Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #35: Izzy and Rence

Therence's Punch

"Halos ilang araw nang ngiting gag* ang isang 'yan ah." Rinig kong sabi ni Clark.

"Sila kasi ni Sizzi ang nanalong Mr. and Ms. School Fest. Naniniwala ata ang isang 'yan do'n sa sabi-sabi." Komento naman ni Jayzee.

Kasalanan ko pa? Masama bang maging masaya?

Napailing na lang ako.

Eh kahit nga 'yong tatlong bulilit ay tuwang-tuwa no'ng malaman nilang kami ni Sizzi ang nanalong Mr. and Ms. School Fest.

"Hmm, excuse me."

Napatingin kami sa nagsalita. Ah, isa ito sa dating organizer no'ng concert. 'Yong nagsabi no'ng kung kailan ang performance ni Sizzi.

Ka-year level lang pala namin siya.

Ano ngang pangalan nito?

"Bakit?" Tanong ni Jayzee.

"I-interview-hin ko sana si Therence since sila ni Sizzi 'yong nanalong Mr. and Ms. School Fest. Para sa school paper ito." Sabi niya at ipinakita ang ID niya bilang journalist ng school paper namin.

"Bakit si Therence lang? 'Di ba dapat si Sizzi rin?" Nagtatakang tanong ni Clark.

"Kanina ko pa hinahanap si Sizzi kaso hindi ko siya makita eh. Nauli ko na ata ang buong school." Sabi nito habang inilalabas ang isang recorder.

"Natutulog 'yon." Natatawa kong sabi.

"Hmm, pwede ka bang ma-interview? Para kasi may masimulan na rin ako. I-interview-hin ko na lang ulit kayo ni Sizzi na magkasama." Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Sure."

"Hahanapin na namin si Sizzi. Para naman ma-interview mo na rin siya." Paalam ni Clark at Jayzee.

Good luck sa dalawang 'yon kapag ginising nila si Sizzi.

"Ako nga pala si Izzy Torres." Pakilala niya sa akin.

Izzy?

Naghahanap ako ng playground dahil gusto kong maglaro.

May nakita akong playground pero iisang bata lang ang nando'n.

Nakaupo lang ito sa swing at parang tulala.

Gulatin ko kaya?

Dahan-dahan akong lumapit sa batang babae. "Huy!"

"P*cha!" Mura nito.

Nagulat ako. Kababaeng tao ay palamura!

Galit siyang tumingin sa akin. Mukhang ka-edad ko lang siya.

"Sino ka ba? Ano bang problema mo?" Bulyaw nito.

"Tulala ka kasi."

"Ano namang pakialam mo? Hindi kita kilala, umalis ka nga rito!"

"Bakit? Sa inyo ba 'to?"

Bumuka ang bibig niya para magsalita ulit pero itinikom din niya ito at inirapan ako sabay punta sa slide upang doon maupo.

Siya ang kauna-unahang babae na nagtaray sa akin. Karaniwan kasi sa school eh sobrang babait ng mga babae sa akin.

Lumapit ulit ako sa kanya. "Ako nga pala si Therence. Ikaw?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo ang pangalan ko?"

"Dahil tinanong ko?"

"Bwisit ka."

"Pangalan lang eh!"

"Izzy."

"Izzy lang?" Tanong ko.

"Mahaba ang pangalan ko. Tinatamad akong sabihin."

Tumangu-tango na lang ako. Tamad pala siya.

Pitong taon pa lang ako no'ng makilala ko si Izzy.

At buong akala ko ay siya na rin ang mapapangasawa ko. First love eh.

Oo na. Bata pa lang ako ay pag-ibig na agad ang inatupag.

Ito nga kaya si Izzy?

"Full first name mo na ba ang Izzy?" Tanong ko.

Umiling ito. "Nickname ko lang. Medyo mahaba ang first name ko eh. Izabella Zychie Yen ang first name ko."

F*ck.

"No'ng bata ka ba... mga seven years old, may nakilala ka bang Rence?" Tanong ko.

Teka. Parang ako ang nang-interview ah?

Kumunot ang noo niya. "Rence?"

Tumango ako.

Sa sobrang katamaran kasi ni Izzy, pati Therence tinamad siyang sabihin kaya ginawa niyang Rence ang tawag sa akin.

Si Izzy lang ang pinayagan kong tumawag ng Rence sa akin.

Naaalala pa kaya niya ako?

"May kakilala akong Rence. Pero marami." Nag-isip siya. "Hindi ko tanda kung no'ng seven years old pa lang ako ay may Rence na akong kilala."

Hindi niya ako naaalala?

O baka hindi siya ang Izzy na nakilala ko ten years ago?




Sizzi's Punch

Napahikab ako.

Grabe, mahaba-haba rin pala 'yong tulog ko.

Narinig kong bumukas ang pinto rito sa rooftop. Sinilip ko naman kung sino ang nagbukas. Si Jayzee at Clark.

"Huy!" Tawag ko sa kanila.

Napalingon sila sa akin at napahinga ng maluwag ang dalawa.

"Bakit?" Tanong ko at lumapit sa kanila.

"Buti na lang at gising ka. Kasi kung tulog ka, paniguradong bubulyawan mo kami kapag ginising ka namin." Sabi ni Jayzee.

Panigurado nga. "Anong meron?"

"May gustong mag-interview sa inyo ni Therence kaya hinanap ka namin." Sabi ni Clark. "Kausap na siya ni Therence."

"Bakit kailangan pa ako? Kausap na naman pala ni hinayupak."

"Kayo kasi ang nanalong Mr. and Ms. School Fest." Pang-aasar ni Jayzee.

Napaiwas ako ng tingin. Pinaalala pa eh!

Napatingin ulit ako sa kanila para magtanong pero natigilan ako.

"Nakita ko na ba kayo dati?" Tanong ko.

Mula first year pa lang ay 'yan na ang gusto kong itanong sa kanila. Mukha kasi silang pamilyar.

Parehong nangunot ang noo nila. "Huh?"

Umiling ako. "Wala." Nag-umpisa na akong maglakad. "Sinong interviewer?"

"Ano ngang pangalan no'n?" Sabi ni Clark. "Izzy ata."

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din ang dalawa.

"Bakit? May problema ba Sizzi?" Tanong ni Clark.

"Wala." Sabi ko na lang at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Pagkarating namin kung nasaan sina hinayupak ay nag-uusap sila no'ng 'Izzy', 'yong parang walang konek naman sa interview ang topic. Aba? Close na agad?

Bakit pakiramdam ko ay milyung-milyong kutsilyo ang humiwa sa puso ko?

Umiling-iling ako para mawala 'yong naisip ko. Inaantok pa ata ako.

Biglang napalingon sa gawi namin 'yong 'Izzy'. "Hi Sizzi! Finally!"

Pinigilan ko ang sarli kong mag-roll eyes.

There is plasticity in her voice. Na parang ang gusto niyang sabihin ay 'Dapat hindi ka na dumating!'

Tinap ni hinayupak ang bakanteng upuan sa tabi niya. Uupo na sana ako kaso ang walanghiyang 'Izzy' na ito ang umupo.

Hayup 'to ah.

Nagulat din si hinayupak pero pinabayaan na lang niya. Umupo na lang ako sa tapat niya. Tatayo na sana si hinayupak para lumipat siguro sa tabi pero itinaas ko ang kamay ko, 'yong stop sign ba. Gano'n.

Nagpaalam naman si Jayzee at Clark dahil hindi naman daw sila katatas-pulong.
(A/N: Katatas-pulong = kasali)

Nagsimula na ang interview. Interview ni 'Izzy' kay hinayupak.

Wow. Eh 'di sana hindi na ako nag-effort pumunta rito.

Tang*na.

"Hindi n'yo naman sinabi. Hindi naman pala ako i-interview-hin. Nakakap*tang*na kayo ah." Nakataas ang isang kilay na sabi ko.

Tinaasan ako ng kilay ni 'Izzy'.

Argh. Nabubwisit akong sabihin ang pangalan niya.

"You're not a journalist, are you?" Tanong ko kay 'Izzy'. "For you to know, may tatak lahat ng gamit ng staffers ng school paper. How come na walang tatak 'yang mga gamit mo?"

Natigilan 'yong 'Izzy'. Gulat na napatingin si hinayupak dito.

"N-naiwan ko sa office 'yong---"

"Alis na ako." Sabi ko at dali-daling tumakbo.

Gag* talaga si hinayupak! Bakit hindi niya alam ang tungkol do'n? Gano'n ba siya ka-uto-uto?
(A/N: Uto-uto = madaling malinlang o maloko)

"Wait! Sizzi!"

Wait mo ang mukha mong gag*ng hinayupak ka!

Tumakbo ako palabas ng gate. Makapag-cutting na nga lang!

"Sizzi!"

Argh! Sinundan pa rin ako!

Dahil pagod na ako katatakbo ay huminto ako. Habol ko pa ang hininga ko no'ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat.

Pumiglas naman agad ako.

"Sizzi."

"Ano?" Singga ko sa kanya.

"I'm sorry sweetheart. Hindi ko alam ang tungkol do'n."

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo."

"Sweet---"

"Stop calling me sweetheart, you f*cking annoying guy!"

"Are you jealous?"

Natigilan ako. "What? Of course not!"

Napatawa ng mahina si hinayupak at inayos ang buhok ko. "You're not a good liar, sweetheart."

May narinig akong palakpak, sarkastikong palakpak.

"What a nice scene."

Napalingon kami ni hinayupak sa nagsalita.

At nanlaki ang mga mata ko noong makita ko kung sino ang nagsalita.

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro