Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23 - The search

Ilang araw ang lumipas matapos malaman ni CJ na ang  Estel na nabanggit ng mga volunteer kay Denver ay nagngangalang Estella Cruz Reyes.  Sa ilang araw na pagiisip nakapagpasya si CJ.  Kakausapin niya ang babaeng tinutukoy nila Twinkle at Yasmin.  

Kung totoong kailangan nito ng tulong, tutulungan niya para sa kanyang Daddy dahil naniniwala siyang kaibigan ito ng kanyang ama.

Nakasakay sila sa kotse ni Dennis ng sabihin niya sa kasintahan ang nasa isip.

CJ:  Den, I want to talk to that Estel you mentioned.  Just to ask if she knows my Lola or not, whatever her answer is,  if she really needs help, I wanted to help her  not for anything but just it is the right thing to do. 

Dennis:  Okay, if you really wanted to, I will set to meet with Twinkle and Yasmin. I am sure they will be able to bring us to her.

Kaya nakipagkita si Dennis kila Yasmin at Twinkle sa Starbucks kung saan sila unang nagkita. Nakaupo na at naghihintay si Dennis at CJ ng dumating sila.  Nang makita sila ni Dennis, umorder ito ng Frap para sa kanila.

CJ: Hi!  Thank you for coming.

Twinkle:  No, thank you for trying to help.

CJ:  Dennis mentioned that you were looking for George, I'm his daughter. He is in the US right now so I don't think she would be able to help. That's why I asked Dennis to  meet with you on behalf of my father.  If you are sure that my Dad is her friend then I will be the one to help her in his behalf.

Yasmin:  That would be great!

CJ:  But I need to make sure that she is really the Estel that my father knew back then.

Twinkle:  We are sure she is.  We do not have any proof besides the fact that we were with them at some point. We worked at the same bar where Estel was working before. She was the one who introduced us to Sir George, Sir Denver and Sir Damon.

CJ:  If you see George right now can you identify him?

Yasmin:  Yes... if I remember it right he's tall, a little dark, he has a mustache.

Twinkle:  Malabo na ang mata niya, he has an eye glass but hardly wears them sabi niya kay Ate Estel, pakiramdam daw kasi niya ang tanda na niya kapag nakasalamin siya.

CJ:  My dad says the same thing when I catch him reading the newspapers without his glasses.

Lalong lumakas ang hinala ni CJ kaya dinukot niya ang cellphone, naglogin sa kanyang facebook at hinanap ang litrato ng pamilya nila na kuha ng araw ng libing  ng kanyang Lola.  Ipinakita niya iyon kay Twinkle at Yasmin.

Nanlaki ang mata ni Yasmin, napangiti naman si Twinkle ng makita ito.

CJ:  Is this the man that you are talking about?

Yasmin:  Yan,siya nga yan!

Twinkle:  Yes, he is the one that we are talking about.

CJ:  Do you know where we can find her?

Twinkle:  Oo, nasa San Jose Del Monte, Bulacan siya.

Dennis:  Hindi ko kabisado ang lugar na yon pero kung maibibigay ninyo sa akin ang address pwede kong hanapin.

Yasmin:  Pwede naman namin kayong samahan.

Tumingin si Dennis kay CJ at hinawakan ito sa kamay.

Dennis:  What do you think?  It's your decision.

CJ:  I wanted to see her... can we do it right now.

Dennis:  My schedule is open so of course  I can bring you there.  Yas, Twinkle pwede ninyo kami samahan sa kanya ngayon?

Twinkle:  Oo naman Sir.

Lulan ng sportscar ni Dennis, sama-samang tinungo nila ang tahanan ni Estel. Halos dalawang oras bago sila nakarating sa San Jose Del Monte.

Pumasok sila ng isang malapad na kalsada sa likod ng isang palengke. Binaybay nila yon hanggangsa dulo at kumanan sa kasunod na kalsada at sa dulo non may isang compound.  Huminto sila sa tapat ng kahoy na gate.

Twinkle:  Sir, yan na po.  Sa compound po na yan nakatira si Ate Estel.

Bumaba silang apat at nauna si Yasmin at Twinkle na pumasok sa compound. Mukhang malinis naman ang paligid pero may mga batang naglalaro.  Sa gawing kaliwa kung saan nandoon ang gripo ng tubig, may mga nakapilang balde at mga tao. Yung ilang bahay sa harap may mga lamesa at nagtitinda ng fishballs at kwekkwek, may nagiihaw ng isaw at kung ano-ano pa.  Ang isa naman mga lutong ulam.

Pumasok sila sa pinakadulong hilera ng mga apartment at huminto sa tapat ng pinakahuling pinto.

Kumatok si Yasmin sa pinto.

Yasmin:  Tao po, Ate Estel si Yasmin ito, Ate!

May narinig silang sumagot at umubo. 

Estel:  Sandali lang.

Bumaba sa hagdan ang isang babaing payat na payat, nangangalumata at nangingitim ang paligid ng mata nito. Gusot-gusot ang buhok na para bang walang lakas ang mga braso at kamay para suklayin iyon.  Suot nito ang isang lumang-lumang daster. Nang makarating ito sa maliit na kusina ng bahay, muling nagsalita.

Estel:  Yas tuloy kayo itulak mo lang ang pinto bukas yan.

Kinuha  nito ang isang bote na may gamot, kumuha ng isang pirasong tableta at ininom iyon.

Yasmin:  Ate, kamusta ka?  Mabuti naman umiinom ka ng gamot.

Estel: Oo hangga't may naibibili, Twikle galing kayo ng trabaho?

Twinkle:  Hindi ata, galing kame sa Makati, may kinausap lang kami.  Huwag kang magagalit pero naisip namin ni Yas na humanap ng tulong.  Gusto namin na mabuhay ka pa eh.

Yasmin:  Hinanap namin si Sir Denver at Sir Damon para mahanap namin si Sir George.  Kaso nasa US pala si Sir George pero natagpuan namin sila at kasama namin ang anak ni Sir Denver, gusto daw nilang tulungan ka.

Estel: Ano?  Hindi ba sinabi ko sa inyo, hindi ninyo ako kailangan tulungan?  Kaya kong alagaan ang sarili ko!

Twinkle:  Pero ate...  may pakay din sila sa yo.

Biglang pumasok sa pinto si Dennis at nakakapit sa braso nito si CJ.  Nanlaki ang mata ni Estel ng makita si CJ.  Napakapit sa dibdib.  Halatang nagulat hindi nakaligtas yon kay CJ. Pero kinalma ni Estel ang sarili at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Samantalan si CJ naman hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng hagudin niya ng tingin ang humpak na mukha at patpatin na katawan ng babae sa harap niya.  Naawa ba siya? Hindi siya sigurado pero may kirot sa puro niya ang itsura ng babaing ito.

Dennis:  Ang sabi po ng Papa ko kaibigan ang turing niya sa inyo at pinalaki ho ako ng Papa ko na ang pagtulong kusang ibinibigay sa taong nangangailangan nito kahit hindi pa siya humihingi.  Kaya hayaan po ninyong tujungan namin kayo.

Estel:  Hindi ko kayo kilala, hindi ko kailangan ng tulong ninyo!

CJ:  Please  Ms.  Estel just give me a few minutes, I came here because my Grandma,  Carina Yuviengco passed away. She left a letter and asked me to find Estella Cruz-Reyes or famously called Estel.

Estel:  Umalis na kayo! Hindi ko kailangan ang tulong ninyo... Hindi ko kilala ang mga taong sinasabi mo! Umalis na kayo!

CJ:  Please... Ms. Estel.  Just let me read this letter in front of you. I just need to do my Lola's last will.

Estel:  Hindi mo ba ako  naririnig? Bingi ka ba? Hindi ko kilala ang Lola mo! Hindi ako ang tinutukoy niya. Marahil kapangalan ko lang yan.  Wala din akong mga kakilala at kaibigang mayayaman. Customer marami.

Dennis/CJ:  Customer?

Estel:  Bakit, parang nagulat kayo hindi ba sinabi sa inyo ng dalawang ito kung saan nila nakilala ang mga Tatay ninyo?

Tumingin si Dennis at CJ na parang nagtatanong at naguguluhan kay Twinkle at Yasmin.

Dennis:  Sa bar po...

Estel:  Hindi basta sa bar, high end na bar sa Jupiter Street.  Yung may nagsho-show at naghuhubad.  Yung may VIP room at yung lugar kung saan bumabayad ng aliw ang mga lalaki. Isa akong GRO, Call Girl, Putatsing o kalapating mababa ang lipad.  Or in your words Miss, I am a whore!

Parang nagulat si CJ.  Napatunganga kay Estel, parang hindi makapaniwala. 

Estel:  Nagulat ka? Sa palagay ninyo papano ko nakuha ang sakit ko ha?  Hindi basta cancer sa kung saang parte ng katawan ang meron ako. Ovarian Cancer due to repetitive ovarian infections.  Ngayon tatanungin kita, sa palagay mo ba may kilalang katulad ko ang Lola mo? 

Hindi nakaimik si CJ pero titig na titig sa mukha ni Estel at kusang tumulo ang mga luha, bagay na hindi niya maintindihan.  Bakit ba naantig ang puso niya sa babaeng ito?

Estel:  Kung tutuusin pwede ko kayong lokohin para mapagaan ang pakiramdam ko at maging libre ang mga gamot ko at mapagamot ako dahil sa tulong na iniaalok ninyo.  Pero napakarami na ng kasalanang ginawa ko sa mundo, maraming pamilya na ang nasira ko dahil sa pagiging babae na nagbibigay aliw sa mga ama ng tahanan.  Kaya sa mga huling sandali ng buhay ko gusto ko namang kahit papano gumawa ng mabuti, gumawa ng bagay na hindi mapapahamak ang ibang tao.  Kaya huwag ninyo akong kaawaan dahil hindi ko deserve ang awa at tulong ninyo.

Dennis:  Miss Estel, everyone deserves another chance at sa narinig ko mukha namang pinagsisisihan mo ang kung ano mang mga kasalanang nagawa mo. Kung ang Diyos kayang magpatawad, kami pa kayang mga tao.  Isa pa wala naman sa pamilya namin ang  nasira ng dahil sa yo. So, gusto ka pa rin naming tulungan.

Estel:  Dakila ka kung ganon, mabubuti ang mga magulang mo kaya ka napalaki ng ganyan.

Humarap si Estel sa umiiyak ng si CJ. Hinawakan ito sa braso. Kumabog ang dibdib ni CJ.

Estel:  Naiintindihan kita Ineng, gusto mong tupadin ang hiling ng namayapa mong Lola. Pero dapat sigurado ka na ako ang hinahanap mo at hindi kapangalan ko lang. Ganito na lang...  kung totoong kilala ako ng iyong Lola ibig lang sabihin na nakilala ko ang iyong ama, maaaring naging customer ko siya.  Kaya para makasiguro ka, kausapin mo muna ang iyong ama at itanong sa kanya kung kilala ba niya ang babaeng ipinahahanap ng Lola mo.  Sa kanya mo itanong kung kilala niya ang babaeng yon at kung sino ito sa buhay niya? Itanong mo sa kanya kung tama ba at pumapayag ba siyang basahin mo sa akin ang sulat ng Lola mo.  Kapag umoo siya, bumalik ka dito at papayag akong makinig sa sulat ng lola mo.

Tumango si CJ at tumalikod na.

Estel:  Pasensya ka na Ineng... pagod na akong makasakit ng tao lalong ayokong masira ang pamilya at buhay mo kung hindi pala ako ang hinahanap mo.  Kaya sana naiintindihan mo na ginagawa ko ito para sa yo at sa ikatatahimik ng buhay mo.

CJ:  I understand.. sorry to disturb you and thank you for your time.  Let's go Den.

Humawak na ito sa braso ni Dennis. Dumukot si Dennis sa bulsa at inilabas ang calling card niya at ipinatong sa lamesa.

Dennis:  Kung sakali hong magbago ang isip ninyo,seryoso ho akong gusto ko kayong ipagamot. Tawagan lang ho ninyo ako. Tutuloy na po kami.

Estel:  Salamat... matanong ko nga, magkasintahan ba kayo?

Dennis:  Opo.

Ngumiti si Estel, may namumuong luha sa mata na pinipigil na malaglag.

Estel:  Pagpalain ng Diyos ang inyong relasyon. Alagaan ninyo yan, dahil ang magmahal ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat.

Dennis:  Salamat po, aalis na ho kami.

Naiwan na si Twinkle at Yasmin dahil sa malapit lang din naman daw sila nakatira.  Inihatid na lang nila si Dennis at CJ sa kotse.

Twinkle:  Pasensya na kayo Sir Dennis, Miss CJ.

Dennis:  Wala yon, hindi naman ninyo alam na magagalit siya eh.  Mga totoong kaibigan lang kayo kaya ginusto ninyong tulungan siya pero alam ninyo wala namang ibang makatutulong sa kanya kung hindi ang sarili niya eh.

Yasmin:  Oo nga ho eh, kung ayaw niya wala naman tayong magagawa.  Salamat din ho sa pagsama sa amin at least we tried.

Sumakay na sila Dennis at CJ, kumaway na lang sa kanila at tuluyan ng nilisan ang lugar. Pagbalik nila Yasmin at Twinkle na nakatira sa katabing apartment. Narinig nilang humahagulgol si Estel. Pinuntahan nila ito.

Nakita nilang namamalipit ito sa sakit ng puson at pilit  inaabot ang gamot sa ibabaw ng ref. Napatakbo si Twinkle, inabot ang gamot at binuksan tsaka inilagay sa palad ni Estel.  Kumuha naman ng tubig si Yasmin.  Pagkatapos uminom ng gamit inalalayan nila itong makahiga sa sofa.  Kalong ni Twinkle ang ulo nito habang umiiyak sa sakit na nararamdaman.  Nagpainit naman ng tubig si Yasmin, nilagyan ng tubig ang hot water bag na nakita sa lamesa, hinila ang twalya na nakasampay sa hawakan ng hagdan at ibinalot sa water bag at inilagay sa ibabaw ng puson ni Estel.  Nanatiling ganon ang itsura nila ng halos magiisang oras hanggang sa umepekto ang pain reliever na ininom ni Estel.  Umayos ang pakiramdam nito at naupo.  Tinitignan si Yasmin at Twinkle.

Estel: Bakit ninyo sila sinamahan dito.  Sinabi ko na sa inyo tanggap ko na ang kapalaran ko.  Huwag na ninyong gambalain pa ang mga taong iyon.  Kung nahihirapan kayo sa akin, iwan na ninyo ako.

Twinkle:  Hindi naman sa ganon Ate,  gusto lang talaga naming kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman mo.  Kung maipapagamot ka nila, yung isa hanggang limang taong mapahaba ang buhay mo kapag naoperahan ka okay na.  Hindi yung ganito, na isinuko mo na lang ang buhay mo.

Yasmin:  Oo nga Ate ang sabi ng doktor pwede pa namang humaba ang buhay mo. Ayaw mo ba non?

Estel:  Walang ng dahilan para gustuhin ko pang mabuhay.  Kaya pakiusap tigilan na ninyo ang pagpunta sa mga taong yon.  Hindi ninyo alam ang maaraing kahinatnan ng ginagawa ninyo. Isa pa, kamamatay lang ng matandang Yuviegco, kaya patahimikin na natin sila.  Maayos naman niyang naiwan ang pamilya niya.  Mabait na tao si Senyora Carina ayokong magambala ang buhay ng naiwan niya ng dahil sa akin.

Yasmin:  Pero ate, kung yun ang gusto ni Senyora bakit may sulat siyang iniwan na gusto niyang basahin sa harap mo ni Ms. CJ.  Ano ba talaga ang kaugnayan mo sa mga Yuviengco?

Estel:  Wala akong kaugnayan sa kanila, nakilala ko lang siya minsan.  Mabait na tao at mababa lang ang loob ni Senyora Carina sa mga taong katulad natin dahil galing din siya sa hirap. Yun lang yon.  Kaya pwede bang mangako kayo na hindi na ninyo sila gagambalain pa?

Twinkle:  Sige po ate kung yan ang gusto mo.

Samantala habang bumibiyahe si Dennis at CJ pabalik ng makati. Kapansin-pansin ang pagtahimik ni CJ.

Dennis:  Sweetie, are you alright? You've been so quiet.

CJ:  I'm just tired, my brain is full and my head is starting to ache.  I don't know what to think anymore.

Dennis:  Well if you are getting all confused, I think Estel is right... why don't you ask your father?  If your grandma has Estel included in her will then she might be someone close to your Lola, like a friend maybe. 

CJ:  I just think my father will just lie again.

Dennis:  I don't think he will be able to lie about it since your lola already mentioned her. I think he doesn't have any other choice but to tell you the truth now.

CJ:  You know what... when I was looking at that woman, i can't help but feel pain in my chest.  I'm not sure if  it is because I pity her or what.

Dennis:  I'm sure naawa ka sa kanya and nagmana ka lang sa Lola mo who has the heart for those kind of people.

CJ:  Do you really think that she's not at all related to me and my family.

Dennis:  Ano siya, nawawalang anak ng Lolo mo sa ibang babae?  I doubt that.  Maybe, since kaibigan nga siya ng Daddy mo at some point nakilala niya ang Lola mo, marahil naging mabait siya sa Lola mo o may ginawa siyang mabuti para sa Lola mo and now gusto lang ng Lola mo na suklian ang kabaitan niya kaya baka pinamanahan din siya katulad ni Benny at Margie dahil alam niyang kailangan ni Aling Estel yon.

CJ:  Yah, you have a point there.

Nagbiro si Dennis... 

Dennis: Maybe nagpaturo ang Lola mo ng mga sexy moves kay Aling Estel, di ba sabi niya  Call girl siya para maging exciting ang sex life nila ng Lolo mo. They seem to be very affectionate di ba? Baka nagwork ang mga tips na binigay sa kanya kaya gusto niyang tumanaw ng utang na loob.

Hinampas ni CJ si Dennis sa braso at natawa na ito.

Dennis:  There is that beautiful smile, I like that better.  Namimiss na kita eh.

Niyakap ni CJ sa bewang si Dennis habang nagmamaneho ito at inihilig ang ulo sa balikat ng kasintahan.

CJ:  I'm so sorry, I've been to full of my life since Lola died.  Sorry if it feels like I am neglecting you.

Dennis:  Hindi naman, lagi naman tayong magkasama, marami ka lang iniisip.  Naiinintindihan ko naman.  Walang kaso sa akin yon because your life is my life.  Yung problema at mga alalahanin mo, problema at alalahanin ko din.   Dahil ang gusto ko parte ako ng bawat araw mo.  Whether its good or bad, kaya kahit anong mangyari sasabihin mo sa akin ang mga bagay-bagay na iniisip mo okay?  Hindi man kita basta matulungan, I can be an extra head that can think of a solution or just like now, at least I can make you smile and make things a little lighter for you or...

Ihininto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Humarap siya kay Cj at hinaplos ang mga pisngi nito.  Dahan-dahang inilapit ang mga labi sa labi ni CJ, pumikit at hinagkan ito ng buong pagmamahal.

Dennis:  Or I can just kiss you and make you feel better.

Hinaplos ni CJ ang mukha ni Dennis, tinitigan ang mga mata nito at ngumiti.

CJ:  I would like a lot of that.

Gumanti ng halik si CJ, ilang minuto din nilang ipinadama ang laman ng kanilang dibdib sa isa't isa.

Dennis:  I want you to always remember that no matter what happens I will love you and I will always  be here for you.

Ngumiti na si CJ at itinuloy na nila ang kanilang byahe pauwi ng Makati.

Nang gabing yon, nag video call si CJ sa kanyang ama.  Magkatabi silang nakaupo ng kanyang Lolo Sito sa dining table ng tumawag sila.

George:  Hi Dad!, Hello Hija!

Lolo Sito: George, Galing dito ang abogado ng Mommy mo last weekend.  He read her last will and testament.  I think he emailed you a copy.

George:  Yes, Dad I received it.

Lolo Sito:  Nabasa mo na ba?

George:  Opo Dad.

Lolo Sito: And?  Is everything that is written there okay with you?

George:  Dad, kung ano ang gusto ng Mommy okay lang.

Huminga ng malalim si George at tumingin kay CJ.

George:  CJ, if you want to do as your Lola Requested and find her, it's up to you.

CJ:  I think I already found her...

Nagulat si George sa narinig...

George:  WHAT?  HOW DID YOU?

CJ:  Well, am not sure if it is her... I found a High Society Call Girl who has the same name.  Coincidentally, there was two girls that were volunteers on one of our project that is looking for Tito Denver and Tito Damon because they know that they are friends with you.  They said they just want you to know that she's terminally ill and they want to ask you for help.

George:  What? What happened to her? Is she dying?

CJ:  She said it is "Ovarian Cancer".  If she doesn't undergo treatment and surgery, I think its a big risk that she might die soon.

George:  You talked to her?

CJ:  She said she doesn't know Grandma or any of the names I mentioned.  She said she doesn't have any rich friends.  Customers maybe, but friend no.

Natahimik si George...

George:  If that is the case then maybe it is not the same woman your Lola is asking you to find.

CJ:  No... I think you're lying. I think both of you are lying!

Umiyak na si CJ. Yumakap sa kanyang Lolo.

George:  CJ, you cannot force her to admit something that she didn't want to admit.

CJ:   Answer this then... It is obvious that whoever this Estella Cruz-Reyes is, grandma knows her in such a personal way and at the expression of your face knowing that she is dying.  It seems that you know her  personally too.  So, who is she to Lola and who is she to you Dad?

George:  Estel is a close friend of mine. Let's just say that she made grandma and grandpa's dream came true so your grandma seems to just want to pay back that favor.

CJ:  She also told me to ask you, if it would be okay  for me to read grandma's letter to her?

George:  CJ, if you really wanted to do what your grandma asked you to do, if it would satisfy your curiosity and if it will make you happy... do so.  If you do, remember that everything that we do in this life has certain reasons and whatever it is  please remember that we did everything for you, your future and because we love you so much.

Hindi na umimik pa si CJ.  Tahimik na lang na nakinig sa usapan ng kanyang Lolo at Daddy.

George:  Inaayos ko lang ang ilang bagay dito Dad, pero uuwi ako para may kasama na kayo ni CJ.  I will be staying there for good.   

Lolo Sito:  Mabuti kung ganon anak. Maraming salamat.

Hindi umiimik si CJ pero ang nasa isip... "I will go back and talk to Estel before my Dad comes home."





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro