Chapter 10 - Truth matters
Maghapong naging busy si Dennis, matapos magset-up sa Santuario, bumalik siya ng office para umattend ng mga meetings. Matapos ang lunch nagpunta naman siya sa Gallery tapos nagpunta siya ng Bazaar para magsara ng stall. Hindi na niya dinatnan doon si CJ dahil isinama ito ni Dei sa meeting ng Developers.
Pero kahit anong busy niya maghapon may gumugulo sa isip niya at hindi niya maalis. Paguwi niya ng bahay si Denver ang dinatnan niya. Lumapit siya nagmano at pabagsak na naupo sa couch saka tinawag ang kanilang matandang kasambahay.
Dennis: Yaya Susan, ano pong ulam?
Lumabas ng kusina ang matanda bitbit ang isang baso ng juice. Dahil ito na lang ang naiwan na kasama nila Denver at Dei sa bahay, parang baby pa rin kung ito'y tratuhin ng kanyang Yaya Susan.
Yaya Susan: Anak, kalderetang baka. O ito na ang juice mo.
Inabot muna ni Dennis ang kamay ng kanyang Yaya para magmano at saka kinuha ang juice.
Dennis: Thanks Yaya, mabuti ka pa you know what to do kapag pagod ako without being asked kaya love na love kita Yaya eh.
Yaya Susan: Sus nambola pa ito, noon sigurado akong love mo ako, ngayon hmmm palagay ko nasa number 35 na ako sa listahan ng mga babae mo.
Dennis: Yaya, ayan ka na naman eh, may nakita ka na bang babae na kasama ko? Yaya naman eh Dennis Richards po ang pangalan ko hindi Denver Richards. Si Papa lang ang playboy sa pamilyang ito.
Dinampot ni Denver ang throw pillow at ibinato papunta kay Dennis eksakto sa mukha ang unan. Natawa si Dennis at Yaya Susan.
Denver: Loko ka anak ha, nananahimik akong nanonood ng TV nadale mo na naman ako!
Dennis: Sabi ko na hindi ka talaga nanoood nakikinig ka eh.
Denver: Yaya, malapit na akong magtampo bakit ako walang juice? Kanina pa ako dumating ah.
Yaya Susan: Aba, eh di ikukuha na kita, nanginginig pa.
Dennis: Papa, mas malakas ako kay Yaya, kaya ipagluluto pa ako ng grilled fish fillet niyan. Di ba Yaya?
Bumalik si Yaya Susan bitbit ang juice ni Denver.
Yaya Susan: Bakit ayaw mo ng kalderetang baka?
Dennis: I'm not in the mood for beef, Yaya eh. Bad mood ako eh please.
Denver: Dennis remember what your Mom said about food. Kung nandito yon nasabon ka na naman.
Dennis: Just this once Papa sige na, promise ibabaon ko na lang yang kaldereta for work tomorow hindi yan masasayang. Bad mood lang talaga ako eh.
Denver: Fine! Yaya, ipagluto mo na.
Dennis: Yes! Thanks Dad, you just made me feel loved.
Denver: Of course you are loved...ano na naman ba ang nangyari that made your spirit down?
Dennis: Babae Pa, babae! Pinasasakit niya ang ulo at dibdib ko!
Denver: Bago yan ah... sinong babae yan?
Yaya Susan: Kailan pa pinasakit ng babae ang ulo mo eh wala ka ngang ipinakikilalang babae sa amin.
Dennis: Mismo Yaya... Di ba nga Pa, ikaw lang ang playboy dito. May iba pa bang babae na nakakaapekto sa akin ng ganito?
Denver: Si CJ na naman? Si CJ pa rin?
Dennis: May iba pa ba Pa?
Denver: Anak nga kita, buong buhay ko Nanay mo lang din ang nakakaapekto sa akin ng ganyan eh. Yung hindi ka makapagtrabaho ng maayos, hindi ka makakain at hindi siya maalis sa isip mo.
Dennis: So, do you mean, ito na yon Pa? Siya na talaga? Eh may boyfriend nga siya eh.
Denver: Sabi ng Lolo Ricardo mo noon, kahit ilan pang babae/lalake pa ang dumaan sa buhay mo, kung siya ang laan para sa yo kahit ilang beses pa kayong magkahiwalay, babalik at babalik ang nararamdaman at kusa itong lalabas sa panahong hindi mo inaasahan. Ikaw lang ang makakapagsabi kung siya na nga yan. Parang ako lang, it took me a lot of years to realize kaya hindi ako nagkaron ng matinong relationship kasi pala kay Mama mo lang talaga ang puso ko.
Dennis: Yun naman... sana nga Pa, lahat ng love story kasing ganda ng love story ninyo ni Mama.
Tumayo si Denver, inabot sa may altar ang bible ni Dei.
Denver: Here, this might be able to help you. This has been your Mama's guide and she found and hold on to what she thinks is given to her by God kaya kami naging masaya. Baka sakaling ito din ang makatulong sa yo.
Tinanggap ni Dennis ang Bible at niyakap ang ama.
Dennis: Akyat muna ako Dad, magbibihis lang. Yaya, paki tawag na lang po ako when dinner is ready.
Yaya Susan: Nak, hindi sa nakikialam ako pero huwag ka ng malungkot, ang laging sinasabi ng Lolo Teodoro mo kay Papa mo noon, may mga bagay na kailangang mangyari kahit ayaw natin at kahit anong gawin mangyayari pa rin. Manalig ka lang na may dahilan ang Diyos kaya ito nangyayari.
Yumakap si Dennis sa kanyang Yaya at tuluyan ng umakyat sa kwarto. Pagpasok niya ng kwarto inisip niyang muli ang sinabi ni CJ. "It has been obvious that this is a one sided relationship since the day you didn't wrote back, the day that I reached out and you never returned my calls."
Napaisip ng malalim si Dennis pilit inalala ang kanyang nakaraan. "Imposible! I wrote her back several times, si Tito George pa nga ang kumukuha ng mga sulat ko at personal na naghuhulog nito. Tumatawag? Kailan siya tumawag, wala akong maalala that she reached out after all those years?
Napabuntunghininga na lang si Dennis, nahiga sa kama at binuklat ang Bible sa kung anong pahina, hindi na niya alam basta naniniwala siya sa Papa niya na makakatulong ang Bible na ito.
Nabuklat niya ito sa 1 Corinthians at tumuon ang mata niya sa salitang Love na nakita niya doon... 1 Corinthians 13:7 - Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.
Napaupo siya sa gulat. Muling binasa pero sa pagkakataong yon... malakas niya itong binasa.
Dennis: Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. So, if this is really love, CJ and I will be able to bear and endure everything.
Napangiti si Dennis at napaisip... "CJ and I really need to talk."
Naging maganda ang resulta ng dalawang araw na Bazaar sa Santuario. Isang beses silang nagrestock ng Sabado at dalawang beses na nagpadeliver ng goods ng linggo. Naging mabenta ang pinafree taste nilng japanese corn at ang mga ready meals ni Arbie. May ilang customer na nagbulk order pa at humingi ng calling card.
Ganoon din ng kinasundan na linggo sa Food Bazaar naman ng Greenbelt Church. Malaki ang naging sales nila kaya malaki din ang halagang napunta sa dalawang simbahan. May mga nakuha silang mag customer for bulk orders para sa Arbie's ready to cook and eat meals. Pati na ang ilang gulay nila.
Dahil sa success ng project. Inimbitahan sila ni Dean na puntahan ang pinakabagong business Venture ng R&R ang isang Private, white beach resort sa Cagbalete Island sa Quezon ng kasunod na linggong yon. Ito ang pangalawang project na hahawakan ni Dennis at CJ. Pinapupunta sila hindi lang para magenjoy kung hindi para pagaralan ang lugar at kung papano ito maimamarket. Sagot ng kumpanya ang kanilang transporatation at sagot naman nila Arbie at Richie ang lahat ng pagkain at inumin.
Dalawang van ang sinakyan ng grupo. Sa unang Van sakay nito si Dennis, CJ, Richie at Arbie; si Bea ang Sekretarya ni CJ; si Drew ang photographer na staff ni Dennis sa Gallery at sila Larry at Shieg ng logistics.
Sa kabilang Van naman nakasakay Si Henry at Lindy ang Carls Jr. staff; Bart at Carlos ang staff ng Pita Pit; Judith at Erin ng accounting; Glenda at Sugar ang mga promo girls; Julie at Angel ng BKP pati na ang mga pagkain at lahat ng gamit.
Bandang ikapito ng umaga ng sabado sila dumating sa Port ng Mauban, Quezon. Bumaba si Larry kasama si Dean para magparegister sa Tourism Office, sumunod sa kanila si CJ at Bea. Ipinasulat ang lahat ng pangalan nila sa isang registration paper. Si Bea na ang nagsulat pinuntahan na lang niya ang nasa kabilang Van para kunin ang mga pangalan ng mga ito.
Halos kabubukas pa lang ng tourism office kaya naasikaso sila agad. Nagbayad si Larry ng environmental fee at pumili ng marerentahan na banka para sa bente katao. Nang makuha ang resibo sumakay na sila ulit sa Van at inihatid sila nito sa Daungan. Hinanap nila ang bangka at ng maibaba lahat ng gamit at pagkain, umalis na ang mga Van, bumalik sa area ng opisina ng Tourism kung saan may mga public parking area para iwan at ipark doon ang mga van at saka bumalik na ang mga Driver sa Daungan at sumakay na sa bangka.
CJ: As a private resort, we should have a Liason Officer who will take care of this registration for our guests.
Dennis: Right, yung tipong naghihintay doon sa Tourism Office sa pagdating ng guest pero ready na ang documents para sa kanila. Para hazzle free para sa mga guests natin. Siya na din ang magtuturo ng bangkang sasakyan ng guest natin.
CJ: Much better if the Resort has its own yatch, we can incorporate the boat ride fee to the resorts accommodation rate. That would look more cheaper than renting our a boat for three thousand pesos every time.
Dennis: Shieg, take note of that we have to find out what do we need kung magkakaron ng sariling banka ang private resort natin.
Shieg: Okay Sir.
Larry: This is a one hour boat ride. The property is on the middle of the less populated side of the island. Actually katabi siya ng Aquazul Resort and Hotel medyo high end ang lugar na yon.
Dennis: Yun ba ang resort na gusto ni Dean na tapatan natin ng better price.
Larry: Yes Sir.
Pasado alas otso dumaong na sila sa harap ng malawak na white sand beach property na may isang bungalow style concrete house at dalawang malaking cottages sa magkabilang gilid. Almost two thousand square meters ang sukat ng property. May lumabas na isang matandang lalake at babae mula sa bahay at sinalubong sila.
Parang automatic lang, binuksan ni Dennis ang kamera na nakasabit sa leeg niya, habang bumababa ng boat kasunod si Drew na ganon din ang ginagawa. Nang makababa silang lahat. Lumapit sa kanila ang matandang babae at lalake.
Larry: Mr. and Mrs. Raul Arciaga, siya po si Sir Dennis ang bunsong anak ni Sir Denver at si Ms. CJ po isa sa aming Board Member.
Dennis: Magandang umaga po. Totoo palang napakaganda at mukhang virgin pa ang property na nabili ng kumpanya mula sa inyo.
Raul: Salamat naman at nagustuhan ninyo. Tuloy... sumunod kayo sa akin.
Dinala sila ni Raul sa kanang bahagi ng property kung saan may mga bato bato.
Raul: Ito ang hangganan ng property na ito. Tignan ninyo at nagmistulang isang cove at ang mga bato-batong nakapader sa gilid ng cove ay naging isang parang pader sa ilalim ng tubig. Yung floating cottage na yon mga 40 meters ang layo dito, inilagay namin doon para mapangalagaan ang napakagagandang mga corals at napakaraming isda na nasa ilalim non. Ang lalim nang lugar na yon ay 18 feet kapag low tide at 22 feet kapag high tide. Kaya hindi mo kailangang lumayo, may sarili kang snorkeling area. Kahit private property ito, mas malinis ang buhangin dito at walang mga halamang dagat sa ilalim sa kahabaan ng beach hanggang mga 12 feet from the shore line dahil ipinalilinis ko itong palagi.
Dennis: So, bahay lang ho ninyo ang nakatirik dito?
Raul: Oo bahay bakasyunan ng pamilya ng dalawa naming anak ang mga cottages na yan at dito naman sa bungalow kami nakatira ng Misis ko noon.
Laura: May sariling banyo naman ang mga cottages na yan. May isang queen sized na kama at maraming matress. Kasya ang lima hanggang anim na tao bawat cottage.
Raul: Ito namang bahay may masters bedroom at dalawang guest room. May sariling banyo ang bawat kwarto. Malawak ang salas, komedor, kusina at dito sa may veranda pwede kayong maglagay ng ilang mono block chairs. Kumpleto pa rin naman ang mga gamit pangluto dito kaya wala kayong porproblemahin.
Laura: Tumawag ang Papa mo at sinabing kailangan ninyo ng mga sariwang isda at seafood. Papunta na dito si Berting at dito na niya idederetso ang mga huli niya. Kayo ng bahalang makipagusap sa kanya ha.
Richie: Maraming salamat po.
Laura: Kung sakaling may kailangan kayong mga panlasa. Maglakad lang kayo palabas ng kalsada dito sa likod may maliliit na tindahan naman doon.
Arbie: Okay po. Salamat.
Raul: Tutuloy na kami.
Nakipagkamay si Dean sa magasawa, at umalis na ito.
Dennis: Richie and Arbie you can take the Masters Bedroom. CJ and Bea, you can take the guestroom. Judith and Erin you can share the other guest room. The rest of the ladies don sa isang cottage and the boys sa kabilang cottage okay na ba yon?
CJ: Where will you be staying?
Dennis: I can sleep sa couch sa salas besides kapag nalasing kahit sa beach pwedeng matulog.
Richie: pwede kitang samahan niyan Cous.
Umiling na lang si CJ... sinilip nila ni Bea ang dalawang guest room.
Bea: Sir, sa kwarto na lang po ako nila Erin makikishare double bed naman po ang mga kama eh. Para share na lang po kayo ni Ms. CJ ng room, may dalawang double bed din naman po eh.
Dennis: It's up to you, sige go settle in tapos tulungan na natin magprepare ng breakfast si Richie at Arbie para pagkatapos makapagexplore at enjoy na tayo.
Arbie: No worries, kayang-kaya namin ito.
Pero maya-maya lang nakabalik na sila Sugar at Glenda at naghanap na ng magagawa.Pinagluto na sila ni Arbie, ng itlog, hotdog, tuyo at chicken tocino. Nagpahiwa din siya ng kamatis. Maya-maya may nagpatao po sa may veranda. Sumisigaw si Larry na pumasok ng bahay.
Larry: Sir Den, nandito po si Mang Berting dala yung mga seafood.
Richie: Wow, lapu-lapu, mayamaya, eto pa karpa at biya at ilan pang mga isdang alat.
Berting: Mahigit tig iisang kilo ang bawat klase ng isda pati po yang pusit at dalawang kilo po ang sugpo. Kinse piraso ang alimasag. Bilhin na ninyo lahat Sir bahala na ho kayong magpresyo.
Inabutan ni Dennis ng tatlong libo si Berting.
Berting: Naku Sir, ang dami nito.
Dennis: Okay lang yan manong, baka pwedeng ibili mo na kami ng gulay niya pasasamahan ko na lang kayo sa tao ko.
Berting: wala pong problema Sir.
Henry: Kami na po ni Manong ang sasama kay Berting Sir, maghahanap daw ng lambanog o tuba si Manong eh pampainit mamaya.
Dennis: Sige kayong bahala.
Arbie: Henry, gulay pansigang tsaka sampalok kung may talbos ng sampalok bumili ka ha. May dala naman tayong liempong pangihaw tapos yung manok isampalukan natin . Tsaka niyog panggata sa biya at luya.
Henry: Okay po mam.
Umalis na ang dalawa. Lumabas naman si Dennis at Drew at nagkuha ng mga litrato. Habang pinagtulungan ng mga boys na linisin ang mga isda at iprepare ang seafood.
Naupo si CJ sa veranda, inilabas ang sketch pad niya. Nagsimulang magsketch ng kung anong nasa isip niya. Nagpainit ng tubig si Richie at ipinagtimpla ng kape si Dennis at CJ tsaka inilapag sa lamesa sa harap ni CJ.
Richie: Cous, eto na ang black coffee mo, para makapagtrabaho ka ng maayos.
Dennis: Thanks Cous.
Pumasok ito sa kwarto at paglabas bitbit ang pack ng granola chips na binigay sa kanya ni CJ. Tumingin si CJ sa kanya na parang nagtatanong "hindi pa ubos yan?"
Dennis: I kept it in my suitcase para hindi maubos galing sayo eh kaya gusto ko tumagal.
Napapailing na lang si CJ pero kinikilig naman. Naging busy silang lahat ang karamihan sa pagtulong sa pagprepara ng tanghalian katulong ni Richie at Arbie. Si Drew at Bea naman sa pagkikipagbrain storming kay CJ at Dennis.
Steamed na lapu-lapu na may mayo, karrots dip; Sinigang na sugpo at inihaw na liempo at isda ang ulam nila ng tanghalian. Masaya silang nananghalian at nagswimming na ang iba. Si Richie at Arbie naman nagsiyesta time. Habang si Drew at Bea umikot para magpicture taking at si Dennis at CJ, naiwan na nagsketch sa veranda.
Dennis: I didn't know na nagiisketch ka pa rin...
CJ: I have a really great teacher who managed to instill sketching not only in my mind but in my heart.
Nagblush si Dennis at kinilig kahit pa hindi siya tinignan ni CJ ng sabihin yon, malakas pa rin ang dating sa kanya.
Bandang ikatlo ng hapon at lumilim na ng mapilit nila Drew at Bea si Dennis at CJ na itigil na ang trabaho at magswimming na sila. Halos dalawang oras silang naglangoy at nagsnorkeling at nakarating sila sa sinasabi ni Mang Raul na snorkeling area, doon sila nagtagal sa balsang kubo. Tuwang tuwa sila, panay ang kuha ng litrato ni Dennis sa ilalim ng tubig gamit ang kanyang underwater camera. Ang hindi alam ni CJ isa siya sa mga subject na kinukuhanan ni Dennis sa ilalim ng tubig. Nagtungo din sila sa Cove at doon nagkuhanan ng mga litrato. Nakasandal si CJ sa batuhan at naupo si Dennis sa tabi niya para kuhanan ang school of fish na lumalangoy sa may paanan nito. Nang biglang tawagin sila ni Drew at pagharap nila kinuhanan sila ng litrato.
CJ: Drew one more...
Ipinatong niya ang dalawang siko sa likod ng nakaupong si Dennis at pumangalumbaba at ngumiti.
Drew: Nice one Ms. CJ.
Dennis: Isa pa Drew...
Sumandal sa batuhan si Dennis sa tabi ni CJ.
Drew: Yan ang gusto ko sa yo Sir, minsan ka lang magpose pero laging lumalabas na may kwento ang litrato mo.
Dennis: I'm not an artist for nothing.
Bumababa na ang araw ng magkayayayaan silang maupo sa dalampasigan. Lumapit si Richie at Larry na may bitbit na cooler ng beer in can. Inabutan ng tigisang beer ni Richie si Dennis at CJ at bumalik na ito sa kusina. Nagkanya-kanya na din ng kuha ng beer ang iba. Nang dumilim, binitbit nila ang cooler at sa veranda naginuman. Nasa isang side nagiihaw ng barbecue at hotdog si Henry. Nakatigdalawang bote na sila ng beer ng magtawag na maghapunan si Richie at Arbie. Adobong pusit at inihaw na liempo at isda naman ang ulam nila. Tuloy pa rin ang inuman hanggang isa-isa ng nagpaalam na magsisipagbanlaw ang mga ito at babalik sa salas ng bahay para ituloy ang inuman.
Nakaligo na at nakabihis na lahat ng lumabas si Dennis at CJ galing sa kwarto. Parehong nakawalking shorts, si CJ naka vneck na sleeveless na may hoodie at si Dennis naka sport shirt na dark blue. Inabutan nilang nagtatawanan ang mga ito, habang nagiinuman. Nakasalampak ang mga boys sa sahig at ang mga girls nakaupo sa couch at mga monoblock chair. Tumayo si Shieg mula sa pagkakaupo sa single couch ng makitang palapit si CJ at sumalampak na din sa sahig paharap sa naga-act-out na si Julie. Naupo naman si Dennis sa armchair ng single couch na inupuan ni CJ. Inabutan ulit sila ng beer ni Larry. Naglalaro pala ang mga ito ng charades. Nakihula na din sila hanggang matapos ang game sa score na 10 ang girls at 6 ang boys.
Henry: ang hirap naman kasi ng mga movie na pinahuhulaan ng mga girls puro hollywood eh.
Bea: Pano ang jologs ninyo, Babangon ako at dudurugin kita ba naman ang pahulaan ninyo eh.
Nagtawanan silang lahat, puro malagihay na sa lasing ang mga girls, marami sa mga lalaki nabubulol na sa kalasingan pero sige pa rin ang inom.
Larry: Mag-games pa tayo. Yung kakaiba.
Arbie: Gusto niyo pa sige, eto kakaiba ang tawag dito skeleton's in the closet.
CJ: I know that one, you will have to tell a secret or two and share it with everybody.
Arbie: Uhmmm parang ganon na nga pero mas mahirap ito, may twist.
Julie: Game! Kahit ano pa yan, game kami dyan.
Shieg: Teka muna papano muna mechanics.
Erin: Waaa, natatakot ang boys.
Larry: Oy hindi sige, kahit ano pa mechanics game ang boys dyan!
Nagyayabangan na ang boys versus girls at nagsabay-sabay ng nagsalita.
Dennis: QUIET!!!
Natahimik silang lahat.
Dennis: Okay, Arbie anong mechanics...
Arbie: Bubunot tayo ng isang pangalan ng babae at lalake kung sinong mabunot, papasok sa loob ng kabinet at magstay don for 15 minutes. You can either talk or share a secret or kiss or basta anything goes! Lahat ng maiiwan sa labas has to drink half the can of beer.
Bart: Okay yan... game na!
Glenda: hala, papano kung hindi mo kilala yung nakasama mo?
Larry: Then that is the time to get to know each other.
Shieg: Okay yan.
Drew: Game ako dyan.
Bea: Ayokong sumali.
Larry: KJ si Bea!
Richie: Tama na quiet muna... lahat kasali pati si Dennis at CJ kami lang ni Arbie ang hindi para walang makatakas. At nagsimula ang game...
Unang nabunot si Henry at Julie... dahil hindi ganon kakilala, nagpakilala sila sa isa't isa at nagkwentuhan. Pangalawa naman si Larry at Bea... noon lang nalaman ni Bea na torpe pala talaga si Larry, kaya siya laging inaasar dahil crush siya nito, nang nagbilang ng 10 seconds hinalikan ni Bea sa pisngi si Larry kaya ng buksan ang pinto ng kabinet, namumula ang mukha ni Larry at hindi makaimik.
Shieg: Bea, anong ginawa mo sa kaibigan ko!
Tawa sila ng tawa, sumunod naman si Erin at Drew. Sinadya ni Richie na kunyaring nabunot ang pangalan nilang dalawa sa pakiusap ni Dennis sa isang text message dahil may gusto pala si Drew kay Erin. Kaso kilalang playboy si Drew kaya hindi makaporma. Yun ang sinabi ni Drew kay Erin habang nasa loob sila ng kabinet. Kahit medyo nagulat natuwa naman kahit papano si Erin. Nangangantyaw ang mga boys sa labas...
Larry: Drew akala ko ba playboy ka bakit ang tahimik ninyo dyan? Ano na?
Bumulong si Drew kay Erin...
Drew: You have to save my playboy reputation, hindi pwedeng walang mangyari sa atin. so please help me out.
Nagkuwari si Erin na hinahalikan siya ni Drew pero ang labi ni Drew hinahalikan ang sariling kamay, matunog ang halik at umuungol pa siya kunyari. Naghihiyawan ang mga tao sa labas. Bumubungisngis silang pareho ng marinig nila ang countdown, niyakap ni Drew si Erin at kunyari hinahalikan yun ang inabot ng pagbukas ng pinto ng kabinet. Ang lakas ng hiyawan nila.
Richie: Okay-okay settle down guys... last pair na dahil hatinggabi na at obvious na lasing na kayong lahat. Inilabas ni Richie ang papel na dinukot niya sa bote.
Richie: Dennis... you're the man!
Arbie: at ang girl naman... si CJ!
Nagpalakpakan, talunan at hiyawan ang lahat. Walang nagawa ang dalawa kung hindi pumasok sa kabinet.
Richie: Timer starts now!
Dennis: Ahm, are you drunk?
CJ: No, I'm okay.
Dennis: I have a question to ask eh... why did you say I never wrote you back in the past, wala ka bang nareceive? Because I did write you back everytime you write to me. Si Tito George pa nga ang naghuhulog ng sulat ko para sa yo. Isasabay na daw niya sa sulat niya.
CJ: I got my Dad's letters, na ikinukwento ang mga nanyayari dito pero I never receive any of yours. You really wrote me back?(Gumaralgal ang boses ni CJ.) I really thought you just dismissed and forgotten me.
Dennis: How can I do that? I loved you to much I can't go on without writing you what happened to my days in one of my diaries and then I would sum it all up in one letter to you and I would give it to your Dad, sabi pa nga niya para mabilis makarating sa yo.
CJ: You really wrote letters to me? Not one? But many letters? (Tuluyan ng umiyak si CJ at lumalakas na ang boses nilang dalawa)
Dennis: Oo naman! I even sent you an invitation to my prom twice, tapos debut ni ate Rose pati na nung kasal niya. I even told you about me and my gallery. I wrote you at least every month CJ. Tsaka sabi mo, you tried getting in touch pero wala akong natatandaan na tumawag ka or kahit sino sa inyo besides the call my Dad got from your Dad saying na umalis ka na ng US at hindi niya alam ang address mo kaya hindi na siya makakapagpadala ng sulat. That was when I wanted to send you the tickets to my College graduation and the same day that I stopped writing you. Sabi ni Dad mo sasabihin niya sa akin kapag nakuha na niya ang address mo pero he never called and never came back to Manila.
CJ: Is it possible that my Dad kept all your letters. BUT WHY?? He always knew where I am, It was her sisters house! That's where I stayed in New Zealand . WHY WOULD HE SAY THAT? WHY WOULD HE DO THAT? WHY?! I hated you all this years because I thought you dumped me just like that!
Rinig na rinig na ng mga naiwan sa labas na hindi pa tulog ang mga sinabi ni CJ. Tuluyan ng napahagulgol at napayakap ito kay Dennis. Binuksan ni Richie at Arbie ang pinto ng kabinet. Walang tigil sa paghikbi at paghagulgol ito. Binuhat na lang ni Dennis papasok ng kwarto. Dala marahil ng pagkalasing nito ang sobrang pagiging emosyonal. Kumuha ng tubig si Arbie at isinunod sa kwarto. Inihiga na ni Dennis si CJ sa kama pero ayaw nitong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.
Dennis: Inom ka muna ng water, for you to calm down. Am not going anywhere. I'll stay with you, promise.
Tsaka lang ito sumunod at uminom ng tubig.
Richie: Sige na magpahinga na kayo, bukas na tayo magusap. Bantayan mo na lang siya kami na ang bahala sa labas.
Dennis: Thanks Cous.
Binuksan ni Arbie ang aircon sa kwarto, binuksan ang lampshade at pinatay ang bright lights tsaka isinara ang pinto. Humiga na ng maayos si CJ.
CJ: Why did my Dad keep your letters? Or what did he do with it?
Dennis: Hindi ko din alam, dahil bata pa ako lumaki akong naririnig na sinasabi nila ni Papa na sana paglaki natin maging magbalae silang dalawa kaya naniwala akong ipinapadala niya sa yo ang mga sulat ko. I really don't know. So, akala mo pala all this years kinalimutan kita? That's why you got yourself a boyfriend?
CJ: Well, it's pride I didn't want to be on the losing end. I didn't get any answers to my letters what do you want me to do? Besides I want you to think I have moved on.
Dennis: Have you really... moved on?
CJ: No, I never did.
Niyakap siya ni Dennis. Bahagyang inilayo ni CJ ang sarili at tumingin ng derecho sa mukha ni Dennis.
CJ: I don't think I can ever moved on from you Dennis... but I still have a boyfriend.
Hinaplos ni Dennis ang pisngi ni CJ, pinahid ang mga luha tinuyo ng mga dampi ng labi niya ang mga luha nito. Napapikit na lang ang dalaga.
Dennis: I don't care if you have a boyfriend... what I wanted to know is why can't you move on?
CJ: Because I love you, I still do silly.
Dennis: That makes two of us then... you are and still is the only woman I have ever loved.
CJ: But Dennis...
Inilagay ni Dennis ang daliri sa tapat ng labi ni CJ. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa pisngi ni Dennis. Parang balong bumukal ang mga luha niya ng malamang mahal pa siya ng kaisa-isang babaeng minahal niya.
Dennis: Sssshhhhh... do me a favor just for now be my girl. You owe me this CJ. So please just for this weekend be mine.
Walang nagawa si CJ kung hindi yakapin si Dennis at tugunin ang mga halik nito hanggang makatulugan na nilang pareho ang pagtangis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro