Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #4: O_____O

Sizzi's Punch

Lint*k.

Kanina pa ako naiirita rito ha? Bakit? Sino ba namang hindi maiirita kung pakiramdam mong may nasunod sa’yo kanina pa?

Naglalakad na ako pauwi sa apartment ko at kanina pa ako naiinis sa kung sino mang nilalang ang nasunod sa’kin. Wala sigurong magawa sa buhay. Abnormal ata, kailan pa may taong naging interesado sa’kin? Isipin ko pa lang na stalker ito kinikilabutan na ako. Aba naman? Sa itsura kong ito may stalker ako? Huwaw ha?

0.01% na lang at talagang mapupuno na ako. Wala akong pakialam kung sino man ang tarantad*ng ito na sumusunod sa’kin. Maghanda na siya dahil wawasakin ko ang pagmumukha niya, 'yong tipong hindi na siya makilala ng kahit sino.

WALA NA. PUNO NA AKO.

“Sino ka ba ha? Bakit ka sunod nang sunod? Magpakita ka sa'king duwag ka!” Sigaw ko.

*sssswwwoooooossssshhhhhhh*

*hangin……hangin.....lipad-dahon……hangin…..hangin..…*

Okay. Nagmukha akong tanga sa scene na 'yon ah?

Nasaan ba ang author nito nang mahigit papasok dito at sasapakin ko ng maraming beses 'yon? Para akong tanga. Tama ba namang kausapin ang hangin?

T-teka, hindi kaya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

MULTO yung sumusunod sa’kin?!

WAAHH!! Wala namang ganyanan oh! Takot ako sa multo! Waaahhhh!

“Haha! Takot sa multo ang sigang si Sizzily Faye delos Reyes? Hahaha!”

Takte ka konsensiya, uupakan kita dyan namo.
(A/N: Namo, shortcut ng tang*na mo. Hehe.)

Bwisit! Huwag n'yo nga akong pagtawanan! Kayo na! Kayo na ang hindi takot sa multo! Kayo na ang Diyos! Kainis!

Awa naman ni Lord at nakarating ako sa apartment ng ligtas. Ligtas sa kung sino man yung nasunod sa’kin. Sana talaga hindi 'yon multo.

Nagpalit lang ako ng damit tapos nanood na ako ng D.Gray Man. Episode 73 na pala ako. Yiiii~! Ang gwapo talaga ni Allen Walker! Bagay sila ni Lenalee!

Kasagsagan ako ng panonood no'ng biglang mag-ring 'yong phone ko. Istorbo. Ganda pa ng panonood ko eh.

“Hel—“

"Sizzily Faye Delos Reyes! Nasaang lupalop ka ba ng mundo ha? Ikaw na lang ang wala rito!"

Aba’t— tama ba namang sigawan ako eh nakadikit lang sa tenga ko 'yong cellphone ko? Kainis ‘to ah! Hayup!

“Sana man lang nag-hello ka muna bago ka manigaw 'di ba? Hayup! Ano bang problema mo ha?” Sigaw ko rin. Bastusan eh, hindi ako pinatapos.

"Problema ko? Aba Sizzi! Baka nakakalimutan mong may gagawin tayo ngayon? Aba! Anong petsa na ha? Huwag mong sabihing nagpapakaadik ka na naman sa D.Gray Man na 'yan?"

CRAP! Napatingin ako bigla sa orasan ko at...

Wat da pak? 8 PM na?! Takte naman oh! Patay talaga ako nito.

“Oo na! Saglit lang! Text mo sa’kin kung saan. Bye.” Sabi ko at in-end ko na ang call.

Ni-end ko na yung call at dali-dali akong nagbihis. Sh*t! nalibang ako masyado sa kagwapuhan ni Allen Walker eh.

May na-receive naman agad akong text at— what the— ang layo naman!



Therence's Punch

Nag-uuli kami ng grupo ko. Malay n'yo, makasalubong namin ang grupo ni Philip.

“Kapag nag-nine na at hindi pa rin natin nakaharap sina Philip uuwi na ako.” Sabi ni Clark habang naghahagis ng mga bato.

“Daig mo pa ang babae kung mainip.“ Puna ko sa kanya.

“Nagsalita ang hindi naiinip!” Nakangising sabi ni Clark.

“Hoy mga gag*, sa wakas nagkaharap din tayo.”

Napatigil kami sa paglalakad. Bigla namang may lumabas na grupo mula sa gilid namin. Napangisi ako. Sa wakas!

Napatingin ako sa grupo nila. Teka, wala 'yong babaeng member nila?

“Nasaan 'yong babaeng member n'yo?” Tanong ko habang iniisa-isa sila.

“Tss, asa ka pang makakaharap mo siya. Hangga’t di mo ako natatalo, hindi mo siya makakaharap.” Mayabang na sabi ni Philip.

“Ah, 'yon lang ba ang gagawin? Ang dali naman.” Sabi ko habang tumatango-tango.

“Tang*na, minamaliit mo ba ako?” Pikon na sabi ni Philip.

“Pwede rin, kung 'yan ang iniisip mo.” Nakangisi kong sabi.

“Napakayabang mo talaga, wala ka namang ipagyayabang.” Pikon na si Philip.

“Hindi naman ako nagmamayabang. I’m just stating the obvious.” Nagkibit-balikat pa ako para dagdag sa pang-asar.

“P*tang*na! Tama na nga ang satsat! Nag-iinit ang dugo ko sa’yo!” Pikon na pikon na sabi ni Philip.

“Palamigin mo muna at baka hindi ka makalaban sa’kin.” Pampipikon ko pa.

“You f*cking stupid guy!” Sabi ni Philip at sumugod sa akin.

Start ang group fight. Hoho! Exciting ‘to!

*PAK! PUK! PAK!*

Halos nagpapalitan lang kami ng suntok ni Philip. Ganito ang mga gusto kong laban. Hindi 'yong isang suntok ko lang tulog agad 'yong kalaban ko.

*PAK! PUK! PAK! KABLAG!*

Napupuruhan ko na si Philip, magaling naman siya eh, mas magaling nga lang ako.

“Girlfriend," sinuntok ko si Philip, "mo ba 'yong babaeng member," umilag ako sa suntok niya, "n'yo?”

“At bakit ko naman sasabihin sa’yo?” Madiing sabi ni Philip.

Nasuntok ko si Philip kaya napatumba siya. Duguan na nga eh. Kaso nalaban pa rin. Eh halos hindi na nga makasuntok kasi nanghihina na!

*PAK!*

Sh*t. May nakasuntok sa mukha ko. Kamuntikan na akong matumba. Hindi ko inaasahan 'yon eh. Pagkalingon ko sa sumuntok sa’kin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

What the—

Si Sizzi?

=====

Huwag ka-excite sa laban ni Sizzi at Therence! Haha!

Si Clark po 'yong nasa gilid >>>>>>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro