Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #7: New Leader

Sizzi's Punch

Nandito ako sa ospital ngayon kung saan naka-confine si Philip. Gusto raw niya akong makausap eh. Pagbigyan na.

"Bakit?" Bungad ko sa kanya pagkabukas ko pa lang ng pinto ng room niya.

"May sasabihin lang akong importante." Kalmado niyang sabi.

"Ano 'yon?" Sabi ko pagkaupo ko sa upuan na nasa gilid ng kama niya.

"Ikaw na ang papalit sa'kin bilang leader Sizzi." Direktang sabi ni Philip.

Napatingin naman ako bigla kay Philip na may nanlalaking mata. Hindi nga? Seryoso?

"Seryoso ka?" Gulat kong sabi.

"Nakikinig naman lagi sila sa'yo 'di ba? Kahit nga ako ina-under mo eh." Medyo natawa siya. "Kaya ikaw ang naisip kong pumalit sa'kin habang nagpapagaling ako."

"Bakit hindi na lang si Kuya Kysler? Mas matanda sa'kin 'yong iba nating kagrupo kaya sila na lang."

Sa katunayan, kaming dalawa ni Philip ang pinakabata sa grupo namin. Lahat kasi 4th year high school na, kami lang ang 3rd year.

"Asa ka pa sa lalaking 'yon, mas deserve mo ang posisyong 'yon Sizzi."

"Err, hmm, sige, kung 'yan ang gusto mo." Medyo ilang kong sabi. "Kailan ka raw ba gagaling?"

"Three to four months pa."

"Tagal naman, 'pag gumaling ka na, ikaw na ulit ang leader."

"Nope, nag-quit na ako."

Nagulat naman ako. "Eh? Bakit?"

"Personal reasons, basta. Ingatan mo 'yong grupo Sizzi." Bilin niya sa'kin.

"Hala naman. Bakit nga?" Pangungulit ko.

Medyo malungkot ako kasi kahit papaano naging close din kami ni Philip. Kahit na naiinis ako minsan kasi hindi niya ako pinapalaban 'pag may group fight. Parang props lang tuloy ang role ko sa grupo.

"Personal reasons nga, huwag ka nang makulit." Natatawang sabi niya.

Nanahimik kami sandali bago nagsalita ulit si Philip.

"Sa America nga pala ako magpapagaling."

"Namo, nag-quit ka na nga, magpapakalayo ka pa." Puna ko.

"Maghahanda na rin kasi ako sa revenge ko sa f*cking annoying na Therence na 'yon. Mali siya ng kinaharap."

Napatingin ako kay Philip. Kapag kasi nagbitaw ng salita 'yan, talagang gagawin niya. Anong klaseng revenge kaya ang gagawin niya?

"Just always remember that..." Medyo nag-pause si Philip. "I love you Sizzi."

Did he just confessed his feelings for me? Hala? Anong sasabihin ko?

"Err... a-ano...  k-kasi... eh 'di ba..." Ilang na ilang kong sabi. "Err....ano bang dapat kong isagot?"

Pasensya naman, ngayon LANG may nag-confess sa'kin sa tanang buhay ko. Aba, malay ko bang may nagmamahal din pala sa'kin? Himala 'di ba? Sira-ulo ata si Philip, daming-daming babae ako pa napili. Wala siyang taste.

Natawa naman ng konti si Philip. "I don't need an answer Sizzi. I love you is a statement, not a question. Response ang kailangan ko. Pero alam ko naman na kaibigan lang ang turing mo sa'kin so tanggap ko naman. Hayaan mo na lang akong mahalin ka."

Napayuko naman ako. "I-I'm sorry."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry dahil wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan kung minahal kita eh." Paliwanag ni Philip.

Kahit na madalas mainit ang ulo ni Philip napakamaunawain naman niya pagdating sa'kin. Nakakaguilty tuloy, wala man lang akong magawa para masuklian ang kabaitan niya sa'kin. Kung natuturuan lang ang puso na magmahal, kaso hindi eh. Saka, wala pa sa pag-iisip ko 'yang walang kwentang four-letter sweetest lie na 'yan eh. Manhid ata ako?

Nanahimik ulit kami. Awkward ng atmosphere. SOBRA.

"K-kailan ang alis mo?" Basag ko sa katahimikan.

"Bukas ng umaga. But I'm asking you a favor Sizzi, huwag ka nang pumunta." Pakiusap niya.

Nagulat ako. "Ha? Bakit naman?"

"Dahil baka pag nakita kita bukas, hindi na ako matuloy sa pag-alis ko." Ngumiti siyang malungkot.

P*takte, seryoso ngang mahal ako ng taong 'to!

"S-sorry." Wala na ata akong ibang masasabi kundi sorry.

"Sinabing huwag ka ngang mag-sorry, ang kulit lang." Natatawa niyang sabi.

"M-mag-ingat ka do'n ha? Baka magpabugbog ka na naman!" Paalala ko sa kanya.

"Haha! Hindi na 'no? Nadala na ako. Maniningil ako sa pagbabalik ko."

Dahil wala na akong sasabihin, naisipan kong umalis na kaya nagpaalam na ako. Instant leader ang peg ko ah?

Dahil na rin do'n ay kinausap ko lahat ng kagrupo ko.

"Bakit Ms. Sizzi? May problema?" Tanong ni Darren.

Napabuntong-hininga ako. Ang hirap pala magsalita at magpaliwanag sa harap ng maraming tao! Buti na lang pala at lagi akong tulog sa klase, hindi ako nakakapag-report.

"Alam n'yo naman ang nangyari kay Philip di'ba? Pupunta siya ng America bukas para do'n magpagaling, three to four months ang recovery niya." Panimula ko.

"Eh paano 'yon? Sinong bagong leader natin?" Tanong ni Jet.

"Ayun nga, eh..." Medyo nahihiya akong sabihin. "Ako 'yong ini-assign niyang bagong leader."

*insert chirping sounds here*

Tae, sobrang tahimik. Hindi sila makapaniwala. Sabi na nga ba. Sino ba naman ang papayag na babae ang maging leader 'di ba?

"Ey, ano... kung ayaw n'yo nam—"

"WOHOOO! Paynali! Si Ms. Sizzi na ang leader! Yes!" Sigaw ng mga kagrupo ko kaya naputol 'yong dapat ay sasabihin ko.

Kanina lang ang tahimik nila tapos ngayon nag-iingay na at mga tuwang-tuwa dahil ako na raw ang leader? May nakanta pa no'ng sa commercial ng Ariel. 'Yong kanta na may lyrics na 'finally'. Mga baluga 'tong mga 'to ah! Pa-suspense epek pa! Akala ko pa naman ayaw nilang maging leader ako.

Dahil sa nakikitang saya sa mukha nila, napangiti na rin ako. Para kasi silang nanalo sa lotto kung magsaya. Pagpasensyahan n'yo na. OA lang talaga ang mga 'yan :D

"Ngayon lang kita nakitang ngumiti."

Napalingon naman ako sa nagsalita no'n. Si Kuya Kysler pala. Siya kasi ang pinaka-close ko lahat ng kagrupo ko.

At oo, ngayon lang niya ako nakitang ngumiti. Kahit nga ako hindi ko matandaan kung kailan ako huling ngumiti. Kailan nga ba? Siguro, no'ng araw na una ko makita ang taong 'yon.

Napabuntong-hininga ulit ako at humarap kay Kuya Kysler. "Para kasing mga isip-bata. Big deal ba ang pagiging leader ko?"

"Kita mo namang kahit si Philip pa ang leader eh ikaw lagi ang sinusunod ng mga 'yan." Natatawang sabi ni Kuya Kysler.

Ewan ko rin sa mga kagrupo ko. Parang ako 'yong boss nila dahil nga isang sabi ko lang, nasunod na agad sila.

Ngayong ako na ang leader, ibig sabihin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Lagi na akong makakalaban kapag may group fight! Yeah! Wala nang makakapigil sa'kin! (Not in pabebe tone ah.)

=====

'Yong nasa gilid po 'yong ngumiti si Sizzi. >>>>>>>>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro