Fight #33: School Festival (Part 1)
Sizzi's Punch
"Hoy! Hindi ganyan!"
"Ang pangit nito! Reject! Ulitin n'yo!"
"'Yong walang ginagawa ay maglinis!"
"Bumili kayong pagkain!"
"Hindi pantay! Ano ba 'yan!"
Lalo akong napasimangot! Kaiingay! Daig pang nasa palengke! Eh magkakalapit lang naman ay grabeng magsigawan. Parang nasa magkabilang mundo!
Next week na kasi ang School Festival namin kaya ayan, mga abalang-abala para sa booth.
Ano ang booth namin? Photo booth! Busy sila sa paggawa ng iba't ibang background tapos mga paraphernalias.
Oo, sila lang talaga ang busy. Nakapanood lang ako sa kanila eh.
Tiningnan naman ako ng masama ni Tiffany, 'yong rank number one sa klase. Siya rin kasi ang President eh.
"Sizzi!" Tawag nito sa akin nang pagalit.
"Oh?"
"Bumili kang pagkain!" Salubong ang kilay na sabi nito.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Akin na ang pambili."
"Ikaw na ang kumuha sa Treasurer. Mukha bang nasa akin ang pera?" Galit nitong sabi.
Relax Sizzi. Hingang malalim, huwag mong suntukin 'yan. Pigilan mo ang sarili mo.
"Malay ko ba kung kinukuha mo sa Treasurer ang pera para sa pambili mo ng ticket sa concert ni Ed Sheeran." Kibit-balikat kong sabi.
"Pinagbibintangan mo ba ako?" Paasik niyang sabi.
"Wala akong sinasabi. Sa iyo na mismo nanggaling." Sabi ko at lumapit na kay Treasurer.
"Oh eto na ang pera, Sizzi. Hmm, 'yong kakasya sa ating lahat ang bilhin mo ha? Gusto mo bang magpasama?" Tanong agad ni Treasurer na si Mariann sa akin.
Buti pa ito, mabait.
"Nah, kaya ko na 'to." Sabi ko pagkakuha ko ng pera.
"Sigurado ka ba? Ayaw mong magpasama kay Therence?"
"Sus. Kaunti lang naman ang bibilhin ko."
"Huwag mo na lang pansinin si Tiffany. Insecure lang 'yan sa'yo." Bulong niya sa akin.
Napatawa naman ako. "Pasalamat siya nakapagtimpi pa ako. May black eye na sana siya ngayon."
"Delos Reyes! Bilisan mo nga! Nakikipagtsismisan ka pa!" Galit na sigaw ni Tiffany.
Nagroll-eyes na lang ako. Argh. Gustung-gusto ko nang basagin ang mukha niya!
"Wooo~ lakas lang ng loob sigawan si Sizzi dahil wala sina Therence dito."
"Masabi nga mamaya. Lagot 'yang Tiffany na 'yan."
"Kaarte. Hindi naman niya ikinaganda."
"Walang-wala siya kay Sizzi."
"Naging rank one lang naman 'yan dahil straw siya."
(A/N: Straw, meaning sipsip)
"No, huwag n'yong sabihin kay hinayupak." Sabi ko sa dalawang kaklase ko.
Nagulat naman sila, pero tumango rin. Lumabas na ako ng room dahil kulang na lang ay ipagtulakan ako ni Tiffany palabas ng room.
Kung hinahanap n'yo sina hinayupak ay hindi ko alam. Mukha ba akong tanungan ng nawawalang hinayupak?
Nakakahawa pala 'yong init ng ulo ni Tiffany. Tsk.
Ewan nga do'n. Insecure raw sa akin, sabi ni Mariann. Aba. Mukha ba akong kainse-insecure? Kainamana.
Mabuti na lang at may 7Eleven na malapit dito kaya madali lang itong pamimili ko. Hmm. Ano ba 'yong gusto nila?
Bumili na lang ako ng mga limang 1.5 litres na softdrinks. Kasya na siguro sa kanila 'yon? Hindi naman kasi lahat ay may ginagawa eh.
Kumuha na lang din ako ng mga tinapay at ilang chichirya dahil tuwing break time naman ay 'yon ang nakikita kong kinakain nila.
Whoa. Medyo marami rin pala ito. Pero kaya ko naman eh.
Nagbayad na ako sa counter ng mga pinamili ko.
"Ma'am, sigurado ka pong kaya mong mag-isa 'yan?" Tanong ni Ate Counter.
"Opo. Kaya ko ito." Sabi ko na lang.
Mukha bang hindi ko kaya 'to?
Kinuha ko na 'yong supot na pinaglalagyan ng softdrinks no'ng biglang may umagaw nito sa akin.
Si hinayupak.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Tinutulungan ka." Sabi niya at kinuha 'yong iba pang supot.
"Paano mo nalaman?" Aish, baka nagsumbong 'yong dalawang kaklase ko.
"Sabi ni Mariann pinabili ka ni Tiffany. Tapos hindi ka nagpasama. Obviously ay marami kang bibilhin since para sa lahat ang meryenda dapat." Mahabang paliwanag niya.
Kinuha ko naman 'yong dalawang maliit na supot na natira dahil siya na halos lahat ang nagdala. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa school.
"Dapat nagpasama ka sa akin. Bakit hindi mo sinabi?" Tanong niya.
"Malay ko ba kung nasaan ka. Kaya ko naman pating mag-isa."
"Nagpatulong ang SC sa amin sa gym." Ramdam kong tumingin siya sa akin. "Sinigawan ka nga ni Tiffany?"
Napakunot ang noo ko. Sinabing huwag na nga nilang sabihin kay hinayupak ay sinabi pa.
Hindi ba sila makaintindi ng tagalog? Dapat pala in-english ko.
"Sinong may sabi?" Tanong ko.
"Si Mariann."
Ang daldal din pala no'n. Tsk.
"Sigaw lang naman. Tawa ko lang kapag napaos siya ng kasisigaw."
"Sinigawan mo rin dapat."
Napaka-good influence talaga ng hinayupak na ito. Hello? Nagbabagong-buhay na nga ako oh.
Konti lang naman.
Pagkarating namin sa school ay pinagtitinginan kami. Or, si hinayupak lang? Puro babae ang nakatingin eh.
Agad naman kaming dinumog ng mga kaklase kong gutom na gutom na. Mga kawawa naman.
Nakita ko pang masama ang tingin ni Tiffany sa akin. Tss. Dukutin ko ang mata niya eh.
At halata naman na may gusto siya kay hinayupak. Sus.
"Tiffany." Tawag ni hinayupak.
"Y-yes?" Nagpa-cute naman siya agad. Psh. Nakakaaduwa.
"Gusto mo bang matanggalan ng mata?"
"Huh?"
Lahat kami ay napatingin kay hinayupak. Seryoso ang mukha niya eh.
"Nakikita mo ba ang study area na 'yon?" Tanong ni hinayupak.
"O-oo."
"Eh 'yong garden, nakikita mo?"
"O-oo."
"At 'yang field, nakikita mo ba?"
"O-oo."
"Dudukutin ko ang mata mo at doon ko papagulungin sa mga nabanggit ko kanina kapag nakita pa kitang sinamaan mo ng tingin si Sizzi. Baka pati vocal chords mo ay madamay kapag siningawan mo ulit si Sizzi. Naintindihan mo ba?" Mahabang sabi ni hinayupak.
Malumanay lang ang pagkakasabi niya pero punung-puno 'yon ng pagbabanta.
Napatahimik naman lahat ng kaklase ko. Nangangatal na tumango naman si Tiffany, saka dali-daling lumabas.
Agad naman akong lumapit kay hinayupak at binatukan ito.
"What was that for?" Reklamo nito.
"Sira-ulo ka kasi!"
"Bakit naman ako naging sira-ulo?"
"Alamin mo!" Sabi ko at pumunta na sa upuan ko.
Pero hindi agad ako nakaupo dahil nahagip na naman ng mata ko ang lalaking laging nagmamasid sa akin.
Dali-dali itong umalis no'ng makita niya na nakatingin ako sa direksyon niya.
Paano 'yon nakapasok dito eh mukha siyang outsider? Nakasumbrero kasi kaya hindi ko kita.
Mga minsan nga ay huhulihin ko 'yon. Baka member ng Breakers eh.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro