Fight #45: The End?
Third Person's Punch
Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Therence. Hindi siya mapakali. Kanina pa siya napapahilamos sa mukha niya dahil sa halu-halong emosyon.
Hindi. Hindi nangyayari 'to. Sabi ni Therence sa sarili niya.
Naramdaman na lang niya na may humawak sa tigkabilang balikat niya. Si Jayzee at Clark.
"Maupo ka muna Therence." Sabi ni Jayzee.
"Magiging maayos din si Sizzi." Dagdag pa ni Clark.
Dahil sa sinabi ng dalawa ay pakiramdam ni Therence na nanlambot ang kanyang mga tuhod kaya pasamlampak siyang naupo. Itinuon niya ang kanyang mga siko sa dalawang tuhod niya at tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay niya.
Naramdaman na lang niya na may umaagos mula sa mata niya.
Umiiyak siya.
He rarely cries.
Kailan nga ba ang huling pagkakataon na umiyak siya? Noong araw na kinailangan nilang umalis pagkatapos no'ng nangyari sa playground.
Ang huling araw na nakita niya si Izzy, na si Sizzi pala.
Napasandal si Therence at tumingala kung kaya nagulat si Jayzee at Clark na makita siyang umiiyak.
Wala namang pakialam si Therence kung umiiyak siya ngayon.
Napapikit ng mariin si Therence nang maalala na naman niya ang nangyari kanina.
Nahawakan ni Kysler ang kamay ni Philip upang ilihis sa ibang direksyon ang baril ngunit natamaan pa rin ng bala si Sizzi sa balikat.
Dahil sumasakit ang balakang ni Sizzi ay nawalan ito ng balanse, dahilan para mapatama ang ulo nito sa isang matigas na bagay.
Kitang-kita ni Therence kung paano bumagsak si Sizzi sa sahig. Sandali siyang natigilan, pagkatapos ay nagdilim ang kanyang paningin at sinugod si Philip.
"P*tang*na mong hayup ka! P*tang*na ka! P*tang*na ka!" Mura ni Therence habang walang tigil na binubugbog si Philip.
Biglang may umawat kay Therence. Si Kysler. "Tama na 'yan Therence, dalhin mo na si Sizzi sa ospital, bilis!"
Parang bigla namang natauhan si Therence at nilapitan ang duguang si Sizzi saka ito maingat na binuhat at dinala na sa ospital.
"Nasaan si Sizzily?" Natatarantang tanong ni Sarah pagkarating nito sa ospital kasama ang asawa.
"Nasa operating room pa po." Sagot ni Jayzee.
Napapikit lang si Sarah saka umupo. Dinaluhan naman agad ito ni Frederick upang aluin.
"Kuya..."
Napamulat si Therence at nakita niya ang kanyang kapatid, kasama ang kanilang magulang.
Napayakap agad si Rica sa kanyang kuya.
This is the first time that I've seen Kuya cried. Sabi ni Rica sa sarili na naiiyak din.
Niyakap din naman agad ni Trizel at Leo si Therence. Alam nila kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Pagkatapos ay lumapit ang mag-asawa sa magulang ni Sizzi.
Nahihiya si Therence humarap sa mga magulang ni Sizzi. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kaya nangyari ito kay Sizzi.
"Therence."
Napatingin si Therence sa tumawag sa kanya. Ang nanay ni Sizzi.
Lumapit si Sarah kay Therence at niyakap ito. "Huwag kang mag-alala, malakas ang anak ko."
Napapikit ng mariin si Therence at umagos na naman ang mga luha niya. "Sorry po. Kasala---"
"Walang may kasalanan, Therence." Sabi ni Sarah at humiwalay sa pagkakayakap nito. "Hindi mawawala ang anak ko, okay? Kailangan n'yo pang magpakasal at bigyan ako ng mga apo."
Napatawa ng marahan si Therence kahit na tumutulo ang mga luha niya. "Kahit ilan pa po, bibigyan namin kayo."
Napangiti si Sarah then she patted Therence's head. Lumapit din naman si Frederick at hinawakan ang balikat ni Therence.
Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay ay lumabas na rin ang doktor. Sinabi nito na natanggal na nila ang bala at kasalukuyan pa ring walang malay si Sizzi. Kailangan pa nilang obserbahan kung magkakaroon ng epekto ang pagkakatama ng ulo ni Sizzi.
Kahit papaano ay napahinga sila ng maluwag.
***
Tatlong araw na ang nakakalipas ngunit wala pa ring malay si Sizzi.
Sinabi naman ng doktor na walang internal damage na nangyari sa pagkakatama ng ulo ni Sizzi.
Halos sa ospital na rin tumira si Therence. Gusto niyang siya ang unang makita ni Sizzi pagkamulat ng mata nito.
"Therence, umuwi ka muna." Sabi ni Sarah. "Kami na ang bahala kay Sizzily."
Umiling lang si Therence.
"Hindi matutuwa si Sizzily sa ginagawa mong pagpapabaya sa sarili mo." Dagdag pa nito.
Ayaw ni Therence umuwi. Ayaw niyang iwan si Sizzi.
Napabuntong-hininga na lang ang mga magulang ni Sizzi at ni Therence.
"Namana pa ng anak mo ang katigasan ng ulo mo." Sabi ni Trizel sa asawang si Leo.
Hindi naman nakatanggi ang huli dahil totoo naman.
"Anak, lalabas lang kami. Bibili na rin kami ng pagkain, okay?" Paalam ni Trizel sa anak.
Tumango si Therence ngunit nanatiling nakatingin lang ito kay Sizzi.
Humalik muna si Trizel sa ulo ni Therence, tinapik lang ni Frederick at Leo ang ulo nito at niyakap ni Sarah si Therence bago sila lumabas.
Mga ilang minutong nakatitig lang si Therence sa walang malay na si Sizzi bago nito hinawakan ang kamay ng huli.
"Sweetheart..."
Ayan na naman ang mga luha ni Therence. Tumutulo na naman.
"Tatabi ka o tatabi ka?" Rinig ni Therence na sabi ng isang babae.
"Gag* ka ah. Pahara-hara ka sa daan. Pagmamay-ari mo? Pagmamay-ari mo?" Dagdag na sabi nito.
Napalingon si Therence kung saan nanggagaling ang boses. Nakita niya ang isang babaeng salubong ang kilay dahil sa pagkairita sa lalaking nakahara kanina sa dadaanan nito.
Marahil ay naramdaman ng babae na nakatingin siya rito kaya bumaling ito sa kanyang direksyon at sinamaan siya ng tingin.
Kapareho ng babae sa paraan ng pagtingin si Izzy. Naisip ni Therence.
Unang araw iyon ng klase noong first year high school sila. No'ng araw na rin 'yon ay inalam niya ang pangalan nito at iyon nga ay Sizzily Faye Delos Reyes.
Agad na kinausap noon ni Therence ang tagapayo nila at sinabing kung pwede ay sila ni Sizzi ang magkatabi.
Oo, 'yan ang dahilan kung bakit lagi sila ang magkatabi sa klase.
Kahit naman siguro hindi iisang tao si Izzy at Sizzi, mamahalin pa rin ni Therence si Sizzi.
At sobrang sakit na makita niyang nasa ganitong sitwasyon si Sizzi.
Hinalikan ni Therence ang buhok ni Sizzi, kahit na umiiyak siya. "Please sweetheart, open your eyes now."
"Hindi naman pala gwapo ang Allen Walker na ito." Sabi ni Therence sa sarili.
Kanina pa nanonood si Therence ng D.Gray Man. Hindi talaga niya malaman kung bakit baliw na baliw dito ang kapatid niya at si Sizzi.
"Kuya---"
"F*ck!" Mura ni Therence at agad na hinarangan ang computer kung saan siya nanonood ng D.Gray Man.
Napangisi si Rica. "Aha! Huli ka! Pinapanood mo ang karibal mo kay Ate Sizzi 'no?" Pang-aasar nito.
Ang idinahilan niya kaya hindi siya makakapasok sa araw na iyon ay dahil may aasikasuhin silang magkapatid na papeles. Kaya nadamay si Rica.
Dahil ang totoo naman ay balak niyang panoorin maghapon ang kinababaliwan ni Sizzi na D.Gray Man. Para kahit papaano ay may pagkwentuhan sila nito.
Pero may pupuntahan naman silang party kinagabihan kaya hindi na rin masama ang pagliban niya ng klase.
Napailing si Therence nung maalala niyang akala ni Sizzi ay lilipat sila ni Rica sa Castlelites Academy.
Hinalikan naman ni Therence ang kamay ni Sizzi at hinaplos ang pisngi nito. "I miss you sweetheart. I miss your voice and your laughs that were melodic to my ears. I miss your smiles that light me up."
"Hindi ka pa ba gigising? Ilang araw na akong iyakin dahil sa'yo."
Yes, this is Sizzi's effect to him. Ginawa siya nitong iyakin. Damn, ang group fight leader na gaya niya ay naging iyakin dahil sa kay Sizzi.
"Sweetheart..."
"Re... Rence..."
Nanlaki ang mata ni Therence at agad na tumingin kay Sizzi. Tama ang pagkakarinig niya 'di ba? Tinawag siya ni Sizzi. Narinig niya ang boses nito. Hindi siya nagha-hallucinate lang.
Unti-unting gumalaw ang mga talukap ni Sizzi at tuluyan na itong nagmulat ng mata.
Napuno naman ng kasiyahan si Therence at hinalikan ang palad ng hawak niyang kamay ni Sizzi. Nakangiti siya habang naiiyak. Sobrang saya ni Therence.
"Finally sweetheart. You're awake. Thank God." Sabi ni Therence at hinalikan naman ang pulsuhan ni Sizzi.
"Ilang araw ba akong walang malay?" Tanong ni Sizzi.
"Three days." Sagot ni Therence at hinaplos ang pisngi nito. "Do you need anything?"
Umiling lang si Sizzi pagkatapos ay kunot-noong tumingin sa kanya. "Are you crying?"
"Yes."
"Why?"
"Because it hurts me so much na makita kang walang malay." Hinalikan isa-isa ni Therence ang daliri nito sa kamay. "Wala bang sumasakit sa'yo?"
Umiling lang ulit si Sizzi.
"Are you sure?"
"Yes."
"Hindi ka ba nagugutom?"
"No." Ngumiti si Sizzi. "I'm fine hinayupak."
Hinalikan naman ni Therence ang noo nito. "I've missed you sweetheart."
"I've missed you too, Rence."
Ngumiti si Therence dito.
"Why didn't you tell me na ikaw si Rence?"
"I wanted to. Kaya lang gusto kong patunayan sa'yo na kahit hindi ikaw si Izzy ay ikaw pa rin ang mamahalin ko."
Napasinghap si Sizzi. Biglaan kasi ang naging pag-amin nito.
"I love you Sizzily Faye Delos Reyes." Diretsong nakatingin sa mata ni Sizzi na sabi ni Therence.
Agad naman na napaluha si Sizzi dahil sa tuwa. Damn! He loves me!
Hinawakan ni Sizzi ang pisngi nito. "Kaya siguro ayaw na ayaw kong banggitin ang pangalan mo dahil kapangalan mo 'yong batang nakilala ko ten years ago, which is ikaw pala." Tumingin din si Sizzi sa mata nito. "I love you too Therence Lloyd Morales."
Napangiti ng sobra si Therence and he kissed Sizzi on the tip of her nose. Magka-forehead to forehead sila ngayon.
"Kailan mo pa nalaman na ako si Izzy?"
"I already have this familiar feeling no'ng first year pa lang tayo." Sabi ni Therence. "Pero no'ng nasa condo pa kita, nakita ko 'yong pinaglalagyan mo ng bracelet na binigay ko sa'yo. And I even saw your drawings on your sketch pad na naiwan mo sa condo."
Napatawa ng mahina si Sizzi. "Kaya naman pala hindi ko mahanap 'yong sketch pad dahil na sa'yo pala."
Nanatili lang silang nakatitig sa isa't isa ngunit kahit wala silang sinasabi ay tila ba nagkakaintindihan na sila sa mga tinging iyon, lalo na ang kanilang mga puso.
"I love you Sizzi."
"I hate you."
Napatawa si Therence. "I love you mo---"
"'Yon ang sasabihin ko kapag hindi mo pa ako hinalikan. Stop staring at my lips and just kiss me."
Lalong napatawa si Therence dahil napansin pala 'yon ni Sizzi. He happily obliged Sizzi's command. He kissed her on her lips.
"I love you my stubborn Sizzi."
"I love you too, my annoying Therence."
=====
Dyaran! Hahaha! May epilogue pa! Huwag n'yo akong inaano dyan. Hahaha!
Natatawa ako sa kakornihan nito. Pfft! Hahahaha!
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro