Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #43: The Beginning

Rica's Punch

"Ate Sizzi, calm down." Pagpapakalma ko kay Ate Sizzi.

Kanina pa kasi siya pabalik-balik ng lakad. Nahihilo na ako sa kanya!

"Calm down? Eh nakakabwisit 'yang kuya mo! Sinabi na ngang hindi na kami sasakay sa Space Shuttle eh nagpilit pa!" Inis na sabi ni Ate Sizzi.

Palihim akong napangiti.

Ang bilis namang natunaw ni Kuya ang yelo. Ate Sizzi is back.

"Napakagag*! Kung magpapakamatay siya, dapat sinabi niya sa akin ng ako mismo ang papatay sa kanya!" Dagdag pa ni Ate Sizzi.

May trauma kasi sa rollercoaster si Kuya. Ang sabi ni Mommy, no'ng nine years old si Kuya, first time nitong sumakay sa rollercoaster na 'yong parang pambata lang naman. Kaso nagkaproblema, hindi nahinto agad 'yong sasakyan kaya ayun, nasobrahan.

"Alam n'yong may trauma na 'yong tao sa gano'ng ride, bakit n'yo pa pinayagang sumakay?" Sabi ng doktor. "Kapag naulit pa ito ay may posibilidad na magkaroon na siya ng sakit sa puso kaya pakiusap, huwag na sanang maulit ito."

Kaya ganyan kainis ngayon si Ate Sizzi.

"Nakakainis." Mahinang sabi ni Ate Sizzi. "Nakakainis."

Nanlaki ang mata ko. Ate Sizzi is crying!

Agad naman akong lumapit kay Ate Sizzi at hinagod ang likod nito. "Okay lang si Kuya, Ate Sizzi. Malakas si Kuya. Masamang damo pati 'yan, matagal ang buhay n'yan."

Pinahid ni Ate Sizzi ang luha niya habang natatawa. "Oo nga pala, matagal nga pala ang buhay ng masamang damo." Tumingin siya sa nakahigang si Kuya. "Nakakabwisit pa rin siya. Aish! Masyado akong pinag-aalala! Nakakainis!"

Napangiti ako at niyakap si Ate Sizzi. "Welcome back Ate Sizzi."

Gumanti ng yakap si Ate Sizzi sa akin. "Thank you Rica. Sorry sa nasabi ko dati."

"Okay lang 'yon. Alam ko naman na may problema ka eh. Kaso masakit pa rin."

Ikwinento naman ni Ate Sizzi kung bakit siya naging Cold Princess. At swear, napamura ako. 'Yong malutong talaga. Grabe.

"Hayup talaga ang stupid witch na 'yon! Kainis!" Gigil kong sabi.

"Hayaan mo na."

"Sizzi? Bunso?"

Sabay na napatingin kami kay Kuya. May malay na siya!

"Kumusta ang pakiramdam mo Kuya? Do you need anything?"

Umiling lang si Kuya. "Nawalan ba ako ng malay?"

"Oo, hayup ka! Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? Kita mo na ang nangyari sa'yo? Papatayin mo ba ako sa pag-aalala sa'yong hinayupak ka?" Lintanya ni Ate Sizzi.

Napatawa ng mahina si Kuya. "I'm fine sweetheart. At least nasamahan kita sa Space Shuttle."

"Eh gag* ka pala eh! 'Di ba sabi ko, huwag na?"

"But you really want to ride that. Kita naman sa mata mo." Nakangiting sabi ni Kuya saka hinaplos ang pisngi ni Ate Sizzi.

Napangiti naman ako saka tahimik na lumabas. Baka makaistorbo pa ako sa moment nila.

Biglang nagtext naman sina Ericka na papunta rin sila rito sa ospital kaya naman hihintayin ko na lang sila.

Sakto naman na parang nag-crave bigla ako sa Mogu-Mogu kaya pumunta muna ako sa 7Eleven na nasa tapat lang ng ospital.

Hmm, maibili na nga rin sina Ate Sizzi ng pagkain.

Sakto naman na pabalik na ako sa ospital no'ng makita ko sina Amae na bumaba sa motor ni Kuya Jayzee at Kuya Clark.

"Pumasok na kayo. Bibili lang kami ng pizza para kay Therence." Sabi ni Kuya Jayzee at umalis na sila.

Saktong pag-ikot namin para pumasok na ulit sa ospital ay nakita namin si stupid witch na may dalang bulaklak.

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ni Amae.

"Bibisitahin ko si Therence. Where is his room, little sister?" Nakangiting sabi ni stupid witch.

Pakiramdam ko ay nanayo ang balahibo ko and at the same time ay parang kumulo ang dugo ko. How possible is that?

Dahil tinawag niya akong little sister! Oh my goodness! So... eww.

"Little sister!" Sabi ko. "Dream on stupid witch. Wala akong kapatid na mangkukulam." Tiningnan ko ang hawak nitong bulaklak. "At sa pagkakaalam ko, hindi pa patay ang kuya ko."

"Rica? Ericka? Amae?"

Lumingon kami sa tumawag sa amin. Si Ate Sizzi. Nakakunot ang noo nito.

"Bakit hindi pa kayo pumapasok? Hinihintay na kayo ni hinayupak." Bumaling bigla ito kay stupid witch. "Oh? Namali ata ang pinuntahan mo. This is a hospital, not a cemetery."

Parang humigpit ang hawak ni stupid witch sa bulaklak. "Akala ko ba si Cold Princess ka? Anong nangyari? Hindi mo kayang hindi dumepende kay---"

"Oh, bitch please. Hindi ako dependent kay hinayupak. Siya ang dependent sa akin." Nakangising sabi ni Ate Sizzi.

Lalo atang nadagdagan ang inis ni stupid witch. "You---"

Naputol ang sasabihin ni stupid witch dahil may biglang humintong van at lumabas doon ang napakaraming lalaki.

Kita ko pang nanlalaban si Ate Sizzi bago ako mawalan ng malay dahil sa chlorofoam na mayroon sa panyong itinakip sa ilong ko.




Therence's Punch

Aware ako na lumabas si bunso no'ng hinaplos ko ang pisngi ni Sizzi.

Huminga ito ng malalim at umupo sa gilid ng kama. "Next time na mangyari pa raw 'to ay may possibility na magkasakit ka na sa puso."

"Alam ko." Tumingin ako sa kanya. "I'm sorry for making you worry, sweetheart."

"Huwag na kasing matigas ang ulo."

Napatawa ako. "Wow sweetie, coming from you ha?"

Hinampas nito ang braso ko. "Ish! Hinayupak naman eh!"

Napatawa na lang ako.

Maya-maya pa ay nagkatitigan kami ni Sizzi. Nagkusa bigla ang katawan ko at niyakap ko siya.

"I missed you sweetheart."

I heard her chuckled. "Halata nga."

"Why? Hindi mo man lang ako na-miss?"

She didn't reply. Niyakap lang niya ako pabalik.

She didn't have to answer. I can feel it naman.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap ni Sizzi. Nalibang kasi ako sa pag-amoy ng buhok niya. Ang bango.

"Wait! Si Rica---"

"She went outside. Baka nabiling pagkain."

Humiwalay siya sa pagkakayakap. "I'll just follow her, okay?"

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "No."

Pakiramdam ko kasi ay parang may masamang mangyayari.

Ngumiti si Sizzi. "I'll be fine hinayupak."

Wala na akong nagawa no'ng umalis si Sizzi.

Hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko talaga ay may hindi magandang mangyayari.

Fifteen minutes na ang nakakalipas pero hindi pa rin sila bumabalik.

F*ck! Kinakabahan ako!

Napatingin ako sa pinto dahil bigla itong bumukas at iniluwa nito ang hinihingal na Jayzee at Clark.

"Therence! Sina Sizzi!" Sabi ni Jayzee.

Napabalikwas ako bigla. F*ck!

"Dinakip sila!" Pagpapatuloy ni Clark.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro