Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - Throwback

Sa matandang mansyon ng mga Richards aligaga ang labingdalawang taong gulang na si Dennis Dee ang bunsong anak ni Denver at Dei. Salubong ang kilay, kunot ang noo at seryoso ang mukha. Kagagaling lang nila sa birthday party ng isang family friend at Board Member ng R&R na si Tito Sito.

Pagdating ng bahay dumeretso ito sa drawing room niya.

Dei:  What is happening to your brother Rose?

Rose:  Ewan ko Ma, on the way home he haven't said a  word and I won't dare ask.  Feels like on monster mode eh.

Tumayo sa pinto ng drawing room ang pamilya at inusisa ang kanilang bunso.

Dei:  Dennis Darling, what's the matter?

Dennis:  Nothing Mom...

Denver:  Nothing? Eh kahit ikaw hindi mo maipipinta yang mukha mo sa pagkalukot.

Rose:  That's right you did not say a word on the way home, that's nothing?

Dennis:  Bad trip kase yung apo ni Tito Sito...  hindi daw maganda yung drawing ko.  I mean it is not as good as  the other drawings I made before pero still pinaghirapan ko yung caricature ni Tito Sito, she could at least appreciate that I worked hard for it.  Besides its on the spot, tsaka how can  you draw properly habang nangunguyakoy si Lolo Daddy... the table is moving!

Dei:  Don't mind her, everyone said it was a good drawing anyway.  Your Tito Sito was so happy.

Rose:  He even said one day he'll ask you to draw his portrait di ba, she is from the States so probably a perfectionist and hers is creative criticism.

Dennis:  Naiintindihan mo siya kase kapareho mo Ate.

Denver:  Hayaan mo na yon son, she's a pretty girl, palampasin mo na lang alam mo na pagentleman na lang.   Para lang yan, yung top 1 na babae sa class mo.  Alam mong kayang kaya mong talunin pero hindi mo ginagawa kasi ayaw mo ng makitang umiyak siya.

Dennis:  Papa naman eh... that's not true... magaling lang talaga siya.

Dei:  Well, wag ka ng magmukmok dyan am sure there would be other occasion para maipakita mo  sa apo ng Tito Sito how good your drawings are.

Rose:  Wait, you are free spirit then why are you getting affected with what she said? Normally you will just shrug criticisms off ah.   You like her no?

Dennis:  Like her?  No! I just met her.

Rose:  So, you are the kind of guy who just strike when its hot.

Dennis:  Ewan ko sa yo Ate, dyan ka na nga!

Nagtawanan ang pamilya Richards... tumakbong paakyat ng kwarto niya si Dennis.

Ironic,  dahil 16 years after here he is  on the same spot of his room at naalala niya ang araw na makilala niya si CJ.  Napabuntunghininga si Dennis at nasabi sa sarili "kasalanan ito ni Richie eh."

Si CJ or Catherine Joyce Yuviengco ang paboritong apo ni Tito Sito isa sa Board Member ng R&R.  Ang babaeng kinainisan ni Dennis nung 12 years old siya  na naging matalik niyang kaibigan nung 14 years old siya, ang babaing minahal niya when she was 16 at ang babaeng nanakit sa kanya when he was 18.  

Now, ten years after... muli itong nagpakita.  To add insult to injury makakasama pa niya sa trabaho.

Dennis:  Si Richie kasi eh!

Napahinto si Dennis ...

Dennis:  Si Richie na naman... si Richie ang dahilan ng pagkakalapit namin ni CJ!

Napaisip si Dennis at binalikan ang araw na yon... labing apat na taong gulang siya non.

Napasakay siya sa bisikleta papunta sa park ng marinig niyang naroon si Richie at binubully ng mga ibang kabataan.  Payat kasi si Richie noong panahon na yon at malamya. Nang makarating siya sa park, hawak ni CJ sa braso si Richie at sinisigawan nito ang tatlong kabataan na nangbubully sa kanyang pinsan.

CJ:  Aren't you ashamed of your self? He's half your size...ahm humanap kayo ng kasing big ninyo to bully hindi yung... oh crap! You are all stupid dickheads!  Who has a penis as small as a peanut. Scram or I'll kick you all on your balls!

Umamba ng suntok at nagflying kick sa hangin si CJ at nagfighting position. Nagtakbukan ang mga kabataang nangbubully kay Richie.  Humarap si CJ kay Richie.

CJ: Are you okay?

Richie:  Thanks, nakakahiya ikaw ang babae ikaw pa ang nagligtas sa akin.

CJ:  Don't be ashamed... it just happens that I am older and taller than you are. Richie right?

Richie:  That's right... Teka bakit ka nandito, malayo ang bahay ni Tito Sito dito ah.

CJ:  Lolo Sito went to Tito Denver's house I just asked to be dropped off here brought my skateboard.  You?

Richie:  well it's weekend, So the whole family is at Tito Denver's house. Hirap kang magtagalog?

CJ:  I know how to but can't speak fast.

Lumapit si Dennis  habang tulak ang bike niya.

Dennis:  Cous, ok ka lang?  Narinig ko sa neighbors what happened so I went here. Nasaktan ka ba?

Richie:  Hindi cous, okay na ako, dumating si CJ nagtakbuhan sila eh.

Tinignan ni Dennis si CJ at tinanguan. Napatango na lang din si CJ, naghi pero walang boses na lumabas sa bibig niya.

Dennis: Hayaan mo na yon, halika na uwi na tayo.  Naamoy ko na yung spaghetti  ni Mama.

Richie: Okay cous, CJ sama ka na sa amin, nandon naman si Tito Sito eh.

Dennis:  Tsaka baka resbackan ka nung mga pinatakbo mo.

CJ:  Resba... what?

Dennis:  Resbackan... baka balikan ka nung mga bully.

CJ:  oh okay.

Naglakad na sila habang akay ang bike nila at si CJ naman nagskateboard sa gitna ng kalsada.  Nang may paparating na sasakyan sa likod ni CJ hindi niya naririnig dahil nakalagay ang headset ng cellphone at nakikinig siya sa music.  Binagsak ni Dennis ang bike niya sa gilid ng kalsada at tumakbo para hilahin si CJ papunta sa kabilang gilid.  Sa gulat ni CJ napayakap kay Dennis at nasipa palayo ang skateboard.

Nakalayo na ang sasakyan, nakayakap pa rin si CJ kay Dennis. Kunot ang noo at salubong ang kilay nito ng bumitiw.

Dennis:  Are you even thinking?  Muntik ka ng maaksidente sa ginagawa mo!

Bahagyang mataas ang boses nito.

CJ:  Sorry, I forgot to take my headset off. Wait, are you mad?

Dennis:  No,  just got worried.

Napangiti si CJ at simula noon naging close na silang tatlo nila Richie.  Para kay Richie, si CJ ang kanyang hero at para kay CJ naman si Dennis ang kanyang hero.  Naging matalik silang magkakaibigan.

Napabalik sa realidad si Dennis ng marinig ang boses ng ina na tinatawag siya .

Dei:  Dennis... Dennis, your Papa wants to speak with you.

Dennis:  Yes, Ma bababa na ho.

Pagkababa ng hagdan naupo si Dennis sa sala sa tapat nila Denver at Dei.

Denver:  Totoo ba ang sinabi ng kapatid mo na gusto mong tulungan kami sa R&R.  

Dennis:  My passion is Art but it does not mean I don't want to help the famiy out to handle the company.  It is a family corporation anyway.  I am sure na matutuwa ang  Lolo Daddy if I join.  Kung kailangan ninyo ako Pa, of course I would be glad to help.

Dei:  Well, pagpasensyahan mo na kami ng Papa mo kasi naman  we didn't see any interest while you are growing up.

Denver:  Sorry son, I should have asked you first.

Dennis:  Okay lang Dad. No harm done.  Although,  I have some hesitations...

Denver:  About what?

Dennis:  About working with CJ.  I'm not sure that I can.

Dei:  It's been years anak, you and Richie should have forgiven her.  Well, obviously Richie has moved on from his infatuation with CJ... how about you?

Dennis:  Hindi ko nga alam Ma eh, I mean it's easy to forgive but hard to forget.

Denver:  Wait... you have a past?  Akala ko si Richie lang ang umiiyak when she left.

Dennis:  No, Dad... it was "mahal kita, mahal mo siya" situation

Denver:  Meaning?

Dennis:  Meaning... si  CJ ang unang babaeng minahal ni Richie... but CJ was in love with me and I was in love with her.   Pero  hindi niya ako ipinaglaban.  Instead she chose to leave dahil ayaw niyang magkasira kami ni Richie.

Denver:  Hmmmm hindi ko alam yan ah.   Now, I understand your hesitation.  I was the same when I came back in Manila after more than 16 years of hurting your Mom.  If its any consolation son, ikaw nasaktan ka lang nung umalis siya... si Mama mo every time she does not get an answer to her letter she was hurt.  So if we managed to patch things up, love each other and eventually got married I am sure sisiw lang yan kung may pagmamahal pang natitira a puso ninyo ni CJ

Dennis:  How did you do it Mom?

Dei:  Ang inisip ko lang yung mahal ko siya. And sabi nga sa scriptures... Love doesn't keep records of wrong.

Dennis:  I know, kaya nga napatawad ko na siya eh... it's just that the fear of being hurt again, the wanting to trust again parang ang hirap ibalik eh.

Dei:  It was never easy anak. Kami ni Papa mo ended up friends, he courted me at nararamdaman  ko naman that his intentions were real but I just can't say yes ... but it will eventually happen...

Dennis:  What will?

Dei:  Feeling that enormous love in your heart and that no matter what mas kaya mong magrisk kaysa mawala siya sa yo ulit.  It will eventually happen.

Pumasok sa pinto ang magasawang Rose at Tisoy na galing sa mansyon at narinig ang huling sinabi ni Dei.

Rose:  Mama is right, it will come to you.  You don't have to force yourself.  Just be the same free-spirited you and you will eventually just shrug it off.  Besides people like you are characterized by independence and unconventionality so just be you.

Tisoy:  Tama bro, before you know it, you will end up in her pad after a stressful day at work and you are just enjoying each other.

Dennis:  KUYA!!!  For an ex-seminarian ang dami mong naiisip na kaharutan.

Nagtawanan sila.  Napatingin si Dennis sa pamilya niya at napaisip... "mukhang tama si Richie ah,  It is not even 24 hours that I popped out wanting to work with R & R and the CJ saga and here they are giving me advice and getting close.  This is the longest conversation I have ever had with my father especially the topic is not food.  This is indeed a good start."

Samantala si CJ nakabalik na sa pad niya sa Signa Designer Residences at umupo sa couch.  Iisang linggo pa lang siyang nakakabalik.  Ang nagagawa pa lang niya was to settle in sa condo unit na binili ng Lolo Sito niya para sa kanya.  She still needs to convince him not to just sell the Forbes parental house kung kani-kanino lang, she loves that house so much, marami siyang fond memories sa bahay na yon at lahat ng special moments niya with Dennis was at that house.

Just like the day that she met him... at idinrawing niya ang Lolo Sito nito na parang napikon ito nung sabihin niyang hindi maganda.  O yung araw that he pranked him and pretended to be drowned sa swimming pull at he did mouth to mouth.  She still remembered how red his face was when she opened her eyes and he keeps on saying sorry.

CJ:  Are you saying sorry that you saved my life?

Dennis:  No!  Sorry, I had to  you know... do a mouth to mouth.

Naalala pa niya sobrang lambot ng labi ni Dennis and kung namumula man ang mukha nito sa hiya mas mapula pa rin ang labi nito. Ang totoo it was a prank and a friend of hers is somewhere there to take the picture of the mouth to mouth.  And after a few days kumalat na ang pictures sa social media at nakita ni Richie that made him talk to her.

Richie:  Jill, kayo na ba ng cousin ko?  Nakita ko yung picture when he kissed you.

Nang tumingin si Richie sa kanya, his eyes were full of tears  kaya hindi niya nakuhang magsinungaling kay Richie, sinabi niya ang totoo na ikinatuwa naman nito.

Richie:  Akala ko talaga totoong hinalikan ka niya eh.

CJ:  Would it bother you if he really did it on purpose?

Richie:  Of course it would, matagal mo ng alam that I like you and I will have to be honest to you right now... I think I love you Jill.

Jill ang tawag ni Richie kay CJ dahil sila daw si Jack and Jill... favorite kasi nilang pareho ang mga chips ng Jack ang Jill.

CJ:  Richie,  how do you know that's love eh ang bata mo pa. You are what 16?  Besides I am older than you by  2 years.

Richie:  Wala namang pinipiling idad ang pagmamahal di ba?  Basta dumadating lang yon ng hindi mo inaasahan. Besides, pareho naman tayong single so  please Jill just let me show you how I feel for you.

Totoo namang kahit bata pa si Richie, he knows how to show appreciation,  he knows how to show caring and how to show love dahil nga he is surrounded by love in the family.  Mabait at matalino, if not for his age, boyfriend material naman kasi.

Kaya nginitian na lang niya ito at hinayaan sa gusto nitong gawin.  Sinusundo siya ni Richie sa school, niyayaya siyang lumabas, tinutulungan siya sa mga assigments niya  kahit pa lagi naman itong may chaperon na driver o kaya madalas kasama nito si Dennis.  Kaya nagkalapit din silang dalawa.  

Masayang kasama si Dennis at suportado niya si Richie sa lahat ng oras.  Naalala pa niya laging tinutukso ni Dennis si Richie... "Ayos, binata na ang bunso namin nanliligaw na oh."

Richie:  Hala, bawal pa akong manligaw Cous, magagalit si Mommy.

Dennis:  Ganon eh kung hindi panliligaw ang ginagawa mo , anong tawag diyan?

Richie:  Just showing her that I really care more than friends.

Dahil sa kakasama ni Dennis sa kanila at dahil sila ang magkaidad,pareho ang wave length.  Mas enjoy si CJ na kasama si Dennis.  Hanggang kapag hindi pwede si Richie na sumama sa kanya, si Dennis ang tinatawagan niya at sinasabi niyang si Richie ang nagsabing magpasama siya dito kahit hindi naman.  Alam lang talaga niya na hindi siya tatanggihan ni Dennis kapag sinabing si Richie ang may gusto.  Kaya nahulog ang loob nila sa isa't isa and eventually fell in love.

Nalaman ito ni Richie ng gabi ng Debutant's Party ni CJ.    Richie was her 17th dance at si Dennis ang 18th Rose alam ni Richie ang ibig sabihin non. Hindi man ito umimik, nagpakitang nageenjoy sa party at nagpakalasing ng sobra-sobra at nagwala ito ng maiwan na silang tatlo.

Malinaw pa sa alala ni CJ yon... hawak ni Richie ang bote ng sanmig light, it was his 8th bottle, tumatagay pa ng tequilla kaya lasing na lasing talaga.

Habang hinihintay nila ang sundo nila at hinihintay na matapos ang pagliligpit ng caterer...

Richie:  I really didn't see this coming... akala ko kasi mahalaga ang pagiging magpinsan natin kaya kahit kailan hindi mo ako tataluhin. Totoo pala ang sabi ng mga kaklase ko. Madalas nila kayong nakikitang magkasama sa mall.

Dennis:  Ano bang pinagsasabi mo Cous, sinusunod ko lang ang gusto mo.   Sinasamahan ko si CJ dahil ang sabi niya  sinabi mo sa kanya na sa akin siya magpasama dahil hindi ka pwede.

Richie:  Jill... is that true?  Ok lang naman yon, pero sana Jill sinabi mo na lang na si Dennis pala ang gusto mo.   Hindi yung umasa ako, I preserve my love for only you,  dahil pinabayaan mo akong umasa.  Tapos nagmukha akong tanga kasi ang akala ng lahat I am going to be your last dance.  Ayos ka Cous... sabi nga nila... "matalino man daw ang matsing napaglalalangan din."

Dennis:  Richie, kilala mo ako, I will never lie to you. Hindi ko kayang traydorin ka. Magpinsan tayo, I am just doing you a favor.  I will be honest, I really like her pero dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal. I just kept my distance and contented being her friend dahil kahit kaylan hindi kita lolokohin more so sasaktan.

Richie:  Enough with the lies cous, kahit anong pagsisinungaling hindi naman mababago non na magpinsan tayo eh.  So, tama na.  

Naalala pa ni CJ ang hilam sa luhang mata at basang mga pisngi ni Richie ng  humarap ito at magpaalam sa kanya.

Richie:  Happy Birthday again CJ, sana naging masaya ka nung mga panahong nakakasama kita.  Sana naramdaman mo kung gaano ka kahalaga at sana naramdaman mo na totoong mahal kita.  I maybe younger than you are pero my intentions are clean and true sana pinaniwalaan mo yon. No worries, I am a big boy now, I know when to back out.  I will never disturb you again.

CJ:  Richie... please listen.

Hinaplos ni Richie ang pisngi ni CJ... "you don't have to explain, mahal kita eh kaya kung ano man ang sasabihin mo, okay lang sa akin."  Pilit itong ngumiti at tumalikod na.

Hindi tumigil si Richie sa paginom, binitbit pa ang isang bote ng tequilla ng dumating si Mang Leo para sunduin sila hanggang sa hinimatay ito sa loob ng kotse sa sobrang kalasingan at imbes na iuwi ay idinereto ni Mang Leo at Dennis sa Emergency Room.

Nang magising ito, nasa  kwarto na, nakadextrose at nakaconfine.   Tinatanong ni Denver at Dei kung anong nangyari  ang tanging nasabi lang nito... "I had too much to drink, am lucky kasama ko si Dennis at dinala niya ako dito."

Tumingin si Richie kay Dennis, pinilit iabot ang kamay para sa isang fist bomb at handshake at sinabing... "Quits na tayo Cous.  Thanks for bringing me here.  I am fine now, hindi mo na ako kailangang samahan at alagaan, binata na ako."

Nalungkot si Dennis at napayuko  dahil alam niya kahit nakuha ng intindihin ni Richie ang pangyayari at naniwala ito sa kanya, ng oras na yon alam din niyang doon natatapos ang pagiging close nila.

Ikinuwentong lahat yon ni Dennis kay  CJ, ng araw na yon na manggaling siya sa hospital.  Naalala niya umiiyak si Dennis.

Dennis:  He is better now, nakaconfine pero lalabas na din siya bukas.  He is okay now, tanggap na niya ang sabi nga niya "quits na kami".  Nasaktan ko siya pero iniligtas ko din siya kaya okay na pero masakit kasi tinapos na din niya ang pagkakaibigan namin eh.  Now, we are just cousins by bloodline but not friends anymore.

Tuluyang umiyak si Dennis.  Niyakap siya ni  CJ.

CJ:  I'm sorry, it's my fault.  I'm so sorry.  Richie was right I should have told him because he is a reasonable man, maiintindihan niya.  I should have told you the truth para at least kahit ikaw sana nasabi mo sa kanya.  It shouldn't have ended this way.  I'm so sorry.  I'm sorry I have learned to love you Den that caused you to loose your friend.

Nung oras na yon,  alam ni CJ gustuhin man niyang ituloy ang kung anong meron sila ni Dennis hindi niya nagawa dahil alam niyang hindi maalis na makunsensiya silang pareho ni Dennis.  Kaya makalipas ang isang buwan, she decided to go back sa States at baguhin ang plano ng pamilya na dito siya sa Maynila mag aral.  She left para hindi na tuluyan pang masira ang pagkakaibigan nilang tatlo.  Nagpunta siya kay Richie para magsorry at magpaalam pero hindi na siya nagpakita pa kay Dennis.  Kaya si Dennis naiwang nangangapa at nasaktan. 

 Napabuntung-hininga na lang si CJ, nahiga sa kama at pumikit. Ipapahinga na sana niya ang katawan ng biglang magring ang cellphone niya, unlisted number pero sinagot niya.

Nagulat siya ng marinig ang pamilyar na boses na yon... ang boses ni Dennis... "Hey, too much chaos I forgot to say,  it was nice seeing you again, Jill."

Nalungkot si CJ, Dennis referring to her as Jill means he is putting importance on Richie still dahil si Richie lang ang tumatawag sa kanya non.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro