gallery kay Raine at Ace.

George:  Salamat Dennis sa pagaalala mo sa dalaga ko.

Dennis:  Mahal ko ho si CJ, isa pa pakiramdam ko din ho kasi kasalanan ko din yung pagalis niya nagalit ho kasi ako na parang hinuhusgahan niya ang pagkatao ng Mama niya dahil sa dating trabaho nito.  Hindi ho kasi niya nagustuhan yung may mga nakita kayo sa hospital at mall na mga lalaking nakilala ni Tita noon. Medyo napagsabihan ko ho kasi.

Naluha si Estel, hinawakan sa braso si Dennis.

Estel:  Masaya akong naiintindihan mo ako at hindi mo hinusgahan ang pagkatao ko.

Dennis:  Naniniwala ho akong may malalim na dahilan ang lahat ng bagay walang tao na ginustong mapasama siya, kadalasan wala lang siyang ibang choice.

George: Paalis ka na niyan?

Dennis:  Uuwi lang ho sa bahay at magpapaalam kila Papa tapos derecho na po ako.

Sito:  Magiingat ka Hijo, ikaw na ang bahala sa apo ko ha?

Dennis:  Huwag na po kayong magalala Tito, akong bahala. Promise I will bring your granddaughter home safely.

Samantala, nakarating na nga ng mga oras na yon sa La Union si  CJ at Yasmin.  Dahil sa pagkakatanda ni Yasmin, doon nga sila sa Cabaguan Resort pero hindi nagustuhan ni CJ ang lugar, marami kasing tao. Binaybay nila ang kalsada papuntang Santo Tomas, nakita nila ang lumang sign board ng Agoo Playa.

Yasmin:  Sabi ni Ate Estel ito ang kauna-unahang resort noon sa pagkakaalala ko malapit dyan ang bahay ng mga Nanay niya. Pero noong buhay pa ang Tatay niya hindi siya makauwi kaya doon kami sa resort nagstay tapos doon nagpupunta ang nanay at kapatid niya.

CJ:  Okay, I am a little tired from driving so, we better find a better place to stay, we can go look for Yaya Mamay's house later.

Nakita nila ang sign board ng Coastline Villa's  dumerecho pa sila ng kaunti may nakita silang Tindahan. Bumaba si CJ at Yasmin, bumili ng mineral water sa tindahan.

Tindera:  Ineng bakasyunista ba kayo?  May hinahanap ba kayong resort?

Yasmin:  Yun po sanang Agoo Playa, sarado na po pala.

Tindera:  Oo, matagal na, maayos pa naman lahat ng mga kwarto doon kaya lang hindi na kasi namaintain yung pool kase nasa ibang bansa ang mayari.  Ang alam ko kung pa-isa-isang kwarto pumapayag sila. Kasi kumikita na din sila ikinakabit lang nila sa kanila ang Kuryente. May bahay sa tabi ng gate ang Agoo Playa, magtanong kayo doon.

Yasmin:  Ganon po ba, wala na ho bang iba dito na nagpaparenta na hindi resort?

Tindera:  Ibyang, si Rachel ba eh naririyan o nasa Maynila?  May naghahanap ng resthouse dalawang babae lang baka pwede doon.

Ibyang:  Nandyan ho, naku papayag ho yon.

Tindera:  Mabuti pa samahan mo sila.  Ineng, dyan sa bandang dulo may magandang bahay.  Resthouse yan ng isang amerikano na pinay ang napangasawa.  Nagpaparenta yan ng kwarto tignan ninyo baka magustuhan ninyo.

Yasmin:  Sige po, maraming salamat po. Mam, halika tignan natin. 

CJ:  Yas, CJ na lang.

Isinakay nila si Ibyang, dumerecho sila sa bandang dulo naron nga ang isang bahay na maganda, two storey building ito.

Nagdoorbell si Ibyang.  Pinagbuksan sila ng pinto ng isang babae.

Ibyang:  Rach, naghahanap ng matutuluyan ng ilang araw eh ayaw sa resort gusto sa walang tao at medyo tahimik naisip ko baka type mo.  Dalawang babae lang at mukhang sosyal.

Rachel:  Uy, okay yan. Tuloy kayo.

CJ:  Hello,my name is CJ and this is Yasmin.  Can we take a look first?

Rachel:  Sure, this is actually my house. Amerikano ang asawa ko nasa US ngayon dahil magisa lang naman ako dito at wala din naman akong ginagawa kapag may pagkakataon ginagawa kong Bed and Breakfast ito.  Pero hanggang anim na tao lang para lang may mapagkakakitaan ako kahit papano habang wala si Mister. Tatlo ang kwarto nito sa taas, lahat may aircon, carpeted ang buong sahig sa itaas. May sariling toilet and bath at heater bawat kwarto.  Magugustuhan mo dito CJ kasi US ang design. Halika akyat tayo.

Sumunod si CJ, Yas at Ibyang kay  Rachel. Binuksan nito ang mga pinto ng kwarto sa itaas.  Ang dalawa may dalawang double bed.  Yung isa naman may apat na single bed. Yang may dalawang double bed 800 per head per night so 1600 per room. Kumpleto sa bathroom essentials pati towels, bathrobe at house sleepers. 

Yasmin: Wow, sosyal parang hotel lang! 

Dito sa veranda ang ginawa kong outdoor dining area para may magandang view.   Yang kabila naman ang entertaiment area, may TV with cable channel at DVD player at mga sofa bed.

CJ:  You have a beautiful place.  How about food?

Rachel:  Nagluluto talaga ako, you can either order from my ala carte menus.  Most ala carte orders are good for 3 persons. May plated breakfast lunch and Dinner din. Pwede naman kayong magpaluto halimbawa may nabili kayong mga seafood dyan sa labas pwede ko naman iluto for you o kaya basta may putahe kayong gusto, sabihin ninyo lang ng maaga para makakapamalengke ako.

CJ:  Are you really from here? I mean are you born here?

Rachel:  Oo naman, magkababata kami ni Ibyang.

CJ:  That's good I feel safer now.

Rachel:  Safe talaga kayo dito. Kasi may gwardiya ako sa gabi dahil nga nagiisa ako. Naghire talaga ang asawa ko ng regular na makakasama ko sa gabi.

CJ:  We will take it then.

Sunod-sunod na silang bumaba sa salas, kinuha ni Rachel ang susi ng gate niya, binuksan yon para makapagpark si  CJ.  Ibinaba ni Yasmin ang travelling bag niya at maleta ni CJ. Binitbit naman ni CJ ang laptop bag at knapsack niya at dalawang bote ng wine. Tinulungan sila ni Ibyang at Rachel.

CJ:  Can we put the wine on your freezer?  

Rachel:  Of course, pwede kayong bumili sa akin ng kahit na anong nakikita ninyo dyan sa kabinet. Sasabihin lang ninyo para alam ko ang stocks.

Yasmin:  Ayos! daming pagkain sa kabinet eh.

Nagtawanan sila.

CJ:   Just get whatever you want Yas.

Ibyang:  Galante si CJ oh.

CJ :  Not really, it's just that I kidnapped her from her work so she should be compensated.

Naupo sila sa sofa, inilabas  ni Rachel ang isang form at pinasagutan kay CJ. Nang mabasa niya ang buong pangalan ni CJ.

Rachel:  Pinoy ka pala akala ko may lahi ka eh, ganda ng kutis mo at mukha kang manika eh.

CJ:  I'm based in  New Zealand, but my parents are both Filipino.

Narinig nilang may tumatawag kay Ibyang.

Ibyang:  Hay naku si Nanay talaga.  O pano CJ, Yasmin, mauuna na ako ha. Enjoy kayo.

Yasmin:  Salamat sa pagsama sa amin dito ha.

CJ:  Ibyang, can you join us for some wine later?  The more the merrier eh.

Napatingin si Ibyang kay Rachel

CJ:  Rachel is joining us of course.

Rachel:  Oo nga, sige na balik ka mamaya pagkatapos ng hapunan.

Ibyang:  Sige na nga, pramis babalik ako.

Binayaran muna ni CJ ang tatlong gabi, Huwebes na yon ng gabi, kaya bayad siya hanggang sabado at mag-out sila Linggo ng tanghalian.

Rachel:  Eto ang susi ng kwarto ninyo. Pasado alas singko na pala, eto ang menu, pumili na kayo ng hapunan ninyo para makasiguro akong kumpleto ang rikado.

Umorder si CJ ng sinampalukang manok, pritong tilapia na may kamatis at sibuyas  para sa hapunan nila.  Calamares at sisig para sa inuman nila.  Umalis si Rachel para mamalengke, umakyat naman silang dalawa ni Yasmin sa kwarto nila para magpahinga. Bandang alas otso bumalik si Ibyang tapos ng maghapunan sila CJ.  Nakatayo si CJ sa may veranda hawak ang wine glass niya.  Habang si Rachel at Yasmin naman nakaupo sa isa sa pang apatan na lamesa kung saan nakapatong ang wine nila.

CJ:  This place is amazing. 

Rachel:  Marami talagang nakakagusto sa view na yan. So gusto mong magrelax kaya ka nandito?

CJ:  yes and no because besides that there is something else.

Rachel:  So, bakit nga ba kayo napadpad dito?

Ibyang:  Oo nga Yasmin, anong importanteng bagay ang gagawin ninyo dito na nakuha mong umabsent pa sa trabaho.

Yasmin:  Hinahanap kasi namin ang pamilya ng Mommy ni CJ.  Taal na taga Agoo, La Union ito. Ang tanging alam lang namin, noong pumunta ako dito kasama ng Mama niya, diyan sa Agoo Playa nagtatrabaho ang kapatid at Nanay niya.  Eh sarado na so papano pa namin mahahanap.

Ibyang:  Kung dito ipinanganak at lumaki ang Mommy ni CJ, malamang na kilala siya ng matatanda dito.  Pwede nating tanungin ang Nanay ko, tapos doon sa malapit sa kabilang Resort naninilbihan si Tata Indoy at  narito pa rin naman si  Nanang Eleng.

Rachel:  Nandito pa rin ba sila nakatira?

Yasmin:  Oo, huling napunta ako dito mga apat na taon na, nandito nakatira ang Nanay at Kapatid ng Mommy ni CJ dahil nung nakabakasyon kami doon sa kabilang resort pumupunta sila doon.

Ibyang:  Ano bang pangalan?

CJ:  Erlinda Reyes and Estanislao Reyes.

Ibyang:  Hindi ko kasi alam ang mga buong pangalan ng mga taga-dito.  Sa palayaw lang madalas nakikilala eh. Pero sila Nanay malamang matutulungan niya kayo. Hayaan ninyo bukas sasamahan ko kayo, pumunta tayo kay Nanay at sa iba pang matatanda dito.

CJ:  Really, thanks Ibyang, you are a life saver.

Rachel:  Teka bakit mo naman hinahanap ang pamilya ng Nanay mo?

CJ:  She's got Ovarian Cancer at her surgery is due in less than two weeks.  I wanted them to know so if they still wanted to see her, they still have a chance. Nothing is  certain when you are on the operating room.  Whatever happens there is no one's control.  So you know...

Ibyang:  Aba eh dapat talaga nilang malaman, at karapatan nilang malaman.

Naupo si CJ sa tabi ni Ibyang at nagpasalamat ito.  Nagpatuloy sila sa paginom at si Rachel at Ibyang naman ang nagkwento ng masasayang panahon ng kanilang kabataan sa lugar na yon.

 Sa di kalayuan, huminto ang sasakyan ni Dennis lulan ito at si Vinz sa tapat ng saradong gate ng Agoo Playa.

Kumatok si Dennis at Vinz.  May isang lalaking nasa late 40's ang nagbukas ng gate.

Islaw:  Magandang gabi mga Utoy, sarado na ang Resort na ito.

Dennis:  Opo, alam po namin pero hinahanap po namin yung katiwala nito una dahil isa po akong Businessman.

Iniabot ni Dennis ang calling card niya.

Dennis:  Pangalawa may dala ho akong sulat galing kay Estella Cruz Reyes,  ipinabibigay po niya kay Aling Erlinda.

Biglang binuksan ng lalake ang gate ng marinig ang mga pangalang binanggit ni Dennis. Pinapasok ang sasakyan nila sa garahe at saka nagsisigaw...

Islaw:  Nay... Nay... may taong naghahanap sa inyo, may sulat daw galing kay Ate Estel.

Pagbaba nila Dennis at Vinz sinalubong sila ng isang babae, kamukha nga ito ni Estel, medyo sunog lang ang balat nito at matanda na.

Dennis:  Magandang gabi po Lola Erlinda.

Erlinda: Magandang gabi, may dala ka daw balita galing kay Estel?  Kamusta na ang anak ko?  Nasaan na siya?

Dennis:  Eto po ang sulat na padala niya. 

Binuklat sandali  ng makitang sulat kamay nga ni Estel pinapasok sila.

Erlinda: Bitbitin na ninyo ang gamit ninyo at ihahatid namin kayo sa kwarto ninyo.

Kinuha nga nila ang mga gamit  nila sa kotse.

Erlinda: Ako nga ang Ina ni Estel at iyan naman si Islaw kapatid ni Estel.  Kami ang katiwala ng Resort pero ang bahay namin yang nasa kabila ng gate na yan.  Sarado ang resort dahil hindi namaintain ang  swimming pool nito. Pero ang mga kwarto buo namang lahat. Kapag may pagkakataon katulad ngayon, pinarerentahan ko ang Villa na ito para kahit papano may extrang kita. Sa bahay ko galing ang kuryenteng nakakabit sa Villa. Tuloy kayo tuloy.

Dennis:  Salamat ho, ang totoo ho, hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami dito depende po kung makikita namin ang inyong apo?

Erlinda:  Apo?

Dennis:  Opo, kaya nga po kami napasugod dito dahil umalis po ng bahay ang anak ni Tita Estel. Nagpunta siya dito para hanapin kayo, dahil ngayon niya lang nalaman ang  tungkol sa kanyang Nanay, marahil gusto niya kayong makausap para makilala niyang mabuti ang kanyang ina at siguro para ipaalam na din sa inyo ang kalagayan ng inyong anak.

Erlinda: Wala pa namang ibang naghanap sa akin kung hindi kayo kaya malamang hindi nila kami natunton kaya nagrenta na ng kwarto na matutuluyan ang mga taong sinasabi mong apo ko  dahil gabi na.  Kaya mabuti pa magpahinga na kayo, bukas na natin pagusapan yan.

Dennis:  Sige po.

Erlinda:  Ano nga ang pangalan mo? 

Dennis:  Dennis po at ito naman po si Vinz.

Erlinda:  Ikinagagalak ko kayong makilala.  Teka naghapunan na ba kayo?

Vinz:  May dala po kaming mga pagkain,  meron po kayang initan ng tubig pangkape at yelo dito?

Islaw: Meron, sige kukunin ko.

Dennis:  Salamat po at magandang gabi.

Pumasok na si Vinz sa Villa, may sariling dining area, kitchen, living room at banyo ang lugar.  Nauna ng naligo si Vinz. Pagbalik ni Islaw bitbit nito ang electric kettle at isang sando bag ng tube ice.  Inilagay iyon sa loob ng freezer ng refrigerator na nandon.  Dinalhan din sila ng 2.5 liters na mineral water.

Dennis:  Salamat Islaw, o baka gusto mo ng pampaantok may beer kami dito.

Islaw:  Hindi ko tatanggihan yan.

Kinuha nito ang iniaabot ni Dennis na beer in can at tuluyan na itong umalis.  

Inilagay ni Dennis ang mga natirang beer at softdrinks sa bitbit nilang cooler at loob ng refrigerator.  Kumuha ng isang beer in can saka lumabas at naupo sa beach chair na nasa harap ng Villa at tumanaw sa dagat  habang hawal ang beer niya.

Sa kabilang banda, nakatayo naman si CJ sa veranda hawak ang glass wine na niya.  Maingay ng nagiinom ang mga kasama pero siya ang nasa isip si Dennis.

Ganon din si Dennis sa pagkakaupo niyang yon si CJ ang laman ng isip.

Iisa ang sinasabi ng isip at laman ng puso ... "Nasaan ka na?  Namimiss na kita, mahal ko."










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro