Fight #37: Meet the Parents!
Sizzi's Punch
"Bibigyan kita ng isang segundo para ibalik mo sa akin 'yan." Banta ko kay hinayupak.
"Para titingnan lang eh." Sabi ni hinayupak at bubuklatin na ang sketch pad ko.
"Isa!" Sigaw ko at sinubukan siyang habulin pero nakatakbo agad siya.
Nandito kami sa condo at kasalukuyang naghahabulan dahil ang walanghiyang hinayupak na ito ay kinuha na lang basta ang sketch pad ko.
Eh parang diary ko na 'yon eh! Sa pamamagitan nga lang ng drawing.
"Hinayupak naman eh! Gusto mo bang gibain ko itong condo mo?"
(A/N: Gibain = sirain)
"Bakit ba ayaw mong ipakita ang laman nito? Drawing elementary ba ang mga drawing mo rito?" Sabi nito habang winawagayway ang sketch pad ko.
"Basta ibigay mo na sa akin 'yan! 'Pag talagang inabutan kita, mapapatay kita."
"Weh? Kaya mo?"
"Bakit naman hindi?" Sabi ko at hinabol ulit siya.
Ish! Bwisit!
"Kapag hindi mo binigay sa akin ang sketch pad ko, tatalon ako sa bintana!" Banta ko.
Nanlaki ang mata nito pagkatapos ay natawa. "Kaya mo?"
Aba't--- talagang sinusubukan ako ng hinayupak na ito ah!
Pairap at padabog akong pumunta sa bintana at binuksan 'yon.
"O-oy! Sizzi! Seryoso?" Rinig ko ang mga yabag ni hinayupak na palapit sa akin.
Napangisi ako saka sumampa sa bintana na parang ready na nga akong tumalon.
(A/N: Sumampa = tumapak)
"Ahhh!" Tili ko.
Paano ba naman kasi, bigla akong hinigit kaya natumba kami!
Nanlaki ang mata ko sa pwesto namin.
Nakahiga kami sa sahig at nasa ibabaw niya ako.
P*tang*na.
Nanlaki rin naman ang mata ni hinayupak tapos ay ngumisi.
Nasa gano'ng pwesto kami no'ng biglang bumukas ang pinto!
"Mom, Dad?"
"Mama, Papa?"
Sabay pa kami ni hinayupak n'yan.
Nanlalaki rin ang mga mata nila. Mga ilang segundo kaming magkakatitigan saka ako dali-daling tumayo.
"M-Mama! Papa! A-anong ginagawa n'yo rito?" Natataranta kong sabi.
"Ikaw dapat Sizzily ang tinatanong ko n'yan. Anong ginagawa mo sa condo ni Therence?" Tanong ni Mama na mukhang nahimasmasan na.
"Therence! Kailan pa kayo nagsama sa iisang condo?" Tanong ng mama ni hinayupak.
"N-no'ng ano po---"
"Buntis ka ba, Sizzily?" Biglang tanong ni Mama.
"MAMA!" Kamuntikan na akong matumba sa gulat dahil sa sinabi ni Mama.
Anong klaseng utak ba mayroon ang nanay ko?
"We need an explanation for this." Seryosong sabi ng papa ni hinayupak.
***
Hindi ako mapakali sa upuan ko. Magkatabi kami ni hinayupak tapos nasa tapat namin ang mga magulang namin.
Feeling ko, ginigisa na agad ako kahit nakatingin lang sila sa amin.
"Now, explain." Maawtoridad na sabi ni Papa.
Napalunok ako. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Papa.
"Medyo seryoso po kasi ang problema. Ligtas naman po sa akin si Sizzi. Huwag po kayong mag-alala." Paliwanag ni hinayupak.
Buti pa siya, hindi kabado.
"Ayaw ko po kayong madamay." Mahinang sabi ko.
"Group fights again?" Tanong ng papa ni hinayupak.
Nakita kong napailing sina Mama.
"How many times do I have to tell you, Sizzily? Delikado ang group fights na 'yan." Sabi ni Mama.
Napabuntong-hininga ako at napayuko. Hindi ko rin alam kung ilan na.
Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa buhok ko. Si Mama.
"Ayos ka naman ba, anak? Nasaktan ka ba?" Tanong ni Mama.
Biglang may namuong luha sa mga mata ko. Kasabay ng pagyakap ko kay Mama ay ang pag-iyak ko.
"Mana ka talaga ng katigasan ng ulo sa papa mo." Natatawang bulong ni Mama.
"Rinig kita, Sarah." Sabi ni Papa.
Napatawa ako.
Biglang lumapit ang mama ni hinayupak at saka---
"Aray, Mom! Aw! What was that for?" Reklamo ni hinayupak habang pinipingot ng mama niya ang tenga niya.
Nag-freeze ang mga luha ko. Ang epic ng itsura ni hinayupak!
"Bakit hindi mo agad sinabi na magkasama na pala kayo ni Sizzi? Kailan pa? Kailan pa naging kayo? Magiging lola na ba ako?" Sunud-sunod na sabi ng mama niya.
"MOM! Ang utak mo!" Sigaw ni hinayupak habang pilit na tinatanggal ang pagkakapingot sa kanya ng mama niya niya.
"By the way, hija." Lumapit sa akin ang papa ni hinayupak. "Call me Tito Leo and call my wife Tita Trizel."
Nag-bow ako ng kaunti. "Nice to meet you po."
"Ang ganda-ganda mo Sizzi. Nagmana ka kay Sarah." Biglang lumapit sa akin si Tita Trizel (hoo!) at niyakap ako.
Ngumiti ako ng alangan. "Hindi po ako maganda."
"What? Who told you that? Sabihin mo sa akin at babarilin ko ngayon din!" Gulat na sabi ni Tita Trizel.
"Sigurado ba kayong wala kayong relasyon?" Tanong ni Papa.
Napasinghap ako. "Wala Papa!"
"Anong meron at pumunta kayo rito, Mom at Dad?" Tanong ni hinayupak kina Tito Leo.
"Wala naman. Masama bang bisitahin ka namin?" Tanong ni Tita Trizel.
"Bakit? Dahil hindi natuloy ang gagawin nyo dapat ni Sizzi?" Pang-aasar ni Tito Leo.
"Dad!" Nanlaki ang mata ni hinayupak.
Napayuko naman ako. Aish!
Narinig ko ang tawa ni Tito Leo. "Just kidding son. Habang papunta kami rito ay nakita namin si Frederick at Sarah kaya isinama na lang namin sila."
Ah? So friends pala ang parents namin ni hinayupak?
"Kaya naman pala hindi ka na pumupunta sa bahay kapag weekends kasi magkasama kayo ni Sizzi." Batospa ni Tita Trizel.
Napatampal sa noo niya si hinayupak at umiling-iling. Now I know kung bakit naging magkaibigan ang parents namin. Parehong OA mag-isip ang mga nanay namin.
"Magluluto lang po---"
"Don't bother Sizzi. Kami na lang ni Sarah ang magluluto, okay?" Putol ni Tita Trizel sa akin.
"Pero po---"
"Namana mo nga kay Frederick ang katigasan ng ulo mo." Natatawang sabi ni Tita Trizel.
"Imposible naman po kasing sa inyo ako magmana, 'di ba?" Pabiro kong sabi.
Napatawa sila.
"At namana mo kay Sarah ang pagkapilosopo mo." Dagdag ni Tito Leo.
Napangiti na lang ako.
Kinuha ko ang sketch pad ko at tahimik akong nag-drawing. Meet the parents kasi ang chenes namin ngayon.
Hindi na ako magtataka na magulang nga ni hinayupak si Tita Trizel at Tito Leo, manang-mana ni hinayupak ang mga ugali nila eh.
Habang nagdo-drawing ako ay kakwentuhan naman si Papa at Tito Leo. Mga isip-bata rin pala sila. Tsk.
Napahinga ako ng malalim no'ng tapos na akong mag-drawing. Pag-angat ko ng tingin at nakatingin pala sa akin si hinayupak at nakangiti.
Umirap ako, pero napangiti rin naman ako.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro