Fight #42: Space Shuttle
Sizzi's Punch
"Anchor's Away tayo!"
"Sa horror train na tayo agad! Dali! Walang pila!"
"I-try natin 'yong EK Extreme!"
Napabuntong-hininga ako. Parang mga nakawala sa hawla ang mga ito.
Nandito kami sa Enchanted Kingdom. Field trip kasi namin. Last activity bago mag-sem break.
Oo, may sem break din kami kahit hindi naman kami college students.
Required na um-attend kami. Parang ito 'yong clearance namin ngayong bago mag-sem break.
Bale limang batch ito. Sa dami ba naman ng Jayden High students.
Kami nga 'yong last batch eh. Lahat ng section A mula first year hanggang fourth year ang kasama namin.
"Uy! Sizzi!" Tumakbo palapit sa akin si Mariann. "Tara sa Rio Grande?"
Wala akong kasama sa pagsakay ng rides. Iniiwasan kasi nila ako since ako nga si Cold Princess ngayon.
Hindi ko lang alam kung ano ang sumapi kay Mariann at nilapitan ako.
Come to think of it. Si Mariann nga pala dapat ang seatmate ko since she's Mariann Jella Del Prado.
Paano kayang naging si hinayupak ang seatmate ko?
Aish.
"Ikaw na lang." Malamig na sabi ko.
Tinapik nito ang balikat ko. "Hindi ka makakapag-enjoy kung magpapakayelo ka lang dyan. Sige ka."
Bakit ba nawala sa isip ko na ang kulit nga pala ni Mariann?
Umiling ako.
Napanguso si Mariann. "Sige na nga. Sure naman akong sasamahan ka ni Therence mamaya. Bye!"
Tumakbo na paalis si Mariann at sumama sa iba naming kaklase.
Nakakita naman ako ng stall ng ice cream kaya bumili agad ako.
May nakasabay pa nga akong mga first year eh. Alanganin pa silang ngumiti sa akin.
Ngumiti na lang ako ng tipid.
Nanlaki ang mata nila at napasinghap. Mga gulat siguro na nginitian ko sila kahit tipid lang.
"Ate Sizzi." Tawag no'ng first year na babaeng wavy ang buhok.
Tumingin ako sa kanya.
"Bakit ka po naging cold? No'ng nakaraang buwan po ay lagi kang nakangiti 'di ba?"
Umiling lang ako. "Dahil may nagsabi sa akin na dependent ako."
"Po? Ano naman pong konek ng pagiging cold n'yo? Ang lungkot po tuloy ni Kuya Therence, pati po kaming RenZzinations malungkot din."
Kumunot ang noo ko. RenZzinations? Ano 'yon? Fans' club namin ni hinayupak?
"Hindi ka naman po dependent eh." Sabi no'ng isa pang first year na babaeng may salamin. "Nakaya n'yo nga po dati na pagtinginan ka ng lahat no'ng ano po... hmm..." Nag-alangan pa itong sabihin ang gusto nitong sabihin. "No'ng may galit ka pa po sa mundo. 'Yon po ba ang dependent?"
Natigilan ako sa sinabi nila.
Dinaig pa ako ng mga first year.
"Sana po, makita po ulit namin kayong nakangiti at masaya ni Kuya Therence. Fan n'yo po talaga kami." Nakangiting sabi no'ng may braces.
Naramdaman ko biglang may umakbay sa akin.
Sh*t.
Kilala ko na agad ang taong ito dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Hi. Pwede ko bang kidnap-in muna si Sizzi?"
Natigilan 'yong mga first year. Kahit nga ako eh.
Bumalik na sa dati si hinayupak. Well. Baka naman talagang wala lang ako sa kanya.
Sabay na tumango 'yong mga first year.
Nakangiting bumaling sa akin si hinayupak. "Let's go, sweetheart?"
Nanlaki ang mata ko. Did I hear him right? Tinawag niya akong sweetheart?
Admit it. You missed him calling you sweetheart.
Pinukpok ko ang ulo ko. Damn. Umaariba na naman 'tong nakakainis kong utak!
Biglang hinawakan ni hinayupak ang kamay ko. "Stop arguing with yourself." Bumaling siya sa mga first year na kausap ko kanina. "Thank you for accompanying Sizzi kahit madali lang." Saka niya ako hinila palayo.
"Let go of me." Malamig na sabi ko.
"There's no way I'm letting go, sweetie." Seryoso itong tumingin sa akin. "Huwag mo nang tangkaing umalis dahil mahahabol pa rin kita."
Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga schoolmate namin. Nakatutok pa nga sa amin 'yong mga cellphone nila. Ngayon lang naman ulit kasi nila nakitang magkausap kami ni hinayupak. Hawak pa niya ang kamay ko.
Why is he doing this?
Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahil bigla siyang ngumiti.
Pinisil nito ang kamay kong hawak niya. "Tama na 'yong isang linggong pagiging cold mo. Hindi ko na kasi kaya 'yong set up mo."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Sapat na naman siguro ang isang linggo, 'di ba?" Dagdag niya.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Stop being cold like this sweetheart. Hindi ko kaya." Sabi niya no'ng hindi pa rin ako nagsasalita.
Parang sa isang iglap ay nabasag ang yelong nakapalibot sa akin.
Hindi ko na rin naman kasi kaya eh.
"I'm sorry." Mahinang sabi ko.
Biglang lumapit sa akin si hinayupak at hinalikan ako sa noo. "Next time sweetheart if you have problems, tell me, okay? I'm more than willing to help."
Huminga ako ng malalim at tumango.
Biglang nagtilian ang mga nanonood sa amin. F*ck. Nakakahiya!
Pero parang wala lang kay hinayupak na pinapanood kami ng schoolmates namin.
"Now, which ride do you want to try first?" Nakangiti nitong tanong sa akin.
"Anchor's Away?"
"Anchor's Away it is." Sabi ni hinayupak at hinila na ako papunta roon.
Pagtingin ko sa mga taong nasa paligid namin ay puro nakangiti sila.
Siguro nga, kailangan nang mag-goodbye ni Cold Princess.
Pagkasakay namin sa Anchor's Away ay sa Dodgem naman kami pumunta.
Nakakainis, ni hindi man lang ako makaganti sa pagbangga ni hinayupak sa akin.
Sumakay naman kami sa Fiesta. Pagkababa namin do'n eh nagulat ako dahil binigyan ako ng pagkain ni Clark at Jayzee.
Kumunot ang noo ko. "Anong meron?"
"Wala, masaya lang kami na bumalik na ang dating Sizzi." Sabi ni Clark pagkainom ng shake.
"Weh?" Parang may iba eh. "Bakit parang mukha kayong guilty?"
"H-hindi ah! Ikaw talaga Sizzi, naging Cold Princess ka lang ay kung anu-ano na ang napapansin mo." Parang kabadong sabi ni Jayzee.
Tumingin ako kay hinayupak. Nagkibit-balikat lang ito.
Kahit kailan talaga ay napakatinong kausap nito eh.
Maalala ko nga pala. "Sinong nagbayad para sa akin ngayong field trip?"
Kasi naman, wala akong binayaran. Dahil ang sabi sa akin ay bayad na raw ako.
Sabay na itinuro ni Clark at Jayzee si hinayupak.
"Babayaran kita bukas." Sabi ko at sumubo ng french fries.
"No." Sabi nito. "And no buts, Sizzily Faye." Dagdag nito no'ng magpoprotesta sana ako.
Napasimangot ako.
"Huwag ka nang magreklamo, sweetie." Sabi pa ni hinayupak.
"Sibat na kami." Sabi ni Clark at Jayzee saka umalis.
Sinundan ko sila ng tingin. May mali talaga eh.
"Saan mo pa gustong sumakay?" Tanong ni hinayupak.
"Space shuttle."
Biglang namutla si hinayupak. Don't tell me, takot siya?
"Natatakot ka ba?" Sabagay, bakit kasi may pabalik pang nalalaman 'yong Space Shuttle?
Nagtikhim muna si hinayupak. "N-no."
"Weh? Eh no'ng sinabi ko ngang Space Shuttle ay biglang namutla 'yang mukha mo na para bang uminom ka ng isang drum ng suka eh."
"Imagination mo lang 'yon, sweetheart." Sabi nito at in-straight na inom 'yong juice.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko. Konsensya ko pa 'pag bigla 'tong mahimatay.
"Do you really want to ride that?"
"Yeah, pero kung---"
"Then let's go." Sabi ni hinayupak at hinigit ako papunta sa Space Shuttle.
Medyo maikli lang 'yong pila. Mga takot kasi. Gawa siguro no'ng may pabalik pa nga.
No'ng malapit na kaming sumakay ay napansin ko ang panginginig ng katawan ni hinayupak.
"Hinayu---"
"I'm fine." Ngumiti pa ito sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Bigla naman kaming tinawag no'ng nag-aassist na sumakay na kami. Hawak pa rin niya ng mahigpit ang kamay ko.
No'ng makaupo na kami ay nakita kong nakapikit si hinayupak. Sobrang putla ng mukha niya.
"Therence, bumaba na tayo."
Nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin. "Okay lang ako."
No'ng umandar na ay lalong napapikit ng mariin si hinayupak. Actually, sa buong ride ay nakapikit lang siya.
No'ng matapos na ang ride ay tinapik ko ang mukha ni hinayupak. Grabe. Parang wala siyang dugo sa mukha niya.
Nagmulat ito ng mata saka dahan-dahang bumaba. Inalalayan ko nga dahil mukhang nanlalambot.
Kaso, nakakailang hakbang pa lang kami ay biglang natumba si hinayupak at since, inaalalayan ko siya, nadala ako.
"Therence? Therence!" Sabi ko habang tinatapik ang pisngi nito.
F*ck. Bakit kasi ang tigas ng ulo nito eh!
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro