Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #6: Meet the Antagonist

Sizzi's Punch

Ayan na naman, pinagtitinginan na naman ako ng tao. Tss, pakialam ko sa mga 'yan.

Naalala ko 'yong group fight kagabi. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi, napuruhan ng gano'n katindi si Philip. Hindi ako makapaniwalang ang hinayupak na Therence na 'yon ang gumawa no'n kay Philip.

Dalawang oras lang ang tulog ko ngayon, pero nakakapagtakang hindi ako inaantok. Gatas pa nga ininom ko since tinamad akong magtimpla ng kape. Eh may fresh milk naman ako sa ref kaya 'yon. Tamad akong tao, may angal ka?

Baka naman nagiging bampira na ako?

Ala, gusto kong maging isang exorcist gaya ni Allen Walker eh! 'Yong magsasalita ng 'Innocence Activate!' tapos lalabanan ang mga akuma!
(A/N: Ala, expression po like anla, hala and so on and so forth.)

"Yo!"

"!#%@&*$#%@!" Mura ko.

P*TANG*NA. Tahimik akong naglalakad dito tapos may bigla na lang susulpot na nilalang sa tabi mo at sisigawan ka ng yo? Putek 'yan!

"What the f*ck? Do you want me to die by giving me a f*cking heart attack?!" Sigaw ko sa kanya.

Lalong dumami ang mga nakatingin sa'kin, sa amin ngayon. Paano ba naman, nandito na ang kanilang pinapantasya na si Therence Lloyd Morales na umagang-umaga ay minumura ko.

"Whoa, chill lang Sizzi, malay ko bang magugulatin ka." Natatawang sabi ni hinayupak.

"Omo, bakit kinakausap ni Therence ang babaeng 'yan?"

"May pasa si Therence sa pisngi! Sinong may gawa no'n? Tara! Sugurin natin! Lakas ng loob sirain ang fez ng Fafa Therence ko!"

"Nakakainis! Sa dami ng pwedeng suntukin ng taong 'yon eh 'yong mukha pa talaga!"

"Pero kahit may pasa, gwapo pa rin!"

"Kyaaaa! Oo nga!"

'Yan po yung mga naririnig kong sinasabi ng mga tao dito sa corridor. Mga kiri.
(A/N: Kiri = malandi, maarte)

Napatingin ako sa mukha niya. Pfft, may pasa nga. Halatang- halata kasi maputi siya. Madadala, minaliit ako eh.
(A/N: Madadala = buti nga)

"Bagay pala sa'yo ang may pasa. Sana dinamihan ko na." Naka-smirk kong sabi.

"Gwapo ko pa rin kahit may pasa ako 'no?"

"Yak! Kapal!" Nanlaki 'yong mata ko sa gulat. Napakahangin talaga ng isang 'to eh.

"Aminin mo na kasi Sizzi." Tatawa-tawang sabi ni Therence.

"Tss, masyado pang malinaw ang mata ko. Alam ko kung ano ang pagkakaiba ng gwapo sa pangit."

Magsasalita pa sana si Therence kaso biglang sumulpot si Clark at Jayzee.

"Tol, pagaya ng assignment sa Math." Si Clark 'yon.

"Nag-aral pa kayo kung manggagaya lang kayo ng assignment." Pangaral ni hinayupak.

"Pasensya naman! Cannot be reached ng utak namin ang Math!" Depensa agad ni Jayzee.

Habang dinadaldal ng dalawa si hinayupak ay mabilis na akong naglakad papuntang locker room. Kukunin ko kasi 'yong mga libro ko sa mga subjects ngayong umaga. Miski ako wala pang assignment sa Math. Madali na yun, madaling hulaan.
(A/N: Miski = kahit)

Pagkasara ko ng locker ko eh napatigil ako sa taong nakita ko. Mukhang hindi ko agad magagawa 'yong assignment ko ah.

"Gosh, wala na, sira na ang araw ko dahil nakita na kita."

She's Celestine Tuazon, the Best Actress, period. Teka, bakit ko ba siya pinapakilala sa inyo eh hindi naman niya 'to POV?

"Oh? Talaga? Ako rin eh, nakita rin kasi kita." Sang-ayon ko sa kanya.

"Aba't— sumasagot ka na ngayon?" Sigaw niya.

Para namang ngayon ko lang siya sinagot? Ay, madalang nga pala. Eh nakakatamad namang kausapin 'yan eh.

"Bakit? Ipinagbabawal na ba 'yon ng batas?" Painosente kong tanong.

"Pilosopo ka ah!"

Hind ko na siya sinagot instead tiningnan ko lang siya ng walang emosyon saka siya nilampasan. Pero hinigit naman niya ang braso ko. Talaga naman.

Konting-konti na lang ay mapupuno na ako sa f*cking creature na 'to, swear.

"Pangit ka na nga pati ugali mo pangit! Hindi pa ako tapos makipag-usap sa'yo ah!" Sigaw niya sa'kin.

"Who will have an interest to talk to a f*cking creature like you? Tss." Bored kong sabi. "Now, let me go or I will hit your f*cking ugly face! Let me go! NOW!" Sigaw ko.

Mukhang natakot naman ang babaeng ito kaya binitawan ako. Mabuti naman kundi lalo kong papangitin ang pangit niyang mukha. Sabi ko nga, marunong akong tumingin ng pangit sa maganda o gwapo. Hindi ako maganda, aminado ako.

Psh, umagang-umaga sinira ng babaeng ito ang araw ko. Well, palagi namang sira ang araw ko dahil sa mga echuserang mga tao sa paligid ko. Gaya ngayon, ang dami na namang nakatingin, lalo na kanina no'ng nagsasagutan kami no'ng f*cking creature na 'yon.

Dire-diretso akong umupo sa upuan ko pagpasok ko ng room. Kinuha ko agad 'yong libro ko ng Math at nagsagot ng assignment. Pfft, madali lang pala eh.

Abala ako sa pagsasagot no'ng umupo sa upuan niya 'yong hinayupak.

"Kumusta ang lagay ni Philip?" Tanong niya.

Baluga pala ang isang ito. Matapos niyang bugbugin kakamustahin ang lagay? Psh, bahala ka dyan, manigas ka. Busy ako pagsasagot ng assignment, huwag kang magulo.

"Huy Sizzi."

Manigas ka. Busy ako. Bulag lang? At hindi tayo close. Duh.

Nagulat na lang ako no'ng bigla niyang hinigit 'yong notebook ko ng Math. F*ck! Buti na lang at hindi nagkaguhit ng ballpen 'yong notebook ko dahil sa paghigit niya!

"What the f*ck is your problem huh?" Sigaw ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatanong pero hindi ka nasagot! 'Yon ang problema ko!" Sigaw din niya.

"Eh gag* ka naman pala eh! Kita mo namang may ginagawa 'yong tao tapos iistorbohin mo?"

"Pwede ka namang magsulat habang sinasagot ang tanong ko ah!"

"Whatever! Akin na 'yang notebook ko!"

"Hindi ko ito ibibigay hangga't 'di mo sinasagot ang tanong ko." Ang kulit ng lahi nito!

"P*tang*na rito. Akin na sabi!" Sigaw ko.

Pilit kong inaagaw 'yong notebook ko pero hindi niya binibigay. PUNY*TA. Sinipa ko nga, pero waepek din.

"P*ta! Sabing akin na eh!"

Bigla na lang nilapit ni Therence 'yong mukha niya sa'kin. "Sumigaw ka pa, hahalikan kita."

!#@$5#&*@$!!! Nanlaki ang mata ko at tinulak ko siya ng malakas. Nakapag-balance naman siya kaya hindi natumba. Sayang.

"Sagutin mo na ang tanong ko kung ayaw mong halikan kita." Banta niya sa'kin.

Nanlaki ulit ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Seryoso ba siya? Hayup.

"Ano? Hindi mo pa rin sasagutin 'yong tanong ko?" Ulit niya.

F*ck! Seryoso nga ang hinayupak!

Umiwas ako ng tingin sa kanya saka tumingin sa blackboard. "Meron siyang baling buto sa kanang braso at binti. Marami siyang sugat at pasa. Baka matagalan bago siya gumaling. Happy?"

"Okay, thank you." Sabi niya tapos binalik na 'yong notebook ko. Mabuti naman! Pinagpatuloy ko na ulit 'yong paggawa ko ng assignment.

At buti naman hindi na nangulit ang hinayupak na ito kundi bibigyan ko ulit siya ng pasa. Sa kabilang pisngi naman para pantay.

Pagkatapos kong gumawa ng assignment ay nakaramdam ako ng antok kaya matutulog muna ako. Ikaw na ang dalwang oras lang ang tulog.

=====

Si Celestine Tuazon po itong nasa gilid.  >>>>>>>>

Ang amo ng mukha para maging antagonist. Haha! Ika nga, "Looks can be deceiving." Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro