Fight #44: Biggest Group Fight
Therence's Punch
P*tang*na. P*tang*na. P*tang*na!
Agad akong bumangon at tinanggal ang pagkakaturok ng dextrose sa akin saka ako tumakbo.
Alam ko namang nakasunod sina Clark sa akin.
Pagkarating ko do'n sa bayaran sa ospital ay agad akong naglapag ng pera. Wala akong pakialam kung magkano 'yon, basta ang mahalaga ay makalabas na ako.
Ni wala akong pakialam kahit na tinatawag ako ng mga nurse.
Pagkarating ko saan nakapark ang mga motor nina Jayzee ay agad kong inilahad ang kamay ko kay Jayzee para hingin ang susi.
Umiling ito. "Hindi ka pwedeng mag-drive pare. Baka bumalik tayo sa ospital na ito kapag ikaw ang nag-drive."
Wala na akong gumawa kundi ang umangkas na lang. Tama naman kasi si Jayzee.
Sh*t.
Pagkasakay namin ay saktong tumawag sa akin si Founder.
"Therence! Ang Breakers---"
"Nasaan sila?" Tanong ko agad.
"Danger Zone #25. Bilisan n'yo. Papunta na kami do'n. Kinidnap nila sina Sizzi."
In-end ko naman agad ang call at sinabi kay Jayzee na pumunta sa Danger Zone #25.
P*tang*nang Breakers 'yan! Patayin ko kaya sila?
"Bilisan mo!" Sigaw ko.
"P*ta. Pareho tayong mamamatay nito!"
Pero mas binilisan naman niya ang pagpapaandar ng motor.
Pagkarating namin sa Danger Zone #25 ay napakaraming tao.
Napakaraming taong nagbubugbugan.
Marami na akong nakitang nakahiga. Hindi pa naman sila patay, sobrang tindi lang ng pagkakabugbog.
Tumulong naman kami agad. Para talaga silang assassins. Ang galing nilang gumamit ng armas.
Nasa labas pa lang kami ng building. Hindi kami makapasok sa dami ng Breakers.
Tang*na. Kailangan ko silang iligtas!
Sizzi's Punch
Minulat ko ang mata ko. Pero wala akong makita masyado kasi malabo ang paningin ko. Hinintay ko naman na luminaw ang paningin ko.
Nakita ko sina Rica na walang malay at may tali ang kamay at paa.
Nakatali rin ang kamay at paa ko pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na ako pwedeng gumalaw.
Umupo ako para maabot ng kamay ko ang tali sa paa ko. Mahigpit ang pagkakatali pero natanggal ko naman.
Tinanggal ko rin naman agad ang mga tali nina Rica saka ko sila ginising.
Bakit kasi dinamay pa sila rito? Wala naman silang kinalaman sa group fights.
Sigurado akong Breakers ang kumuha sa amin kanina.
"Please, sa likuran ko lang kayo, okay? Kapag may nakita kayong naka-mask, sumigaw kayo o tumili okay?" Sabi ko sa kanila. "Don't worry, ilalabas ko kayo rito."
Kinuha ko naman agad ang pin ni Ericka para mabuksan ang lock. Dahan-dahang kong binuksan ang pinto at dinampot ko agad ang baseball bat na nakita ko.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay may bumungad na agad sa aming limang lalaki. Napatumba ko naman agad sila.
Ang dami kong naririnig na nagmumura. Mukhang nandito ang lahat ng kasali sa group fights.
F*ck. Kailangan ko talaga silang mailabas dito.
"Ahhh!"
Napalingon agad ako dahil tumili si Celestine. Sh*t! Hawak siya ng dalawang Breakers!
Sinugod ko naman agad 'yong dalawang Breakers. Nahigit ko naman agad si Celestine kaso nahampas ako ng kahoy.
"Sizzi!" Gulat na sabi ni Celestine.
Kita kong nanginginig ang katawan ni Celestine. Dahil sa takot.
She's not used to see this kind of violence, maybe.
"I'm fine."
Nakaganti naman ako agad kaya napatumba ko sila.
"Where's the way out?" Tanong ko.
Pero hindi sila sumagot.
Sinipa ko sila ng tig-isa. "Where?"
Nanghihina naman na itinuro ng mga ito ang isang pinto sa gilid.
Pumunta agad ako sa pinto at binuksan 'yon. Makipot ang daan. Pang-isahang tao lang.
"This is the way out. Oras na makalabas kayo, tumawag agad kayo ng pulis, maliwanag?" Sabi ko sa kanila.
"Paano ka Ate Sizzi?" Nag-aalalang tanong ni Rica.
"I'll be fine. Now, go."
Unang lumabas sina Rica. Kahulihan si Celestine.
"Sizzi."
"Bakit?"
"Thank you for saving me."
Ngumiti naman ako. "You're welcome. Dalian mo. Para makauwi agad kayo."
"Pero paano ka?"
"Maniningil pa ako." Marahan ko siyang itinulak. "Go."
Ngumiti pa siya sa akin bago siya lumabas.
Nilabanan ko pa rin ang Breakers kahit na ang dami kong sugat at nanghihina na ako.
Nakita ko si hinayupak na kalaban si Philip.
F*ck. So this is it? Ito ba ang revenge na sinasabi ni Philip? Siya ang leader ng Breakers?
Tahimik naman akong lumapit sa kanila saka ko sinuntok si Philip. Nagulat pa nga si hinayupak.
Sinipa ko muna si Philip bago ko siya ni-head lock. "Give up now, Philip."
Tumawa ito. "I underestimated you. But there's no way that I'll give up."
Biglang may humawak sa braso ko and in one second, nailayo ako nito kay Philip.
Si Kuya Kysler.
O dapat ko ba talaga siyang tawaging Kuya?
Kumawala naman agad ako sa pagkakapit nito sa akin at lumapit ako kay hinayupak.
Ngumisi si Philip. "Anong pakiramdam ng pagtrayduran, Sizzi?"
Ngumisi ako. "No'ng una pa lang ay napansin ko nang magkahiwigin kayo. Alam kong magkadugo kayo."
Hindi ko naman kasi alam ang apelyido ni Kysler. Akala ko ay magpinsan lang sila.
But no. Magkapatid sila.
May dumaang emosyon sa mata ni Kysler pero hindi ko na 'yon binigyan ng pansin.
"At alam ko rin na sa simula pa lang ay masama ka na talaga." Dagdag ko pa. Nagkibit-balikat ako. "After all, ikaw naman 'yong batang tumulak sa akin sa swing ten years ago."
"So naaalala mo na. I see." Tumangu-tangong sabi ni Philip. "Who would've thought na ang batang babae na tinulak ko at lalaking nasuntok ko ng ilang beses ten years ago ay makakaharap ko na naman ngayon?" Ngumisi si Philip.
Nanlaki ang mata ko. Wait. Lalaking nasuntok niya ng ilang beses ten years ago? So ibig sabihin---
"Iiyak ka na naman ba ulit Sizzi kapag nakita mong duguan si Therence? Sisisihin mo na naman ba ang sarili mo dahil wala kang magawa? Na mahina ka?" Dagdag ni Philip.
Kumuyom ang dalawang kamay ko. Tang*na.
Bakit kailangan pa niyang sabihin ang dahilan kung bakit ayaw kong tinatawag akong mahina?
Naramdaman kong hinawakan ni hinayupak ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
Ngumiti ito sa akin. "Don't mind him, sweetheart. You're stronger more than you could think."
Pakiramdam ko ay namuong luha sa mata ko.
Nagulat na lang ako dahil bigla akong niyakap ni hinayupak. F*ck. Hindi ko naramdaman na sumugod pala sa sa amin 'yong magkapatid.
Si Kysler ang kalaban ni hinayupak at si Philip ang kalaban ko.
"Bakit Sizzi?" Biglang sabi ni Philip.
Nagtaka ako. Anong bakit?
"Bakit hindi mo ako nagawang mahalin?" Dagdag niya.
Nanlaki ang mata ko. Bakit nga ba? Kahit papaano naman ay naging mabuti siya sa akin despite the reason na siya ang tumulak sa akin nung bata pa lang ako.
"Bakit si Therence pa ang napili mo?" Dagdag pa niya.
Saka ko lang napansin yung mata ni Philip. Mukha siyang nag-take ng drugs.
Bigla siyang tumawa. "Ayos lang sana kung sa ibang lalaki kaso hindi eh. Kay Therence pa. Ano bang meron sa p*tang*nang lalaking 'yon ha? HA?" Galit na sigaw nito saka naglabas ng baril.
What the f*ck!
Ikinasa nito ang baril saka tumawa na para bang nababaliw na ito. "Kaya kung hindi ka rin lang naman mapupunta sa akin ay mabuti pang mawala ka na para hindi ka mapunta sa iba!"
Gagalaw na sana ako para umalis sa pwesto ko pero sumakit na naman ang balakang ko.
P*tang*na. Bakit ngayon pa?
Napahawak ako sa balakang ko. At saktong pagtingin ko kay Philip ay lumapit agad dito si Kysler upang maibaling sa ibang direksyon ang baril pero huli na ang lahat.
I heard a gunshot.
And my vision went black.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro