Fight #32: Worried
Rica's Punch
"Ako na Ate Sizzi." Sabi ko habang kinukuha sa kanya bowl na pinaglagyan niya ng Calderata para ipatong sa mesa.
Ngumiti naman si Ate Sizzi pero inabot din niya sa akin. "I'm fine bunso. Don't worry."
"Sigurado ka bang hindi ka pa pagod Ate Sizzi? Kanina ka pa nagluluto." Nag-aalala kong sabi pagkapatong ko ng Calderata sa mesa.
"Okay na talaga ako. Pramis."
"Sigurado ka ba Ate Sizzi?" I looked at her suspiciously.
Napatawa si Ate Sizzi at marahang tinapik ang pisngi ko. "You're being paranoid Rica. I'm fine really."
Napabuntong-hininga ako. Paanong hindi ako mag-aalala kay Ate Sizzi?
Naalimpungatan ako dahil may narinig akong humihikbi. Sino 'yon? May humihikbi ba talaga o nananaginip ako?
Napatingin ako sa orasan. 5:30 AM pa lang. Ang aga pa! Antok pa ako.
Tutulog na sana ulit ako pero nakarinig na naman ako ng hikbi.
Tiningnan ko ang katabi kong si Ericka at Amae. Mga tulog naman. Tulog mantika pa nga.
Bumangon ako para masilip si Ate Sizzi.
At nagising ang diwa ko dahil sa nakita ko.
Nanlaki bigla ang mata ko dahil si Ate Sizzi pala ang humihikbi! Nakadapa ito sa kama at hawak-hawak ang balakang niya!
"Ate Sizzi? Ate Sizzi, anong problema?" Pabulong kong tanong at nilapitan agad siya.
"R-Rica..." Umiiyak na sabi ni Ate Sizzi.
"Anong problema? Ano Ate Sizzi?" Natataranta kong tanong.
"P-pakikuha ng pain killer sa bag ko please. S-sobrang sakit na. H-hindi ko na kaya."
Agad naman akong tumayo at hinalungkat sa bag niya ang pain killer na gamot. Dali-dali rin akong kumuha ng tubig at inalalayan ko si Ate Sizzi para mainom niya ang gamot.
"T-thank you bunso."
"Anong nangyari Ate Sizzi? Anong problema ng balakang mo?"
Umiling lang si Ate Sizzi. "Gawa ito no'ng bata pa ako."
"Mahina ba ang buto mo? You should drink lots of milk!"
Napatawa si Ate Sizzi at umayos ng higa. Nawawala na siguro 'yong sakit.
"Kung mula pagkabata pa 'yan Ate Sizzi, how come na hanggang ngayon eh sumasakit pa rin 'yan? Ipa-check up mo na."
"No. Ayoko. Ayokong gumastos na naman sina Mama dahil sa akin."
"Pero Ate Sizzi---"
"I'm fine na bunso. Thank you ulit." Sabi ni Ate Sizzi at niyakap ako. "Please don't tell anyone about this, okay? Lalo na sa kuya mo. OA pa naman 'yon."
Napabuntong-hininga ako at tumango na lang.
I don't know kung gaano ko katagal maitatago ito kay Kuya.
"Baka kung ano na 'yan Ate Sizzi. Please? Ipa-check up mo na." Nag-aalala kong sabi.
Napatawa ng mahina si Ate Sizzi. "Magkapatid nga kayo ni hinayupak." Ni-pat niya ang ulo ko. "Huwag ka nang mag-alala bunso. Ayos lang talaga ako."
"Pero delikado 'yan Ate Sizzi. Paano kung makaapekto 'yan sa utak mo? Sa may spinal cord pa naman 'yan."
"Ayoko pa rin. Kaya naman sumasakit pa ito hanggang ngayon ay dahil sa group fights eh."
"Ipapacheck-up lang naman natin Ate Siz---"
"Anong ipapacheck-up?"
Nanlaki ang mata ni Ate Sizzi saka bumalik sa pagluluto. Ako naman ay napangiwi.
Si Kuya.
"Anong ipapacheck-up?" Tanong ni Kuya.
"'Y-yong mata ko Kuya. Sumasakit kasi ang ulo ko." Palusot ko. Nagcross-fingers ako. Sana maniwala si Kuya.
Agad namang lumapit si Kuya sa akin. "I told you na magpasalamin ka na pero ayaw mo." Nag-tsk ito. "Sumasakit pa ba?"
Umiling lang ako. "Okay na ako Kuya. Sus."
Ginulo lang ni Kuya ang buhok ko. Napabuntong-hininga naman ako dahil naniwala si Kuya.
Though, totoo naman na medyo malabo na ang mata ko.
"Pakitawag naman sina Jayzee. Tapos na akong magluto." Sabi ni Ate Sizzi habang nagsasandok ng kanin.
"Ako na dyan, sweetheart." Sabi ni Kuya at lumapit kay Ate Sizzi.
"Ish!" Asar na sabi ni Ate Sizzi. "Lumayo ka nga!"
Napatawa si Kuya. "Why? Gusto kitang tulungan."
"Eh huwag kang lumapit! Ihanda mo na lang 'yong mesa."
Napatawa ng mahina si Kuya saka napailing pero sinunod naman si Ate Sizzi.
Nakangiting pumunta naman ako sa sala para tawagin sina Amae. Kinikilig ako do'n kina Kuya.
"Kakain na." Sabi ko.
At 'yon. Nagpaunahan sila papunta sa dining area. Mga gutom na eh. 12:30 na kasi.
"Wow!" Sabi nina Amae.
"Kainan na! Kanina pa ako gutom!" Umupo agad si Kuya Jayzee at sumandok ng kanin.
Napatawa na lang kami at umupo na rin.
Siniko naman ako ni Ericka na katabi ko. Pagkatingin ko sa kanya, nginuso niya sina Kuya.
Pinaglalagay ni Kuya si Ate Sizzi ng kanin sa pinggan niya.
Tumikhim naman ako para hindi tumili. Grabe! Mahirap magpigil ng tili!
"Anong iuulam mo?" Rinig kong tanong ni Kuya.
"Hinayupak naman. Kaya kong magsandok ng sarili kong pagkain." Reklamo ni Ate Sizzi.
"Ang galing mong magluto Sizzi. Pwede ka nang mag-asawa." Ngumunguya pa si Kuya Clark habang sinasabi 'yan.
Tinutukan naman ni Ate Sizzi si Kuya Clark ng tinidor. "Sira-ulo ka. Manahimik ka."
"Why? May balak ka bang pakasalan si Sizzi?"
Napatahimik kami. Wooo~ Kulang na lang makita mong may dark aura na nakapalibot kay Kuya.
Napataas ng dalawang kamay si Kuya Clark. "Whoa! Ayoko pang mamatay. Wala akong balak. Mamatay man 'yong Allen Walker."
"Eh kung ikaw kaya ang patayin ko?" Sabay na sabi namin ni Ate Sizzi.
Nagkatinginan kami at napatawa. Adik talaga kami kay Allen Walker.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Pero maya't maya ang tingin ko kay Ate Sizzi. Nag-aalala talaga ako. Paano kung sumakit na naman ang balakang niya?
"Bunso." Tawag ni Kuya.
"Hmm?"
"May problema ba kayo ni Sizzi? Kanina mo pa siya tinitingnan."
Oh shoot.
Napatingin si Ate Sizzi sa akin. Tumingin naman ako kay Kuya at napangiwi. Ano bang palusot ang gagawin ko?
"Ah, nai-imagine ko lang 'yong mga posibleng mangyari kapag kayo na."
Napaubo bigla si Ate Sizzi, si Kuya naman nanlaki ang mata kaya napatawa sina Amae.
Inabutan agad ni Kuya ng tubig si Ate Sizzi. "Bunso!"
"What?"
Bumuntong-hininga lang si Kuya at hindi na umimik. Pero namumula siya. Pati nga si Ate Sizzi eh.
Kailan kaya magiging sila? Excited na ako.
Tumingin si Ate Sizzi sa akin. Tingin na nagsasabing huwag akong mag-alala sa kanya dahil ayos lang siya.
Sana nga, ayos lang si Ate Sizzi.
=====
Semi-edited.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro